Chapter 12

1717 Words
NATAPOS nang maayos ang isa sa mga performance ni AJ sa fund-raising concert kung saan si Aerin ang tumugtog para dito. Masigabong palakpakan ang sumalubong sa kanilang dalawa na ikinatuwa ni Aerin nang husto. Natutuwa siya dahil nagustuhan ng mga ito ang pagtugtog niya bukod pa sa pagkanta ni AJ. Pagpunta niya sa backstage, sinalubong siya ng ilang naroon at ipinahayag ng mga ito ang paghanga nila sa pagtugtog niya ng piano. Mula sa gilid ng stage, kitang-kita niya ang banda ng kaibigan ni AJ na si Miette na nakahanda nang mag-perform. Ang all-girl band na iyon ang isa sa mga front acts ng concert. Naging kaibigan na rin niya ito noong mga panahong bumibisita ito kay AJ sa rehearsal studio ng huli. Naramdaman marahil nito ang presensiya niya dahil tumingin ito sa kanya at ngumiti ng makahulugan bago nito ibaling ang tingin sa mga audience. Ano’ng ibig sabihin n’on? Bakit may iba siyang nararamdaman sa ngiting ibinigay ng dalaga sa kanya? Narinig niyang binati ni Miette ang mga audience matapos magpakilala at nagpasalamat sa suportang ipinakita ng mga naroon para sa naturang concert na iyon. Nagpalakpakan naman ang mga manonood. Base sa nakikita niya, hindi iyon ang unang pagkakataon na nag-participate sa mga ganoong activities ang banda ng dalaga. “Pero kasabay ng pagbibigay natin ng tulong, sabihin na nating may iba pang purpose ang gabing ito para sa ilan. Kagustuhan ko lang pong matulungan ang puso ng mga kaibigan ko kaya pagbibigyan ko na ang sarili kong maging alagad ulit ni Kupido.” Natawa si Miette. Natawa rin ang mga audience. “May mga pagkakataon na nasasaktan natin ang mga taong mahalaga sa atin, ang taong mahal natin. Kadalasan, hindi natin napaghahandaan ang sakit na maaaring idulot n’on sa atin. Saka natin pagsisisihan ang mga nagawa nating iyon sa nakasakit sa kanila. Kapag dumating ang pagkakataon upang humingi ng tawad at patunayan ang pagmamahal natin sa taong iyon, huwag na nating palampasin pa. Bearing the guilt for hurting the one you love is too much—more than enough for us to suffer. This song I’m going to sing first tonight is dedicated to Ate Aerin Romero. From your handsome dreamcatcher who still regarded you as a mystery.” Nanigas siya sa narinig niya. Kulang na lang ay matutop niya ang kanyang bibig upang pigilan ang pag-alpas ng hikbi mula roon. There was only one person who would call himself her dreamcatcher and would still regard her as a mystery. Si Chris lang iyon. Pero nasaan ito? Narinig na ba nito ang recorded message na ipinadala niya rito? Bakit hindi ito nagpapakita sa kanya? The band started playing the intro of the song “If Ever You’re In My Arms Again” before she could even find answers to her question. Regret… That was the song was all about. At kung hindi siya nagkakamali, Chris was regretting right now. He was asking for a second chance. Was that it? Pero anong second chance ang hinihingi nito? “Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa napakalaking kasalanan ko, Aerin. The song isn’t enough to compensate for all the hurt I gave you when I didn’t listen to you, when I said all those hurtful words that made me lose you. But I hope you’ll know how sincere I am para humingi ng tawad sa iyo sa pananakit ko sa damdamin mo.” Humarap siya sa nagsalitang iyon sa kabila ng sorpresang naramdaman niya. Napaluha na siya nang makita niya si Chris ilang hakbang ang layo sa kanya. Hapis ang mukha nito at halatang namayat ito. His eyes had sadness and longing in them na nagpasikip ng kanyang dibdib. Did she impose that sadness to him? Does that mean she wasn’t the only one who suffered all this time? “You… came?” tanging nasambit niya. Ngumiti ito ngunit halata sa mga mata nito ang lungkot. Gusto na niyang lapitan ito at yakapin sa kagustuhang pawiin ang lungkot na iyon. Ngunit batid niyang kailangan nilang magkalinawan muna kung gusto niyang gawin ang nais niya. Unti-unti itong humakbang palapit sa kanya. Tumigil lang ito ng ilang hakbang ang layo sa kanya. Napatitig siya dito. “Iyon naman ang sabi mo sa recorded message mo, ‘di ba? Na kung may halaga para sa akin ang lahat ng mga ipinagtapat mo, puntahan kita rito. Nasaktan na kita at hindi ko na mababago iyon. I’ve been repenting ever since you left. I don’t want to live my life in loneliness and misery anymore, especially if you’re not here with me. You don’t just mean something to me. You meant everything to me. “When you came to my life, I was determined to solve the mystery in you. When you arrived at my vacation house to stay there for two weeks, you helped me let go of my past feelings for Czarina. Tinulungan ako ng musika mo para mangyari iyon. Kaunting panahon lang iyon pero marami ka nang binago sa buhay ko. And when you gave yourself to me, you finally made me realize that I fell in love with you the moment I saw your sad face staring at the beach. Kaya ako nasaktan nang mabasa ko ang sulat ni Ate na ikaw daw ang ipinagpalit ni Santi dito kaya naghiwalay sila. Kaya ako nasaktan nang sabihin mong walang halaga ang mga namagitan sa atin, na pinagsisisiahn mong inialay mo ang sarili mo sa akin. You meant everything in my life as I face my future with you in it. Kaya ako nandito ngayon.” Lalo siyang napaluha. Hinayaan lang niyang tumulo ang kanyang luha dahil iyon lang ang magagawa niya. Hindi niya alam ang dapat sabihin sa mga narinig niya mula kay Chris. She was overwhelmed. Niyakap siya nito nang mahigpit, dahilan upang mapahikbi siya. “Hindi ako nananaginip lang, ‘di ba? Sabihin mo sa aking hindi ito isang ilusyon lang,” mahinang sambit niya sa tonong nagsusumamo habang nakasubsob sa dibdib nito at nakayapos ang kamay niya sa katawan nito. Hindi niya gustong maging panaginip lang ang nangyayari ngayon. “This is not an illusion, Aerin. Nandito talaga ako. I’m sorry for hurting you so much. I’m willing to pay for all the the hurt I’ve caused you. I’ll do that. Basta huwag ka lang mawawala sa akin. Sapat nang nawala na sa akin ang ate ko. Ayoko nang mawala pa sa akin ang babaeng pinakamamahal ko. Nawala na sa akin ang babaeng unang inibig ko dahil si Seth ang minahal niya. Ngayong solo ko na ang puso mo, hindi ko na hahayaang may makaagaw pa n’on mula sa akin. Gusto ko, sa akin lang ang puso mo. Gusto ko, ako lang ang mahal mo, Aerin. Just give me a chance to prove to you how worthy I am for your love.” Inilayo niya ang sarili rito at tiningnan ito. “You already proved your worth to me, Chris. Besides, wala naman akong ibang pinagbigyan ng puso ko. Kung may iba pa akong pinagbigyan n’on, wala ka sana dito ngayon. Hindi sana ikaw ang hinahanap ko. Long before I surrendered myself to you, my heart already belonged to only you, Chris. Inabot lang ang matagal na panahon bago ko naamin iyon sa sarili ko.” Hinaplos nito ang mukha niya at masuyong tinitigan siya. “I’m glad to hear all that. And I’m sorry for being such a jerk. Naipaliwanag na sa akin ni Czarina ang lahat tungkol sa iyo at kay Santi. If it wasn’t for her explanation, baka hanggang ngayon ay nagmumukmok pa rin ako at nasasaktan dahil sa katangahan ko.” Ipinaliwanag nito sa kanya ang mga nalaman nito kay Czarina, courtesy of what Aerin had told to AJ pagdating niya sa Altiera. Ginamit lang ng asawa ni Czarina na si Seth ang koneksiyon nito para lalo pa nilang malaman ang katotohanan at kumpletong impormasyon sa likod ng ikinuwento ni AJ sa mga ito. “They didn’t mean to invade in your personal life pero kailangan lang talaga nilang gawin iyon. I hope you don’t mind.” Umiling siya at ngumiti. “If it would help you know the truth, then I don’t mind.” In fact, thankful pa nga siya na nakatulong iyon upang malinawan na si Chris. “I’m really glad you’re here with me now. Ang akala ko, hindi na mangyayari uli ito. I love you. So much.” “I love you too, Aerin. Patawarin mo ako sa pagiging sarado ng utak ko noon na pakinggan ang paliwanag mo. But this I promise you, hindi na mangyayari uli iyon. I’ll be open-minded to what you have to say. I’ll listen to you attentively para magkaintindihan tayo.” “Nangangako ka na ng kung anu-ano riyan, hindi ka pa nga nagpo-propose sa akin. Mag-propose ka kaya muna, ‘no?,” aniya. Tumawa naman ito at muli siyang niyakap ng mahigpit. She thought she won’t feel that kind of peace, happiness and security in his arms again. He distanced himself from her but didn’t really let her go. “Sana twins ang maging panganay natin,” maya-maya’y sabi nito. “At hindi ka rin nagmamadali.” “Hindi naman. I’m just happy. Now I know why Czarina didn’t end up with me. Ikaw pala ang inilaan ng Diyos para sa akin. Ikaw lang pala ang babaeng nararapat na paglaanan ko ng pagmamahal na hindi niya tinanggap mula sa akin.” Ngumiti na lang siya at umiling-iling. “Ang dami mo talagang drama sa buhay, alam mo ba ‘yon?” He smiled and embraced her tight. Ilang sandali pa, walang salitang inangkin nito ang kanyang mga labi na buong puso niyang tinugon. “I love you, silent princess,” sabi ni Chris matapos siyang halikan. “I love you more, my dreamcatcher. Thanks for coming to my life.” May ngiti sa mga labing nagyakap silang muli. WAKAS

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD