When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Halos sabay kaming napabalikwas ni Andeng. Nag-unahan sa pagtungo sa labas at dumuwal. Pakiramdam ko'y umiikot ang mundo ko, at sa tingin ko'y gano'n din ito. Sumusuka ako pero wala namang lumalabas. Gano'n din ang babae. Parehong maluha-luha. Hirap na hirap sa kaduduwal na wala namang inilalabas. Nang kumalma ang pakiramdam ay pareho naming inalalayan ang isa't isa. Saka kami pumasok sa loob ng bahay. "Tanginang sitwasyon ito, bakit naman kailangan sabay pa nating pagdaanan ito?" naiiyak na tanong ni Andeng. Nahihilo man pero kumilos ako para kumuha ng maligamgam na tubig, nilagyan ang dalawang baso saka ko dinala kay Andeng at iniabot dito. Pareho kaming uminom ng tubig pagkatapos ay pareho ring yumukyok sa mesa. "Hindi ganitong pregnancy journey ang nai-imagine ko, Anais. Sumagi