JHAI 3

1614 Words
Sa kabila ng kanyang lagnat ay walang nakapigil sa kanyang training, kaya naman maaga palang ay ipinatawag na sila. Ngayon nila makakaharap ang mga lalaki sa kabilang team ng Tiger Heads, alam niyang makakasama na naman sila Ryon, Wind at Jarren yun palang naman ang kanilang namemeet in person. Ang iba kasi ay di pa niya nakakasalubong ang anino. "Pinaka gwapo sa kanila si Rex at Dos." Sabi ni H na naupo sa gilid niya. "Rex? Yung model?" Kunot ang noo na tanong ni Jullianna. "Oo bro, yung model nakita ko na yun nung huling misyon namin. " Sabi ni H. Di naman dapat kasali sa training si G at H dahil mga luma na naman ang mga ito, kagaya nila Yumi, Gayle at ni Allyson sila ang mga part time agent pero malulupit. "Bakit pala nandito kayong dalawa? " Tanong niya sa dalawa. "I training daw kami uli, at palpak kami sa mga nakaraang misyon. Nakakainis naman kasi yung ungas na target namin nilasing kami kaya ayon muntik pa kaming ma tigi." Palatak ni H. " Haha bawal ba ang uminom pag nasa misyon?" Tanong niya sa dalawa. " Malamang!" Sabay na sagot ng dalawa. "Bawal, paano mo pa maipagtatanggol ang sarili mo kung wala kana sa wisyo." Sabat ni Tammy. Na nasa likod lang pala nila. "Mabuti nga at re training lang ang aming parusa e, ayoko namangnma terminate kailangan ko ng datung para sa operasyon ng ermat ko." Sabi ni G. Napatingin siya dito at agad na lumambong ang kanyang mga mata, lalo na nang sumagi sa isip niya ang mukha ng kanyang nag aagaw buhay na ina. Wala siyang nagawa kundi ang panoorin lang na malagutan ito ng hininga sa kamay ng kanyang step father. Oo nakulong ang kanyang step father pero pakiramdam niya ay kulang ang pagkakakulong lang nito sa buhay ng kanyang ina. Siya dapat ang susunod na papatayin ng step father niya lalo at nakatali na din naman siya at nakabusal pa ang bibig, pero dumating ang kapitbahay nila na siyang tumulong sa kanya upang makatakas at makahingi ng saklolo. Pero huli na ang lahat wala ng buhay ang kanyang ina nang balikan nila. Sabog sa alak at druga ang kanyang step father nang maganap ang gabing iyon, ang malamig na gabing hanggang ngayon ay damang dama niya parin. Kumurap kurap siya at pilit na iwinaksi ang kadramahan sa buhay niya. "Bakit ba tayo naka maskara?" Tanong ni Jana sa mga kasama, alangan sa kanya itp magtanong e di naman din niya alam kung bakit. "Ayaw ko lang na makita nila ang mukha ng mga agents ko, at baka maging komplekado pa sa mga susunod nating mga misyon." Sagot ni Tammy. Bukod kay Tammy ay may mas mataas pa ang posisyon dito, yun ang nag finance sa grupo. Isang malaking personalidad na siyang nagbibigay ng mga misyon sa kanila. Bagamat di sinabi ni Tamara kung sino ang taong iyon ay alam niyang di basta basta ang taong iyon. Malaki ang kita ng mga agents, yun ang napag alaman niya nakakalungkot lang dahil ano naman ang gagawin niya sa pera? Wala naman siyang pamilyang papadalhan, wala din naman siyang mga kaanak pero nang maalala niya ang kapitbahay niyang si Bugoy na siyang nagligtas sa kanya ay napagpasyahan niyang dito niya ibubuhos ang kanyang kita. Nag aaral pa si Bugoy at working student din ito, kagaya niya ay ulilang lubos na din ang lalaki. Alam niyang tatanggi ito pero pag kumita na siya ay ito ang susuportahan niya, wala naman siyang ibang pamilya. Tapos ibibigay niya kay G ang iba tulong sa pagpapagamot sa ermat nito. Ayaw naman niyang magpatayo ng bahay niya dahil gusto na nga niyang mamatay e bakit pa siya magpapatayo ng bahay. Kakainin niya nalang lahat ng masasarap na pwedeng kainin sa mundo, wawaldasin niya ang pera niya. Basta pag namatay siya gusto niyang ipaanod lang sa ilog ang bangkay niya. "Ayan na sila girls," sabi ni Tamara, dahilan para sabay sabay silang mapalingon sa kinaroroonan ng mga lalaki. Naglalakad ang mga ito patungo sa kanilang direksiyon. Kung kanina ay parang nanlalamig ang pakiramdam niya dahil naalala niya ang nanay niya. Ngayon naman ay nanginginig ang laman niya nang makilala ang isa sa mga ito. Non other than her ex, para siyang natuka ng ahas na di man lang siya makagalaw. "Hi Tammy!" Bati ni Jhai sa kanilang head. Parang gusto niyang sapakin si Tammy ng mga oras na iyon, nakakapag selos pero alam niyang kailangan niyang kontrolin ang kanyang sarili dahil di naman nito alam na nasa harap na siya nito. Parang gusto niyang bumalik nalang ng Barracks at matulog, matulog ng wala ng gisingan pa. Yung forever sleep na, wala parin itong ipinagbago playful parin ito gaya dati, pero di naman umaabot sa mga mata nito ang ngiti nito. "Guys meet the Tiger head Men, nakilala nyo na naman ang iba lalo na ang mga heads nila. Sila ay nandito para mag observe sa ating magiging pagsasanay ngayon so kinakailangan na maging alerto tayo." Malakas na sabi ni Tammy sa kanila. Nag iwas na siya ng tingin dito, kailangan niyang itatak sa isip niya na bawal niya na itong tingnan man lang. Di na niya ito mayayakap at mahahagkan pa dahil bawal na bawal. Masakit man ngunit yun ang katotohanan na itinago niya sa loob ng isang taon. "Ang popogi naman nila!" Palatak ni Jana. Siya naman ay nanatiling tikom ang bibig, taliwas sa kanyang pagiging taklesa na bibig na walang preno. Ayaw niyang makilala ng lalaki ang kanyang tinig lalo at kinakailangan niyang magtago dito. Kung alam niya lang na kasama ito sa mga darating ngayon sana ay nagtago nalang siya sa loob ng barracks nila. "Hoy Jhai pumormal baka isipin nilang mga abnormal din kami dito, tsk yan tayo e nandadamay kayo ng matino. Yael pala girls!" Nakangising sabi ng isa, sa totoo lang ay wala namang ,katulak tulak sa mga kaharap nilang lalaki. Parang ang sarap nilang kabigin lahat at iuwe sa bahay, kung may aakma man sa dipenasyon na oozing with s*x appeal ay ang mga ito na ang title holder. Sobrang gwapo lalo na at lahat sila mukhang bagong ligo lang, di yata uso ang word na amoy araw sa mga lalaki. Walang sinuman sa kanila ang nag attempt na tanggapin ang pakikipagkamay ni Yael o kahit kay Jhai. Siguro ay dahil lahat kami ay takot kay Trina na ngayon ay nasa harapan. She looks as if she want to skin those guys alive, ganun ka tindi ang presensya ng isang Katrina Villegas. "Ouch, halatang nahawa na din sa kasungitan mo ang mga alagad mo Tammy. Anyway as a part of our collaboration with the Tiger heads men and ladies, we are here to observe the training process of your new agents." Sabi ni Sir Ryon na siyang tila pinaka pinuno sa mga ito. He stand with authority and danger, para bang bawal ang mag joke, kaka rinig pa lang naman nila ng joke nito. Pero nakakatakot padin, oo gwapo at makisig na lalaki ito pero mayroong kung ano sa awra ng lalaki na di niya maipaliwanag kung bakit nagdudulot iyon ng kilabot sa kanya. "In behalf of Tiger two, we would like to thanks for your efforts to be here tonight. As you see we have five new trainees and they all have the characteristics and quality of an agent." Sabi nito na itinuro sila isa isa. " This is Julie, Jana, Aqua, G and H, and we also want to inform you that Aqua here is our new explosive agent. I see her potential in creating bombs and other weapons. She is a good asset to the group." Sabi ni Tamara na ikinahiya niya ng slight, nakaka pressure naman ang sinabi ng babae. But at the same time she felt proud of herself that by her talent she'd been recognized. Ayos lang naman sa kanya ang mga pananakit ng kanyang katawan basta makatulong sa kanyang pamilya. Napangiwi siya nang matanto na wala pala siyang pamilya na naghihintay sa kanyang ligtas na pagbabalik. "Wow we would like to witness how she do explosive, so ano tara na!" Sabi ni Jarren, gaya nung nakaraang observe ng mga ito ay naka mask silang lahat. She is known to be Sheila to everyone outside Tiger heads, they are all have their reasons why they become part of the organization. She don't want to be sound like tsismosa to ask the other girls about their reasons dahil siya nga ay di rin niya magawang ipagsabi sa iba ang kanyang mga rason sa pagpasok. She don't want to be asked the same thing kaya mas mabuting manahimik nalang. Muli siyang napasulyap sa kanyang butihing ex, nakita niya na nakatitig din ito sa kanya. At mukhang na intrigued din ito sa kanyang code name, alam naman kasi nito na Aqua Sheilla ang kanyang tunay na pangalan. Medyo hate niya lang ang pangalang Aqua kaya ni minsan ay di niya ginagamit, naiinis siya sa Nanay niya dahil doon. Kaya pag binibigkas na ang pangalan niyang iyon ng mga kaklase niya ay naiinis siya. Pero mas pinili niya na iyon ang gamitin dahil iyon nalang ang alaala niya sa kanyang Nanay. Kaya she want to keep her alive kahit sa code name man lang niya. Pilit niyang iniba ang kanyang kilos para di siya maging kaduda duda para dito. Alam niyang may pagka tsismoso si Jhai kaya naman ay baka magtanong itp kay Tammy. Although alam naman niyang di siya ipapahamak ng kaibigan ay ayaw niya paring magkaroon ito ng clue na siya yun. Ayaw niyang mapaungnay ulit dito dahil baka lalo lang silang magkasakitan, lalo na pag sumampal na naman sa kanya ang katotohanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD