Wear this tomorrow. Iyon ang nabasa kong nakasulat sa papel na nakadikit sa isang malaking kahon na nakita kong nasa harap ng unit ko. Nagpalinga – linga ako at alam kong kay Javier galing iyon. Tinawagan ko siya ng makapasok ako sa loob. “Got my gift?” tanong agad niya sa akin. “Yes. Ano ba ito?” tanong ko habang binubuksan ang kahon. “Something you can wear tomorrow. Alam kong bagay sa iyo ‘yan,” sabi niya sa akin. It’s a dark emerald green long gown with low neckline and backless design. Alam kong mahal ito dahil nakikita ko sa mga fashion magazines ang pangalan ng designer ng damit. Pero hindi ko alam dahil imbes na matuwa ako at ma – excite dahil sa damit, parang pakiramdam ko ay lalo akong kinabahan at ayoko ng pumunta bukas sa party ng Jimenez Construction. “Javier, can