Chapter 2
Luna's POV
"Nandito na tayo, Hija." malakas na anunsiyo ni Manong Joseph.
"Sige po."
Umupo ako nang maayos saka natatarantang inalabas ang press powder ko mula sa bag ko. Nag-retouch lang ako kaunti para naman magandahan sa akin si Ali.
Iba pa rin naman kapag nag-aayos ako kahit sa tuwing magde-date lang kami. Ikaw ba naman 'yong masabihan ng ikaw lang ang maganda para sa akin ng isang Yeovil Ali Min Voglianco? Ewan ko na lang! Basta ako, natutunan kong tumambay sa watson at lustayin ang perang budget ko sa mga bagay na makakapagbigay sa akin ng kagandahan.
Natuto akong mag-ayos ng sarili. Ang sarap lang sa pakiramdam kapag napagtutuunan ko ng atensiyon ang sarili ko. Tama ang sinabi ni Ali noon, huwag ko raw pagdamutan ang sarili ko dahil sarili ko lang ang magiging kakampi ko sa lahat ng bagay. Kaya importanteng alagaan ko ang sarili ko.
"Tumawag ka lang sa akin Hija kung magpapasundo kayo mamaya." nakangiting bilin niya.
"Sige po, Manong. Itatanong ko po si Ali."
"Sige, Hija. Ingat kayo at enjoy."
Nginitian pagkatapos ay kinindatan ko siya bago ako bumaba ng sasakyan.
"Thank you po sa paghatid, Manong. Ingat din po kayo sa daan."
Tumango naman siya. Bumuwelta siya saglit sa may kanto saka bumusina bago patakbuhin ang sasakyan paalis.
Nakatayo pa lang ako rito sa kabilang kalye ay natatanaw ko na ang lalaking may dala-dalang malaking bear sa entrance ng mall. Napangiti ako nang makilala ako ang pamilyar na shades ni Ali. Naka-cap rin siya ng kulay itim kaya hindi talaga mahahalata ng mga tao na siya si Yeovil Ali Min Voglianco. Sa tuwing may daraan na tao ay inihaharang niya sa tapat ng mukha niya 'yong bear.
"Sana nag-mascot ka na lang." Nangingiting bulong ko sa sarili.
Pagka-on ng green light sa traffic lights sa itaas ay tumawid ako agad. New look naman ako kaya hindi ako makikilala ng mga tao. Nagpalagay rin ako ng bangs saka nagsuot ng anti-radiation eyeglasses. Nangingitim ito kapag nasisinagan ng araw.
Nang nasa harapan na niya ako ay namamangha kong hinawakan si bear sa braso.
"Wow, para sa akin ba 'to? Ang laki! Kasing laki mo siya Ali!" tuwang-tuwa kong sabi. "Ang sweet-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang ipasok sa bibig ko 'yong tokneneng na nakatusok sa stick.
"Yeah. This is for you." Walang kafi-feelings niyang ani. "Alam mo na nga, nagtanong ka pa. Ang ingay mo. Mamaya ay makilala pa nila tayo." Mahina ngunit may halong inis niyang sita sa akin.
Imbis na mainis ay mas lalo pa akong kinilig sa pagsusungit niya. Ngumunguya ako gamit 'yong dalawang malalaking ipin ko sa harapan. Mabuti na lang sobrang luwang ng pagkakanganga ko kanina, nailagan ko 'yong stick.
"Ikaw talaga! Ang sweet-sweet mo!" kinikilig kong sabi sabay hampas sa balikat niya. "Thank you, sungit!"
"Welcome..." Nag-iwas siya ng tingin saka dedmang tumingin sa paligid.
Alam na alam ko na 'yong mga galawan niyang ganya! Kinikilig siya pag ganyan. Ganyan naman si Ali pagdating sa akin, napakapormal kung kiligin.
Kami lang ata 'yong couple na hindi pinapansin ng mga dumaraan dito e. Ikaw ba naman 'yong abutan ng pagkalaki-laking bear na parang ideniliver lang sa 'yo? Ayos na rin para hindi kami makaagaw ng mga atensiyon.
"Let's go?" aya niya sa akin nang tingnan niya muli ako.
"Saan?"
"Sa first floor."
Sa pinakataas kasi nitong mall ay garden na. Nakakapagtaka nga kasi rito niya ako dinala. Ang dami-dami kayang mga tao rito.
"Let's go!" masayang sabi ko.
Ang ini-expect ko ay hahawakan niya ako sa kamay pagkatapos ay sabay kaming maglalakad papunta roon pero hindi. Kinuha niya lang si bear sa akin saka nauna na siyang naglakad paalis.
Nakakaloka naman 'tong lalaking 'to! Nakasimangot ko na lang siyang sinundan. Nakabusangot ang mukhang napatingin ako sa pagmumukha ni bear na nakapatong sa kaliwang balikat ni Ali.
"Sana all na lang bear!" nayayamot kong sambit. "Sana all, inuuna!"
Pagkarating namin dito sa garden ay nagtaka ako dahil walang katao-tao rito, as in wala! Ako, si Ali at bear lang ang nandirito. Napatigil tuloy ako sa paglalakad.
Nang tumingin ako kay Ali ay nakatayo na siya sa malapit sa ilalim ng bamboo grass, nakatayo at nakatingin sa akin. Ibinaba niya si bear sa may bench saka muling tumayo. Tinanggal niya ang shades niya saka isinabit sa collar ng t-shirt niya. Nakangiting tumingin siya sa akin sabay lahad ng kamay niya sa direksiyon ko.
"Ano pang ginagawa mo riyan?"
"Nakatayo. Ano pa ba?" magkadikit ang mga kilay kong sagot.
Kanina ang sungit-sungit niya. Ngayon naman ay bumait siya.
"Hold my hand." utos niya sa akin.
"Hold my hand!" ginaya ko 'yong sinabi niya habang nagme-make face ako.
Natawa lang siya sabay iling sa ginawa ko. Dahil mahal ko siya ay sumunod na lang ako. Mahigpit akong humawak sa kamay niya pagkalapit ko. Nakanguso ako habang pinipigilan ang kilig na nararamdam ko.
"Pasalamat ka walang tao." naggagalit-galitan kong sambit.
"Wala talaga. I hired the whole garden." preskong balik naman niya.
"Ha!" gulat kong bulalas.
"Yes."
"Bakit?"
"Bawal ba?"
"Bakit nga?"
"Para masolo kita." Parang nadulas niyang amin. Nag-iwas siya agad ng tingin.
Parang may nagsiawitang mga anghel sa langit ang dating sa akin ng pagkakarinig ko sa sinabi niya.
"Nagtu-twinkle twinkle na naman 'yang mga mata mo." puna niya nang mapatingin siya sa akin.
"Ene nemen ngeyen? Hehe!"
"Luna!" tawag niya sa pangalan ko na para bang ginigising niya ako.
"Kaya ayaw kitang pinapakilig e. Parang kang tinatakasan ng kaluluwa mo kapag. Hindi naman ako nagpapakilig pero kinikilig ka pa rin. Ewan ko sa 'yo, Luna. Mukhang ako ang papatay sa 'yo e. Kaya ayaw ko na lang magsalita sa tuwing kasama kita."
Nanumbalik ako sa katinuan nang marinig ko 'yong salitang patay.
"Bakit parang may narinig akong patay?"
"See?" napapikit siya nang mariin bago umiling-iling. "Maybe you are curious why I am not that too sweet to you?"
Naguguluhan ko siyang tiningnan. "You are sweet... With a plain expression!" ani ko sabay bungisngis. "Sweet ka sa akin. Hindi mo lang ipinapahalata. Sorry ka dahil nararamdaman ko kahit anong tago mo."
"Exactly!" malakas niyang sabi sabay bitaw sa kamay ko. "You know what, Luna? Hindi ka dapat pinapakilig nang sagad." seryoso niyang sabi.
"Aw! Sad!" nasambit ko na lang. "Why naman?"
"Why?" Lumapit siya at mas inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
"Why?" at medyo inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya para maisaksak lahat sa tainga ko ang mga impormasyong sasabihin niya. Wala na akong pakialam kahit matambol pa 'yong eardrums ko sa loob.
"You almost got hit by a truck before because I said something sweet to you. That is why!" Pinal niyang sabi bago nagkabit-balikat. "Remember?"
Tumingala ako at pilit na inaalala ang mga nakaraang pangyayari. Para naman akong nahulugan ng higanteng bumbilya nang maalala ko ang nangyari sa akin noon sa tapat ng school. May sinabi siyang nakakakilig kaya bigla akong tumigil sa gitna ng daan tapos nag-moment ako roon. Bumalik na lang ako sa katauhan ko noong may malakas na tumulak sa akin. Pati kaluluwa ko ay muntik humiwalay sa katawan ko sa sobrang lakas. Malakas na busina ng truck na dumaan na lang ang sumunod na umaligawngaw sa paligid. Muntik na akong mabangga ng truck kung hindi lang ako binalikan para itulak ni Ali.
Bobo ka na nga sa lahat. Pagiging bobo mo pa ang papatay sa 'yo. Mamamatay kang bobo. Ang natatandaan kong sabi niya noon sa akin sa sobrang galit niya sa nangyari.
Kumakamot akong tumingin sa kanya. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit para siyang taong yelo madalas. Ayaw niya lang na mapahamak ako. Sa sobrang hina ng ulo ko ay hindi ko na alam ang mga ginagawa ko kung minsan. Aminado naman ako. Nablablanko talaga ako kapag kinikilig ako. Ngayon lang ako na-in love at sa taong hindi ko pa inaasahang mamahalin din ako pabalik. First love ko siya e...
Sa raming babae sa mundo, bakit ako ang nagustuhan niya? Hindi pa ba sapat na katotohanan 'yon para kiligin ako araw-araw?
"Sorry..." nakayukong paumanhin ko. "Hindi ko naman kasi mapigilan kung minsan... Hayaan mo, pipigilan ko na sa susunod 'tong nararamdaman ko."
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya nang malalim. Sumunod kong naramdaman ang maingat niyang paghawak sa kamay ko. Pinagsilop niya ang mga kamay namin. Kikiligin na naman sana ako kung hindi lang dahil sa sitwasyon namin.
"It's alright." masuyo niyang sabi. "I just don't want to cause harm to you... I'm sorry if I'm not too sweet to you. If that's the only way to keep you safe, I'll do it. The important thing is that, even if I look like this and act like a robot, always remember that I care for you. That is my own way of expressing how much I love you... I don't care how many times you call me Mr. Ice, as long as you are safe it's fine..." ngumiti siya nang bahagya at mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kamay ko. "So avoid thrill when you feel like you’re losing your mind..."
"Naiintindihan ko na kung bakit ka masungit, plain at tahimik. I am sorry dahil ikaw na ang naga-adjust sa atin."
"You don't have to say sorry. Ganito na ako rati pa, hindi ko lang binago para sa 'yo. Hindi ako nahirapang mag-adjust, nahirapan lang akong huwag mag-react masyado." natawa siya nang mahina nang parang may naalala siyang nakatatawa. "I remember myself feeling so happy to tell you how happy I am that we are together but suddenly I remember how those simple words would affect you. So, I ended up saying, matutulog na ako."
Natawa na rin ako sa kwento niya. Napakarami pala niyang gustong sabihin na hindi na lang niya itinuloy dahil sa pagiging overreacting ko. Masaya na rin ako dahil nalaman ko ang isa sa mga dahilan ng pagiging cold niya.
"Huwag kang mag-alala, gagawin ko 'yong best ko para mabago 'tong pagiging estatwa ko. Darating ang araw na hindi na ako magmimistulang lutang kahit gaano pa ka-sweet ang sasabihin mo." determinado kong bigkas.
"I'll wait for that day to come..." bakas sa tinig niya ang malaking tiwala niyang magagawa ko 'yon. "Sa ngayon, I'll remain as your Mr Ice husband."
"Wether you are hot or cold, you're still my husband. The love of my life... Sanay na ako sa pagiging cold mo."
Sa matagal na panahon ay muli kong nakita ang pinaka-genuine niyang ngiti sa akin. This is Ali outside his robot body.
"What do you like to eat?" itinaas niya ang kamay niya bigla. "Ice cream pala. We are here because of that ice cream."
Maya-maya pa ay may paparating ng isang lalaki. Ang direksiyon niya ay rito at may dala-dala pa siyang ice cream. Napangiti ako nang malapad nang iabot niya sa akin ito.
"Thank you..."
Nginitian lang niya ako pagkatapos ay umalis din siya agad.
"Let us sit." aya niya sa akin. Inakay niya ako paupo rito sa bench.
Sabay naming binuksan ang ice cream with cone namin. Ngayon ay pareho na kaming nakatingala sa langit habang kumakain. Asul na asul ang kalangitan. Napakagandang pagmasdan habang unti-unting lumalamig ang katawan namin dahil sa kinakain namin.
"Bakit pala rito mo ako inaya ng date?" bigla kong tanong sa kanya habang nakatingin pa rin sa itaas.
"Sira 'yong sasakyan ko. We are supposed to have our date outside the city but apparently, my car can't take us there." sagot naman niya."
"Oh... Sayang naman."
"That is why I rented this whole garden. Para na rin tayong nasa labas ng city."
"Oo nga..."
Natigilan ako sa p*****a sa ice cream ko at wala sa sariling napatingin kay bear.
"Bakit mo pala ako binilihan nang ganito kalaking bear, Ali?"
Bigla naman siyang nagbaba ng mukha. Mula sa akin ay nalipat kay bear ang tingin niya.
"Para may kahiga ka sa gabi. Para may yayakapin ka kung sakaling wala ako sa tabi mo."
"Aw... Ang sweet mo ngayon, Ali..." Sa unang pagkakataon ay pinigilan kong huwag matulala. "Uy, siguro naiinip kang ikasal tayo muli 'no? Pasimple ka pa riyan!"
"Of course. Someday..."
Plano naming ikasal ulit balang araw. Iyong totoong kasal talaga. Iyong hindi na dahil sa arranged marriage kundi dahil nagmamahalan kami.
Hanggang ngayon ay hiwalay pa rin ang mga kwarto namin ni Ali. Wala namang bago roon kasi iyon naman talaga ang set-up namin hangga't nandoon kami sa bahay niya. Masyado pa kaming bata. Kasama pa rin namin sina Nanay Linda at Lily sa bahay. Kung minsan ay pati si Manong Joseph.
Alam namin ang mga limitasyon namin. Nakatutuwa lang isiping ang aga kaming pinagsama sa iisang bahay para ihanda kami sa totoong mundo ng buhay may asawa.
Para hindi ako matulala na naman ay iniba ko na lang ang usapan.
"Imbis na ikaw ang reregulahan ko, ikaw na ang naunang nagregalo sa 'kin." inubos ko muna 'tong ice cream ko bago ko niyakap si bear. "Thank you talaga rito a! Ang cute-cute niya at saka ang lambot-lambot! Ang sarap niyang yakapin!" Nanggigil kong sabi.
"It's given to a cute bear." Ani naman niya. Ngayon ay seryoso na siyang nakatingin sa akin. "Can I hug you?" Malamlam ang mga matang tanong niya.
Tumayo siya bigla kaya napatayo na rin ako habang karga-karga ko si bear. Saksi ang nakangiting kalangitan sa pagkakatayo namin rito sa gitna ng garden.
"Can I hug you?" ulit niya.
Hindi naman ako naka-react agad. Nawala ang ngiti ko nang mapatitig ako sa malulungkot niyang mga mata. Nababasa ko sa mga ito na parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawang ilabas.
"Oo naman..."
Ngumiti ako nang bahagya saka dahan-dahang lumapit sa kanya. Nang nasa harapan ko na siya ay ako na mismo ang yumakap sa kanya. Para hindi mahulog si bear ay mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Naramdaman ko na lang ang pagyakap niya pabalik sa akin. Ang mga braso niya nakapalibot sa baywang ko habang ang baba niya ay nakapatong sa ulo ko.
"I love you, Luna..." Mahina ngunit punong-puno ng pagmamahal niyang bulong sa pagitan ng magkayakap naming mga katawan.
Tumingala ako sa mukha niya. Bumaba naman ang mukha niya para salabungin ang mga mata ko.
"I love you more, Ali..."
Ngumiti ako nang makita ko ang pagsilay nang napakatamis niyang ngiti sa mga labi. Dahan-dahan akong nag-tip toe para abutin ang nang-iimbita niyang mapupulang mga labi. Parang umulan ng fireworks sa kalangitan nang magdikit ang aming mga labi. Ang lambot at napakatamis ng mga labi niya.
I won’t get tired of sharing thousands of kisses with him...
I smiled between our kiss when he started to kiss me back.
Ngumiti kami sa isa't isa nang tuluyang maghiwalay ang mga labi namin. The moment he held me on the cheek and look at me directly in the eyes, I felt that there is something wrong with him...
"Luna, always remember that I am always here for you wherever the future may take us..." malungkot ngunit matatag niyang sabi.
Kahit naguguluhan ay pinilit kong ngumiti para balewalain ang kabang nararamdaman ko dulot ng huling sinabi niya.
"Nandito lang din ako palagi sa tabi mo kahit anong mangyari..." masuyong balik ko na siyang nagpangiti sa kanya.
Ngayon ay siya naman ang yumakap sa akin. Napakahigpit ng pagkakayakap niya sa akin, parang ayaw niya na akong pakawalan pa. Hindi ko alam kung bakit parang may mali. Niyakap ko na lang siya pabalik para pagaanin kung ano man ang pinagdadaanan niya.
End of Luna's POV