Katatapos kong ipaliwanag kay Tempest at Elio ang iba't ibang uri ng style ng damit, tamang dumating si Andeng na may dalang pasalubong. Parang nakalimutan ng dalawang bata na kasama nila ako. "Wow! Chicken joy po ito?" excited na tanong ni Elio sa Mama Andeng n'ya. "Chicken happiness, 'nak. Hindi pa kasi afford ni Mama Andeng ang chicken joy. Kaya roon muna ako sa tag-15 pesos bumili." "Mama Andeng, okay lang po. Kamukha naman po ng chicken joy." Nakakaunawang ani ni Elio sa Mama n'ya. "Mama Andeng, ito po? Spaghetti po ba ito ng Jollibee?" tanong ni Tempest sa Mama Andeng n'ya. "Hindi, 'nak. Sa palengke ko lang nabili." "Ah, okay! Spaghetti pa rin naman eh." Sila na ang humawak ng plastic. Habang lumalakad pabalik sa waiting shed kung saan ako nakapwesto. "Anais, may tsismis ako s