Chapter 1

2890 Words
Chapter 1 Luna's POV "Luna, look!" matinis na tawag sa akin ni Mary. Tiningnan ko siya agad. Tumaas ang kilay ko nang makita ko siyang nakatitig sa may bulletin board malapit sa opisina ng school President. "List of graduating students this year!" Namamangha niyang sabi. "Bongga! Naka-bold pa talaga 'tong pangalan ng asawa mo a! Student with a highest honor pa nga!" Mabilis akong naglakad patungo sa kanya. Ngayon ay magkatabi na kami at parehas na nakatunganga sa nakapaskil na announcement sa bulletin. Totoo nga, gra-graduate na talaga si Ali. Nakangiti nang wagas na napatingin siya sa akin. Naglaho ang ngiti niyang nang makita niya ang mukha kong walang reaksiyon. "Anong nangyari sa mukha mo? Hindi ka ba masaya?" "Masaya..." pinilit kong magmukhang masaya pero hindi talaga kaya ng powers ko. "No, you're not." Sumimangot ako pagkatapos ay napabuntong hininga nang malalim. "Ikaw ba na naman 'yong mawawalan ng tutor? Sigurado akong magiging busy na si Ali kapag nag-college na siya. I don't even sure kung saan niya balak mag-aral e..." malungkot kong wika. Tila nakita ko ang sarili ko sa kanya pagkatapos kong magsalita. Biglang lumungkot ang mukha niya. "Oo nga 'no? Bakit kaya hindi ko agad naisip 'yan? Paano na tayo makaka-survive sa last year natin dito kapag wala na 'yong tumutulong sa atin sa mga problema natin dito sa school?" "True! Ewan ko nga rin e... Pero kahit pa kinakabahan ako, masaya pa rin ako para sa kanya." pilit akong ngumiti para man lang gumaan ang nararamdaman ko. Posibleng mawalan ako ng support sa pag-aaral ko pero diploma naman ni Ali ang kapalit. Para sa akin, good 'yon. "Kausapin mo na lang siya. Kumbinsihin mong mag-aral lang siya sa malapit na college University." biglang suhestiyon ni Mary. "Hindi ko pa siya nakakausap tungkol diyan. Baka mamaya na lang pagkauwi ko sa bahay." "Wala naman talagang dapat ikalungkot e. Itong mga utak naman talaga natin ang nakakalungkot. Ang hirap talagang maging tanga." lukot na lukot ang mukhang sabi niya na siyang nagpatawa sa akin. "Oo nga... Pero sa totoo lang, itong kahinaan ng utak ko talaga ang naging alas ko sa buhay. Hindi naman kami magiging close ni Ali kung hindi ako bobo e. Dahil mahina ako, kailangan niya akong tulungan sa mga homework at projects ko. Nagkaroon kami ng madaming time together. Itong slow at mahina kong utak na 'to ang nagbigay sa akin ng love life!" Kinikilig kong sabi. "Kaya masasabi kong," Tumingala ako at wala sa sariling napangiti. "ang sarap palang maging tanga kung minsan. Hehehe..." Pinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib ko. "Oh my God, I love my brain! Life is unfair sometimes but fair in some other ways too!" "Pucha, sana all!" sabay pitik sa hanging nasambit na lang ni Mary. "Sana all may asawang matalino, gwapo, sikat, hot at cold! Ikaw na ang may asawang perfect!" Natawa na lang ako dahil sa mga pinagsasabi niya. Akala ko rin talaga na-in love ako kay Ali dahil nasa kanya na ang lahat pero hindi. He's more than the Ali that we always see on television. He's far from the roles he is playing in his movies or TV shows. Hindi siya 'yon. Sa totoong buhay, hindi ka kayang pakiligin ng isang Yeovil Ali Min Voglianco. He is one of a kind. I never see myself falling in love with him the very first day I saw him. With just one word from him, he can blow your mind even in a whisper mode. He's not sweet but he can make you comfortable and safe. It is easy to fall in love base on what we see in them with their roles that they are acting. As time flies, I realized that actors are not an ideal man or woman always. Madami rin silang mga imperfections sa totoong buhay, just like Ali. Pero hindi ko alam kung bakit kinikilig at sumasaya pa rin ako kahit nandiyan lang siya. Sa simpleng salita at galaw lang niya, masaya na ako. Siguro dahil natutunan  ko na ring yakapin ang mga mali sa kanya. I am not living with a king or prince, I am living with the man of my life. Tumingin ako kay Mary. Nakangiting pinagsilop ko ang mga kamay namin pagkatapos ay hinila siya. Ngayon ay sabay na kaming naglalakad. "Alam mo best, walang perfect na tao. Mukhang perfect lang, mayroon." Tumigil ako sa paglalakad para harapin ulit siya. "I-enjoy mo lang ang buhay mo habang bata ka pa. Masuwerte ka kasi hindi uso ang arrange marriage sa pamilya niyo. Hindi ko kasi alam kung kakayanin mo 'yong mga pinagdaanan ko dahil maaga akong nahiwalay sa piling ng mga magulang ko. Nami-miss ko sila lagi. Walang araw at gabi akong hindi umiyak noon dahil pakiramdam ko ay mag-isa na lang ako. Ang hirap kasi makikisama ako sa taong hindi ko naman kilala masyado noon. Ang masaklap, Fiance pa siya ng Kapatid ko. Pero kanya-kanya talaga tayo ng kapalaran. Iba-iba tayo ng mga dalahin sa mundong ito. At ibinigay sa akin ng Diyos ang pagsubok na para sa akin kasi alam niyang ito 'yong magdadala sa akin sa sayang nararamdaman ko ngayon..." Ngumiti ako sa kanya. Mas lumapad pa ang ngiti ko nang maalala ko si Ali. Hinihintay na siguro niya ako sa bahay. Nagpunta lang naman ako rito sa school para samahan si Mary na mag-pass ng mga projects niya. "Pero kung ako ang nasa kalagayan mo best, mag-iinarte pa ba ako? Crush na crush ko 'yong asawa mo. Sobrang baliw na baliw ako sa taong pagmamay-ari na pala ng best Friend ko. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon sa akin?" "Alam ko. Kaya nga nag-sorry ako sa 'yo nang paulit-ulit noon. Talagang hindi pa ako handang i-share sa iba ang tungkol sa amin ni Ali that time." "No need to explain, alam ko na lahat 'yan!" Itinaas niya ang kamay niya para patigilin ako. "Nag-umpisa kasi kami sa wala, best. Walang nararamdaman at walang pakialamanan. Siguro kung crush ko lang siya sa umpisa pa lang, baka nakaya ko pa ang lahat... Ganoon talaga e, kailangan naming mag-umpisa sa ganoon para sa ngayon." Pagpapatuloy ko pa rin. "Tama ka riyan, best." Sang-ayon niya pagkatapos ay tiningnan niya ako nang seryoso. "Naka-moved na ako mula sa asawa mo. Don't mind me! I can manage myself!" mayabang pa niyang pahabol. Tumawa na lang ako nang mahina. Alam ko namang nagsisinungaling lang siya. Nararamdaman kong gusto pa rin niya si Ali at nafi-feel kong masaya rin siya para sa amin sa kabila ng lahat. "Oo na." pagsang-ayon ko na lang para matapos na. "Tara na na kay Ma'am?" "Tara na!" Pagkatapos naming  mag-passed ng projects ni Mary ay nagpaalam din ako kaagad sa kanya dahil hinahanap na ako ni Ali. Pagkarating ko rito sa bahay ay naabutan ko siyang nagbabasa ng libro. Punong-puno ng mga libro ang ibabaw ng mesa namin dito sa sala. Sumulyap lang siya sa akin nang mapansin niya ako. Nagpatuloy muli siya sa pagbabasa pagkatapos. "Kumain ka na?" masiglang tanong ko sa kanya. "Yeah. Ikaw?" Nag-angat siya ng mukha. "Oo." maikling sagot ko. "Great!" balik naman niya pagkatapos ay muling itinuon ang atensiyon sa binabasa. "Ano namang gusto mong graduation gift, Alipores kong gwapo?" Ngumiti ako nang malapad habang dahan-dahan akong lumalapit sa kanya. "Nothing." Tipid niyang sagot saka ulit nagpatuloy sa pagbabasa. "Ang hirap palang maging kaagaw ng atensiyon ang mga libro 'no?" may halong pang-uuyam kong tanong. Mahinang halakhak lang ang isinukli niya sa akin. Taong yelo talaga! Kinukulit niya akong umuwi na kanina tapos taong yelo lang naman pala ang maaabutan ko rito sa bahay. Bakit naman kasi ako umuwi agad? Isa rin akong tanga e. Nami-miss ko agad siya! "Kagagaling ko sa school." pagbibigay alam ko. "Nakita ko 'yong name mo sa list of graduating students. Hindi ako makapaniwalang gra-graduate ka na talaga, Ali." Namamangha kong sabi. Tumingin siya sa akin bago kumunot-noo. "Bakit naman hindi ka makapaniwalang gra-graduate na ako? Do you think I did not do great in school?" Lumitaw ang mapuputi niyang mga ipin dahil sa pagngiti at pagngisi niya nang nakakaloko. Para naman akong nasilaw sa puti ng mga ipin niya. Grabe, muriatic acid ba ang ginagamit niyang tooth paste? Baka nago-gargle ng xonrox 'to! Walang katinga-tinga e. "Parang diamond kung makaningning 'yang tooth mo a!" "Diamond don't shines, it reflects." Pagtatama naman niya. "Bakit diamond ba 'yang tooth mo?" hamon kong tanong pabalik naman sa kanya. "Ilan ba ang nakita mong kumislap? Isang ipin ko lang ba?" "Hindi, lahat." inosenteng sagot ko. "It's teeth not tooth. Tooth is singular. Teeth is plural." Umiling siya sabay tawa nang mahina. Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to! Wala na siyang ginawa kundi ang ipamukha sa akin lahat ng mga katangahan ko! Kahit ganyan siya, mahal ko pa rin siya! Hindi ko mapigilan ang mapahagikgik sa kilig. Ako na lang ang nagpapakilig sa sarili ko. "Oo na! Ikaw na ang matalino!" pagsuko ko sabay halukipkip. "All you have to say is thank you. Itinama ko na nga 'yang mga mali mo e." "E di, thank you!" Napipilitan kong sabi sa kanya. "O siya, back to normal na nga tayo. Bakit ba kasi tayo napunta sa usapan na hindi tayo magkakaintindihan?" "Back to topic, Luna. Hindi back to normal." Napamaang na lang ako. Pati 'yon ay hindi niya pinalagpas! Nakakaloka naman 'tong lalaking 'to! Para akong gumagamit ng auto-correct word na application a! Pinigilan ko na lang ang sarili kong huwag siyang patulan. Parang ayaw ko na nga ring magsalita para matigil na 'yong kaka-correct niya sa akin. "Okay, back to topic! Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin, Ali. Matalino ka naman pero bakit hindi mo na-gets 'yong point ko?" umupo ako nang tuwid pagkatapos ay kumakamot na tiningnan siya. "Nasaan na ba tayo?" "Nandito sa bahay." Nang-aasar ko namang sagot. "Bakit nasaan ka na ba sa tingin mo?" Nakabawi rin! Akala niya siguro siya lang ang magaling mag-correct. Well, ako rin! Once in a blue moon nga lang. Nag-smirked lang siya na para bang nabasa niya 'yong tumatakbo sa isipan ko. "Hindi na 'yan pangko-correct, pamimilosopo na 'yan." Parang may biglang dumaan na ipo-ipo at tinangay ang napakatamis kong ngiti sa mga labi. Ang galing niya talagang manira ng mood. Napakamot na lang ako nang mabilis sa anit ko. "Luna, don't do that more often. Mukhang kang tanga." Ano na namang problema niya? Kumunot-noo ako. "Ang alin?" "Your habit of always scratching your head." "Makati nga e..." "You may already have lice in your hair." "Hoy, wala a." mariin ko namang tanggi. "Just dandruff?" "Wala rin 'no! Grabe ka naman! nagdidiri ka na ba sa 'kin?" nanlalaki ang mga matang tanong ko. "Endorser pa naman ako ng anti-dandruff at anti-lice shampoo tapos 'yong asawa ko ay kinuto pala." Tumatawa niyang pang-aasar. "Nakita mo ba? Ilan sila kung alam mo? Ilan ang buntis sa mga mother lice? Ilan ang mga eggs nila? Sige nga sagutin mo. Nagbibintang ka riyan wala ka namang ebidensiya e. Akala ko ba it's bad to accuse someone especially when you dont have evidences?" "Wala tayo sa court, Luna. Saka makakita lang ako ng isang egg or mismong kuto ay sapat na ebidensiya na 'yon na may kuto ka talaga." "Alam mo kung nasa court lang tayo, siguradong talo ka na. Why? Hindi mo mapapa-attend 'yong mga kuto at eggs nila sa hearing. Saka, saan ka kukuha ng interpreter kung sakaling makaka-attend sila? Hindi sila makakapagsalita." Tiningnan ko siya nang nanghahamong tingin. "They don't talk, they produce sounds." Relax naman niyang balik. Napapikit ako nang mariin. Suko na talaga ako. Ayaw ko na talagang makipag-usap sa Apo ni Einstein. Umakto akong parang wala lang sa akin 'yong huling sinabi niya. "Back to the topic na nga tayo. Bakit ba kasi tayo napunta-punta sa kuto at dandruff na 'yan? Alam naman nating pareho na sobrang genius mo. Ang ibig kong sabihin ay gra-graduate ka na talaga. Aalis ka na sa school. Mag-aaral ka na sa isang college University. Sana nga malapit lang 'yong University na papasukan mo sa college para nagkikita pa rin tayo..." walang preno kong sabi. Halos hingalin na ako. Bigla siyang natahimik. Yumuko siya at muling itinuon ang atensiyon sa librong binabasa niya. Nagtaka tuloy ako sa ikinilos niya. Hindi ko pa kasi siya natatanong tungkol sa mga plano niya sa college. "Saan mo pala balak mag-aral sa college, Ali?" Lakas-loob kong tanong. Nanatili pa rin siyang nakayuko at nagbabasa. Parang hindi niya tuloy ako naririnig. "Ali!" tawag ko sa pangalan niya para ipaalala na may tinatanong ako sa kanya. "What?" maikling balik naman niya sabay lipat ng pahina sa librong binabasa niya. "Tinatanong kita. Saan ka mag-aaral sa college? Nakapag-entrance exam ka na ba?" Huminga siya nang malalim pagkatapos ay itiniklop ang librong binabasa niya. Maingat niya itong inilapag sa mesa saka niya ako hinarap. "Kahit saan. Okay?" "May school ba na kahit saan?" Umiling lang siya muli. "Bahala na." "Ang g**o mo namang kausap. Kanina ka pa e..." nayayamot kong reklamo. "Kaya nga huwag mo na lang akong kausapin tungkol diyan." "Concern lang naman ako sa 'yo e." "Bakit ka concern? Bakit? Ano bang gusto mo sanang mangyari?" "Kung wala ka pang naiisip na school, magsa-suggest sana ako..." "Spill it." Nagdikit ang mga kilay ko. Nagde-debate kasi 'tong tainga at utak ko tungkol sa huling sinabi niya. Spill, spell or spit kaya 'yon? Parang spit e. "Anong spit it? Dudura ako?" yumuko ako at inihahanda ang sarili ko sa pagdura. Umiling-iling siya sabay ngisi. "Spill. Sabihin mo lang 'yong gusto mong i-suggest." "Ah..." tumango-tango ako nang ma-gets ko ang ibig niyang sabihin. Medyo tanga ako sa part na nag-ready pa ako at nag-ipon ng laway na idudura ko sana. Pasimple ko na lang na nilunok pabalik 'tong laway ko. Mabuti na lang dahil hindi niya nahalata. "Gusto ko sanang sa malapit na University ka na lang mag-aral. Madami namang magagandang mga University schools dito e. Gusto ko sana 'yong magkasama pa rin tayong papasok tapos maghihiwalay lang tayo kapag papasok na tayo sa kanya-kanya nating school. Wala lang... Nasanay lang akong lagi kang kasama. Nasanay akong lagi kitang nakikita." "I'm used to it too..." mahina niyang sambit. Matagal siyang nakatingin lang sa akin. Dahil feel na feel ko namang matitigan ng taong minamahal ko ay hinayaan ko lang siya. Sana hindi niya mahalata ang pabebe moves ko. Bumuntong hininga siya saka muling nagsalita nang maumay na siguro siya sa pagmumukha ko. "No matter what happens, always remember that my focus now is on our future. You are among my priorities now. So, I am considering about my studies..." Pormal naman ang pagkakasabi niya pero ewan ko ba kung bakit kinikilig ako! Ang sarap naman sa panrinig ang mga sinabi niya. Parang gusto kong magtititili sa gitna ng kalawakan para hindi niya marinig na kinikilig ako! Nagsimula ako sa pagiging sakit sa ulo ng isang Yeovil Ali Min Voglianco. Ngayon ay priority at future na niya! Para akong nauntog tapos okay lang kasi hindi naman masakit. Napapangiti na lang ako rito sa kinauupuan ko. "And now you are smiling because of nothing." Ewan ko talaga rito sa taong yelo na 'to. Hindi man lang niya alam na nakakakilig 'yong mga sinabi niya. Siya talaga 'yong tipo ng lalaking matalino pero kinulang sa common sense. Kinikilig, ngumingiti lagi at madaldal naman siya sa mga roles na ginagampanan niya sa mga movies at TV shows pero sa totoong buhay ay hindi ko na alam. Feeling ko tuloy ay nagiging bobo siya kapag magkaharap kami. Hindi ko alam kung maiinis o kikiligin ako sa katotohanang 'yan. "Thank you..." Humagikgik ako habang nahihiyang nakatingin sa kanya. "For what?" Walang kabuhay-buhay niyang tanong. "Sa pagiging bobo mo kapag kaharap mo ako." "Bobo? Who? You?" Tila walang ideya niyang mga tanong. "Alam mo Ali, medyo may pagkalutang ka talaga 'no? May problema ka ba?" "None. What do you want to eat?" Pag-iiba niya ng usapan. Bakit kami napunta sa pagkain. Mukhang nababasa niyang gutom na ako. "Hmmm, gusto ko ng ice cream. Ililibre mo ba ako?" "Yeah." Kung gaano siya kabilis sumagot ay ganoon din siya kabilis na tumayo. "Mag-ayos ka na. Lalabas tayo." "Really? Magde-date tayo?" namimilog ang mga mata sa excitement kong tanong. "Yeah... Alam kong mabagal kang gumalaw kaya hihintayin na lang kita mismo sa harapan ng Deja mall. May dadaanan pa kasi akong pipirmahan sa BBC station. Magpahatid ka na lang kay Manong, Okay?" "Okay..." ngiting-ngiti ko namang pagpayag. End of Luna's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD