“Javier, calm down!”
Mabilis akong pumunta sa sala dahil naririnig kong parang nagkakagulo doon. Naabutan ko si Uncle Rod na nakatayo at katabi si Auntie Tessie. Tapos ang magulang ni Javier ay inaawat ang lalaki para hindi umalis.
“This is freaking nonsense, dad. Why do you need to fix this damn marriage? With someone that I don’t even know?” narinig kong sabi ng lalaki.
“We talked about this, Javier. Pumayag ka na kaya kala ko okay na sa iyo? This is for your own good,” narinig kong sabi ng mommy niya.
“For me? O para sa negosyo ‘nyo? I am better now, mom. I don’t need anybody to take care of me. I am doing my best in college. I’ll be graduating next semester. I am not a f*****g addict anymore!”
Napatingin ako kay Uncle Rod at kita ko ang parang napapahiyang tingin niya sa akin tapos ay iniiba ang tingin. Addict? Sa addict niya ako ipapakasal?
“Javier!” ang daddy na niya ang sumigaw noon.
“No way daddy. There is no way that I am going to marry that woman. I don’t want to get married. I don’t want to be with someone! I don’t want her!” at tiningnan niya ako ng masama.
Ayoko din sa iyo ‘no!
Gustong – gusto kong isigaw iyon. Kapal naman ng face ng lalaking ito. Kung makatanggi sa akin para akong may sakit na nakakahawa. Kung ayaw niya, lalong ayoko.
Nakita kong parang napapahiyang napatingin sa akin ang mommy ni Javier.
“Pasensiya ka na, iha. Pag – uusapan na muna namin ito,” sabi ng mommy niya sa akin.
“There is nothing to talk about, mom. My decision is final. I don’t want her!” sabat ni Javier.
“Excuse me. Makasabat na nga lang, ha? Kung ayaw mo sa akin, lalong ayoko sa iyo. I have so many plans for my life dahil magiging teacher pa ako and I am telling you na huling – huli sa isip ko ang pag – aasawa. Kaya huwag mo akong tanggihan na parang ikaw lang ang may karapatang umayaw. Dahil ako, ayokong – ayoko ring magpakasal lalo na sa iyo!” hindi ko na napigil ang sarili kong hindi sumagot. Sobra na ang lalaking ito. Para bang ang dating ay ipinipilit ko ang sarili ko sa kanya.
“Nicole!” saway ni Uncle Rod.
Napangisi siya at lumapit sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit parang kinakabog ang dibdib ko sa paglapit pa lang niya tapos ay tumingin sa magulang niya.
“See? We have a mutual understanding. I don’t want her and she doesn’t want me. So there will be no wedding,” at dire – diretso na itong lumabas pero huminto rin at tumingin sa akin. “Trust me, woman. You’ll thank me for this,” at iyon lang at umalis na siya. Iniwan ang mga magulang na parang pahiyang – pahiya.
“I’ll go with Javier,” tanging nasabi ng mommy nito at lumabas na din.
Naiwan doon si Orlan na iiling – iling.
“I am so sorry for what happened, Rod. Hindi ko alam na mangyayari ang ganito,” hingi nito ng paumanhin.
“Pabayaan na muna natin. Baka nabigla lang si Javier. Baka ayaw niya kay Nikki. Si Stacey. Ang panganay ko. Mas maganda siya kay Nikki. Baka magustuhan ni Javier,” sabi pa ni Uncle Rod.
Is he this desperate? Talagang gusto niyang masilo ang anak ng taong ito.
Umiling lang ito at nakita kong pilit na ngumiti si Orlan at tumingin sa akin. “Pasensiya ka na, iha.”
“Wala hong problema.” Sagot ko. Parang naawa naman ako sa tatay ng asungot na iyon. Kitang – kita ko ang frustration sa mukha ng tatay niya.
“Alis na ako. Pag – usapan na lang natin ito sa ibang panahon,” at umalis na ang matanda.
“Putang ina! Ano ang nangyari Nikki?!” malakas na bulyaw sa akin Uncle Rod.
Napakunot ang noo ko. Teka? Ano bang ginawa ko?
“Wala naman ho akong ginawa. Nakita ‘nyo naman. Ayaw sa akin ng lalaking iyon,” sagot ko.
“Paano late ka na dumating tapos mukha ka pang basang sisiw,” galit na sabi ni Uncle Rod at ibinato ang hawak na lata ng beer.
“Hindi ‘nyo naman ho kasi dapat pinipilit ang mga bagay na hindi talaga puwede,” wala sa loob na sagot ko.
“Punyeta ka! Sumasagot ka pa! Mula kasi ng dumating ka sa buhay namin, nagka – leche leche na ang negosyo ko. Isa ka pang palamunin ko! Mabuti pang lumayas ka na dito,” sabi niya sa akin.
Gulat akong napatingin kay Uncle Rod. Mukhang hindi siya nagbibiro.
“U – Uncle?”
“Hindi na kita kayang buhayin pa. Wala na akong pera para ipambayad sa pag – aaral mo. Hindi na siguro magagalit sa akin ang ama mo kapag ginawa ko ito. Tutal bente ka na. Kaya mo na ang sarili mo,” sabi pa niya.
Hindi ko na napigil ang hindi mapaiyak. “U – Uncle wala ho akong ibang mapupuntahan.”
“Huwag ka ng dumagdag sa problema ko, Nikki. Ayusin mo na ang mga gamit mo at lumayas ka na dito,” iyon lang at iniwan na niya ako.
Napatingin ako kay Auntie Tessie pero naiiyak lang din siya. Alam kong wala din naman siyang magagawa kapag nagdesisyon na si Uncle Rod.
--------------------------------------------///
“What was that all about, Javier?”
Hindi ako kumibo at nanatiling nakatingin lang sa labas ng sasakyan. Alam kong masama ang loob ni mommy. Pati na rin si daddy dahil napahiya sila sa ginawa ko.
“Ang tagal – tagal na nating pinag – usapan ito ‘di ba? Pumayag ka pa. Sabi mo ibibigay mo ang lahat para sumaya kami,” alam kong iiyak na si mommy.
“Is this still about Lorie?” sabi pa ni mommy.
Umiling lang ako.
“Are you using again, Javier?” narinig kong tanong naman ni daddy.
“Wala na talaga kayong tiwala sa akin? Hindi ba puwedeng kaya ako tumangging magpakasal sa babaeng iyon ay dahil ayoko lang? Hindi pa ako handa,” tanging sagot ko. Nakakasama naman ng loob. Ang tagal – tagal ko ng hindi gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Nagbago na ako. Hindi pa ba nila nakikita iyon?
“Why the sudden outburst? Nikki is nice. Mukhang mabait at smart ang batang iyon. I know she can help you to fix your life,” sabi ni mommy.
Hindi ako kumibo at napatingin ako kay Mang Gildo ang driver namin. Nakita kong napakibit lang siya ng balikat.
“Javier –“
“Just stop it mom. This is not about Lorie. I just changed my mind. I don’t need someone to help me fix my life because I can do that myself. I am changing. Just give me a chance and time,” putol ko sa sasabihin niya.
Hindi na sumagot si mommy. Si daddy naman ay nanatiling tahimik na lang pero alam kong na – disappoint ko na naman siya.
I know I did the right thing. For me, and that girl Nikki.