Chapter 11

1564 Words
TATLONG linggo pa ang matuling lumipas at kahit paano ay nagagawa nang kumilos ni Aerin nang normal kahit na may iniindang heartache. Nagpatuloy siya sa buhay niya kahit mahirap at walang araw na hindi siya dinadalaw ng mga alaala nila ni Chris. Alam niyang malabong makalimutan niya ito dahil hanggang ngayon ay umiigting pa rin ang pag-ibig na nararamdaman niya para sa binata. Mahal na mahal pa rin niya ito sa kabila ng masasakit na mga salitang sinabi nila sa isa’t isa. She loved him with all her life in spite of everything. At lalong umigting ang pag-ibig niya para rito nang isang araw ay dumating ang isang balita. She fainted in the middle of her rehearsal for AJ’s fund-raising concert. Hindi na niya ikinagulat ang sinabing dahilan ng doktor. She was pregnant. One month pregnant with Chris’ child. Naging emosyonal siya nang ibalita ng doktor iyon sa kanya. She was crying for two reasons. One, because she was happy that she has Chris’ child in her womb. At least she won’t be living with just memories of him in her heart and mind. Ang batang nasa sinapupunan niya ang katibayan na nag-exist si Chris sa buhay niya. And two, because she was sad that she wouldn’t be able to share her happiness with him. He pushed her away. At hanggang ngayon aymalinaw pa ring nakatanim sa kanyang isip ang galit na mukha nito dahil siya ang sinisisi nito. Dumadagdag na hiwa iyon sa kanyang puso sa tuwing naiisip iyon. Para matahimik siya ay naisip niyang gawin ang isang bagay. Hindi niya alam kung ano ang posibleng resulta niyon sa buhay niya ngunit gusto niyang gawin ang kailangan. Lalo pa ngayong buntis siya. If he would hate her more for it, then it was fine. She has to do it. It was the only way. “May rehearsal pa tayo mamayang alas-onse. Kaya huwag mong kalilimutang magpahinga ng maayos, okay?” paalala ni AJ nang pumasok ito sa silid niya. “Just tell me kung hindi ka makakapunta.” “I’ll go. Susunod na lang ako sa iyo.” “Okay.” Iyon lang at umalis na ito. Nanatili lang siyang nakaupo sa gilid ng kama. Bumuntong-hininga siya bago nahagip ng tingin niya ang kanyang recorder sa ibabaw ng bedside table. Sukat niyon ay may naisip siyang gawin na posibleng makatulong sa kanya na masabi kay Chris ang nais niyang sabihin dito. Using the recorder, inisa-isa niya ang lahat ng gusto niyang sabihin kay Chris. And she even said something unexpected but she didn’t regret it. Not even a bit. PASALAMPAK na inihagis ni Chris ang mga gamit niya sa ibabaw ng kama at pabagsak na inilatag ang sarili doon. Ipinikit ang mga matang pagod na. Napahilot rin siya ng kanyang sentido. Kagagaling lang niya sa Palawan kung saan sunud-sunod ang mga photo shoots na kailangan niyang asikasuhin. Tambak kasi ang trabaho niya matapos ang ilang linggong pagmumukmok niya. Mabuti na lang at at nagawa pa niya ng maayos ang trahaho niya kahit kalat-kalat ang utak niya. Idagdag pa ang iniinda niyang heartache kaya nagulat siya na nakapagtrabaho pa siya nang maayos. In any case, he had to work. He had to build his life again. He was doing it for one special person, after all. Kailangang patunayan niya rito ang sarili niya, ang nararamdaman niya para rito. Nagmulat siya ng mga mata at tumayo mula sa kama. Tinungo niya ang study room upang asikasuhin ang ilang papeles patungkol sa flower farm kahit pagod pa siya mula sa mahabang biyahe. Ang telepono ang una niyang pinagdiskitahan. Katabi niyon ay ang answering machine. Pinindot niya ang isang button at pinakinggan ang mga mensaheng iniwan doon habang wala siya. Ang una niyang narinig ay galing kay Ate Jessie na nangungumusta lang at sinabihan siya nito na pumunta sa record store pagkabalik niya. Ang sumunod namang mensahe ay galing sa kaibigan niyang wedding planner na kinokontrata siyang maging official photographer sa isang kasalang inaasikaso nito. Tawagan na lang daw niya ito kapag nakapagdesisyon na siya. Natigilan naman siya nang marinig niya kung sino ang nag-iwan ng pangatlong message doon. Marahas na napatingin siya sa answering machine at pinakinggan ang mensahe. “Um… Chris, this is Aerin. I know you don’t want to hear anything from me but I have to do this. Wala na akong pakialam kung magagalit ka sa akin. Marami akong gustong sabihin sa iyo pero hindi ko naman magagawang sabihin. Just check out the recorded message I sent to your e-mail account. Sana… Sana paniwalaan mo ang lahat ng mga sinabi ko doon.” Ang end of message tone ang sumunod na narinig niya. Agad siyang nag-sign in sa kanyang e-mail accunt. True to what he heard, naroon nga ang isang e-mail galing kay Aerin na may subject na What’s in here is true. Iyon agad ang binuksan niya. Nakita niya roon ang isang MP3 file bilang attachment niyon. After downloading it, it didn’t take him long to listen to it. Nakaramdam siya ng di-maipaliwanag na kaba habang hinihintay na marinig ang mensaheng ipinadala sa kanya ni Aerin. “Hi, Chris. Alam kong galit ka pa rin sa akin. I don’t know what came over me para gawin ito. But I guess this is for the best. Kailangan, eh. Isa pa, paraan ko ito para matahimik na ako. Magalit ka man ng labis sa mga sasabihin ko ngayon, hindi ko na iintindihin iyon. I have to say everything before I ran out of courage to do so. So… here it is.” Ilang sandali itong huminto at bumuntong-hininga kapagkuwan. Saka ito nagpatuloy.“I’m really sorry. I know I should’ve told you the truth had I known sooner that you’re Cathy’s brother. You deserve at least that. I’m willing to break my promise to Santi if it would make you happy. But I know it’s too late for explanations so I won’t bother explaining anymore. Galit ka sa akin at alam ko iyon. Pero gusto ko pa ring sabihin sa iyo ang lahat ng mga hindi ko nasabi noon. Hindi ko masasabi dito ang buong detalye dahil gusto kong personal na sabihin sa iyo ang lahat. Sasabihin ko lang sa ngayon ang mga importanteng gusto kong sabihin.” Pigil niya ang hininga habang hinihintay ang mensahe na magpatuloy. Narinig niyang muli ang buntong-hininga at ang pagsinghot ni Aerin sa recorded message. Her voice started to crack but she continued. “I love you, Chris. You have no idea how much.” Tila huminto sa pagtibok ang puso niya sa narinig.“I fell in love with you when you declared that you wanted to know more of me, when you smiled at me enough to get rid of my insecurities and the barrier that my situation had surrounded me. I fell in love with you when you helped me speak again after years of not being able to do so. I fell in love with you when you embraced me as I go to sleep and you said that you’d chase my bad dreams away. I fell in love with you when you kept on asking me to say your name over and over. I fell in love with you even more when you first kissed me and when you made love to me without a care in the world. All you cared about was just you and me and our world whenever we…” Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. Parang nakikita na niya sa kanyang isip ang pagngiti nito kasabay ng tawang iyon at ang pamamasa ng mga mata nito. “Kahit galit ka sa akin… I… I never meant every mean and hurtful words I’ve said. And I lied on one part. I lied… nang sabihin kong pinagsisisihan ko ang lahat ng namagitan sa ating dalawa. Nangsinungaling ako nang sabihin kong pinagsisisihan ko na nakilala pa kita. Kung pinagsisisihan ko ang mga iyon, sa tingin mo ba, matutuwa ako na malamang buntis ako? I’m pregnant, Chris. I’m pregnant with our chile. If you really want to hear it from me again, then find me here in Altiera. If it means something to you… Come here and see me…” At natapos na ang recorded message ni Aerin para sa kanya. Subalit tila naestatwa siya sa kinauupuan niya. Hindi siya sigurado kung dahil sa dami ng narinig niya na animo nagpatigil sa pag-ikot ng kanyang mundo. O sa nag-iisang mensaheng tanging tumimo sa isip niya at patuloy na umaalingawngaw doon bukod sa “I love you”. “I’m pregnant, Chris. I’m pregnant with our child…” The woman he loved was bearing his child. Their child… Hindi na niya napigilang ngumiti nang tuluyang mag-sink in iyon sa kanyang isipan. Ngiting nauwi sa tawa dahil sa nag-uumapaw na tuwa at kaligayahang nararamdaman niya. He wanted to do everything right this time. At kung ang pagpunta sa Altiera para humingi ng tawad kay Aerin ang pinakatamang gawin, hindi siya mag-aalinlangan. Kailangan na niyang itama ang lahat ng mga maling nagawa niya kay Aerin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD