Chapter 9

4100 Words
LIWANAG na nagmumula sa labas ang gumising kay Aerin dahil nasilaw siya niyon. Naramdaman din niya ang init niyon kaya alam niyang umaga na. Hindi naman masakit sa balat ang init kaya napagtanto niyang kasisimula pa lang ng isang bagong umaga. Bahagya siyang dumilat at nakita niyang nagmula sa nakahawing kurtina ang liwanag. Dahan-dahan siyang bumangon at pinagmasdan niya ang paligid bago dumako ang tingin niya sa labas. Hindi niya alam kung bakit iba ang umagang iyon para sa kanya. She felt elated in a way. And that morning somehow felt warm. Tila nangangako iyon ng magandang simula para sa kanya dahil sa nangyari. Napangiti siya nang sumagi sa isipan niya ang namagitan sa kanila ni Chris. Wala siyang anumang saplot sa katawan maliban sa kumot na tumatakip sa kahubdan niya. Nang lumingon siya sa gilid, natigilan siya dahil wala pala roon ang binata. Maaga yata itong nagising. Nasa kusina kaya siya? Tumayo na siya at dumiretso sa banyo upang mag-shower. Nang matapos ay itinapi niya ang malaking tuwalyang naroon sa katawan niya. Nagtungo siya sa silid niya upang kumuha ng damit. Subalit natigilan siya dahil sa tumambad sa kanya pagkabukas ng pinto ng silid ni Chris. Flower petals? Nagkalat kasi ang mga flower petals sa carpeted na sahig ng hallway. Nang makahuma ay napangiti na lang siya. Tiyak niyang si Chris ang may kagagawan niyon. Pero bakit? May nakita siyang isang papel na nakalatag sa sahig kasama ng mga petals. Dumukwang siya at kinuha iyon. Follow the trail of petals. It will lead you to me. Iyon ang nakasulat sa papel at sulat-kamay iyon ni Chris. Nagmadali siyang magtungo sa silid niya at nagbihis. She hope he wouldn’t mind if she tried her best to look beautiful in front of him after their love makings yesterday. Agad siyang lumabas ng silid pagkatapos niyang magbihis. Isang baby blue summer dress ang napili niyang isuot. Gaya ng nakasulat ay sinundan niya ang mga talulot sa sahig. Sinundan niya iyon hanggang marating niya ang living room. Napatigil siya sa pagsunod sa mga iyon nang dumako ang tingin niya sa sofa kung saan siya unang inangkin ng binata. Just by looking at it made her remember every detail almost instantly. Even the sensations she felt were vividly etched in her mind. Muli niyang sinundan ang mga petals subalit nangunot ang noo niya nang mapansing sa porch patungo ang mga petals. “Bakit sa porch?” mahinang usal niya. Gayunman ay sinundan pa rin niya iyon hanggang makarating siya roon. Sa pagbukas ng pinto ay narinig niyang pumailanlang ang isang love song. Her heart beat faster in anticipation as she went out to the porch. Hindi niya alam kung ano nga ba ang dapat niyang makita roon. Subalit nalaman lang niya ang sagot roon nang makita niya si Chris sa tabi ng CD/cassette player na nakapatong sa balustrade. Nakaupo ito roon at nakangiting nakamasid sa kanya. “Good morning, princess,” bati nito at tumayo saka lumapit sa kanya. “You made this?” nakangiting tanong niya habang pinagmamasdan ang paligid ng porch. May mga pagkain sa mesa na mga bagong luto pa dahil umuusok ang mga iyon. Sa gitna ng mesa ay naroon ang isang maliit na vase na may iba’t ibang klase ng bulaklak na nakalagay roon. Sa sahig ng porch ay nagkalat ang marami pang flower petals na talaga namang humahalimuyak sa bango. Though the scent was slightly strong, nevertheless it calmed her senses. “Yes, I made this. Kailangan kong mag-effort na maging memorable ang natitira mo pang tatlong araw dito. Isa pa, paraan ko ito para maiba naman ang pagsalubong mo sa umaga mo.” Saka siya siniil ng mapag-angking halik sa mga labi niya nang tuluyan na itong nakalapit sa kanya. Tinugon niya iyon ng buong puso. “After making love to you the whole day yesterday, I thought I should make your stay here even more memorable,” anas nito habang nakatingin sa mga mata niya. “P-para ano pa? Hindi mo naman kailangang mag-effort nang ganito, eh.” “You don’t like it?” “That’s not what I meant,” agap niya nang makita ang pagguhit ng disappointment sa mga mata nito. “I-I mean, you already made my stay here truly memorable. Sa loob ng halos dalawang linggong pananatili ko dito, marami nang nangyari sa buhay ko na hinding-hindi ko malilimutan. At kasama kita sa mga iyon. Isa pa…” Subalit ayaw lumabas sa bibig niya ang mga nais niyang sabihin. Sasabihin ko ba sa kanya? “Ang ibig bang sabihin niyon, unforgettable ako?” Napatingin siya rito. Gusto niyang matawa sa klase ng pagkakangisi nito. Mukhang may nasabi yata siya na nag-boost ng ego nito. “Hindi,” sagot niya. Bigla itong sumimangot na animo bata na ikinatawa na lang niya. Tawang natigil nang muli siyang halikan nito. “Kakain na po ba tayo ng breakfast, smiling prince?” tanong niya matapos nitong pakawalan ang mga labi niya. “Hindi mo pa ako binabati ng ‘good morning’.” “Good morning, prince.” “That’s better. Let’s go. Kumain na tayo. Kanina pa kita hinihintay. Ang boring kasing kumain nang walang kasabay.” “Dati ka namang kumakain ng almusal na walang kasabay, ah,” aniya nang makaupo na siya. “Boring kumain na walang kasabay na magandang babae.” “Ganoon?” sambit niya at umiling-iling. Natawa sila pareho at maganang kumain kapagkuwan. Hindi sila lumabas buong maghapon. Naroon lang sila sa loob ng bahay at walang ibang ginawa kundi ang magkuwentuhan at magluto. Tinuruan siya nito kung paano magluto ng mga putaheng alam nitong lutuin—both local and international dishes. Tuwang-tuwa siya dahil marami siyang natutuhan. Kunsabagay, magaling namang magturo si Chris. Matiyaga rin ito. Tinapos nila ang araw na iyon sa paulit-ulit na pakikinig sa ni-record na musika niya na sinundan ng isang mainit na pagniniig. Nang mga sandaling iyon, natiyak niya na walang ibang lalaking aangkin sa kanya kundi si Chris lang. Ito lang at wala nang iba—kahit na alam niyang ito na ang hudyat na kailangan niyang ihanda ang kanyang sarili sa paglayo rito. TATLONG oras nang tulog si Aerin ngunit gising na gising pa rin si Chris. Yakap niya ang malambot na katawan ng babaeng kanina lang ay kaulayaw niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang aabot sa ganito ang pakikipaglapit niya rito. Hindi niya alam na ganoon pala kasarap na makapiling ang dalaga. He wished everything could stay as blissful as that for a long time. Pero alam niya, matatapos ang lahat ng mayroon sila ngayon ni Aerin. Two days more and she would leave him. Iyon naman ang dapat, ‘di ba? Bakit tila mabigat sa dibdib niya na ganoon nga ang mangyayari? Hindi niya gustong malayo sa kanya si Aerin. Hindi niya kakayanin iyon. at hindi lang dahil sa physical attraction na nararamdaman niya para rito, alam niya iyon. Hindi niya kayang malayo si Aerin sa kanya dahil mahal niya ito. Mahal na mahal. Much more than he had ever loved Czarina. Napangiti siya sa realisasyong iyon. Niyuko siya si Aerin habang nakaunan ito sa braso niya. God, he loved this silent princess. Her silence was one reason why he was drawn to her. Her silence said everything about what his life would be like with her. It would be a life full of wonderful moments—moments that he would forever cherish in his heart. Hinawi niya ang nakatabing na mga hibla ng buhok sa mukha nito. Hindi niya napigilang haplusin ang maamong mukha nito—ang mukhang hindi na kababakasan ng lungkot na unang pumukaw ng atensiyon niya at bumuhay sa kagustuhan niyang pawiin ang lungkot na iyon. Her face was like that of an angel—serene and beautiful. Even her smile was extraordinary. Ang inosenteng ngiti nito ang nagpasimula ng lahat ng nararamdaman niya para rito ngayon. And it pained him just thinking that he would never had a glimpse of that smile after that vacation. Hindi niya maaaring sabihin dito ang tunay niyang nararamdaman kahit na gusto niya. Madadamay ito sa gulong posibleng kasangkutan niya dahil sa paghahanap sa babaeng dahilan kung bakit hiniwalayan ni Santi ang kapatid niya. Nagsilbing rason iyon upang magpakamatay ang huli. “How I wish I could easily say I love you, Aerin. I want you to stay with me. Pero ayokong madamay ka sa problema ko. Hindi ko gustong makita mo ang Chris del Mundo na mapaghiganti dahil sinakta nang labis ang taong mahalaga sa akin. Ayokong layuan mo ako dahil takot ka sa akin,” usal niya habang hinahaplos ang mukha nito. Ginawaran niya ng masuyong halik ang mga labi nito. “I love you and I want to be with you forever. I want you to be my forever princess…” ABALA sa paghahalungkat si Chris sa mga nakatagong gamit ni Cathy sa family villa ng mga del Mundo. Maaga siyang umalis sa bahay niya at iniwan roon pansamantala si Aerin bago ito magising. Mahimbing na mahimbing ang tulog nito kaya hindi na niya ito ginising pa upang makapagpaalam. He just kissed her lips gently. Naisipan niyang magtungo sa villa na apat na kilometro ang layo mula sa bahay niya dahil nais na niyang tapusin ang dapat niyang gawin. Magmula nang sumagi sa isip niya kagabi ang mga inamin niya sa sarili at ang gulo na maaari niyang kasangkutan ay hindi na siya natahimik. Limang taon na ang lumipas mula nang magpakamatay si Cathy at ipangako niya sa kanyang sarili na hahanapin niya ang taong dahilan niyon. Subalit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung sino nga ba iyon. Gusto na niyang tapusin sa lalong madaling panahon ang paghahanap niya sa taong iyon upang matahimik na siya. At may palagay siya na posibleng alam ng kapatid niya ang identity ng babaeng ipinalit ni Santi rito. Sa mga lumang gamit nito—-posibleng doon niya matagpuan ang kasagutan. Inabot din siya ng ilang araw sa panghahalungkat hanggang makita niya ang isang sobre na nakaipit sa journal ni Cathy. Kumunot ang noo niya lalo na nang makita niya na nakapangalan sa kanya ang sobre. Handwriting ito ni Ate… Pero bakit ngayon ko lang ito nakita? At saka lang niya naalala na hindi nga pala niya ginalaw maski isang gamit ng yumaong kapatid magmula nang mamatay ito. Hindi niya tinangkang pakialaman ang anumang gamit sa silid ng kanyang kapatid dahil hindi pa rin niya lubusang matanggap na nawala sa isang iglap ang taong pinahahalagahan niya. Kumabog nang malakas ang kanyang dibdib nang mahawakan na niya ang sobre. Hindi siya sigurado kung para saan iyon subalit sinikap niyang huwag pansinin iyon. nagpatuloy siya sa pagbubukas ng sobre. Isang sulat ang naroon kasama ang isang litrato. Kinuha niya ang litratoat tiningnan iyon, para lang magulat sa tumambad sa kanya. “It can’t be… H-hindi ito totoo,” naguguluhang sambit niya dahil sa nakita. Tila may tumarak na kung anong matalim sapul sa puso niya. Hindi niya matanggap ang nakita sa larawan. Nanginginig ang mga kamay na kinuha niya ang sulat sa sobre at agad na binasa iyon. Ngunit lalo lamang umigting ang hindi maipaliwanag na sakit sa puso niya, kaalinsabay ng iba pang mga emosyong alam niyang hindi kakayanin ng dibdib niya. Pain, denial, shock—and most of all, betrayal. Ilan lang ang mga ito sa mga nangingibabaw sa dibdib niya ng mga sandaling iyon. Hindi siya makapaniwala sa mga nalaman niya. Walang salitang tumayo siya at nilisan ang lugar na iyon. nagmamadali siyang bumalik sa bahay niya dahil kailangan niyang kumprontahin si Aerin. Kailangan niyang maliwanagan—kahit na alam niyang posible siyang masaktan sa maaaring kahinatnan ng lahat. NAG-UUMPISA na si Aerin sa pag-eempake ng mga gamit niya kahit na bukas pa ang alis niya. Hindi niya matukoy kung bakit niya ginagawa iyon subalit nagpatuloy lang siya. Habang nagtutupi siya ng mga damit niya at isinisilid ang mga iyon sa duffel bag ay unti-unting bumibigat ang dibdib niya. Alam na niya na darating siya sa puntong iyon. Dalawang linggo—iyon lang ang itatagal ng bakasyon niya. Bukas ay matatapos na ang dalawang linggong bakasyon na iyon. Nangangahulugan din iyon na matatapos na bukas ang ugnayang mayroon sila ng binata. May nangyari man sa kanila, hindi pa rin assurance iyon na pareho sila ng nararamdaman ni Chris. Pero hindi niya maintindihan kung bakit noong huling beses na angkinin siya nito ay naging mapusok ito—higit na mapusok kaysa noong unang beses na naganap ang lahat. It was like he couldn’t get enough of her. Pero tiyak niyang siya lang ang tumutugon sa pag-angkin nito na puno ng pagmamahal para rito. At napakasakit isiping baka hanggang pisikal lang ang lahat ng namagitan sa kanila. Napapitlag siya nang marinig ang malakas na kalabog na pumutol sa pagmumuni-muni niya. Ganoon na lang ang pagtataka at takot niya nang makita ang tila galit na anyo ni Chris habang humahakbang ito palapit sa kanya. “M-may problema ba, Chris?” Kinakabahan man ay nagawa pa rin niyang itanong iyon. Tumayo siya matapos isara ang closet. Huminto ito ilang hakbang ang layo sa kanya at ibinagsak sa wooden table ang isang nakatuping papel—na hinuha niyang isang sulat—at isang litrato. Litong tumingin siya kay Chris. “Bakit hindi mo tingnan?” sabi nito sa malamig na tono na tumarak sa puso niya. Nagtataka man—idagdag pa na nasaktan din siya sa klase ng tonong ginamit nito, sinunod niya ang sinabi nito. Una niyang kinuha ang litratong natatakpan ng sulat. Kumunot ang noo niya sa nakita. Nakita niya ang sarili sa litrato na yakap ang isang lalaking kilala niya. In fact, the guy she was hugging in the picture happened to be someone close to her. Pero bakit nito ipinapakita sa kanya ang litratong iyon? “I-I don’t get it. Paano napunta sa iyo ang litratong ito?” tanong niya at muling ibinalik ang tingin sa litrato. Iyon ang paboritong litrato ng pinsan niyang si Santi Novencido kung saan ay sinalubong niya ito ng yakap dahil kadarating nito mula sa China sa isang business seminar. Kuha ang litratong iyon sa labas ng bahay nila. Sa pagkakaalala niya, naiwala ni Santi ang litratong iyon at ilang araw nitong hinanap iyon ngunit bigo itong makita iyon. Kaya paano napunta iyon kay Chris? “Sino siya sa buhay mo, Aerin? Hindi mo ba alam na ang taong kasama mo sa litratong iyan ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang kapatid ko five years ago?” puno ng pait na pahayag nito. Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. “F-five years ago?” Oh, God! That was around the time Santi died. “Paano mo nagawang itago sa akin ito? Do you have any idea how much I wanted to find you? How much I’ve wanted to know the person who drove my sister to kill herself?” “Hindi kita maintindihan. Ano ba’ng sinasabi mo?” naguguluhang usisa niya. “And why do you want to find me?” “Dahil ikaw ang mga kasalanan kung bakit naisipan niyang magpakamatay. Kung hindi dahil sa iyo, hindi sana iniwan ni Santi si Ate gayong engaged na sila at ilang araw na lang at dapat na ikakasal na sila. It’s your fault, Aerin.” Siya naman ay tila nanghina sa narinig. Hindi nito naiintindihan ang totoong dahilan kung bakit kailangang hiwalayan ni Santi ang fiancee nito. Ngayon lang niya naalala kung bakit tila pamilyar si Chris sa kanya. Tiyak niyang walang kinalaman iyon sa pagiging professional photographer nito. Nakita na niya si Chris noon, nang ipakita ni Santi sa kanya ang litrato ni Catherine del Mundo—ang fiancee nito—na kasama ang nag-iisang kapatid ng huli nang minsang kinulit niya ang pinsan na ipakilala sa kanya ang babae. Hindi nga lang dumating ang pagkakataong iyon dahil sa isang dagok sa buhay ni Santi. Naging dahilan iyon upang makipagkalas ito sa nobya. Santi was devastated with his decision but he had to do it before something worse happens. Hindi niya maintindihan kung bakit sinisisi siya ni Chris sa pagpapakamatay ni Cathy. Iniisip ba nitong siya ang ipinalit ni Santi sa huli kaya nakipagkalas ito? Pero imposibleng mangyari iyon. hindi kailanman nangyari iyon. Iyon ang kailangan niyang ipaliwanag. “Chris, I… I can explain. It’s not what you think,” saad niya at aktong hahakbang siya palapit dito. Subalit humakbang ito ng ilang beses paatras. Nasaktan siya sa ginawa nitong iyon na tila ba nandidiri ito sa kanya at may nakakahawa siyang sakit. Nag-init ang kanyang mga mata. “Alam ko kung gaano kamahal ni Santi si Cathy. But he has his reasons why he had to let her go. At hindi ako ang—” “Do you think I’m dumb? There’s no other reason for that bastard to leave my sister but you, Aerin. Inagaw mo siya sa kapatid ko.” Pinigil niya ang pagtulo ng kanyang luha. “You don’t understand!” “Then make me!” “Ipinapaliwanag ko na sa iyo. Hindi ako ang may kasalanan. There were just… reasons. Pero hindi ganoon kadali para sa akin na sabihin iyon.” Ngunit tila ayaw na siyang pakinggan nito dahil iwinasiwas nito ang isang kamay. “Don’t bother. Just… leave. Now!” “Chris, please… Don’t do this,” maniyak-ngiyak na pakiusap niya. Hindi pa niya gustong umalis. Kahit isang araw pa, gusto niyang manatili sa bahay na iyon kung saan naroon ito. Gusto pa niyang makasama ito sa huling araw ng pagbabakasyon niya doon. “Bigyan mo ako ng panahong makapagpaliwanag sa iyo. I’ll explain everything, just give me time to prepare.” “Para ano pa? Para makapaghanda ka ng mga litanya mo na pulos kasinungalingan? Don’t bother, Aerin. Hindi ko rin pakikinggan ang mga kasinungalingan mo. Kung ako sa iyo, umalis ka na. I don’t want to see you here anymore,” anito sa malamig na tono. Daig pa niya ang nasigawan ng megaphone sa tainga sa mga sinabi nito. Hindi siya makapaniwala—at lalong hindi niya nagustuhan—na ganoon ang nangyayari. Itinataboy siya ni Chris dahil hindi lang niya nagawang ipaliwanag dito kaagad ng maayos ang totoo. Pero may dahilan kung bakit kailangan niyang ihanda ang sarili niya sa pagsasabi dito ng katotohanang kailangan nitong malaman upang malinawan. Hindi ganoon kadali sa kanya na sabihin kay Chris na nagdusa rin si Santi. Siya ang saksi kung paano nagdusa ang pinsan niya bago ang aksidente. Pero paano ba niya ipapaliwanag dito ang totoo gayong ayaw na siyang pakinggan nito? “Y-you don’t mean that, Chris. Right?” Wala sa sariling napailing siya ng ilang beses—unbelieving of what she had just heard. “Sabihin mo sa akin na nagbibiro ka lang.” Subalit blangko ang ekspresyon nito nang tingnan niya ang mukha nito. His eyes were devoid of any emotions. At sapat na iyon upang makadama siya ng di-maipaliwanag na panlalamig sa buong sistema niya. Mukhang hindi niya magugustuhan ang isasagot nito sa kanya. “Chris?” “I don’t want to see you here anymore,” ulit nito sa mas malamig na tono. “Ganoon na lang ba kadali para sa iyo na itaboy ako?” puno ng pait at hinanakit na saad niya. “Wala na bang halaga sa iyo ang mga namagitan sa atin?” “What we had together was nothing. In fact, it was the biggest mistake I’ve ever done in my life. Hindi na lang sana ako nakipaglapit sa iyo dahil gusto ko. Kung alam ko lang sa simula pa lang na ikaw ang ipinalit ni Santi sa kapatid ko, nuncang hahayaan kong may mangyari sa atin. Ipaparamdam ko dapat sa iyo ang paghihirap na naranasan ni Ate bago siya namatay. Ngayon pa lang, labis-labis na ang pagsisisi kong nakipaglapit pa ako sa iyo.” Tila pinalakol nang ilang ulit ang kanyang puso at dinurog pa iyon ng pinung-pino sa mga sinabi nito. Nag-uumpisa na ang walang humpay na pagtulo ng mga luha niya dahil sa nararamdamang kirot at pait. “What had turned you into a cold-hearted bastard, Chris?” Hindi na niya pinigilan ang pagtulo ng mga luha niyang tila asidong tumulo sa kanyang puso at dinagdagan ang hapding nararamdaman niyon. Hindi niya matanggap at napakasakit sa kanya na tila pinagsisisihan nito na nangyari ang lahat sa pagitan nila. “Ni hindi mo man lang ako bigyan ng pagkakataong ihanda ang sarili ko naipaliwanag sa iyo ang totoo. I just need time. Mahirap ba para sa iyo na ibigay iyon?” Hinarap siya nito. “Time? My sister wasn’t given time to demand an explanation from Santi nang iwan siya nito five years ago. I wasn’t given time to save her and prevent her death. Anong time pa ang hinihingi mo sa akin, Aerin?” “Just because you weren’t given a time to do what you want to do doesn’t mean you have to do the same thing to me.” “At bakit hindi ko gagawin iyon? You practically ruined my sister’s life. Kung hindi ka dumating sa buhay ni Santi, masaya na sana ngayon ang kapatid ko. Buhay pa sana ang kapatid ko hanggang ngayon.” “I can’t believe you!” bulalas niya at muling napaiyak. Tuluyan na yata nitong isinara ang isip na pakinggan pa siya. “You’re blaming me for something I didn’t do.” “Dahil iyon ang totoo.” “You’re wrong!” sigaw niya rito, dahilan upang pareho silang matahimik. Siya naman ay huminga ng pagkalalim-lalim upang paluwagin ang nagsisikip niyang dibdib. “Why can’t you just listen? Hindi sapat ang litratong iyan para sabihin mo sa akin na wala lang sa iyo ang lahat ng namagitan sa ating dalawa.” “Ang litratong iyan ang dahilan kung bakit naisipang magpakamatay ng kapatid ko. That one picture ruined everything.” “But it doesn’t prove anything. Why can’t you just believe me and listen to me?” Umiling lang ito at tumalikod na sa kanya. Aktong bubuksan na nito ang pinto nang tawagin niya ito. “I expect you to leave this house today. Huwag ka nang magtangkang magpaliwanag ng kahit na ano. My sister never lied to me, not once. At sigurado ako na hindi siya nagsisinungaling nang sabihin niya sa sulat na ikaw ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Santi at Ate.” “Without even listening to my side of the story? Ganyan ba kakitid ang utak mo, Chris?” sumbat niya. “Huwag mo akong sabihang makitid ang utak!” asik nito na hindi pa siya hinaharap. “Bakit? Hindi mo matanggap? You won’t even give me a chance to explain. Pinaniniwalaan mo lang kung ano ang nakita’t narinig mo sa mga taong pinapaboran mo. Hindi mo man lang pakinggan ang panig ko.” “Just leave,” mahina ngunit mariing utos nito. She scoffed bitterly. “Sana hindi ko na lang inalay ang sarili ko sa iyo. Ngayon ko gustong pagsisihan ang lahat. Ngayon ko gustong pagsisihan nang labis na nakilala pa kita.” Nakita niyang tila nanigas si Chris sa kinatatayuan nito subalit panandalian lang iyon. Mabilis itong lumabas ng silid na iyon at pasalyang isinara ang pinto. Noon naman tuluyang bumigay ang mga tuhod niya at napaluhod siya sa sahig. Hindi na niya napigilang humagulgol sa tindi ng sakit ng kaloobang nararamdaman. Ang sakit rin na iyon ang nagbunsod sa kanya na sabihin ang kasinungalingang iyon. Hindi totoong gusto niyang pagsisihan ang lahat ng namagitan sa kanila ni Chris. It was the last thing she wanted to do. Bakit niya pagsisisihan ang isang pangyayaring sadyang napakahalaga sa kanya? Ilang oras ang pinalipas niya bago naisipang kunin ang nakaempake nang mga gamit niya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit bigla niyang naisipang mag-empake kahit hindi pa araw ng pag-alis niya. One way or another, there would be a reason for her to leave that place earlier than expected. Iyon ang nararamdaman niya. She just didn’t expect it to be this painful. Mabibigat ang mga hakbang at walang humpay sa pagtulo ang kanyang mga luha na umalis siya sa bahay na iyon na hindi man lang nagpapaalam kay Chris. Pinili niyang dalhin ang sulat at ang litrato sa pag-alis niyang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD