Chapter 10

2277 Words
INISANG lagok lang ni Chris ang laman ng kanyang baso. Lampas na sa kalahati ang bawas ng bote ng brandy na iniinom niya subalit hindi niya pinapansin iyon. Tuloy pa rin siya sa pag-inom. Iyon lang naman kasi ang naisip niyang paraan upang pawiin ang di-maipaliwanag na sakit sa dibdib niya. May isang linggo nang ganoon lang ang ginagawa niya matapos niyang ipagtabuyan si Aerin sa bahay niya. Umaalingawngaw pa rin sa kanyang isipan ang mga salita ni Aerin na tila humiwa sa puso niya. Alam niyang nasakta niya ito at hindi niya ito masisisi kung sabihin nga nito na pinagsisishan nito ang lahat ng namagitan sa kanila. Subalit ang mga salitang iyon ang hindi niya napaghandaan. Hindi rin niya napaghandaan ang sakit na idinulot ng mga iyon na tumutupok sa kanya ngayon. He regretted pushing her to leave. Ngayon lang niya napagtanto iyon. Wala siyang kaide-ideya ng mga panahong iyon na malaking bahagi ng kanyang pagkatao ang tila tinangay ni Aerin sa paglisan nito. Kaya naman ngayon ay nais niya itong makita upang kunin iyon ulit dito. Walang araw na hindi siya nagpabalik-balik sa dalampasigan kung saan sila unang nagkakilala. Nagbabakasakali siya na makita roon si Aerin. Gusto niyang humingi ng tawad dito. Subalit bigo siya. Hindi niya ito ma-contact dahil hindi na nito sinasagot ang mga tawag niya. Hindi rin ito nagre-reply sa mga text niya. Laging out of coverage ang naririnig niya kapag tinatawagan niya ito. Mukhang nagpalit ito ng numero matapos itong umalis. Since then, hindi na naging normal ang takbo ng buhay niya. Tila nawalan na siya ng ganang gawin ang kahit ano. Sa tuwing lilibutin niya ang bahay, palaging mukha ng dalaga at ang mga alaalang namagitan sa kanila ang nakikita niya. Kapag pumupunta siya sa sala ay agad na gumigitaw sa kanyang isipan ang espesyal na umagang namagitan sa kanila kung saan ipinagkaloob nito sa kanya ang sarili nito. Parang naaamoy pa niya ang bango nito na tila nakapagkit na sa carpeted na sahig na iyon. Kapag napapatingin siya sa grand piano, parang naririnig niya ang musikang madalas nitong patugtugin doon—ang “Rain’s Silent Love”. But it only broke his heart and made him unable to accept the fact that he sent her away even though she meant so much to him. His love for her was for nothing because he hurt her so much to the point of letting her regret everything that has something to do with him. He exhaled painfully. How could he have pushed Aerin to leave if she actually meant so much to him? Pero huli na para magsisi. Wala na ito. Wala na ang babaeng nagsilbing pinakamagandang musika ng buhay niya. Malakas na pagkatok ang gumising sa diwa niya. Napaungol siya at padabog na ibinagsak sa counter ang basong hawak niya matapos lagukin ang isinaling laman doon. Buwisit! Wrong timing mang-istorbo. Subalit sa pagbukas niya ng pinto ay sinalubong siya ng galit na mukha ni Seth at isang malakas na suntok sa mukha mula rito. Hindi niya napaghandaan iyon at sa lakas ay natumba siya sa sahig. Napangiwi siya sa sakit. “Damn it, man! What was that for?” mariing tanong niya habang sapo ang nasaktang panga at pinipilit tumayo. Pakiramdam niya ay nadagdagan ang nararamdaman niyang hilo dahil sa pagsuntok ni Seth. “You need that to wake up,” anito. “Ganyan ba ang isasalubong mo sa akin gayong kagagaling mo pa lang sa honeymoon ninyo ni Czarina? And what do you mean that I need it to wake up? Wake up from what?” sunud-sunod na tanong niya. “Wake up from your illusion na si Aerin ang may kasalanan sa pakikipagkalas ni Santi sa kapatid mo na naging dahilan para magpakamatay ang kapatid mo,” anang isang tinig na pamilyar sa kanya. Natigilan siya nang makita si Czarina na pumasok. “Ano’ng ginagawa mo rito? At paano mo nalaman—” “AJ called me and told me everything. She’s my cousin and Aerin Romero’s best friend. Nagkataon namang naroon si Aerin sa poder ng pinsan ko matapos mong ipagtabuyan dahil binulag ka ng ilusyong sumira sa buhay ng kapatid mo, Chris.” “Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan ang kapatid ko, Czarina,” mariing sabi niya. “But that’s the truth!” giit nito. “Cathy destroyed her life because of a picture that she hadn’t tried to know if it was meant to destroy her relationship with Santi or not.” Napatingin siya rito. “Ano’ng ibig mong sabihin? Mali ang sapantaha ng kapatid ko na may relasyon sina Santi at Aerin?” “Talagang mali. At napakaimposibleng magkaroon sila ng relasyon ni Santi.” Si Seth ang sumagot. “Both of you are crazy!” asik niya at tinungo ang minibar. Sabay na napabuntong-hininga ang mag-asawa. “I better get out of here and breathe some fresh air bago ko pa masuntok ulit ang lalaking ito.” Seth left after that. Namalayan na lang niyang umupo sa high stool na katabi ng inuupuan niya si Czarina. Ipinatong nito ang ulo sa kamay nitong nakatungkod sa counter at pinagmasdan siya. Patuloy lang siya sa paglagok ng alak na paubos na. “So you’re just going to drink there and not talk to me?” tanong nito sa nababagot na tono. “Ito na ba ang epekto ng pagtataboy mo kay Aerin after that confrontation dahil hindi niya masabi sa iyo ang totoo?” “What do you want? Nandito ka ba para ipaalala sa akin ang mga iyan? She’s gone, okay? She left me.” “Because you pushed her to leave kahit na alam mong mahal mo siya.” “It doesn’t even matter. Hindi na siya babalik. Like what she said, she regretted everything that has something to do with me,” puno ng pait na sabi niya at tinungga ang laman ng boteng hawak niya. Czarina sighed exasperatedly and took the bottle from him. “Why can’t you just be a man and go after her kung talagang mahal mo siya?” “Para ano pa? Para ipagtabuyan ulit siya?” “Bakit mo itataboy ang taong mahal mo?” “Hindi niya ako mahal,” mapait at mabigat sa dibdib na pahayag niya. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit pinagsisisihan ni Aerin ang lahat ng namagitan sa kanila. “Sigurado ka ba sa sinasabi mong iyan?” tanong nito. Tiningnan niya si Czarina. Nasa mga mata nito ang tila paghahamon na patunayan niya kung totoo ang kanyang pahayag. Pero hindi niya matagalan ang tingin nito kaya tumungo na lang siya. Buntong-hininga ang itinugon nito sa ginawa niyang iyon. May kinuha itong isang folder sa dala nitong shoulder bag at walang salitang inilapag iyon sa counter. Kunot-noong kinuha niya iyon bago niya tiningnan si Czarina. “Ano ‘to?” “Why don’t you read it? Nang sa gayon ay malinawan ka na.” Nagtataka man ay tumalima siya. He opened the folder and read the content inside. Subalit nasorpresa siya sa mga impormasyong bumulaga sa kanya. Hindi siya makapaniwala sa nabasa. “T-this is not real…” di-makapaniwalang usal niya. “This can’t be real. Paano nangyaring magpinsan sina Santi at Aerin?” “They’re half-cousins, to be exact. Magkapatid sa ama ang mama ni Aerin at papa ni Santi. Iyon ang dapat na sasabihin sa iyo ni Aerin if you just gave her a chance to explain. Pero may kasunduan na ang buong pamilya na walang dapat makaalam ng katotohanang iyon sa dahilang hindi na rin ipinaliwanag ng lolo nila. She did ask you to give her some time to tell you everything, right?” Wala sa loob na tumango siya. “Ang kasunduang iyon ang dahilan kung bakit hindi niya masabi sa iyo kaagad ang totoo. Si Aerin ang tipo ng taong hindi marunong tumalikod sa naipangako na niya. It would take a lot of courage for hre to break that promise. Isa pa, alam ni Aerin ang totoong dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Santi kay Cathy. He made his cousin promise not to tell that reason to anyone at all. And that includes your sister.” “Anong rason ang sinasabi mo?” “Santi was already dying when he proposed to your sister. Idagdag pa na nakaapekto rin iyon sa potency nito.” “What?” “That’s the truth he had to hide from Cathy. He had to leave her dahil hindi niya gustong kamuhian siya ng kapatid mo sa oras na sabihin niyang hindi na niya ito mabibigyan ng anak kapag naikasal na sila nito. Mas gugustuhin pa niyang magalit sa kanya si Cathy dahil iniwan niya ito kaysa ikulong ito sa isang kasal na alam niyang hindi na niya maibibigay dito ang pamilyang pinapangarap ng kapatid mo. Hindi gusto ni Santi na masumbatan dahil doon bago siya mamatay.” Tila tinakasan siya ng lakas sa narinig. Ngayon ay lalong umigting ang kagustuhan niyang kausapin si Aerin at hingin ang kapatawaran nito sa pagiging sarado ng isip niya. Hindi niya ito pinakinggan. Tama ito, makitid ang utak niya. Pinaniwalaan lang niya kung ano ang mas matimbang sa kanya, ang mas pabor sa kanya. Because of that, he lost her. Siya ang may kasalanan kung bakit nangyari iyon. Namasa ang kanyang mga mata at lalong bumigat ang dibdib niya sa lahat ng mga nalaman niya. Everything he believed for the past five years were just illusions. Walang babaeng namagitan sa relasyon ng ate niya at ni Santi. He knew now that Aerin would never ruin someone else’s relationship. Aerin was kind and sweet for that. Bakit ba nawala sa isipan niya ang tungkol doon? How could he have been so blind at the time he confronted her? Isinubsob niya ang mukha sa counter at umiyak. Hindi na niya alintana na nakikita siya si Czarina. Nasasaktan siya ng mga sandaling iyon at batid niyang naiintindihan siya nito. Naramdaman niya ang pagdantay ng palad ni Czarina sa likod niya. Lalo siyang napaiyak sa ginawa nito. “Hindi pa huli ang lahat para sa inyong dalawa ni Aerin, Chris. Be a man and fix your life. When you’re done doing that, go after her. Hindi ka magpapakalunod sa alak at magmumukmok dito sa bahay mo kung hindi siya mahalaga sa iyo. Gawin mo ang mga bagay na makapagpapasaya sa iyo. Go back to photography. Go after her.” Nag-angat siya ng tingin. “Paano ka nakakasigurong hindi pa huli ang lahat, Czarina? I pushed her to leave. Nagalit siya sa akin.” “Wala sa bokabularyo mo ang sumuko na lang gayong hindi pa huli ang lahat. Gaya na lang ng ginawa mo noon bago mo nalaman ang tungkol sa aming dalawa ni Seth. Ang sarili mong paniniwala na itinanim ni Cathy sa utak mo ang tanging pumipigil sa iyo ngayon. Learn to let go of that. Just do what you have to do for you to find that happiness,” saad nito. Muli niyang isinubsob ang kanyang mukha sa counter. For the last time, he would allow himself to cry because he was hurt. By the next time he would cry again, happiness would be the reason. He just needed to do what he had to do in order to make it happen. And he needed to to do it right this time. “YOU’RE playing it again. Hindi ka ba nagsasawa sa pagtugtog ng musikang iyan?” Napalingon si Aerin nang marinig niya ang nagsalitang iyon. Napangiti siya nang makita niya ang kaibigang si Alcris Jane Santos—o AJ sa karamihan ng mga kakilala nito—ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan niya. Nasa bukana ito ng music room at tila ilang minuto na itong naroon habang pinakikinggan ang pinatutugtog niya sa piano. “I guess it’ll take me a decade before I could stop myself from playing this melody, AJ,” malungkot na aniya at muling hinarap ang piano. Dalawang linggo na siya sa Altiera. Si AJ ang unang-unang tinawagan niya matapos umalis sa bahay ni Chris. Nagkataon naman na ilang buwan na siyang kinukulit nito na magbakasyon doon kaya pumayag na siya. Ang masaklap lang, pumunta siya sa Altiera hindi dahil sa hiling ng kaibigan niya kundi dahil gusto niyang paghilumin ang pusong sugatan. Mabuti na lang at nauunawaan ni AJ ang sitwasyong pinagdaraanan niya. Broken-hearted din ito gaya niya. Whatever was her friend’s story, maybe she would know someday. Nilapitan siya ni AJ at kinuha ang stool na nasa tabi ng piano. Ipinuwesto nito iyon sa tabi niya at naupo ito roon. “Parang ginagamit lang nating outlet ang musika para mailabas ang damdamin natin,” wika nito. “Kahit papaano naman ay nakakatulong ito kaysa sa wala tayong magawa at magmukmok lang.” “Yeah. Let’s just hope the music won’t hate us for this. Wala ka bang planong tawagan siya?” tanong nito na ang tinutukoy ay si Chris. Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko alam kung handa na ako. Hindi ko kayang marinig ang tinig niya na galit at namumuhi sa akin dahil sa paniwala niyang ako ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang kapatid niya.” Hindi na lingid dito ang mga nalaman niya mula kay Chris noong araw na umalis siya. Umiiyak na ikinuwento niya iyon kay AJ nang dumating siya sa Altiera. Tinapik lang nito ang balikat niya. “Just give it a try.” “I’ll think about it.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD