CHAPTER 2

1007 Words
UNANG narinig ni Derek ang balita sa dalawang part-time waitress ng restaurant niya. Parehong mga estudyante sa kolehiyo ang dalawa. Bilang pagtulong sa mga estudyanteng nangangailangan ng panggastos sa pag-aaral, tumatanggap ang Chef Derek’s ng part-time staff. Katwiran ni Derek, maging siya ay dumaan sa panahon na kailangan niyang humanap ng mapag-kakakitaan para makapagtapos ng pag-aaral sa Center For Culinary Arts. At ngayon na maalwan na ang kanyang buhay, nagdesisyon siyang tumulong sa iba.                Parehong nag-aaral ng Fashion Design ang dalawang waitress. Mahirap man aminin sa sarili subalit isa iyon sa dahilan kung bakit tinanggap niya ang dalawa. They remind him of someone from the past.                “Sobrang laking eskandalo ang nangyari. Siguro hiyang hiya siya na nabisto siyang nag-recycle ng old design niya. Kung wala na siya maisip sana tumanggi na lang siyang gumawa ng gown,” sabi ni Hazel.                Sarado na ang Chef Derek’s ng mga sandaling iyon at kasalukuyan silang naglilinis at nagliligpit bago magsara. Mabilis naman ang kilos ng dalawa kahit na nag-uusap kaya hindi niya masaway.                “Pero totoo nga kaya na hindi na siya nakakagawa ng designs? Natuyo na ba ang creativity niya? Sayang naman, avid fan pa naman ako ni Jella Perez,” sabi naman ni Eris.                Napahinto sa ginagawa si Derek at marahas na napalingon sa dalawang waitress. Napansin ng mga ito na napatingin siya kaya huminto sa pagsasalita, bumakas ang guilt sa mga mukha. Akala marahil ay ang pag-uusap habang nagtatrabaho ang dahilan kung bakit naging marahas ang pagbaling niya sa mga ito. Ipinilig niya ang ulo at pilit na ngumiti. “Pagkatapos niyo sa ginagawa niyo puwede na kayong umuwi.”                “Yes, chef,” sabi ng dalawa na halatang nakahinga ng maluwag na hindi niya pinagalitan. Tumalikod na si Derek para inspeksyunin sa huling pagkakataon ang kusina. Pero ang utak niya ay nanatili sa usapan ng dalawa. Lalo na sa pangalang binanggit. Naglaro iyon sa isip niya hanggang sa makauwi siya sa Bachelor’s Pad bandang ala una ng umaga. Dalawang araw pagkatapos niyang marinig ang pag-uusap na iyon ng mga waitress niya ay naging laman ng balita ang pagbabalik sa Pilipinas ni Jella Perez, renowned genius fashion designer and the country’s pride. Kinagabihan tuloy ay ginawa niya ang isang bagay na iniwasan niyang gawin sa nakaraang anim na taon; he searched her name on the internet. Agad lumabas ang mga artikulo tungkol sa dalaga. Hindi na nawala ang babae sa isip ni Derek mula noon. Hindi na tuloy siya makatulog ng maayos kaya sa tuwing uuwi siya sa gabi, himbis na dumeretso sa unit niya ay napapakambiyo siya at pumapasok sa common area. Katulad ng gabing iyon. Natigilan si Derek nang makitang halos walang tao roon. Hindi tulad dati na karamihan sa mga residente ng gusali ay nakatambay pa doon ng ganoong oras dahil halos lahat ay kauuwi lang galiang sa kani-kanilang trabaho. Sa bar counter ay umiinom si Trick Alfonso at Benedict Barcenas habang seryosong nag-uusap. Malamang tungkol sa negosyo. Si Art Mendez na nagbalik na galing sa pagbabakasyon at pagpapagaling nito ay nakapuwesto sa isang couch, masayang nakikipag-usap sa cellphone. Malamang si Charlene Mariano ang kausap ni Art. Ang babae lang naman ang nakakapagpangiti ng ganoon sa lalaki mula nang maaksidente ito. Si Apolinario Montes ay nasa entertainment area, may pinapanood sa higanteng LCD screen na isang US medical tv series. At si Keith ay nakasalampak ng upo sa mahabang sofa, nakatitig sa kisame at tahimik. Sa tagal nilang pagkakakilala ay alam na niyang kapag ganoon ang hitsura nito ay nag-iisip ito para sa isinusulat na nobela. Tahimik na pumuwesto ng upo si Derek sa couch na katapat ng inuupuan ni Keith. Sa mga ganoong pagkakataon kasi ay alam niyang hindi ito dapat istorbohin. Binuksan niya ang kanyang ipad at tinipa ang pangalan ni Jella sa browser. Binasa ulit ang mga artikulo tungkol sa dalaga. Maya-maya ay bigla na lang nagsalita si Keith, “So, nagdesisyon si Art na tuluyang talikuran ang nakaraan at nagkaroon na talaga ng closure sa ex niya. E ikaw? Hindi ka pa rin magmo-move on?” Napabuntong hininga si Derek at tinapunan ng tingin si Keith na ngingiti-ngiti pa habang pinagmamasdan siya sa pagbabasa ng mga online article sa ipad. “Keith, ayokong sabihin sa iyo kung ano ang balak ko dahil siguradong gagamitin mo na naman ako para sa sinusulat mo. Hindi pa rin kita napapatawad sa lumabas mong libro four years ago, okay?” sikmat ni Derek. “Ah. But that was an international bestseller. Dapat nga maging proud ka pa. Ang sabi mo ay mahilig si Jella magbasa. Malay mo, nabasa niya ang libro ko.” Nainis si Derek. “Mas maganda kung hindi niya nabasa. At kung mabasa man niya, it will just look familiar to her. Hindi niya maiisip na kami ang mga karakter sa nobela ng isang Kelly Hart.” Nawala ang tawa ni Keith. “Kailangan mo ba talagang banggitin ng malakas ang pen name ko?” “Do you really have to rub salt on my wounded heart?” balik tanong niya. Pasukong itinaas ni Keith ang mga kamay at tumayo. “Fine. Go back to reading those articles if it will make you feel better. Na sigurado akong malabong mangyari. Magsusulat na ako.” Nang mapag-isa na si Derek ay muli niyang ibinalik ang tingin sa headline ng isang artikulo na binabasa niya. World Class Fashion Designer Jella Perez Suddenly Arrives At NAIA. Is this genius designer truly cannot draw anymore? Kasama ng artikulo ay ang isang larawan ni Jella Perez sa isang fashion show sa New York. Mukhang glamorosa at napakaganda. But her expression is cold and almost… tired. Napahugot ng malalim na paghinga si Derek, inilapag ang ipad, sumandal sa backrest ng sofa at mariing pumikit. “Anong nangyari sa iyo, Jella?” nausal niya. Pero kahit ilang ulit iyon itanong ni Derek ay hindi naman siya masasagot ni Jella. Matagal na silang walang komunikasyon. Mula pa noong hindi nito tuparin ang pangako nila sa isa’t isa
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD