Chapter Four

1599 Words
“Niks, sa room 5. Group of five men. Mukhang mayayaman kasi binayaran ang two hours mo,” at kumindat pa sa akin si Ava ng sabihin iyon. Natawa ako at ipinagpatuloy ang paglalagay ng mascara ko. “Sure ka two hours? That will cost twenty thousand pesos,” feeling ko kasi ay nagjo – joke lang ‘tong si Ava. Although meron talagang mga client na gumagastos ng mas malaki pa doon. “Sabi ko kasi ikaw ang in – demand dito,” sagot niya. Sabi nila ang gusto daw nila ‘yung pinaka – maganda at pinaka – magaling gumiling para sa bagong dating nilang kaibigan.” Napailing na lang ako at tumayo. Inayos ko ang suot kong boyleg panties at tiningnan kung maayos ang buhok ko na naka – pony tail. “You’re perfect dear. Puntahan mo na.” Nawala ang ngiti sa labi ko ng papunta na ako sa kuwarto na sinasabi ni Ava. Sino ba ang mag – aakalang ang pangarap kong pagiging isang teacher ay mapapalitan ng pagiging isang exotic dancer. Kahit ako, hindi ko rin akalain na mapapasok ako sa ganitong trabaho. Magsi – six months na rin ako na sumasayaw. Si Lily na classmate ko noon sa college ang tumulong sa akin na mapasok dito. Matapos akong palayasin ni Uncle Rod, sa kanya ako humingi ng tulong. Hindi naman ako nabigo sa kanya. Doon niya ako pinatuloy sa apartment niya at nalaman ko nga na ganito ang trabaho niya. Exotic dancer siya sa gabi at habang sa umaga ay nag – aaral naman siya. Kaya naman pala madalas kapag papasok ito noon ay mukhang puyat na puyat. Hindi ko kaya ang ganitong trabaho kaya waitress ang napasukan kong trabaho para ipagpatuloy ang pag – aaral ko. Pero hindi sapat ang sweldo sa mga gastos. At hindi rin kaya ng oras ko kaya nag – suffer ang grades ko. Napilitan akong huminto sa pag – aaral kahit isang sem na lang kailangan kong tapusin. Tapos nalaman ko pang inatake ng stroke si Uncle Rod last year. Nagkanda – hirap hirap sila sa laki ng gastos. Napahinto sa pag – aaral si Alyssa at si Stacey naman ay lumayas dahil hindi matanggap na naghirap na sila. Wala na daw silang balita kay Stacey. Naibenta ang mga gamit at ang bahay. Umuupa na lang sila ngayon. Nalaman ko lang iyon ng isang araw ay kumain si Alyssa sa restaurant na pinapasukan ko. Awang – awa ako kay Uncle Rod ng puntahan ko siya. Kitang – kita ko ang pagsisisi sa mukha niya ang makita niya ako. Panay lang ang luha niya kahit hindi siya makapagsalita. Ungol lang siya ng ungol na parang may gusto siyang sabihin. Kahit ganoon ang ginawa niya sa akin, malaki pa rin ang utang na loob ko sa kanya at sa pamilya niya. Kaya after four years ng pagiging waitress, napilitan akong pumasok na exotic dancer para mas kumita ng malaki at maitulong sa pagpapagamot ni Uncle Rod. Wala naman silang ibang maasahan. Matagal na akong inuungutan ni Lily na pumasok sa club na pinapasukan niya dahil gustong – gusto daw ako ng manager niya. Si Ava nga iyon. Napakalaki daw kasi ng potential ko at sigurado daw na magiging paborito ako. High end dance entertainment club ang AVA Entertainment na pag – aari ni Ava Ishigaro. Dati itong nagja – Japan na nakapag – asawa ng hapon. Mas minabuti na lang nitong dito na lang magtayo ng negosyo. Maayos humawak ng mga clients at tao si Ava. Mabait siya. Hindi siya pumapayag na i-take home ang mga girls niya. Hanggang pagsasayaw lang ang puwede naming gawin. Exotic dance, puwede rin kaming magturo ng ballroom or hip hop dance sa mga dance groups. Mayroon din itong no touching policy lalo na kapag exotic dance ang request ng mga clients. Even if the client pays more, they can only look. Kumbaga, mamatay ka sa paglalaway. Kaya rin ako napapayag sa ganitong trabaho. High paying at mabilis akong makakaipon, nakakapagbigay pa ako ng tulong kay Uncle Rod. Si Lily nga may hinuhulugan na ng town house sa Cavite at pang – negosyo na lang ang ipinupundar. Tinanguan ko si kuya Jimmy na bouncer na nagbabantay sa tuwing may client ako. Mas madalas kasi, exotic dance ang request sa akin ng mga clients. Karamihan mga lalaki ang clients ko. Dito lang siya sa labas. Isang sigaw ko lang, siguradong papasok na siya at tutulungan ako. Hindi kasi iisang beses lang nangyari na hindi mapigil ng client na hawakan ako. “Sigaw ka lang, Niks. Marami sila sa loob,” paalala niya sa akin. “Thanks, kuya Jimmy,” nakangiti kong sabi sa kanya. Huminga ako ng malalim at kumatok tapos ay dire – diretsong pumasok. Naabutan ko ang mga lalaking nakaupo na parang inip na sa pag – iintay. Ilang basyo na ng bote ng alak ang naroon kaya medyo maingay na sila. Napatahimik lang sila ng makita akong pumasok. “What took you so long?” tanong ng isa. “Inip na inip na itong bibinyagan namin,” at nagtawanan pa ang mga ito habang sinusuntok ng mahina ang isang lalaking nasa sulok. “I need to be perfect for you, sweetheart.” Nakangiti kong sagot sa kanya at isinaksak ko sa speaker na naroon ang ipod ko at inilagay ko sa dance playlist ko. Malakas na sigawan ang sagot nila. “Ava really knows my type. Sulit talaga ang bayad sa kanya,” narinig kong sabi ng isa pa. I started swaying my hips following the slow tempo of the music. I danced like there is no tomorrow and I know my clients are really enjoying with what they are getting now. There are lots of men like this one. Mag – uubos ng pera para sa ilang oras na entertainment. I slowly removed my hoodie from my head and unzipped the jacket. I am wearing a black lacy sando with low neckline and boyleg panties. Kitang – kita ko ang pagnanasa sa mukha ng mga lalaking ito. I removed my pony tail and let my long hair to flow. Alam kong lalo akong magiging seductive. Napatingin ako sa lalaking nasa sulok. Madilim sa parteng iyon kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. Sa lahat, bukod tanging siya lang ang hindi nakikisigaw at parang hindi nai – entertain sa ginagawa ko kaya lalo akong gumiling. Kapag nagkataon, first time itong hindi na – turn ang client sa akin at hindi ako papayag na ganoon. Ako ang paborito dito sa AVA at wala pang client ang hindi natuwa sa ginagawa ko kaya hinubad ko na ng tuluyan ang hoodie jacket ko. Nakita kong tumayo ang isang lalaki at lumapit sa akin. Mabilis akong napaurong dahil alam kong hahawakan niya ako. “O? Hahawakan ka lang, eh.” Dama kong nainis siya sa ginawa ko. “If you are a regular here, you should know the rules.” Sabi ko. “’Tang inang rules ‘yan. Nagbabayad naman kami, ah! Ang mahal – mahal ng bayad dito tapos hanggang tingin lang?” sagot nito at lumapit pa sa akin kaya lalo akong napaatras. Alam kong lasing na ito. “Dan, alis na diyan. Baka ma-ban pa ako dito,” narinig kong sabi ng isang lalaki. “Sige na. Isang halik lang,” sabi nito at akmang hahalikan ako. Pero itutulak ko na lang ang lalaki ng makita kong mabilis na tumayo ang kasama nilang nasa sulok at mabilis na itinulak palayo sa akin ang lalaking bastos. “Gago ka naman, JJ!” galit na sabi ng lalaking itinulak nito. Napatingin ako sa lalaking gumawa noon at napakunot ang noo ko. Kilala ko ba siya? Naging client ko na ba? He looks familiar. “Leave the girl alone,” seryosong sabi nito at tumingin sa akin. “You okay?” tanong pa niya. Tumango lang ako. Nakita kong napahinga ng malalim ang lalaking tinawag na JJ. “You know what, let’s all go home. I’ll pay you all sa lahat ng ginastos ‘nyo dito,” sabi niya sa mga kasama at dinampot ang hoodie jacket ko at ibinigay sa akin. “Wear that,” authoritative na sabi niya. Hindi agad ako nakakilos at parang estatwang nakatayo lang doon. Nakita kong muli akong tiningnan ng lalaki mula ulo hanggang paa. “Didn’t you hear what I said? Wear the f*****g hoodie!” Mabilis kong isinuot ang hoodie jacket ko. Hindi ko maintindihan na parang akong naeenkantong sumusunod lang sa sinasabi niya. “How much did they pay you?” tanong pa niya sa akin. “I – I don’t know. S – si Ava ang kausap ‘nyo ‘di ba?” sagot ko. Nakita kong napatiim – bagang lang ang lalaki at binalingan ang mga kasama. “Let’s all go home. I want to get out of this f*****g place,” at dire – diretso na itong lumabas. “”Tang ina kasi ‘tong si Dan, eh. Ang libog kasi.” Narinig kong sabi ng isang lalaki habang itinutulak palabas ang lalaking nagtangkang humalik sa akin. Tapos ay tumingin sa akin. “Sorry, ha? Balik na lang ulit kami.” Tumango lang ako. Noon naman pumasok si Jimmy. Kitang – kita ko ang pag – aalala sa mukha niya. “Okay ka lang? Sabi ko sa iyo sumigaw ka lang,” sabi niya. Pinilit kong ngumiti. “Okay lang ako kuya Jimmy. Alam mo naman hindi maiiwasan ang ganoon sa trabaho namin,” sagot ko at umalis na doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD