Friday. Masayang-masaya ang cooperating teacher ko na iniabot sa akin ang lesson plan ko na wala man lang correction. Tapos na ang klase. Pauwi na kami nang i-check n'ya iyon. Ngayon nga'y tapos na. "Grabe ka, Ma'am Anais. Ang ganda ng lesson plan mo. Isa pang advantage ay alam na alam kong kaya mong i-execute ang lahat ng nasa LP mo. Good job, Ma'am Anais." "Thank you po, Ma'am Susane. Ihahanda ko na po iyong visual aids ko pati na iyong sa PowerPoint presentation ko." "Go, Anais. Mas better sigurong iyon na ang paghandaan mo. Tuesday ang final demo n'yo, 'di ba?" "Opo." "Huwag ka nang maghanda ng klase mo ng Monday. Ako na ang bahala roon. Ang atupagin mo ay iyong para sa final demo mo. Pero kailangan mo pa ring pumasok." "Opo, Ma'am Susane. Salamat po." Sumenyas ito sa akin na pwe