JHAI 19

1168 Words

Nanibago ang kanyang mga binti at mga braso sa paglangoy kaya ito siya at parang tamad na tamad na maglakad papabalik sa cottage. Hinayaan niya ang lalaki na uminom ng ilang tagay kasama ang mga kaibigan nito, kahit na natatakot siya na baka malasing ito at makalimot. Inaantok na din siya at higit sa lahat pagod na pagod kahit ilang minuto lang naman ang iginugol nila sa kabilang pool. Tinawag lang sila ni Yael kaya sila lumipat, ang tanging gusto niyang gawin ngayon ay ang humilata sa higaan at ilatag ang kanyang pagal na katawang lupa at itulog ang lahat. Nandiyan ang saya na bumabalot sa puso niya pero nandiyan din ang pag aalinlangan, lalo na ngayon na alam niyang nabasag na ang pader na kanyang itinayo sa pagitan niya at ng lalaki. "Pang anim na hikab mo na yan a." Puna ni Travis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD