Chapter 7

1248 Words
NARAMDAMAM ni Aerin na nanigas si Chris. Ilang sandali pa ay dahan-dahan siyang pinakawalan nito; bahagyang nanlalaki ang mga mata. Tila nais nitong kumpirmahin kung tama ba ang narinig nito. “Aerin, d-did you… say something?” Bumuka ang bibig niya subalit walang tinig na lumabas doon. Was what she said—if ever she said something—a dream? No, it’s not! mariing tanggi ng kanyang isip. Sigurado siya na may nasabi siya kanina lang. Ngunit bakit walang tinig na lumalabas sa bibig niya. Ilang sandali pa ang lumipas ngunit nanatili lang nakabuka ang bibig niya. Marahil ay panaginip lang iyon. Pero may panaginip bang naririnig ng ibang tao? She heaved a heavy sigh and forced herself to speak. Kailangan niyang malaman ang totoo. “I… I-I said I thought… y-you’re going to leave me.” There it was. She was speaking! Hindi siya nananaginip lang. Umawang ang mga labi ni Chris, marahil ay hindi mapaniwalaan ang narinig. Makalipas ang ilang sandali ay unti-unti itong napangiti at kalaunan ay tumawa. Kapansin-pansin sa mga mata nito ang kislap.“Oh, my God! You’re really talking!” tuwang-tuwang bulalas nito at muli siyang niyakap. Mahigpit iyon at tila hindi siya makahinga. Subalit sa kabila niyon ay nag-uumapaw ang tuwa sa kanyang dibdib. Hindi lang si Chris ang natutuwa na nakakapagsalita na siya. Siya mismo ay labis ang tuwang nararamdaman dahil nahanap na niya ang nawawalang tinig. Limang taon ding nawala iyon sa kanya. Hindi na siya mahihirapang isatinig ang lahat ng nais niyang sabihin. Ginantihan niya ng kasinghigpit ang yakap ni Chris sa kanya. Napaluha na siya sa samu’t saring emosyong dulot sa kanya ng yakap ng binata at sa nag-uumapaw na tuwa dahil nakakapagsalita na siya. “I’m not going to leave you, Aerin,” bulong nito sa tapat ng kanyang tainga. Nagdulot iyon ng kakaibang kilabot sa buong sistema niya. “Kung anuman ang napaginipan mo, hindi magkakatotoo iyon. I’ll make sure of that. At hinding-hindi ako aalis sa tabi mo. Ngayon pa na nakakapagsalita ka na.” “T-talaga?” umaasam na tanong niya. “Yes,” anas nito at saka siya hinalikan sa noo. “I won’t leave you, no matter what happens.” “COME ON! Say my name again,” pangungulit ni Chris kay Aerin habang nagpi-picnic sila sa burol malapit sa farm. Doon nila naisipang mag-merienda pagkatapos matulog nang magkatabi ng halos walong oras. Mataos siyang gisingin nito mula sa panaginip na iyo ay tinabihan siya ni Chris sa pagtulog. Nang magising sila makalipas ang apat na oras, niyaya siya nitong mag-almusal—-o mas tamang sabihing magtanghalian dahil pasado alas-onse na ng umaga nang magising siya—ngunit tumanggi siya. Instead, she asked him to sleep beside her again. Nais niyang makatabi pa ito sa pagtulog dahil batid niyang kailangan pa niyang matulog. May palagay siya ng mga sandaling iyon na makakatulog siya nang mahimbing kung katabi niya si Chris. After all, he was like a dreamcatcher. Her handsome dreamcatcher. Ganoon na lang ang tuwa niya nang pumayag ito. Naalala pa niya ang sinabi nito matapos itong pumayag sa pakiusap niya. “Alright. I’ll sleep beside you. Ayoko namang tangayin ng mga masasamang panaginip mo ang tinig mo. I wouldn’t let your bad dreams scare you anymore. I’ll be your dreamcatcher…” Matapos nilang matulog ulit nang halos apat na oras ay naisipan ni Chris na mag-picnic sila sa burol na sinang-ayunan naman niya. habang naghahanda ito ng pagkain para sa picnic ay naroon naman siya sa harap ng piano at pinatutugtog ang “Rain’s Silent Love”, sa hiling na rin nito. Tila naging paborito na nito ang nasabing melodiya na ikinatuwa niya. maging siya ay nagugustuhan ang musikang kanyang nilikha dahil sa passage na ginawa nito. At mas lalo pa niyang magugustuhan iyon kung malalagyan siguro iyon ng makahulugang liriko. Ang problema, wala siyang talento sa pagsusulat ng liriko ng kanta. Hanggang melodiya lang ang kaya niyang isulat at likhain. “Bakit ba gustung-gusto mong sinasabi ko ang pangalan mo nang paulit-ulit?” napapantastikuhang tanong niya rito. Pangatlong beses na nitong pakiusap iyon sa kanya at sa totoo lang ay gusto na niyang gawin ang pakiusap nito. Pero hindi muna niya gagawin iyon. Kailangang malaman muna niya ang rason kung bakit siya kinukulit nito. “I just love it when you’re talking, especially when you’re saying my name,” anito sa masuyong tinig. Tila masuyong kamay na humaplos sa puso niya ang sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na ganoon ang nararamdaman nito ngayong nakakapagsalita na siya. She was back to being normal. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. At kahit medyo weird kung iisipin, there was something about that dream where Chris left her that made her finally speak. It was like her driving force to speak up. Parang nais pa niyang magpasalamat sa panaginip na iyon—na sana’y hindi magkatotoo—kung bakit nagbalik sa normal ang buhay niya. “Hey… Hindi na ka nagsalita diyan,” untag nito sa kanya at ginagap ang kamay niyang nakapatong sa hita niya. Napatingin siya roon. Not only did his touch sent a familiar sensation in her system but it also made her heart beat even faster than she had ever felt. Hinawakan lang nito ang kamay niya and yet, ganoon na ang epekto nito sa kanya. “Chris…” Ngumiti ito nang masuyo at humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. “I guess hindi ako magsasawang pakinggan ang tinig mo nang paulit-ulit habang sinasambit mo ang pangalan ko.” She wanted to roll her eyes dahil sa ka-corny-han nito subalit hindi niya ginawa. Aminin man niya o hindi, kinilig siya sa sinabi nito. “Seriously, ano’ng meron sa tinig ko para sabihin mo sa akin ngayon na hindi mo pagsasawaang pakinggan iyon?” she asked with a smile. “It sounds a lot like your music. Sad, but it could still make you want to smile because it’s beautiful. Just like what I thought about the rain,” he answered in a serious tone. Mataman niyang pinakinggan ang bawat sasabihin nito. Dama niya sa tinig nito ang katotohanan at pagsuyo. “Alam mo ba kung bakit hindi ako nagsasawang pakinggan ang ‘Rain’s Silent Love’ na nilikha mo? That melody you created made me love the rain so much. We know that rain has always been—if not, most of the time—a sad reminder of every pain and ache we don’t want to feel and remember. Pero ang musika mo, iyon ang nagturo sa akin na lalo pang ma-appreciate ang ulan since it’s how I describe love. Patuloy sa pagbuhos, mabasa na ang mababasa. Walang pakundangan. Nasa sa atin na lang iyon kung paano natin sasabayan ang pagbuhos niyon. It’s either we welcome it or drive it away, which we couldn’t.” Saka ito tumawa. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi siya makapaniwala na ganoon ang naging implikasyon ng kanyang musika sa binata. It made her happy. It made her appreciate her love for music even more. Most of all, it made her admire Chris to an extent. Pakiramdam niya ay lalong lumalalim ang atraksiyong nadarama niya para rito. “Thank you,” sinserong saad niya at saka ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD