Episode 4

1660 Words
"Sir Kazimir, wala po ba kayong ipapagawa sa akin ngayon? Sayang po kasi ang ipapasahod niyo sa akin kung wala po kayong iuutos, eh," aniya sa boss niyang ipinaglihi yata sa sama ng loob. Wala naman kasi siyang ginagawa pero araw-araw itong nagagalit sa kaniya sa hindi niya malamang dahilan. Ayaw kasi nitong magpatimpla sa kaniya ng kape dahil baka raw matuluan niya ng laway o 'di kaya'y baka raw lagyan niya ng gayuma. Ang gusto lang nitong gawin niya ay umupo lang daw siya sa harap ng desk nito at panoorin niya itong magtrabaho hanggang sa matapos ito. "Wala ka ba talagang matinong damit?" tanong nito habang lukot ang guwapo nitong mukha. "Puro ba talaga ganiyan ang mga damit mo? Alam mo bang ang baho mong tingnan diyan sa damit mo?" Paano ba naman kasi, simula noong pumasok siya sa law firm nito ay dalawang damit lang ang isinusuot niya. Kumbaga, wash and wear ang peg niya kahit pa nga marami naman talaga siyang damit. Hindi naman kasi talaga siya totoong mahirap kagaya ng pakilala ng ina nito. She is Mercury Hope Dela Cruz, daughter of Emmanuel and Savanna Dela Cruz, the owner of the Hacienda Dela Cruz in Camarines Sur. She is the only heiress because she's an only child. Her mother and Kazimir's mother are best friends that's why she's here in this kind of situation. Ayaw niya nga sanang tanggapin ang offer ni Tita Margarita na ina ni Kazimir kaya lang ay napilitan siya dahil pinilit siya ng mama niya na bantayan niya raw si Kazimir para hindi ito mapunta sa maruming babae. Kapag may mga babae raw na lumandi dito o ito ang lumandi ay dapat daw siyang umeksena para hindi mauwi sa mainit na pagtatagpo ang mga ito. 'Yon lang daw ang gagawin niya pero kalaunan ay nagdagdag ito ng isa pa at 'yon ay ang magkunwari siyang mangkukulam para matakot si Kazimir at ang mga babae na gusto itong lapitan. Sa dinami-rami ng babae sa mundo, hindi niya alam kung bakit siya ang napili ng mama nito gayong hindi naman siya mukhang mangkukulam. Kaya lang naman siya nagmumukhang katakot-takot dahil sa make-up na pinaghalo-halo niya na inilagay sa mukha niya kahit wala naman sa hulog. In short, masyadong matapang to the point na mukha na siyang panda. She's trying hard to be a witch, 'ika nga. Kung makikita siguro siya ng mga kaibigan niya ngayon ay siguradong mamamatay ang mga ito sa katatawa. Hindi niya alam kung bakit nandito siya sa sitwasyong ito gayong hindi pa naman siya sawa sa buhay niya. Kung hindi lang talaga niya mahal ang mama niya ay hindi niya ito susundin sa gusto nito. "Hoy, babae!" Binato siya nito ng kapirasong papel na binilog nito at tumama iyon sa mukha niya. "Kanina pa ako nagsasalita rito pero parang wala kang naririnig!" Kaunti na lang talaga hahampasin niya ito ng manika na dala niya. Araw-araw ay iba't ibang manika ang nakalawit sa bag niya at ang lahat ng iyon ay binili ng mama nito at ibinigay sa kaniya para gamitin niya araw-araw. "Po? May sinasabi po ba kayo, Sir?" magalang niyang tanong sa boss niya na hindi niya alam na kampon pala ng kadiliman ang pag-uugali. Kasingdilim kasi ng gabi ang pakikitungo nito sa kaniya dahil lang sa damit at make-up niya na hindi raw nito gusto. "Wala! Nakalimutan ko na dahil sa tagal mong sumagot!" "Pasensiya na po kung medyo lutang ako ngayon. Iniisip ko po kasi kung saan na naman ako mangungutang ng bigas mamaya," aniya sa malungkot na boses para hindi na siya nito sigawan pa. "Wala rin po kasi kaming asin, vetsin, paminta, sibuyas at bawang. Paano, sobrang mahal po kasi ng bilihin ngayon kaya hirap na hirap po akong mag-budget." "So, ano'ng gusto mong palabasin? Na dapat problemahin ko rin ang problema mo?" Umiling-iling siya. "Hindi po, Sir. Hindi po gano'n." "Eh, ano ang gusto mong iparating sa akin?" "P'wede ko po bang i-advance ang isang taon kong sahod?" Napamulagat ito. "Wala ka pa ngang isang linggo pero pag-a-advance na kaagad 'yang nasa isip mo! Hindi rin makapal 'yang mukha mo, 'no?" "Hindi po, Sir. Hindi po makapal ang mukha ko. Sadyang dala lamang po 'to ng pangangailangan ko. Iyong apat ko po kasing kapatid ay puro po mga malnourished kaya po naisipan ko na mag-advance para po bilhan sila ng vitamins, prutas, gulay, maraming bigas para po tumaba sila." "Isang buwan lang ang puwede mong i-advance at hindi pang-isang taon." May natitira pa naman pala itong kabutihan sa puso nito. "'Yang mukha mo kaduda-duda. Mamaya niyan, hindi ka na pumasok kapag nakuha mo na ang gusto mo." "Po? Hindi po ako ganoon, Sir! Ako po'y pinalaki ng inang at amang ko na maging tapat sa lahat ng oras. Aba'y pera lamang ito at hindi ko dudungisan ang pagkatao ko dahil lang sa maliit na halaga." "Maliit na halaga?" Sarkastiko itong tumawa. "Six hundred thousand is not a small amount, woman. Baka nga kahit fifty thousand wala ka, eh." "Wala nga po." "See?" Umismid ito. "Ilang make-up ba ang ginamit mo para magmukha kang ganiyan?" Halatang iinsultuhin na naman siya nito. "Akalain mo 'yon, walang-wala na nga kayo ng pamilya mo pero nagagawa mo pang maglagay niyan sa mukha mo. Eh, kung ibinili mo na lang sana ng mga pangangailangan niyo ang pera na ipinambili mo niyan, eh, 'di sana hindi naging malnourished ang mga kapatid mo. Sisihin mo iyang sarili mo dahil masyado kang maluho." "Kailangan ko po kasing maging presentable sa trabaho kaya po bumili ako ng make-up. Isa pa po, sa bangketa ko lang naman ito nabili. Murang-mura po ang mga ito, Sir," aniya sabay haplos sa mukha niya. "Kapag po kasi may make-up ako, tumataas po ang self-confidence ko, Sir. Feeling ko po lahat ay kaya kong gawin. I mean, lahat po ay nagagawa ko ng walang kahirap-hirap." "Really?" "Opo, Sir." "Kaya mong gawin ang lahat? As in, lahat-lahat? So, kaya mong maglinis ng building? Okay, good. Gusto kong linisin mo ang buong building na 'to, babae. Hindi tayo uuwi ngayong gabi dahil ang gusto ko ay linisin mo ang building na 'to." "Po? Office work po ang tinutukoy ko, Sir. Hindi ko naman po sinabi na lahat ng trabaho ay alam ko at kaya kong gawin." "I don't care." "Maawa naman po kayo sa akin, Sir. Kapag po nalaglag ako diyan at nabalian ng buto ay baka po mamatay ang mga kapatid ko dahil wala na pong maghahanapbuhay." Pinapungay niya ang mga mata niya nang may maisip siyang ibang paraan na alam niyang ikakatuwa nito. "Sir Kazimir." "What?" "Magaling po akong magpaligaya." "What do you mean, woman?" "Expert po ako sa pagpapaligaya sa mga lalaki. 'Yong tipo po na titirik ang mga mata nila dahil sa sobrang kaligayahan gamit lang po ang dalawa kong ka–" Hindi niya natapos ang mga sasabihin niya pa sana nang bigla siya nitong batuhin ng folder. "Namimihasa na po kayo sa kakabato sa akin, Sir." "P'wede bang lumabas ka muna? Kapag hindi ako nakapagtimpi sa iyo, ihuhulog talaga kita sa bintana." "Bakit po ba galit na galit na naman kayo?" "Because you're f*****g pervert, witch!" "Bakit naman po? Hindi ko naman po kayo nilalandi, ah?" "Ano ako tanga para hindi maintindihan ang mga sinasabi mo?" "Magaling po akong maghilot, Sir," imporma niya rito dahil alam niyang iba ang pagkakaintindi nito sa sinabi niya base sa reaksiyon nito. "Gusto niyo po bang hilutin ko kayo?" Tumayo ito at dinukot ang wallet nito sa loob ng pantalon. "Take the cash and leave!" "Ito na po ba ang hinihingi kong advance kanina?" "Oo." "Salamat po, Sir!" aniya at hinalik-halikan pa ang tig-iisang libo na binigay nito. "Nawa'y pagpalain po kayo araw-araw at sana po ay bigyan pa po kayo ng malakas na pangangatawan para po marami pa kayong matulungan. Napakapalad ko po at kayo ang naging amo ko!" dugtong niya na may kasamang pang-uuto. "Agahan mong pumasok bukas," sabi nito pagkatapos siya nitong bigyan ng pera. "Bakit po?" "Dahil gusto kong kumain ng buko." "Oh, tapos po? Ano po ang kailangan kong gawin?" "Gusto kong ikaw mismo ang umakyat sa puno ng buko bukas ng umaga." Nanlaki ang mga mata niya. "Bakit po ako? Magbayad na lang po kayo ng tao para po umakyat sa buko tutal naman po mayaman kayo, eh." "Kung gano'n, ibalik mo iyang pera ko dahil wala na akong ibang pera bukod diyan." Mabilis niyang itinago sa likod niya ang perang ibinigay nito. "Ano'ng oras po ba ako aakyat bukas? Madaling-araw po ba, tanghali o hapon?" "Maghapon kang aakyat dahil maghapon akong kakain ng buko kasama ang mga kaibigan ko." "Easy! 'Yon lang po ba, Sir?" Hindi ba nito alam na magaling siyang umakyat? Kawayan nga kaya niyang akyatin, puno ng niyog pa kaya? "Sige na, umuwi ka na para magising ka ng maaga bukas." "Sige po, Sir! Salamat po dito sa pera. Ingat po kayo pauwi!" Nang ngumiti siya ng malapad ay hindi maipinta ang mukha nito. "Bye, Sir Kazimir!" Siguradong bibilib ang lalaking 'to sa mga bagay na kaya niyang gawin. Laking Hacienda siya kaya wala siyang hindi kayang gawin. "Kapag po nahulog ako, dalhin niyo po agad ako sa orthopedic, ha?" "Bakit ko naman gagawin 'yon?" "Eh, kasi po secretary ang trabaho ko tapos biglang naging taga-akyat na lang ng puno. Natatakot po ako na baka malaglag ako." "Kaya galingan mong umakyat para hindi ka malaglag. Kumapit ka ng mahigpit sa puno at gamitin mo iyang utak mo hindi iyang bibig mo." "Sige po. Hindi po ako matutulog ngayon para mag-practice kung paano umakyat ng puno. Sana lang talaga hindi ako madisgrasya dahil kawawa ang pamilya ko na maiiwanan." "Sige na, umuwi ka na." "Opo." Kunwa'y laglag ang mga balikat niya nang lumabas siya mula sa opisina nito. Habang naglalakad siya sa hallway ay pinagtitinginan siya ng mga empleyado ni Kazimir. Halo-halong emosyon ang nakikita niya sa mukha ng mga ito pero mas nangingibabaw ang takot at pagdududa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD