Gusto kong hilahin ang mga araw, ang mga linggo at buwan. Nakakainip. Pero konting panahon na lang. Finals week na namin. Gusto ko ng makatapos ako at makapag – handa para sa board exam. Hindi naman ako nahihirapan sa sitwasyon ko ngayon. Javier is helping me in everything. Mula sa tinitirahan ko, sa pagpasok sa university, sa mga payables, siya ang sumasagot lahat. Although may suweldo naman ako sa pagpasok sa kumpanya niya, ayaw pa rin niyang gumastos ako. Nakakapagbigay pa rin ako kay Uncle Rod at nakakatuwa na malaki na ang improvement niya mula ng ma – stroke siya. Pumayag na rin si Javier na ilipat ako ng department. Inilipat niya ako sa HR department. Sa seventh floor iyon ng building niya. Wala pa ring nakakaalam na may relasyon kaming dalawa bukod kay Osang sa Bataa