Chapter 2

1917 Words
HINDI tinangkang ibaling ni Chris sa ibang direksiyon ang kanyang tingin sa babaeng nakakuha ng kanyang atensiyon nang hindi sinasadyang napatingin ito sa kanya. Matapos magtungo sa sementeryo ay naisipan niyang magpahangin sa dagat. Ilang sandali rin niyang ginawa iyon bago niya naisipang kumuha ng mga litrato. Marami-rami na rin siyang nakuhanan bago tumuon ang atensiyon niya sa isang babaeng nakaupo sa buhanginan at nakamasid sa dagat. Tila wala ito sa sarili nito. At kahit ilang metro ang layo niya mula sa kinauupuan nito, napansin niya ang malungkot na anyo nito. Napansin niya iyon kahit kalahati lang ng magandang mukha nito ang nakikita niya. Despite the pain he saw on her face, hindi niya napigilan ang sariling kuhanan ng litrato ang nasabing babae. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa babaeng iyon at tila naeengganyo pa siyang kuhanan ito ng litrato. Natural na sa kanya ang mangyaring agad na mapukaw ng isang babae ang atensiyon niya, dahilan upang ganahan siya sa pagkuha ng litrato. Well, he was a professional photographer kaya masasabi niyang natural lang sa kanya ang ma-fascinate sa pagkuha ng litrato ng isang magandang babae. Subalit iba ang babaeng iyon na nakamasid sa dagat. Alam niyang higit pa sa pagkuha ng litrato ang dahilan kung bakit napukaw nito ang atensiyon niya. With every picture he took, using the mystery woman as his subject, there was this unexplainable magnet that drew him close to her. But it couldn't be. Hindi maaaring ang konklusyong naiisip niya ang dahilan kaya ganoon na lang ang nararamdaman niya. There must be something else—probably more logical than the one he was thinking. Hindi niya alam kung pang-ilang litrato na ang nakuhanan niya nang tumingin sa kanyang direksiyon ang babae. Kagyat siyang napahinto sa ginagawa at tila naestatwa siya. The beautiful face that fully revealed itself in front of him—even though she was a few meters away—was something that made his heart thump wildly for some reasons. Ngayon siya nag-umpisang kabahan na hindi niya mawari kung para saan. Hindi siya nakaramdam ng ganoon katinding kaba nang unang beses niyang makilala si Czarina or any other woman for that matter. Ilang minuto din ang pinalipas niya bago niya nagawang pakalmahin ang kumakabog na dibdib at lapitan ang babaeng ngayon ay nakatingin sa kanya. He could swear she had the most beautiful pair of chocolate brown eyes he had seen in his life. At mas maganda pa siguro iyon kung wala ang lungkot at sakit na nakapaloob sa mga iyon. Hindi kumilos sa kinauupuan nito ang babae kahit nang tuluyan na siyang makalapit dito. "Hi," bati niya dito. Tila alangan pa ito kung sasagot o hindi nang makita niyang bumuka ang bibig nito ngunit walang anumang salitang lumabas mula doon. Ngumiti lang siya bilang senyales na wala itong dapat na ikatakot. Subalit hindi pa rin ito nagsalita. She just waved her hand. Nangunot ang noo niya dahil doon. Naisipan niyang maupo sa tabi nito ilang pulgada lang ang layo mula rito. "Are you scared of me?" biglang tanong niya rito. = = = = = = NO, I'M NOT, gusto sanang sabihin ni Aerin sa katabing lalaki subalit hindi niya iyon magawang isatinig. No matter how hard she tried, she couldn't let a single word come out, let alone voice out any sound. Limang taon na siyang hindi nakakapagsalita. She was an aphonic. Nag-umpisa iyon matapos ang aksidente dahil ilang bubog mula sa windshield ng kotse ang tumusok sa lalamunan niya. The injury she got from the accident prevented her vocal chords from coming together and vibrating, thus making her unable to speak. Though she was having therapy, it didn't help her. In a way, it was her fault since she wasn't helping herself. For now, she couldn't find the desire to talk again. For her, God gave no reason for her to do so. Letting her live in silence would probably be the best for her, or at least that was what she thought. Kung walang makakatanggap sa sitwasyon niya, bahala na. Sa ngayon, tanggap naman niya ang kanyang kalagayan. Wala naman siyang dahilan para magsalita. Her cheerful and talkative personality was long gone. It disappeared along with her cousin. Her inability to speak reminded her of the promise she made right before the accident that claimed the life of her cousin, Santi Novencido. Umiling siya bilang sagot sa tanong ng estrangherong katabi niya. "Then why aren't you talking? Not even a simple hi," anang estranghero habang nakatingin sa kanya. There was this relentless pounding in her chest when he looked at her. Iyon ang unang pagkakataon na naranasan niya ang ganoon kalakas na pagkabog sa dibdib dahil tinitigan siya ng isang lalaki. Isang napakaguwapong lalaki, pagtatama ng isip niya. Lihim siyang napangiti dahil doon. But why did she had this weird feeling that she had seen him somewhere before? "See? You're just looking at me. Kung hindi ka natatakot sa akin, bakit parang ayaw mo akong kausapin? I won't do anything bad to you, if that's what you're thinking," dagdag pa nito. I know that... Hindi siya takot dito. He wasn't threatening in any way at all. Dama niya na mabuting tao ito. Pero hindi ganoon kadali para sa kanya na sabihin iyon. Wala sa sariling kumilos ang kaliwang kamay niya at nag-landing iyon sa tote bag na nasa tabi niya. Napatingin siya sa bag na iyon at may naalala siya. Dali-dali niyang kinuha ang isang whiteboard na kasinglaki ng isang long folder at water-based marker sa loob ng bag. Using it, she started writing words. Kunot-noong pinagmasdan lang siya ng lalaki. Huminga siya ng malalim bago ipinakita sa katabing lalaki ang nakasulat sa whiteboard. "'I really want to talk but I can't...' Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong nito matapos basahin ang isinulat niya. Kumuha siya ng tissue sa bag at agad na binura ang nakasulat sa whiteboard gamit niyon. Nang malinis na ang whiteboard, muli siyang nagsulat. After that, she raised it for him to see. I haven't been able to speak for a long time. But I can still hear. That's why I'm responding to your questions. Iyon ang nakasulat sa whiteboard. Hindi niya alam kung bakit ganoon kadali para sa kanya na aminin iyon sa estrangherong ito. At hindi siya maaaring magkamali sa nakita niya sa mga mata nito matapos basahin ang isinulat niya. She saw disappoinment in them. It was there for fleeting seconds but still, she saw it. Sanay na siyang nakakakita ng ganoong reaksiyon sa ibang tao kapag nakikipagkilala sa kanya ang mga ito. Naiiba siya at alam niya iyon. At hindi na siya magtataka kung agad na umalis ang lalaking ito matapos ang pagtatapat niyang iyon. But she knew she would be sad if ever he did leave her like that. Nang bigla siyang matigilan. Sad? That's weird. Why would I be sad? "I see," kapagkuwan ay sabi nito na pumukaw sa kanya. "But that doesn't actually prevent me from knowing you. At least, alam ko kung paano makikipag-communicate sa iyo." Ngumiti ito bago inilahad ang isang kamay sa kanya. "I'm Chris del Mundo. And you are?" Atubiling nakipagkamay siya rito ng ilang saglit bago nagsulat sa whiteboard. Hindi na muna niya pinansin ang pagragasa ng kakaibang init na tila tumulay sa magkahugpong nilang mga kamay kanina lang at dumaloy sa iba't ibang bahagi ng katawan niya. Nag-uumpisa na rin siyang maging uneasy subalit sinikap niyang labanan iyon or else hindi niya maisusulat ng maayos sa whiteboard ang nais niyang sabihin dito. Aerin Romero. Parang narinig ko na ang pangalan mo sa kung saan. What she wrote was true. Hindi lang ang guwapong mukha nito ang pamilyar sa kanya. Pati na rin ang pangalan nito. Pilit niyang inaalala kung kailan at saan niya nakita ang mukha nito at narinig ang pangalan nito. Subalit wala siyang makapa sa isipan niya. "If you're familiar with the photography world, then you'll easily know me," anito. You're a photographer? Iyon ang isinulat niya. Tumango ito. Yes, she was familiar with the photography world. Or at least, slightly familiar with it dahil na rin sa mga magazines na binabasa niya besides the music sheets. Pero bakit iba ang pakiramdam niya? Why does she has this weird feeling that it wasn't because of photography that made him familiar to her? Muli na lang siyang nagsulat at ipinabasa iyon dito. I see. I guess that's why you're familiar. He smiled again. This time, it was because of amusement. Teka, may amusing ba sa ginagawa niya? Sa totoo lang, medyo nahihirapan na siya sa pagsusulat ng gusto niyang sabihin dito. Subalit iyon lang ang paraan upang magkausap sila ni Chris. Besides, it wasn't like she could meet a handsome photographer like Chris del Mundo everyday. Lalo na sa sitwasyon niya na kung saan ay hindi siya nakakapagsalita. Sana lang ay hindi ito kaagad magsawa sa kanya. She wanted to be with him, to know him more. Pero paano niya magagawa iyon kung— "You don't have to write everything you want to say, you know" ani Chris na nagpatigil sa daloy ng kanyang isipan.Napatingin siya dito, nagtatanong ang mga mata niya."Can you do sign language?" mayamaya ay tanong nito. Tumango siya. Wait! Hindi niya ako tatanungin ng tungkol sa sign language kung wala itong alam kung paano gawin 'yon. Does that mean he could do or probably understand sign language? At para malaman niya ang sagot, kailangang subukan niyang gawin ang isang bagay. Ibinaba niya ang hawak niyang whiteboard at marker sa buhanginan saka hinarap si Chris. 'Nakakaintindi ka ng sign language?' Iyon ang naitanong niya rito gamit ang sign language na sinikap niyang pag-aralan at kanyang natutuhan four years ago. She might have decided not to force herself to speak anymore after she was discharged to the hospital but she chose to learn other means of communication. One of them was sign language. To her surprise, tumango ito. Naiintindihan siya nito gamit ang sign language! Ganoon na lang ang tuwang naramdaman niya nang malaman iyon. Hindi na siya mahihirapang magsulat nang magsulat para makipag-communicate kay Chris. "Does that make things easier for you?" Sa kawalan ng sasabihin—-which she intented on doing otherwise in terms of sign language, napangiti siya. Isang tunay na ngiti ang ipinakita niya rito dahil sa tuwa. Napatango siya bilang sagot sa tanong nito; hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi niya. Ngumiti ito—ngiting muling nagpabilis sa t***k ng puso niya. "That's great, then." At sinabi nito sa kanya ang dahilan kung bakit nakakaintindi ito ng sign language. He could understand sign language because he was taught how to. Iyon ang means of communication na kailangan nitong matutuhan upang makipag-usap sa isang pinsan nito na ipinanganak nang may problema sa pandinig. Idagdag pa na aphonic din ang pinsan nitong iyon kaya naman kailangan nitong matutuhan iyon. Sa tulong ng ina nito na minsang naging teacher ng sign language, nagagawa nitong makipag-usap sa mga taong walang kakayahang magsalita at makarinig. Lalo na sa foundation kung saan ang pamilya nito ang namamahala at karamihan sa mga tinutulungan ng mga ito ay may mga kapansanang tulad ng pinsan nito. Pakiramdam niya, muli siyang nagbalik sa pagiging teenager nang masilayan niya ang ngiti ni Chris. She couldn't believe she fell in love with his smile. Lalo tuloy itong gumuwapo sa paningin niya. Crush na nga niya yata ito. Weird for her to think that way. But that was what she felt at the moment. At walang dapat kumontra sa nararamdaman niyang iyon ngayon. Good luck with that, Aerin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD