LUMIPAS ang tatlong araw na naging masaya para kay Aerin ang naging pamamalagi niya sa resthouse ni Chris. Lagi itong nakasunod sa kanya sa tuwing mamamasyal siya. Kumbaga, ito ang umaaktong tour guide niya sa pamamasyal niyang iyon. At sa lahat ng pagkakataong iyon ay marami-rami din itong kinuhanang litrato niya kung saan nakabakas sa mga iyon ang kasiyahang nadarama niya.
Sa pagsapit naman ng mga gabi ay hindi siya hinahayaan ni Chris na magpuyat. Kahit hindi pa niya masabi dito ang totoong dahilan ng pagpupuyat niya, pinili na lang niyang sundin ang kagustuhan nito para walang isyu sa pagitan nila. Natuwa siya at animo natunaw ang puso niya nang ihayag nito na hindi ito aalis sa tabi niya hanggang hindi siya nakakatulog.
Hindi niya malaman kung ano ang mayroon sa presensiya ni Chris upang magawa niyang makatulog na hindi dinadalaw ng masamang panaginip. Animo ang presensiya nito ang nagsisilbing dreamcatcher niya. Kaya sa bawat umagang nagigising siya ay nakakaramdam siya ng magaan sa dibdib niya. At tila nag-uumpisa nang maging morning habit niya ang patugtugin sa piano ang melodiyang ginawa niya sa kanyang isipan noong unang gabi niya sa bahay na iyon.
Ang “Rain’s Silent Love” nga naman kasi ang nagsilbing daan upang mailahad ni Chris sa kanya ang kuwento sa “Catching Raindrops” passage na minsan nitong nilikha. Hindi niya alam kung bakit parang espesyal na sa kanya ang melodiyang iyon.
At ngayon nga ay pinatutugtog na naman niya iyon. Maaga siyang nagising ng araw na iyon at sa totoo lang ay maganda ang naging gising niya. Hindi siya nanaginip ng masama, gaya ng mga nagdaang gabi na hindi ito umalis sa tabi niya para lang siguruhing nakatulog na siya.
“Parang gusto kong araw-araw na gumising na ang musikang iyan ang naririnig ko sa bawat paggising ko,” anang pamilyar na tinig na animo mas maganda pa sa musikang pinatutugtog niya.
Ang tinig na iyon ang tanging may kakayahang pangitiin siya nang walang kahirap-hirap at ang nagpapabilis sa t***k ng kanyang puso. Napahinto siya sa pagtugtog at nilingon si Chris na parang bagong paligo. Preskong-presko ang anyo nito. Napansin niya na matapos nitong isalaysay sa kanya ang kuwento ng passage, madalas na itong nakangiti at maaliwalas ang anyo. Wala nang bahid ng lungkot ang mga mata nito. Tila ba may isang malaking tinik ang tuluyang napalis sa puso nito mula sa malalim na pagkakabaon.
‘Ganoon ba kaganda ang “Rain’s Silent Love” para sa iyo at sinasabi mo sa akin ang mga iyan ngayon?’
Tumango ito bilang sagot. “That melody made me realize a lot of things, Aerin. And I owe it all to you.”
Kumunot ang noo niya, sabay turo sa kanyang sarili. ‘Ako?’ she mouthed. ‘Ano’ng kinalaman ko sa sinasabi mo?’
Agad siyang nilapitan nito. “If it wasn’t for you and that song you were playing, I wouldn’t learn to slowly let it go.”
‘Let go of what?’
“My feelings for Czarina,” seryosong sagot nito.
‘But… you loved her for a long time. Okay lang ba sa iyo na i-let go na lang iyon?’
“What are you talking about? You already helped me do that. Isa pa, masaya na ako na ganoon nga ang nangyari. Czarina’s happy with Seth now. They finally found each other after being separated for a long time. Iyon ang mahalaga.”
Hindi na siya nagkomento pa matapos niyon. But she could tell that Chris hadn’t let go of his feelings for Czarina completely. Subalit masaya siya na kahit papaano ay nag-uumpisa na itong mag-move on. At mas natuwa siya nang malamang nakatulong ang musikang nilikha niya upang mangyari iyon.
Nagulat siya nang bigla siya nitong gawaran ng halik sa noo kaya napatingin siya dito. Ngumiti lang ito at iniwan na siya doon. Ilang minuto siyang animo naestatwa. Hindi lang dahil sa ginawa nitong paghalik sa noo niya kundi maging sa tila bolta-boltaheng kuryenteng dumaan sa mga ugat niya na umikot sa kanyang buong katawan.
Kailan pa nangyaring ganoon ang epekto ni Chris sa kanya? Oo, bumibilis ang t***k ng puso niya kapag ngumingiti ito sa kanya o ‘di kaya’y tinitigan siya nito. A warm feeling would always flood her whenever he was holding her hand sa tuwing namamasyal sila nito. But never did it come to her na darating ang panahon na mag-uumpisang mag-iba ang nararamdaman niya para rito. Sigurado na siya sa atraksiyong nararamdaman niya para rito dahil crush na niya ito mula nang unang beses silang magkakilala nito sa dalampasigan.
Ano na ang gagawin niya kapag dumating siya sa puntong lumaki na ang atraksiyong nararamdaman niya para kay Chris? Pero sa totoo lang, natatakot siyang malaman ang sagot sa tanong niyang iyon. Kung ano man ang matagpuan niyang kasagutan, kailangan niyang ihanda ang sarili.