ABALA si Aerin sa paghahanap ng partikular na CD sa record store na pinuntahan niya. Noong isang linggo pa siya naghahanap ng kopya ng music album ng sikat na musician at composer na si Jim Madriaga. Pero pulos sold out ang mga iyon. Limited edition kasi iyon kaya naman mahirap talagang makakuha ng kopya. At mukhang mamalasin na naman siya ngayon dahil naunahan siya ng isang lalaki sa pagkuha ng nag-iisang kopya ng album na nakita niya. Napabuga tuloy siya ng hangin dahil doon. Nanghihinayang man ay wala na siyang nagawa.
Balak na sana niyang umalis doon at maghanap sa ibang music store nang may marinig siyang tumawag sa pangalan niya. Nilingon siya ang loob ng record store subalit wala naman siyang nakitang sinuman na posibleng tumatawag sa kanya.
Baka dala lang iyan ng antok, Aerin. Ang hilig mo kasing magpuyat, eh. 'Yan tuloy, naiisip mong may tumatawag sa pangalan mo. Napailing na lang siya upang tanggalin ang isiping iyon. But upon facing the store's entrance, she was surprised for two reasons. One, because of the light that suddenly flashed in front of her. And two, a familiar dazzling smile greeted her after that flash.
"Hi!" maluwang ang ngiting bati ni Chris nang tuluyan itong nakalapit sa kanya. "Sorry about that. Hindi ko lang kasi mapigilang kuhanan ka ng litrato. You look radiant today."
Umingos siya sa sinabi nito. 'Ano'ng radiant ang sinasabi mo? Umpisa ka na naman ng pambobola mo,' aniya sa pamamagitan ng sign language.
Tumawa ito nang mahina. "You really don't take a guy's complement to you so easily, huh? Hindi ba halata na hindi ako nambobola?"
'I don't know. You tell me. Hindi naman kasi compliment ang madalas kong nakukuha sa ibang tao. Most people call me weird,' she signed sadly. Her face was showing it, too. Napayuko na rin siya dahil doon.
"Hindi lang sila matiyaga kagaya ko."
Napatingin siya rito nang marinig iyon. Then she said something using sign language again. 'Ano'ng ibig mong sabihing hindi sila matiyaga?'
Hindi napapawi ang ngiti nito. And as she expected, her heart was beating wildly. Weird. She just met this guy a week ago, and they only met once, for heaven's sake! Kaya bakit may ganitong epekto sa kanya kaagad ang lalaking ito?
"Hindi lang sila matiyaga na gumawa ng paraan na makilala ka. You're always the one doing the effort to know them, right? It doesn't always have to be that way. Besides, don't take their heartless comments by heart. Lalo ka lang mahihirapan. Madali lang para sa kanila ang manghusga dahil hindi ka nila naiintindihan. It's easy to say thing we haven't experienced yet. But when you're already on a sinking boat, it will be hard to think clearly on how to get out of it," sabi nito sa seryosong tono na noon lang niya narinig mula dito.
Napatingin na naman siya kay Chris. May sitwasyon na ba itong pinagdaanan na minsan ay hinusgahan nito at ipinangakong hinding-hindi nito mararanasan o gagawin? Was there a time that he had been on a sinking boat and had a hard time thinking on how to get out of it easily?
"Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" pag-iiba nito ng usapan at muling ngumiti sa kanya.
'I'm looking for a certain music album entitled "Within A Silent Heart." Iyon ang music album ni Jim Madriaga.'
"Jim Madriaga's music album?"
Tumango siya. Pero laking-gulat niya nang bigla nitong kinuha ang kamay niya at hinila siya patungo sa counter. He held her hand like it was a natural thing for him to do. The feel of his hand on hers was so good na para bang ayaw na niyang bitiwan nito iyon. Hawak pa lang nito ang kamay niya pero parang secure na secure ang pakiramdam niya. What more if he held her close and wrapped his arms around her?
At bakit mo naman naisip ang ganyang bagay, ha? Gusto mo bang magpayakap sa kanya? anang isang bahagi ng isip niya na hindi na lang niya binigyang-pansin. Basta gusto niya ang nangyayari ngayon at gusto niya ang paghawak ni Chris sa kamay niya. Tapos ang istorya!
"Hi, Ate Jessie. Nasa sa inyo pa rin ba iyong complimentary copy ng album ni Jim na hindi niya naibigay sa akin?" tanong ni Chris sa babaeng naroon sa counter.Sa paraan ng pakikipag-usap nito sa babae ay parang matagal nang magkakilala ang mga ito.
"Oo naman. Isang linggo ko na ngang binabantayan ito at baka may iba pang makakuha. Kukunin mo na ba?"
"Yup! It'll be a gift to a special lady."
Sukat sa sinabi nito ay napatingin sa kanya ang babaeng tinawag nitong "Ate Jessie." Noon niya lubusang nakita na maganda pala ito. Ang friendly din ng mukha nito sa kabila ng kasopistikadahang nakikita niya sa tindig at anyo nito. Bigla siyang kinabahan at hindi niya alam kung bakit. Ngunit agad ding naglaho iyon nang ngitian siya nito. "I guess you're the special lady he was talking about."
Nag-init ang mga pisngi niya sa sinabi nito na ikinatawa lang ng lalaki. Pabirong hinampas niya ito sa balikat gamit ang kamay niyang hindi nito hawak. Buhay na buhay ang tawa nito na kumuha na ng atensyon ng mga customers sa loob ng record store. Napangiti tuloy siya. Matapos ibalot ni Ate Jessie ang album ay iniabot nito iyon sa kanya imbes na kay Chris.
"Take it. I haven't heard you speak since you entered here and you're communicating with Chris through sign language. Masasabi kong talagang makaka-relate ka sa ilan sa mga kantang nilikha ng kapatid ko," ani Ate Jessie matapos niyang tanggapin ang CD kahit medyo alanganin siya.
Isang nagtatakang tingin ang ipinukol niya sa babae. Sinong kapatid ang tinutukoy niya? Gusto sana niyang itanong pero hindi niya alam kung paano gagawin iyon.
Ngumiti si Ate Jessie. "The composer of the music in that album is my little brother. Pero sikreto lang natin iyon, ha?"
Nagulat siya sa nalaman niya. Napatingin tuloy siya kay Chris na nakangiti lang. Saka ito tumango na para bang sinasabi nito na totoo ang sinabi ni Ate Jessie. Matapos niyon ay napatingin siya sa CD na hawak niya.
'Are you sure you want to give this to me?' tanong niya. Her hesitancy to accept something that should've belonged to him made her ask that question.
"You've been looking for that CD for a week now, right?"
How the heck did he know that?
"'Di ba sinabi ko sa iyo na hindi ang pagkikita natin sa tabing-dagat ang huling pagkikita natin? I roamed around, looking for information that would lead me to you. I know, para akong stalker sa ginagawa ko. Pero gusto ko munang pagkasyahin ang sarili ko sa pagtingin sa iyo sa malayo. Gusto kong malaman ang mga routine mo. That's how I found out about the CD you're looking for. Pero sa kabila ng pagkalap ko ng impormasyon tungkol sa iyo, nananatili pa ring misteryo ang katauhan mo. But I really want to know the real you. I'm not going to give up."
Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga sa lakas ng pagkabog ng dibdib niya dahil sa mga narinig niya mula rito. That was the first time a guy came and told her face-to-face that he wanted to know her. He even said he wouldn't give up until he did so. Pero ano ba ang dahilan at tila ganoon ito kadesididong makilala siya?
Ngumiti ito at nilapitan siya nang husto. Bahagya siyang napaatras subalit hinila nito ang kanang kamay niya na hawak-hawak pa pala nito. Inilapit nito ang mukha sa mukha niya.
"You're a mystery that I'd like to solve, Aerin."