"Ma'am Anais, dito ka na mag-print ng copies ng lesson plan mo. Para less gastos na." "Talaga po, Ma'am Susane? Thank you po." Tapos na kasi itong mag-print kaya ako naman ang nagsalpak sa laptop nito ng flashdrive at nag-print ng copies ng lesson plan ko. Sumama ako sa first subject kahit hindi ako nagklase. Nagpaalam lang naman ako sa mga student ko. May mga umiyak pa nga, at iyong makukulit na boys sa first subject ay tumakbo pa palapit sa akin at paulit-ulit na nagpasalamat. I know mami-miss ko sila. Ang laki nang naging ambag nila sa journey ko as practice teacher nila. "Mami-miss ka ng mga bata, Ma'am Anais." Nilingon ko ang ginang na malawak ang ngiti sa akin. Titig na titig pala ito at ngayon ay medyo maluha-luha. "Sana kapag nakapag-exam at nakapagpa-rank ay rito ka mapunta sa