“Nikki! Congratulations! Ang galing – galing mo talaga. Ga – graduate ka na!” Kitang – kita ko ang saya sa mukha ni Lily ng malaman na naipasa ko lahat ng subjects ko sa finals. Dinalaw ko kasi siya sa AVA dahil wala naman akong time na puntahan siya sa apartment niya. “Salamat. Eh, ikaw? Kelan mo itutuloy ang pag – aaral mo? Isang sem ka na lang din ‘di ba? Ituloy mo na para matupad na ‘yung pangarap natin na makapagpatayo ng sarili nating school,” sabi ko. “Hay nako. Alam mo naman na marami pa akong inaasikaso. Pero bahala na,” sagot niya sa akin at muling humarap sa salamin. Napangiti ako dahil parang nakikita ko ang sarili ko noon na nandito at nagpi – prepare para sa mga clients namin. “Nagkita na kayo ni Ava?” tanong pa niya. Umiling ako. “Mukhang busy, eh. Kamusta