Prologue
"Okay ka lang ba talaga, Luna?" tanong sa akin ni Drake matapos niyang itigil ang sasakyan sa gilid ng kalye.
Hindi pa ako matatauhan kung hindi ko pa napansin ang pamilyar na kalye sa labas. Nandito na pala kami sa kalsada malapit sa bahay.
"Ano ba kasi talagang nangyari sa Massachusetts? Ano ba kasing nangyari sa inyo ni Yeo?" humarap siya sa akin. Nababakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng buong mukha ko. Pati mga kalamnan ko sa mukha ay nahihirapang pigilin ang paglabas ng mga luha ko.
"Sa tingin mo Drake, nahihirapan na ba si Ali sa akin?"
Sumunod kong nakita ang pagkataranta sa mukha niya nang magsimula nang tumulo ang mga pinipigilan kong luha.
"Bakit mo naman natanong 'yan? Sinabi naman niya sa 'yo na para sa future niyo kaya siya naroon ngayon." mahinahon niyang paliwanag. "Bakit? Sabihin mo sa akin kung anong nangyari."
Yumuko ako pagkatapos ay mahigpit na humawak sa laylayan ng palda ko. Sumunod kong narinig ang napakalakas kong paghagulgol.
"M-may i-ba s-ya r-roon, Drake." Hirap na hirap kong sumbong sa kanya. "Nag-kissed sila tapos hindi ko alam kung may higit pa roon na nangyari. Wala akong ibang maramdaman kundi 'yong sakit. Ang sakit-sakit ng mga nalaman ko..."
Awang-awa siyang lumapit sa akin. Mas lumakas pa ang pag-iyak ko nang kabigin niya ako palapit at yakapin.
Nanatili lang siyang nakayap sa akin hanggang sa makaramdam ako ng ginhawa. Kusa akong napagod sa kakaiyak. Pakiramdam ko ay nailabas ko na lahat ng mga hinanakit ko. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
Dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap niya sa aking nang mapagtanto niya sigurong kumalma na ako.
"Wala ako sa posisyon para magsalita tungkol pinagdadaanan niyo ngayon. Hindi ko naman alam ang buong kwento. Ang magagawa ko lang sa ngayon ay ang yakapin ka, damayan at pakinggan. Makikinig ako... Ang tanging advice ko lang ay ang mag-usap kayo. Kayo lang naman ang makakaayos diyan. Kausapin mo siya kapag handa ka na. Kailangan mo ring maging fair sa kanya. Sabihin mo 'yong mga nalaman mo. Itanong mo kung totoo ba lahat 'yon..." Inilapat niya ang palad niya sa pisngi ko saka ngumiti. "Bumaba ka na. Kumain ka, matulog at magpahinga... Mag-usap ulit tayo bukas."
"Thank you..." ngumiti ako nang tipid. "Tama ka. Pasensiya ka na kung hindi ko na napigilan ang sarili ko. Masyado na kasing mabigat 'tong dala-dala ko..."
"Alam ko at naiintindihan ko. Sige na, magpahinga ka na. Kailangan mo 'yan. Tatawag na lang ako sa 'yo mamaya. Gusto kitang kausapin kapag hindi ka na emosyonal... Baka may masabi ka lang na hindi maganda kapag hinayaan kitang magsalita nang magsalita. Magdesisyon ka kapag hindi ka na galit..."
"Tama ka... Sige, bababa na ako."
"Uminom ka ng madaming tubig."
Tumango ako saka mabilis na bumaba ng sasakyan niya.
"Thank you again..."
"See you tomorrow."
"Okay..."
Pagkatapos niyang tumango ay isinara ko na ang pinto ng sasakyan niya. Hinintay ko munang makaalis siya bago ako pumasok ng gate.
Walang kabuhay-buhay kong inilabas ang susi mula sa bag ko. Pagkabukas ko ng pintuan ay nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad habang abala ako sa pagbabalik ng susi sa bag ko.
Tumigil ako sa paghakbang nang may mapansin akong taong nakahiga sa sofa sa sala. Unti-unti akong nag-angat ng mukha at tumingin doon. Tila tumigil ang paggalaw ng hangin sa paligid nang makita ko si Ali roon, nakahiga at mahimbing ang tulog.
Sa kabila ng lungkot na nadarama ko ay hindi ko lubos akalaing makakaramdam ako ng saya sa pagkakatitig ko sa mukha niya. Para akong nananaginip lang.
"Namamalik-mata ka lang, Luna..." mahinang bulong ko sa sarili. Pumikit ako muli saka nagmulat din agad.
Napatutop ako sa bibig ko nang makita kong nandoon pa rin siya. Gusto-gusto ko siyang takbuhin at yakapin pero nagmistula akong nakapako rito sa kinatatayuan ko.
"Totoo ngang nandito ka..."
Nang makabawi ako sa pagkagulat ay tahimik akong naglakad patungo sa kanya. Lumuhod ako nang nasa tapat na niya ako. Ngayon ay ilang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Naiiyak akong tumitig sa mukha niya. Wala sa sariling itinaas ko ang kamay ko pagkatapos ay marahang hinaplos ang pisngi niya.
Umatras ang mga luha ko nang bigla siyang magmulat ng mga mata. Malamlam ang mga matang ngumiti siya sa akin.
Mabilis akong tumayo. "Sorry kung naistorbo kita. Itulog mo na lang ulit." Ani ko saka mabilis siyang tinalikuran.
Maglalakad na sana ako paakyat ng hagdan nang hawakan niya ako sa braso.
"Luna, can we talk?"
Iyon pa lang ang sinabi niya pero para na akong bibigay. Humugot ako nang malalim na hinga bago humarap sa kanya.
"Ali, sana tinapos mo muna 'yong sa atin bago ka gumawa ng-" tumigil ako at nag-umpisa nang maiyak. "Sana hindi ka muna umuwi... Hindi pa ako handang harapin ka."
"I am sorry..." Nasasaktan niyang paumanhin.
Hindi ko sigurado kung confirmation o ano 'yong paghingi niya ng sorry. Hindi ko na rin napigilan ang bugso ng damdamin ko.
"Gusto mong umalis noon kasi nasasakal ka na sa akin. Hindi ka na siguro makahinga kaya gusto mo nang kumawala..." Umiiyak kong sabi. "Alam ko naman e... Kahit hindi mo sabihin, alam ko." Hirap na hirap kong dagdag "Pero sana tinapos mo muna 'yong kung anong mayroon sa atin dito..."
Kitang-kita ko ang magkahalong inis at sakit sa ekspresyon ng mukha niya ngayon.
"Legal ang divorce sa South Korea, Luna!" May halong pagtitimpi ng galit sa tinig niyang bulalas. "Sana ay noon pa kita hiniwalayan kung gusto ko talagang tapusin ang lahat sa atin. Kaya kong tumayo sa mga sarili kong mga paa. Hindi ko kailangan ang pangingialam ng pamilya ko para lang mabuhay ako. Have you ever asked yourself even just once, why I chose to stay with you? Why I chose to stay with this marriage?" Punong-puno ng sakit sa tinig niyang magkakasunod na tanong.
Hindi ako nakapagsalita agad. Tahimik habang lumuluha lang akong nakatingin sa kanya.
"Dahil mahal kita..." Paos niyang sabi.
Mariin siyang pumikit at kasabay nito ang paggapang ng mga luha sa magkabilang pisngi niya.
"Isa lang ang hiningi ko sa iyo bago ako umalis." anas niya bago muling nagbukas ng mga mata. "Iyon ay ang pagkatiwalaan mo ako... Alam kong magiging mahirap para sa atin ang magkalayo pero 'yong distansiya at oras lang talaga ang mga problema, hindi ako at hindi rin ikaw. That night, I don't know that they made a bet. Nagulat na lang ako. At that moment also I had confessed to them that I am already married and has a wife who is waiting for me here in the Philippines. Believe me or not, I remained faithful to you while I'm away to you."
Tumigil sa pagsasalita. Unti-unting lumalambot ang ekspresyon ng mukha niya. Wala na ang galit at inis na mababakas sa kanya kanina.
"I won't afford to lose you just because of a crazy bet... I love you, Luna..." Buong pagmamahal niyang anas.