JHAI 4

1200 Words
Unang sumalang sa pagpapakitang gilas si Jullianna, sa kabila ng injury nito nang mga nakaraang araw ay naging maliksi ito sa pagpapakita ng mga stunts nito. Maging siya ay namangha nang mag one on one na ito at si Gayle, nakilala niya si Gayle matapos na maging trainor niya ito nung ikalawang linggo niya sa training. Kagaya nila ay naka mask din ang babae, di ito ipinakilala sa mga bisita nila dahil ayun kay Tammy ay di pwedeng makilala ng mga part time ang mga agents ng kabila and vice versa, para sa kaligtasan ng both party. Kung kanina ay walang takip ang mukha ng mga Tiger heads men, ngayon ay meron na. Pero dahil matandain siya ay kilala niya padin kung sino sino ang mga ito. Lalong lalo na ang lalaking nagmamay ari ng kanyang puso. "Ang galing na niya no, samantalang ako di ko man lang magawang matamaan yang si Gayle." Palatak ni G. Sa mga agents ay ito ang pinaka mahina, lagi itong palpak lalo na sa mga laban, kaya ang ginagawa ni Tammy ay sa control nalang ng mga agents ito inilalagay. Like pag may mga misyon sila ay ito ang mag momonitor sa lugar kung may parating na mga kalaban, kung ilan ang mga kalaban. Malaki din ang ambag ng ganun sa kanilang mga misyon. Magaling ito sa mga hacking at mga cracking ng mga passwords, databases at mga firewall ng mga ibat ibang kalaban. Ganun ito ka resourceful, kaya tama ang sinabi ng iba na di naman pupwede na perpect ka, meaning yung tipong lahat nalang ay alam mo, dapat balanse din. May mga bagay na mahina ka pero may mga bagay naman kung saan kalakasan mo. Si H naman ay sa pag psycho ng isang tao magaling, which is useful din lalo na sa mga nakukuha nilang mga survivor mula sa mga misyon na kalaban. Kayang kaya nitong i manipulate ang sinumang kalaban para makuha nila ang mga impormasyon na kanilang kailangan para mahuli o malaman ang mga mysteryo ng mga misyon nila. "Ako din hirap akong tumambling ng ganyan." Nakangiwing sabi ni H. Si Jana naman ay tahimik lang na nanonood sa pakikipaglaban ni Jullianna, alam niyang isa si Jana sa mga agent na maasahan sa mga misyon. Isa ito sa mga nagturo sa kanya, taekwondo naman ang itinuro nito at kapalitan nito si Yumi. Sa bawat tunog ng kamao na tumatama sa balat ng isat isa ay parang nakakakilabot lalo na kung di pa siguro sanay sa ganun. Pero sa kagaya niyang mahigit isang buwan na ding nagsasanay ay tila normal na sa kanya ang mga ganung scenario lalo na at halos araw araw ay ganun ang kanilang ginagawa. Gamay na din niya ang mga armas lalo na ang pag gamit ng mga deadly weapon such as guns, knife, sword and of course her favorite the bombs. Mabilis nga daw siyang matuto, paano ba namang hindi? Gawin ba naman niyang inspiration ang bagong jowa ng ex niya di ba siya gaganahan na bumaril at mag traget shooting. Lalo na kung mukha ng bagong jowa ni Jhai ang lagi niyang iniimagine. Alam niyang wala namang kasalanan sa kanya ang bagong jowa ng lalaki, nagkataon lang na pareho sila ng lalaking minahal. Pero masakit kasi para sa kanya ang lahat kaya ganun nalang ang kanyang gigil sa babae. She want to ease her pain a little, kahit kunti lang sana pero parang napakahirap naman masyado na gawin iyon. Paantak ng paantak ang kanyang puso sa tuwina na naaalala niya ang masaya nilang kahapon na napalitan ng bangungot. Maraming nawala sa kanya kasabay pa nun ang pagkawala ng tanging tao na akala niya ay makakaramay niya hanggang sa tuloyan na siyang makalimot. Pero kinuha na ng hayop na step father niya ang buhay nito. At isa ang mukha ng step Father niya sa nagpapalakas ng loob niyang tapusin ang pagsasanay. At darating ang araw na maniningil siya ng sobra sa sa kinuha nito, ipapakilala niya ito kay Satanas at itotour sa empyerno kung saan ito nababagay. Walang puwang ang mundo sa mga ganung tao, kailangan niyang maipaghiganti ang kanyang ina, alam niyang di matatahimik ang kaluluwa niya pag di niya iyon magagawa. Handa na siyang pumatay kung kinakailangan, nakapatay na siya ng apat nung isinalang sila sa isang misyon kung saan kinulang ng tatlong tao. Ipinadala sila ni Trina na lingid sa kaalaman ni Tammy, and good thing na naging matinik na sila no Julie dun palang sa kanilang training dahil nagamit nila iyon. Halos pantay lang ang abilidad ng dalawang babae sa pakikipaglaban, di sinabi sa kanila ni Tammy kung hanggang kailan ang kabilang magiging training, basta sasabihin nalang daw nito kung handa na sila para sumabak sa isang mas delikadong misyon sa kanilang buhay. "Wow!" Halos magsitayuan ang mga bisita nila sa ipinakitang galaw ng kaibigan. "That was amazing, parang ang hirap i identify kung sino ang baguhan at kung sino ang trainor. Magaling pwede din bang makita ang kakayahan ng ibang mga trainee natin Tammy?" Batid niyang si Sir Ryon ang nagsalita, nakakakilabot kasi ang boses nito na tila ba ay laging may pasabog anumang oras. Nahuli na naman niyang nakatitig sa kanya ang kanyang ex, this time ay nakakunot ang noo nito na ikina kaba niya. Akala niya ay si H ang kasama nila sa training nung ilang araw na sila doon niya lang nalaman na si Drea pala ang kasama nila. At luma na pala si H at si G, kumbaga joke joke lang ang training ng dalawa pero ang sa kanilang tatlo ang pangmalakasan. Mas naging tutok na si Tammy sa kanyang mga pag imbento ng mga bomba, at halos nagagamit na din ng organisasyon ang mga gawa niyang bomba. Araw araw na gumagawa siya niyon, lalo at ayaw naman niyang magmokmok at baka sa mental na siya pulotin. Alam niyang siya na ang kasunod pero di niya alam kung kaya niya bang tumbasan at higitan ang ipinakita na skill ni Julie. Masyado naman kasi nitong ginalingan ang performance nito kanina kaya ito tuloy siya pressured masyado na baka di niya magawa ng maayos ang kanyang misyon. Ang hirap hirap pa naman na gumalaw lalo na pag may kakilala kang nanonood sayo. 'Wui naka mask ka po Inday! ' paalala ng kanyang other self. Gusto niyang mapangiwi nang maalala niya na oo naka mask palang talaga siya at di siya makikilala, lalo na at boung mukha naman niya ang natatakpan ng kanyang mask. Sadyang ambisyosa lang talaga siya. "Bakit ang tahimik mo yata ngayon?" Puna ni G sa kanya, nauna kasi si H na magpakitang gilas kaysa sa kanya. "Nalulon ko ang dila ko bhe nang makita ko ang kagwapuhan nila. " Sabay hagikhik upang ikubli ang kanyang pagkabalisa. Lalo na nang mapunang di parin siya nilulubayan ng tingin ng dating katipan. Alam niyang di siya nito makikilala lalo na mamaya pag nagpakitang gilas na siya dahil kilala siya nito bilang lampa at joker. Malayong malayo sa isang babaeng kahit yata mag lambitin sa maliit na mga lubid ay wala lang sa kanya. Lalo na ang sumagupa ng mga ligaw na hayop ay wala lang sa kanya, para pa ngang lalo siyang umiinit pag ganun ang sitwasyon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD