CHAPTER 10

1804 Words

NAROON siya upang humingi ng pasensiya sa naging asal niya sa gabi ng kanyang homecoming party. At magpasalamat na rin sa pagpapatahimik sa mga tsismosa nang magdesisyon siyang huwag na tapusin ang pagtitipon at matulog na lamang sa hotel suite niya. Ang mga iyon ang kinakatwiran ni Jella sa isip nang lakas loob siyang pumasok sa restaurant na pagmamay-ari ni Derek.                Sandaling huminto ang pagtakbo ng mga isipin sa utak niya nang makita sa unang pagkakataon ang interior ng restaurant. Maluwag sa loob. Malalaki ang espasyo sa pagitan ng mga lamesa. Mataas ang kisame na may nakasabit na mga chandelier na gawa sa abaca. Filipino style ang kabuuan ng disenyo. Sa isang panig ay may bahagi ng kusina ang nakabukas para makita ng mga customer ang ginagawang plating ng mga order na p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD