Tahimik lang ang lalaki habang naglalakad sila, di niya tuloy alam kung ano ba ang iniisip nito, parang mas sanay siya na maingay ito at nanghaharot sa kanya. Nakakapanibago lang na ganun ito, ganun kaya ito sa mga nililigawan nito. "Ganyan kaba ka tahimik sa mga nililigawan mo?" Di na nakatiis na tanong niya dito. Kanina naiintindihan niya kung di siya nito kinibo kasi nag away sila bago nagpunta ng party. May mga nasabi silang di naman dapat na sabihin sa isat isa kanina, pero ngayon ay wala naman basta ito at tatahi tahimik lang. Pero nang maisip na baka nalasing lang talaga ito kaya naging ganito katahimik ang lalaki. "Bukas pa ako mag uumpisang manligaw sayo, sa ngayon ay di pa ako manliligaw." Sagot nito na ikinatahimik niya. Parang nasabi nga sa kanya ng lalaki na bukas pa ito ma