JHAI 2

2115 Words
Gusto niyang isipin na di sila magkakilala pero nandiyan talaga ang temptation na buksan ang kanyang dummy account at i stalk ang ex niya. Kahit na alam naman niyang masasaktan lang siya sa kanyang makikita sa account nito. "Kailangan close na muna ang eyes mo Aqua para di masyadong masakit agad." Sabi niya nang finally ay napindot na niya ang account ni Jhai. Dahan dahan niyang minulat ang kanyang mga mata at agad ding napapikit kasabay ng pagsapo sa kanyang bibig. She miss him so much that it hurts like hell, umibig siya ng lalaking bawal niyang mahalin pero di nito alam kung bakit bawal. Tatlo lang silang nakakaalam niyon, dahil ang pang apat ay patay na. "Aray ko po! Ang heart ko." Iyak tawa niyang sabi nang bumungad kaagad sa kanya ang larawan ng nakangiting ex niya at ng bago nitong nakaka date ngayon. Di niya maipaliwanag ang sakit na dulot niyon sa kanya, mabilis na nag unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha na animo ay nagpapaligsahan sa pagpatak. Walang kasing sakit palang talaga na makita ang mahal mo sa piling ng iba. "Isang taon palang akong nawala nakahanap kana agad ng kapalit ko, kapalit palit ba ako? Ay oo nga pala abot langit pala ang galit mo sa akin, kaya ang bilis na nakahanap ng substitute. " Pagkausap niya sa cellphone na akala mo ay sasagot ito sa kanya, parang kailan lang ang isang taon na iyon. Parang kahapon lang nangyari ang lahat ng iyon at gabi gabi parin niyang iniiyakan at iniisip ang mga nangyari. Kung nasaktan man ito sa ginawa niya, e ano pa siya? Di nito alam ang patong patong na sakit na kanyang naramdaman nitong nakalipas na isang taon sa buhay niya. Humantong pa nga ang lahat sa muntik niyang pag kitil sa kanyang sariling buhay. "Ang daya daya mo, ang bilis bilis mo lang na naka move on, samantalang ako habangbuhay kitang pakamamahalin kahit sa malayo at malabo na sitwasyon." Bulong niya na hinaplos ang solo picture na nito. Masakit na masyado sa mata ang picture nito na kasama ang babae na bagong na link dito. "Kalma lang Aqua Sheila at baka ikaw ay sumpongin pa ng depression mo!" Saway niya nang mag umpisa na namang manikip ang kanyang dibdib. Halos ilang buwan niya ding dinala ang depression na halos pumatay sa kanya. Di biro ang kanyang pinagdaanan na inakala niya pa nga na di na niya kakayanin pa na makabangon pa mula sa kanyang pagkakalugmok. Good thing na ito na siya ngayon at maayos na kahit papaano ay masasabi niyang kaya na niyang dalhin ang kanyang emosyon. Kaya na niyang itago sa kanyang mga kalokohan ang lahat ng sakit at ang pait na kanyang nararamdaman. Sa isang iglap lang ay nawala sa kanya ang lahat, para siyang pinagsukloban ng langit at lupa na parang ang gusto niya nalang na gawin ng mga oras na iyon ay sumuko nalang. Maraming beses niyang tinangka na takasan ang mundo pero lagi nalang siyang naililigtas. Nag try siyang mag bigti noon, pero nang makaakyat na siya sa puno at maitali sa leeg niya ang lubid na gagamitin niya sana sa pagkitil ng buhay niya ay naputol iyon bigla. Kaya ang ending ay tanging sprain lang sa paa ang kanyang inabot. Nung minsan naman ay nagpapasagasa na sana siya sa tren sa may nakita siyang batang patawid na mauuna pa sana na masasagasaan kaysa sa kanya. Nagpakabayani siya at tinakbo ang bata bago paman makarating ang mahabang bagon ng tren. Naranasan din niyang magpasagasa ng ten wheeler truck, pero bago paman umabot sa kanya ay nag park na ang truck ilang dipa ang layo mula sa kanyang kinatatayuan. At yung pinakahuli niyang naging attempt ay ang pagtalon sa ilog Pasig, kung saan nakita siya ni Trina at ito na siya ngayon sa kanyang training bilang isang agent. Wala na siyang pamilya, tinalikuran na siya ng lahat kaya wala na siyang rason para mabuhay, pero sabi ni Trina ay pwede niyang ialay sa iba ang buhay niya, sa pamamagitan ng pagliligtas ng buhay ng iba. At ito na nga ang kanyang gagawin. "If you don't know where to go, know your purpose." Yun ang inilalagay niya sa isip niya sa tuwina, iyon ang payo sa kanya ni G nung unang dating niya sa lugar na iyon at nag break down siya ng bongga. Wala namang ipinayong matino talaga ang mga ito sa kanya. "Sus kung ako sayo girl mag suicide ka nalang!" Si Jana. "Manlalaki nalang tayo girl tapos tikman natin lahat." Si H na akala niya ay napaka seryuso. "Patapon din ang buhay ko kaya wala akong maipapayo sayo." Si Juliana or Julie. Mukhang wala man lang matinong words of wisdom na mapapala mula sa mga ito, pero pag kasama na niya ang mga ito ay tila ba may sarili silang mundo. Mga mundo na tila sila lang ang nandun, nahuhumaling na din siya sa mga armas at mga bomba. Gusto niya na makagawa ng mga kakaibang mga pampasabog na magiging weapon nila sa mga darating na nilang misyon. "Makakalaya pa kaya ako sa sakit na dulot ng mga alaala mo?" Malungkot niyang tanong sa larawan nito na nasa kanyang cellphone. "Di na daw, forever kanang magiging tigang at mamamatay kang virgin mary, baba kana bumili si H ng pizza." Si G na nasa pintuan at mukhang nakita ang kanyang dramatic stunts. Lagi na naman siyang ganun, magaling lang talaga siyang magtago ng kanyang nararamdaman kahit na sobrang sakit na. Isang taon na din naman ang lumipas ng huli niya itong makita, at hanggang ngayon ay nakaukit parin sa kanyang balintataw ang mukha nito. "Grabe ka sa akin, at least lahat naman tayo walang dilig." Nakangusong sabi niya dito. "Di mo sure, oo nga pala ang pogi pala ng ex mo." Nakangising sabi nito, kaagad naman umandar ang kanyang pagiging selosa. Sinamaan niya ito ng tingin na tila ba ay isa ito sa kanyang mga karibal sa dating katipan. "Ang sama naman ng tingin, para sa ikakatahimik ng kaluluwang ligaw mo. Ayoko ng tira na ng iba kaya rest assured safe ang ex mo sakin." Tatawa tawang sabi nito bago siya nilayasan. "Siraulo to, pinasakit pa ang bunbunan ko sa sinabi niya, alam na ngang nag aampalaya talaga ako sa kumag na yun e." Bubulong bulong na sumunod na siya dito. Dalawang palapag ang kanilang tila barracks, air-conditioned naman ang mga silid nila. Di man kalakihan pero sapat na ang laki niyon para komportable silang makapag pahinga matapos ang isang boung araw na patayang training. "Nahuli ko na namang nag eemote ang bruha na yan." Dinig niyang report agad ni G sa mga kasama nila. Napailing iling nalang siya. "Tsismosa!" Sabi niya na sinamahan niya pa ng Irap niya. "Balat sibuyas!" Tudyo naman nito. "Hoy Aqua mag move on na uy, nagsasawa na kami sa kakaatungal mo sa gabi na akala mo e araw araw namamatay yang ex mo." Si H na ikinatawa ng mga mababait. "Yung heart niya lang ang namatay talaga, ano ba kasi ang reason bakit ka niya pinagpalit?" Tanong ni Jana sa kanya. Wala siyang pinagsabihan sa mga ito maliban kay Tammy at Trina, pero alam naman niya na kahit anong mangyari ay di lalabas sa iba ang kanyang pinakatago tagong lihim. Ay may isa pa pala siyang napagsabihan ng kanyang lihim, si Jullianna pero alam niyang kagaya din ni Tammy at Trina ay di rin makakalabas mula sa bunganga nito ang kanyang lihim. "It not him, it's me akala ko kasi makakahanap pa ako ng mas pogi sa kanya. Kaua ayon!" Pakwela niyang sagot dito. "Ay ambot sa imo dhai, balikan mo malay mo namiss nya pa ang butas na dinadaanan niya." Sabi pa ni G, kahit kailan ay balahura din ang bunganga nito. "Hoy G, di ko pa ni reveal dun ang kweba ko no!" Depensa niya. "Ay kaya naman pala naghanap ng iba, akala siguro e madilim ang kweba mo kaya nag search ng mas maliwanag na kweba." Si Jana na agad niyang binato ng tissue. "Raulo to, haha anong madilim e lagi namang naiilawan to. Hayaan mo na nga ang heart ko, pang bala nalang sa kanyon to." Sabi niya na umupo at kinuha ang mga wire at pulbura na nasa lamesa. "Hoy bruha, wag kang gagawa ng bomba dito at baka di paman tayo nakakapag misyon ay napulbos na tayo!" Si G nang makita ang ginagawa niyang pagsubok na mabuo ang isang improvise explosive device. "Di ko pa nilalagyan ng pulbura kaya di pa to sasabog, mamaya papahawakan ko sayo pag pwede na sumabog, bawahaha!" Sabi niya dito. "Baliw ka, barilin kita diyan e. Nga pala ang pogi na naman ng mga bagong set ng mga trainor later." Sabi ni Drea na kakapasok lang. "Pagod na pagod ang puso at ang katawang lupa ko, exempted naman siguro ako." Sabi niya sa mga ito. Which is true masama ang kanyang pakiramdam ngayon na halos di na nga niya maimulat ang kanyang mga mata kanina, tapos idagdag pa naman ang crying session niya kanina, ang ending ay sipon at ubo. Gustong gusto niyang may sakit siya, kasi yun ang time na nabubuhayan siya ng pag asa na baka pwede na siyang mamatay at mabura ang lahat ng mga problema, mga sakit na dulot ng kahapon at mga alalahanin niya sa buhay. "Saan ka exempted?" Taas ang kilay na tanong ni Trina sa kanya. "Exempted sa training, para kasing di ko kaya ang kumilos kilos ngayon." Sabi niya. "Wui! " Halos panabay na sabi niya. Partly ay masakit talaga ang kanyang ulo na parang mabibiyak lalo pa ngang pinalala ng kanyang pag dadrama kanina. "Di pwede! " Si Drea na tinapik pa ang kanyang pisngi, para lang magulat nang masalat nito na napaka init ng kanyang temperatura. Alam niya na may lagnat siya pero normal na naman sa kanya ang ganun. Ang balewalain ang kanyang sakit kahit nag kokombulsyon nga ay pumapasok pa siya sa trabaho. "Okay papasok na," sabi niya na pilit na nilalabanan ang matinding hilo. "Wui di ko alam na may lagnat ka, joke lang yun. Pahinga kana muna. Trina may labnat tong bruha dito." Sigaw pa ni Drea sa babae na may hawak na namang baril. Kung may paborito man itong hawakan, di iyon cellphone kundi ang mga baril nito. Yes mga baril, ipinakita nito sa kanila kahapon ang mga koleksyon nito ng baril. Mula sa pinaka maliit hanggang sa pinakamahaba, pinakamahal at pinakacheap ika nga. Merong mga ibat ibang klase na mga patalim din, parang ang hirap paniwalaan na ang babaeng kasing ganda ng isang Katrina Villegas ay ganun kalupit sa baril. Para kasi itong di makabasag pinggan, halos hindi man lang makatiris ng kuto ang mukha pero isang bala lang ay kaya na nitong patumbahin ang mga taong hahara hara sa dadaaanan nito. Ganun ito kalupit na uri ng babae, at ito at si Tammy ang nagtuturo sa kanya ng shooting at ang mix martial arts. Ang pinakamasakit sa katawan na aktibidad na nasalihan niya. Una palang na salang niya ay lamog na lamog na kaagad siya. Nakakapagod at the same time nakakatrauma lalo na pag natamaan ka ng malakas na sipa ng kalaban mo. Pero sa ngayon ay medyo marunong na siya, kaya na niyang makipag sabayan kay Jullianna na siyang magaling sa ganun. Di man siya madalas manalo ay naipapanalo na din naman niya minsan. Pasasaan ba at gagaling din siya sa pakikipaglaban. Di naman instant ang lahat kailangan nilang paghirapan ang bawat kaalaman na gusto nilang matutunan upang maging isang magaling na agent. "Kaya mo ba?" Kunot ang noo na tanong ni Tammy sa kanya. Hawig si Trina at si Tammy, siguro ay dahil magkapatid sa ama ang dalawa. "Oo kaya ko." Sabi niya kahit na parang naghahanap na ng higaan ang kanyang katawan. Ano ang gagawin niya pag di siya mag training ngayon? Ayaw niyang mapag isa at baka maalala at manumbalik lang sa kanya ang kanyang mga pinakAiiwasang mga bangungot sa buhay niya. Maigi pang makipag basag ulo nalang siya kaysa magkaroon ng time na mag isa. "Okay naman pala, be ready at mamaya maya ay magsisimula na tayo." Sabi ng babae na nauna nang lumabas ng kanilang barracks. "Nakaka excite naman ang training natin, lalo kung may mga gwapo na trainor!" Palatak ni G na kuminding kinding pa, baliw din tong isa na akala mo ay di galit sa mga kalahi ni Adan. Natsismis na sa kanya ni H ang buhay ni G, dahil nga nainis ang isa sa babae. Maraming mga tao siguro ang mga kagaya nila, na sa halip na magpakalugmok dahil sa mga nakaraan na masalimuot ay mas pinili na bumangon at maghanap ng mga bagay na magpapasaya sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD