IT WAS ten past one in the morning. Subalit ayaw pang dalawin ng antok si Chris sa kanyang silid. Hindi niya magawang makatulog kaya ang pagtitig sa madilim na kisame ang ginagawa niya. Alam niya kung bakit hindi siya madalaw-dalaw ng antok. It was because he was thinking of the woman who was sleeping in the room right next to his.
Aerin.
Five nights ago, he swore he’d heard one of the most beautiful melodies he ever heard in his life. At hanggang ngayon, patuloy na nagre-replay sa kanyang isipan ang nasabing melodiya. Parang may mahika ang bawat nota ng musikang likha ni Aerin. He never thought that beneath her silence lies a captivating melody that he wanted to hear from her for the rest of her life.
Aminado siyang ginugulo ni Aerin ang konsentrasyon niya sa maraming bagay. He could never feel relaxed whenever she was near him. Pasalamat na lang at nagagawa niyang itago iyon sa dalawa. At kahit dapat ay nagdurusa pa siya, ang melodiyang nilikha nito ang tumutulong sa kanya na huwag maramdaman ang kirot. After all, it was her meolody that helped him finally let go of Czarina. Totoo ang sinabi niya kay Aerin na ito ang dahilan kung bakit nagawa niya iyon.
Ilang minuto pa ang lumipas bago pumasok sa kanyang isipan na puntahan si Aerin sa silid nito. Alam niyang lalo lang siyang hindi makakatulog kapag patuloy niyang pinakinggan sa kanyang isipan ang melodiya. Hindi iyon makakatulong sa kanya. He has to see her.
Nang marating niya ang silid na ipinagamit niya kay Aerin, ilang sandali rin siyang nag-alangan kung itutuloy ang balak o hindi. Pinili niya ang una. Trying not to create a noise, he opened the door. Nang sumilip siya, ang lampshade lang na nasa bedside drawer ang nagbibigay ng liwanag sa buong silid. Hindi niya napigilang ngumiti nang makita niya ang kanyang pakay na payapang natutulog sa malaking kamang naroon. At kahit lampshade lang ang liwanag na naroon, kitang-kita pa rin niya mula sa bukas na pinto ang mala-anghel nitong mukha.
She was like an angel. Ang anghel na tumulong sa kanya na pakawalan ang lahat ng may kinalaman sa nararamdaman niya para kay Czarina.
Dahan-dahan siyang lumapit sa kama. Luckily, the floor was carpeted kaya hindi naririnig ang mga yabag niya. Idagdag pa na parang pusa kung maglakad siya. Naupo siya sa gilid ng kama. Sinikap niyang dahan-dahanin ang pag-upo upang hindi ito maistorbo. Huminga muna siya ng malalim bago pinagmasdan ang mukha ni Aerin.
Even while sleeping, her face had etches of loneliness. Hindi niya alam kung saan nagmula ang lungkot na pumukaw sa atensiyon niya noong unang beses niya itong nakita.
“What made you sad, Aerin?” he uttered in a soft tone. “Ano’ng puwede kong gawin para mapawi ang lungkot na nararamdaman mo ngayon?” Nang bigla siyang matigilan. Now when did I start thinking that way about her?
Subalit lumipas ang maraming sandali na wala siyang maisagot sa sariling tanong. Hanggang hindi na niya napigilang haplusin nang buong ingat ang mukha nito.
I already told you my secret and my pain. Soon I’ll be able to learn yours. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon. “Enrust me your secrets, Aerin,” bulong niya rito habang patuloy sa paghaplos sa mukha ng natutulog na dalaga. Nang dumako sa mga labi nito ang haplos niya, ilang sandaling naglagi roon ang mga mata niya. Hindi niya napigilang mag-imagine kung gaano nga ba katamis ang mga labing iyon.
Ipinilig niya ang ulo sa biglang takbo ng isip at napamura.
“What the hell am I thinking?” pagkausap niya sa sarili. Bumuga siya ng hangin pagkatapos niyon.
Agad siyang tumayo sa kinauupuan at walang lingon-likod na nilisan ang silid. He needed to do it bago pa siya makapag-isip ng kung anu-anong kabulastugan sa walang kamalay-malay na anghel niya.
Pero kahit nakarating na siya sa kanyang silid, ang mga labi pa rin ni Aerin at ang nai-imagine niyang tamis niyon ang patuloy na gumugulo sa kanyang isipan. Ilang oras din ang napalipas niya sa pag-iisip tungkol doon. Kahit anong pilit niya ay hindi talaga niya makuhang makatulog kaagad. Aktong muli siyang mapapakamot ng ulo niya sa inis nang makarinig siya ng pag-ungol. Nangunot ang noo niya at ilang saglit siyang tila estatwa sa pagkakaupo sa kama upang hindi makalikha ng anumang ingay. Nais niyang masigurong hindi siya pinaglalaruan lang ng kanyang pandinig. Lumipas ang ilang sandali ngunit wala siyang narinig na anumang ingay, maging ng pag-ungol.
He was about to shrug it off when he heard it again. This time, alam niyang hindi siya pinaglalaruan ng pandinig niya. At alam din niya kung saan galing ang pag-ungol na iyon. Sa isang iglap ay narating na niya ang lugar na iyon habang tila tinatambol ang dibdib niya dahil sa nararamdamang kaba at pag-aalala.
Pag-aalala para kay Aerin.
“AERIN, wake up! You’re dreaming!”
Dagling nagmulat ng mga mata si Aerin nang marinig niya ang malakas na pagtawag na iyon sa kanya kasabay ng marahang pagtapik sa pisngi niya. Bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Chris na nakaupo sa gilid ng kama ng mga sandaling iyon at nakadukwang sa kanya. Tumama sa balat niya ang mainit na hininga nito na lalong nagpalala sa mabilis na t***k ng puso niya. Hinihingal pa siya habang nakatingin kay Chris na patuloy sa paghaplos sa kanyang pisngi.
“Are you alright?” nag-aalalang usisa nito.
Napalunok siya habang inaalala ang dahilan kung bakit ginising siya ni Chris. She had a bad dream.
Yes, she considered it bad because in her dream, Chris was leaving her. But even if it was just a dream, she felt as if it was all too real. Hindi niya alam kung bakit tila napakabigat sa dibdib niya ang isiping iyon. Kakikilala pa lamang niya sa binata two weeks ago. Never did it come to her that it would have been so painful for her with just the though of Chris leaving her.
She dreamt they were at the park. It was beautiful. They were talking about various things. Iyon ang isang magandang panaginip para sa kanya dahil nakakapagsalita siya. Ilang sandali pa, biglang nagdilim ang paligid niya. Nang harapin niya si Chris, nakita niya itong naglalakad palayo sa kanya. Tinawag niya ito nang ilang ulit subalit hindi man lang ito lumingon kahit isang beses. Hindi siya nito binalikan at sa paligid niya, tila naririnig niya ang galit na tinig nito na nagsasabing hindi siya nito gustong makita at namumuhi ito sa kanya. Patuloy na umaalingawngaw iyon kahit takpan pa niya ang dalawang tainga. Patuloy na dinudurog niyon ang kanyang puso at pakiramdam niya ay tinangay nito ang isang bahagi ng kanyang pagkatao sa paglisan nitong iyon kaya ganoon na lang ang pagnanais niyang balikan siya nito. Subalit hindi ito bumalik.
Hanggang sa magising na siya. She realized it was all a bad dream when Chris was there beside her, concerningly staring at her and caressing her hair and her face to calm her down. Nasa realidad na siya—iyon ang nais nitong ipabatid sa kanya.
“Are you okay?” muling tanong nito sa kanya.
Nang wala itong makuhang sagot mula sa kanya, tinulungan siya nitong bumangon. Walang salitang niyakap siya nito at hinaplos-haplos ang likod niya. Napaluha siya sa gesture nitong iyon bago pa man niya napigilan ang kanyang sarili. Lalo lang kinumpira niyon na nasa tabi nga niya si Chris.Kusang yumapos ang mga braso niya sa katawan nito at isinubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib nito. Gusto niyang maramdaman ang init nito sa pamamagitan niyon.
“I-I thought you’re going to leave me…” bahagyang namamaos na sabi niya. Huli na ng ma-realize niya kung ano’ng nangyari.
Did she just talk?