ILANG araw nang naghahanap si Aerin ng lugar na maaari niyang mapagbakasyunan pansamantala na makakatulong sa kanya sa pagsusulat niya ng kanta. Well, tono lang ng kanta ang ginagawa niya at hindi liriko dahil wala siyang talento sa pagsusulat niyon. Mabuti na lang at may nai-suggest sa kanya si Ate Jessie nang muli siyang magtungo sa record store kung saan niya huling nakita si Chris upang bumili ng isa pang album na nasa listahan niya.
At sa mga sandaling iyon nga ay patungo na siya sa lugar kung saan naroon ang vacation house na ini-recommend ng babae sa kanya. Nagkataon din na malapit iyon sa paborito niyang flower farm—ang “Angel’s Meadow” na pag-aari umano ng isang sikat na photographer. Although questionable sa kanya ang impormasyon, hindi na siya nagtanong pa kung sino ang may-ari niyon. Ang mahalaga lang naman sa kanya ay makapagbakasyon at nang magkaroon ng inspirasyon. Baka ang pananatili niya sa vacation house na naroon sa Angel’s Meadow ang kailangan niya.
Sana lang ay hindi siya dalawin na naman ng masasamang panaginip.
Binayaran na niya ang kanyang pamasahe sa driver ng tricycle na pinagsakyan niya at nagdala sa kanya sa vacation house saka nagpasalamat—in her own silent way, of course. Ibinaba na lang siya nito sa gate ng nasabing pag-aari. Hindi nagtagal ang pagdo-doorbell niya nagbukas ang malaking wooden gate. Sumalubong sa kanya ang isang may katandaang lalaki na agad siyang nginitian. Ginantihan naman niya iyon ng parehong ngiti.
“Kayo po ba si Ms. Aerin Romero?” magalang na tanong ng matanda sa kanya.
Tumango siya bilang sagot. Hanggang sa kinabakasan na naman ang mukha niya ng pag-aalinlangan kung paano nga ba siya sasagot rito sa paraang alam niya.
“Wala po kayong dapat na ipag-alala. Nabanggit naman po sa amin na hindi raw po kayo nakakapagsalita pero nakakarinig pa naman. Marunong po akong umintindi ng sign language dahil naging pipi’t bingi na po kasi ang isa sa mga anak ko noon at kailangan ko pong matutuhan iyon para na rin sa kanya.”
Sukat doon ay nakahinga talaga siya nang maluwag na marahil ay ikinatuwang makita ng matanda. At least, hindi na talaga siya mahihirapan kahit papaano. Matapos niyon ay sinabi nitong ihahatid na siya nito sa vacation house kung saan nagkataong naroon din ang may-ari niyon kaya maaari raw niya itong makausap na may kinalaman sa pagbabakasyon niya sa lugar na iyon.
Sa hindi maintindihang dahilan, walang tigil sa pagkabog ang puso niya. Para naman kaya saan ang nararamdaman niyang iyon.
WHAT greeted Aerin as she entered the vacation house was its fully-furnished interior—the grandest she had ever seen in her life. Kung marangya na ang pagkakatingin niya sa labas pa lang, mas marangya pa pala sa loob niyon. Sigurado siya na pulos mamahalin ang karamihan—kung hindi man lahat—sa mga furnitures doon. The paintings, vases, and antique jars were surely something that was worth more than what was in her bank account kung halaga ang pagbabasehan. At tiyak niya na hindi biro ang halaga ng mga iyon.
Maituturing siyang may kaya sa buhay subalit ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita siya ng ganoong karangyaan. It was like a dream but she knew it wasn’t. Pinagmasdan niya ng may paghanga ang mga gamit doon.
Natigilan siya nang makita niya ang isang framed passage na nakasabit sa dingding na katabi ng isang grand piano. May nakalagay na pamagat doon: Catching Raindrops. Ang background ng passage ay ang pagpatak ng ulan na sinasalo ng isang kamay. Na-curious tuloy siyang basahin iyon.
I’ve always loved watching the rain for some reasons I couldn’t fully explain. But when I first saw you smiling at it, I’ve felt my silent heart erratically beat. As I count the raindrops that continuously fall, it frustrates me as I couldn’t catch them all. Doing this made me think of her love—a love I know I’ll never be able to have. All I could do is love her in silence, not saying a word about it in her presence. But another batch of rain will surely fall again. Hopefully, it will drown all my pain. So I’ll just try and catch some once more as it tells me how much I’ll care for her forevermore. The overwhelming ones that I could never catch tells me how much love I’ll give to my true match. This is true love I spoke of that I want to feel hopefully soon enough.
She frowned after reading it but she couldn’t help feeling sad and smiling the same way at the same time. Sino kaya ang gumawa ng passage na iyon? Ang ulan na kadalasang nagdadala ng lungkot at nagpapaalala ng sakit ng kalooban na nararamdaman ay ginamit sa passage na iyon sa magandang paraan. The rain was used to measure love that a person feels.
Muling niyang ipinagpatuloy ang paglilibot sa sala. Natigil lang iyon nang marinig niyang tila may tumawag sa atensiyon niya. Nanigas siya sa kadahilanang pamilyar sa kanya ang tinig na narinig niya. Dahan-dahan siyang napalingon. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang gulat din na mukha ni Chris. Ano’ng ginagawa nito sa lugar na iyon?
“Aerin… It’s really you…” tila namamalik-matang usal nito at unti-unti itong humakbang palapit sa kanya. “I can’t believe it!”
Huli na nang namalayan niyang yakap-yakap na siya ng binata. Sa totoo lang, hindi pa rin siya makapaniwala na naroon ito. Ilang sandali rin sila sa ganoong posisyon samantalang siya ay tila estatwang nanigas dahil hindi siya makapag-react ng tama. Agad din siyang pinakawalan nito na hindi pa rin napupunit ang maluwang na ngiti sa mga labi ni Chris. At ang puso niya, hayun at ang bilis ng t***k. Animo hinabol siya ng sampung demonyo sa bilis.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” tila excited pang tanong ni Chris na dumistansiya lang nang kaunti sa kanya subalit hindi pa rin siya pinapakawalan.
Binitawan niya ang hawak-hawak na handbag sa sahig at nagsimulang mag-sign language. ‘Para magbakasyon. Nasabi kasi sa akin ni Ate Jessie na pinapaupahan daw ang vacation house na ito na nagkataong malapit sa isang flower farm. Ikaw? Ano’ng ginagawa mo rito?’
“Nag-aasikaso ng vacation house na ito. Totoong pinapaupahan ko ito, lalo na kapag wala ako rito dahil hindi naman ako madalas magpunta rito. But at this point of time, talagang nagtutungo ako rito dahil kailangan ko rin ng bakasyon. Kaya ako rin ang natotokang mag-asikaso sa mga bisitang nangungupahan dito.”
Kumunot ang noo niya sa pahayag nito. Ilang sandali lang ang itinagal bago tuluyang rumehistro sa isipan niya ang ibig sabihin ng mga salita nito. ‘You mean… ikaw ang photographer na may-ari ng vacation house na ito?’
Nagliwanag nang husto ang mukha ni Chris at tumango. “You got that right. Nasabi nga sa akin na darating ngayon ang uupa ng lugar na ito for the whole two weeks. Pero wala naman sa hinagap ko na ikaw pala iyon.” He chuckled and faced him with that ever-present smile on his face. “Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Akala ko, malulungkot ako sa pagmumukmok ko rito kasi hindi na naman kita makikita.”
Hindi tuloy niya matukoy kung ano ba ang dapat na sabihin sa sinabi nitong iyon. Hindi siya makapag-isip nang matino, lalo pa’t sumasabay ang puso niya na hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagtibok nang mabilis. Pero hindi siya dapat magpahalata.
‘May nakita akong naka-frame na passage sa sala. Ikaw ba ang gumawa niyon?’ tanong niya kay Chris nang maisip niya ang tungkol doon.
“Yeah,” kaswal na sagot nito ngunit tumungo ito pagkatapos. Mukhang hindi nito gustong pag-usapan ang tungkol sa framed passage kaya pinili na lang niyang ituloy ang pagmamasid. Pero hindi niya maalis sa isipan ang isiping may kuwento sa likod ng passage na iyon na tila na nais pang ilahad ni Chris.
“Come. I’ll show you to your room. After that, kapag nakapagpahinga ka na, ipapasyal kita sa flower farm mamaya para hindi ka naman ma-bore dito.”
Nagliwanag ang mukha niya nang marinig iyon at napatingin dito. ‘Talaga? Ipapasyal mo ako sa flower farm?’
“Yup. You can even pick you flower of choice, if you want,” nakangiting sabi ni Chris. “By the way, what’s your favorite flower?”
Kumunot ang noo niya bago sumenyas. ‘Why did you ask?’
“Curious lang. I’m sure you have one.”
She nodded. ‘I’ve always loved blue roses.’
“Blue roses? The flower that meant ‘mystery,’ huh?” he murmured. “Nice choice. And I guess it suits you, too. Kung gusto mo, iyon ang bulaklak na ibibigay ko sa iyo kapag naroon na tayo sa farm.”
‘You don’t have to do that,’ sagot niya. ‘Sapat na sa akin na makita ko ang farm. Pero puwede bang ikaw ang maging photographer ko kapag naisipan kong magpa-picture during the tour?’
“Oo ba. Iyon lang pala, eh. Kung gusto mo, ako na ang official photographer mo sa buong bakasyon.”
Napangiti siya bago tumango.
MAGHAHATING-GABI na subalit hindi pa rin dalawin ng antok si Aerin at inaasahan na niya iyon. Bukod sa namamahay siya, hindi pa niya gustong matulog. Ayaw niyang muling dalawin ng masamang panaginip.
Hapon na nang makapamasyal siya sa flower farm ni Chris kasama ito dahil hinintay pa nilang tumila ang ulan. Biglaan ang pagbuhos niyon at malakas pa. Inabot din ng mahigit dalawang oras bago iyon tumila. Nang sa tumila na ang ulan, agad silang nagtungo sa farm at namasyal.
Manghang-mangha siya sa dami at ganda ng mga bulaklak na inaalagaan doon. At bawat uri ng bulaklak ay kinuhanan ni Chris ng litrato kasama siya. Pinagbigyan siya ng binata na sipatin ang mga bulaklak at samyuhin ang mga iyon. Ang halimuyak ng mga bulaklak na naroon ay tila balsamo na nagpapagaan sa kanyang pakiramdam. Idagdag pa ang preseniya ni Chris at ang nakakahawa nitong mga ngiti—lahat ng mga iyon ay pinasaya ang unang araw ng bakasyon niya sa lugar na iyon.
Nang makauwi na sila sa bahay ni Chris ay pinili niyang manatili sa sala kung saan naka-display ang piano habang ang binata ang naghahanda ng hapunan nila. Muli niyang pinagmasdan ang framed passage at sa kanyang isipan ay tumutugtog ang isang musika sa saliw ng magkasamang violin at piano. Bigla niyang naalala ang mga panahong nag-aaral pa siya sa music school. Tuwang-tuwa siya sa pagtugtog ng piano, lalo na tuwing may recitals siya o ‘di kaya ay siya ang tutugtog ng piano bilang accompaniment ng mga musicians. Musika ang tumutulong sa kanya na maibsan ang mga alalahanin niya.
At hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya ang tuwang nararamdaman noon tuwing tumutugtog siya.
Nang matutulog na ay hiniling niya kay Chris na manatili muna siya sa harap ng piano dahil tiyak niyang hindi siya agad makakatulog. Hindi niya alam kung bakit ganoon kadali para dito na pumayag. Tila ba tiwala ito na hindi siya gagawa ng kabulastugan sa bahay nito. She felt relieved with that fact dahil wala naman talaga sa plano niya ang gumawa ng anumang kabulastugan.
Mas gugustuhin pa niyang tumugtog nang tumugtog ng piano at pagmasdan ang dagat dahil hindi siya magsasawang gawin ang mga iyon.
Kaya hayun siya, nakaupo sa harap ng grand piano. Subalit mahigit apat na oras na siyang nakaupo at walang gustong gawin kundi pagmasdan ang framed passage. Naintriga talaga siya sa kung ano mang kuwento ang nasa likod ng passage na iyon. Nang may bigla siyang naisip.
Agad siyang umayos sa kinauupuan at hinarap niya ang piano. Binuksan niya ang takip ng teklado niyon. Huminga siya nang malalim habang nakapikit ang mga mata niya. Sa isip ay paulit-ulit niyang binibigkas ang passage. Nang magbukas siya ng mga mata, tila may isip ang mga daliri niya na tumugtog sa piano. She played the music that was playing in her mind to the piano, letting her fingers pressed the keys to form the music.
She felt her heart dance, as if going with the music’s slow rhythm. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Minsan-minsan lang siyang makabuo ng melodiya at nangyayari lang iyon kapag talagang inspired siya o ‘di kaya’y may isang bagay o pangyayari na nakapukaw ng kanyang atensiyon at nais niyang gawan iyon ng melodiya.
“You didn’t tell me you’re a pianist. A good one, too.”
Napangiwi siya nang mapadiin ang pindot niya sa isang key sa piano pagkarinig niya sa nagsalitang iyon. Bigla rin siyang napahinto sa pagtugtog dahil doon at nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig. Napamaang siya nang makita niya si Chris. Nakasuot lang ito ng white cotton shirt at boxer short.
At ang puso niya, naging pasaway na naman dahil tumibok iyon ng mabilis dahil sa nasilayan.
‘Don’t scare me like that! Basta-basta ka na lang nagsasalita diyan,’ reklamo niya rito nang harapin na niya ito.
Nginitian lang siya nito at lumapit sa kanya. “Sorry, hindi ko napigilang magkomento, lalo na nang marinig ko mula sa kuwarto ang pinapatugtog mo.”
‘I’m sorry. Did I disturb you?’ she signed.
“Hindi naman.” Kinuha nito ang isang stool katabi ng piano at ipinuwesto iyon sa tabi niya. “Ang totoo niyan, hindi ako makatulog kahit anong pilit ko. Kanina pa kita gustong puntahan dito. Ngayon lang ako naglakas-loob.” He laughed. “Anyway, you’re really good. Ano’ng title ng tinutugtog mo?”
Napaisip siya. Wala naman talagang pamagat ang melodiyang tinutugtog niya kanina. She just played it on a spur of the moment. Ilang sandali din niyang pinag-isipan ang maaaring maging title ng melodiyang iyon pansamantala.
“It doesn’t have a title, does it?” tanong nito.
‘It has,’ she answered. ‘It has a title. Ngayon ko nga lang napag-isipan kung ano iyon.’
“So what’s the title?”
She heaved a sigh before facing him. ‘How does “Rain’s Silent Love” sounds?’
“Rain’s Silent Love?” Tumango siya. “It’s nice, not to mention sad. Bagay na bagay siya sa tugtog. Pero bakit iyon ang title ng musikang pinapatugtog mo?”
‘I used that framed passage as an inspiration,’ aniya at saka itinuro ang tinutukoy niya. Nakita niyang natigilan si Chris nang makita nito ang itinuturo niya. ‘I know there’s a special story—not to mention it’s also a sad one—behind that passage. Hindi mananatili iyan sa dingding na iyan kung balewala para sa iyo ang mga katagang nakasulat diyan. Nararamdaman ko iyon.’
Walang imik si Chris matapos niyon. Ramdam niya ang tensiyong nagmumula rito at hindi niya maiwasang kabahan. Hindi niya malamlam ang gagawin para maibsan ang tensiyong iyon. It took her a while to finally figure out what to do.
Aktong muli siyang magpapatugtog sa piano nang marinig niya ang paghinga nito ng malalim, dahilan upang balingan niya ito. His expression was blank when she faced him.
‘It’s okay if you don’t want to talk about it,’ she said.
“You’re right. It does have a special meaning—or at least to me.”
Kumunot ang noo niya subalit hinintay na lang niyang ito ang kusang magsalita. From what she could see on his face and hear from his voice, tama nga ang sapantaha niya na malungkot ang kuwentong nakapaloob sa passage.
Mayamaya pa ay nag-umpisa na itong magkuwento. Siya naman ay matamang nakikinig sa pagsasalaysay nito. Isinalaysay nito ang lahat magmula sa umpisa. Everything—from meeting a woman who turned out to be Seth Alarcon’s long lost love named Czarina to the part where Chris decided to sacrifice his feelings for the sake of her and his best friend’s happiness. Habang nagsasalaysay ito, dama niya sa tinig nito ang pagmamahal nito sa babaeng iyon, maging ang sakit na tila tumatagos sa puso niya dahil sa sakripisyong kinailangan nitong gawin.
He chose to be a noble friend—no matter how much it would kill his heart knowing that the woman he loved couldn’t and would never love him back the same way. Isinalaysay din nito ang tungkol sa parehong sitwasyong minsang pinagdaanan ng dalawa pa nitong kaibigan na si Jim Madriaga at ang race car driver na si Josh Sarmiento. Tulad nina Chris at Seth, nagmahal ng iisang babae sina Jim at Josh na nauwi sa pag-aaway ng magkaibigan. Iyon marahil ang sitwasyong tinutukoy nito noong nagkita sila sa record store na pinagdaanan nito at labis nitong pinagsisihan. Iyong tungkol sa pangako ni Chris na hindi iibig sa babaeng mahal ng kanyang kaibigan upang wala silang pag-awayan. In the end, he ate his own words. He admitted he was guilty of that.
So he loved Czarina that much? Just like what was stated in the passage, the raindrops he couldn’t catch tells about the love he couldn’t have from her. A love he now wanted to give to the woman he could find and love for a long time… she thought sadly. Makita nga kaya nito ang babaeng iyon? Oh, how she wished he could. Pero bakit may isang bahagi ng kanyang isipan ang humihiling na sana ay siya ang babaeng iyon? Oo, crush niya ito. But it would be too much for her to think of that.
“Czarina’s happy now. Masaya na ako sa bagay na iyon.” But even so, he smiled sadly. “Hindi ko nga lang talaga maikakaila na talagang hirap pa rin akong pakawalan ang nararamdaman ko para sa kanya at nasasaktan pa rin ako.”
‘Natural lang naman sa atin ang na maramdaman ang sakit, lalo na kung talagang mahal mo ang isang tao,’ sabi niya nang pasenyas. ‘Pain has always been a part of love, especially if you truly love someone. And yet you have no choice but to set that someone free because it’s the right thing to do. Matakot ka kapag wala kang naramdaman ni katiting na sakit ng kalooban dahil pinatay mo na ang kakayahang iyon para lang makatakas ka sa sakit at sa realidad.’
“Siguro nga. Pero dumarating din ako sa puntong hinihiling ko na sana ay hindi ko na maramdaman iyon. Nakakapagod maramdaman ang ganito katinding sakit, Aerin,” anito sa tila may bahid ng pait ang tinig.
‘But at least you’re willing to let it go, right?’
Kibit-balikat ang itinugon nito sa isinenyas niya. “I guess I could say I’m willing to let her go but it’s not going to be that easy. Iyon ang sigurado ko. But maybe I can… in time.”
Nang walang maisip na gawin, tumayo siya mula sa stool at nilapitan si Chris. Bago pa niya mapagtanto ang ginagawa, natagpuan na lang niya ang sariling yakap-yakap ito at hinahaplos ang likod nito. It was soon followed by an action that tightly clenched her heart.
Isinubsob nito ang mukha sa buhok at leeg niya at tinugon ang yakap niya ng mahigpit. Kasabay niyon ay narinig niya ang paghikbi nito—hikbing naging hagulgol dahil marahil sa hindi napigilang paghulagpos ng emosyon. Ang tanging nagawa na lang niya ay hagurin ang likod nito.
Gusto niyang magsalita at sabihin dito na ayos lang kung umiyak ito sa harap niya. Gusto niyang sabihin na naroon lang siya hanggang gumaan na ang pakiramdam nito. Gusto niyang sabihin na gagawin niya ang lahat ng makakaya niya upang mapawi ang sakit na tila kutsilyong malalim ang pagkakabaon sa puso nito at unti-unting hinihiwa iyon. Marami siyang gustong sabihin subalit walang tinig na lumalabas sa bibig niya. Matagal na panahon nang walang tinig na lumalabas doon. At hindi niya alam kung paano pa niya mailalabas iyon.
Nakaka-frustrate man ang sitwasyon niya, batid niyang wala siyang magagawa. At least for now…
Dahan-dahan itong kumalas at tinitigan siya nito. She didn’t tear her eyes from him. Unti-unti ay napangiti na rin siya kahit naroon pa rin sa mga mata nito ang lungkot.
‘Are you alright now?’ she asked.
Tumango ito. “Thanks to you.”
Napangiti nga siya ng mga katagang iyon, subalit hindi niya maintindihan kung bakit hindi pa rin niya magawang magtiwala sa mga salitang iyon. Para bang duda pa siya na okay na nga ito. Pero wala na muna siguro siyang pakialam sa bagay na iyon. Ang mahalaga na lang ay nalaman na niya ang totoo at hindi nito tuluyang kinimkim ang sakit ng kaloobang nararamdaman nito.
Sa ngayon, okay na iyon sa kanya. At least, iyon man lang ang magawa niya para kay Chris.