Ganun katindi ang naging pagsasanay niya para magawa niya ang mga ganung bagay. Malayong malayo sa dating siya, siya na mahinhin at puno ng imbay imbay lang, ngayon ay ibang iba na. Magaling na din siyang mag make up at mag ayos na di niya ginagawa noon.
"Nakakakaba naman mag ganun sa harap ng mga lalaki, para kasing mga perfectionist sila." Palatak ni G. Alam niyang kung kabado siya ay mas double, triple pa ang kaba na meron ito.
"Na try mo na naman yata na magpakita ng abilidad sa mga iyan dati e." Sabi niya dito, dalawang taong mahigit na ito sa organisasyon kaya tiyak niyang maraming mga training na din ang sinamahan ng mga ito.
"Ngayon palang yan sila, dati kasi iba ang nag assess sa amin." Sagot ni Jana na ikinatahimik niya.
Di rin naman niya alam na bahagi ng Tiger heads ang ex niya, ayon kasi sa narinig niya kay Tammy kanina ay pawang mga bilyonaryo ang mga lalaki. At mga magagaling na mga agents din, kaya ngayon ay naparami na naman ang tanungan sa isip niya. Di pa pala niya gaanong kilala ang ex niya, akala niya ay kilalang kilala niya na ito.
Matagal na panahon din na naging magkarelasyon sila, oo alam niyang pumasok ito bilang isang FBI agent ata yun, di niya sure kung yun ang tawag nito noon. Pero inamin naman nito iyon pero ang alam niya matagal na din nang umalis ito sa grupo upang ituloy ang pag aaral at ang kagustohan nito na makapasok sa politika na kagaya ng pamilya nito.
"Talaga? Ilan kaya sa kanila ang Single?" Bulong ni G.
"Aba malay ko, gusto mo tanungin natin? " Tanong nito sa babae na halatang inaasar.
" Baliw! Ayoko nga mamaya sabihin kiringking ako. Hoy Aqua gumalaw ka naman diyan, porke't tinitigan ka ni Jhai para kanang natuod diyan. " Tudyo ni G sa kanya.
" Nag iisip ako, wag kang magulo. " Sabi niya dito.
" Haha wui bago yun a, nag iisip ka din pala. " Biro ni Jullianna na nagpupunas ng pawis nito. Dahil naka maskara ay tumalikod na muna ito upang di makita ng mga lalaki ang mukha nito.
"Di pa yan sila kompleto, minsan sa mga misyon natin ay makakasama natin sila kaya dapat kilala nyo ang mga mukha nila." Sabi ni Tamara sa kanila.
"Sila kilala natin, e paano tayo di naman nila tayo kilala. " Tanong ni Julie sa babae.
"Once na natapos na ang misyon ay kailangan kayong lagyan ng tattoo at yun ang magiging palatandaan nila sa atin. " Sagot ni Trina na ipinakita ang tattoo nito sa may bandang likod.
"So kailangan muna nating maghubad para makita nila?" Tanong niya dito. Paano naman kasi makikita ng mga ito ang Tattoo e nakalagay sa tagong bahagi ng katawan nila.
"May isang maliit na chip na inilagay sa tattoo and Tiger heads men has this device that will light up if we are near." Sagot ni Tammy.
"So lahat kami magkakaroon ng butterfly na tattoo din?" Tanong niya dito, di niya kasi bet ang butterfly ever since. Ayaw niya lang kasi feeling niya ay huwad ang angkin nitong ganda, masyado itong maganda na tila ba ay nakakatakot ng gustohin.
"The shape or design of the tattoo is your choice, you can use other design that you desired." Sagot ni Trina.
Nakahinga naman siya ng maluwag sa naging sagot nito. Akala niya ay purong butterfly lang talaga ang pwede, ang pangit naman na dadalhin niya habang buhay ang tattoo gayong di naman niya gusto ang nakaguhit. Alam niyang lahat naman ng tao halos ay gusto ang butterfly lalo na kung babae, per0 may masamang alaala kasi siya sa butterfly. Alaala na ayaw na niyang mabalikan pa.
"Ay ako gusto ko yung rose na kulay itim tapos yung nahuhulog ang petals. " Sabi miya. Napatingin siya sa lalaking siya parin pala ang tinitingnan, parang nagluluksa naman ang mukha nito na di niya maintindihan, kaya kaagad siyang nag iwas ng tingin dito.
"Ako pag iisipan ko muna, mag uusap na muna kami mamaya ng sarili ko, natabog yata ang kaluluwa ko sa lakas ng sipa ni Gayle. " Si Julie na naupo na sa tabi niya.
"Parang gusto ko na mag back out sa pagpapakitang gilas ah. " Nakangiwi at seryuso niyang sabi.
Napatingin naman sa kanya ang mga kasama at tila ba ay nasapian siya ng masamang espirito na ang titig ng mga ito. Sa mga panahon na nakasama siya ng mga ito ay halos alam na ng mga ito na siya ang tipo ng tao na di madaling sumuko. At walang pakialam sa mga ginagawa kahit pa alam niyang deadly, di niya iniinda kahit pa nga minsan ay halos magkanda pilay pilay siya ay wala lang sa kanya. Tapos ito at simpleng laban laban lang at di naman siya matatalo ni Yumi ng basta basta uurong pa siya. Alam niyang magtataka talaga ang mga Ito.
"Dahil ba yan kay Sir Jhai?" Pabulong n tanong ni Julie sa kanya.
"Di na-"
"Siya ang tinutukoy mo sa kwento diba?" Tanong nito.
" Hindi-"
" Malakas ang pang amoy ko bro, at sa uri ng tingin niya ngayon sayo ay alam ko na medyo duda na siya na ikaw nga iyan. Ganun naman diba kahit mag disguise pa ang mga taong mahal natin, makikilala at makikilala parin natin sila. O baka nakitaan niya ng similarities sa dating ikaw kaya ganyan ang tingin na ipinupukol niya sayo.". Sabi ni Julie na tumingin ng paiwas sa mga lalaki.
"Pag itinanggi ko ba maniniwala ka?" Tanong niya dito. Ngumisi naman ito ng nakakaloko sa kanya bago umiling at sumagot sa kanya.
"Hehe hindi! Hay naku bro, mag ready kana ikaw na ang kasunod. Composed yourself wag kang papahalata na ikaw yan, gawin mo kung ano ang natutunan mo sa training." Bulong nito sa kanya.
Sa kabila ng kanyang kaba ay nagawa niyang maihakbang ang kanyang mga paa papunta sa ring kung saan nandun na si Yumi. Papalapit palang siya ay kaagad na sumugod na si Yumi sa kanya, naging maagap naman siya sa pagtalon, alam niya na ang kalakasan ng babae at halos kabisado na niya ang mga style nito ng pag atake. Mabilis ang kanyang kilos na sinasabayan ang mga pag atake nito, halos walang may gusto na magpatalo sa kanilang dalawa.
Tila limot na din niya na nanonood ang kanyang dating kasintahan, ang tanging naiisip na niya ngayon ay ang mukha ng bagong dinidate ng dating nobyo at ang kanyang step father. Kaya alam niyang papalakas ng papalakas ang kanyang mga pag atake. Halos di na niya makontrol ang kanyang mga atake, natigilan siya nang tapikin ni Yumi ang kanyang balikat nang umatake ito. Naging hudyat niya iyon upang tapusin na ang kanyang imahenasyon.
"Sorry!" Bulong niya sa babae nang magkamay na sila matapos ang kanilang match.
"It's okay, mukhang naalala mo na naman sakin ang mga kaaway mo." Naiiling na sabi nito. Na guilty naman siya nang makitang nag pa ika ika itong naglakad palayo. Walang pag aalinlangan na nilundag lang niya ang net papunta sa kanyang mga kasamahan at ng mga lalaki.
"You did well, mukhang matitinik ang mga bagong agent ni Tammy ngayon." Sabi ni Warren na kinamayan siya. Wala na siyang takas dahil salubong, kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang tanggapin ang pakikipagkamay ng mga lalaki. Napahigit siya ng hininga nang matapat siya kay Jhai.
"Your hands seems so familiar," sabi nito na di na niya pinansin at sinagot. Ayaw niyang magsalita at baka sabihin naman nito na.
'Your voice sounds familiar' baka malagot pa siya pag nagkataon. Nang sumunod na sandali ay ang paggawa naman ng mga explosives naman ang kanyang ipinakita sa mga ito.
Pumunta sila sa isang malawak na lugar upang doon subokan ang kanyang mga gawang pampasabog. That is something she is proud of lalo at alam niyang kumukuha din ang mga Tiger heads men ng mga explosives sa mga pagkakataon na mahina ang produksyon sa kompanya na kinukuhanan ng mga ito. Alam niyang matagal na walang gumagawa ng mga pampasabog sa organization. Ang alam lang niya ay may isa sa mga ito ang magaling na gumawa ng mga gadgets na ginagamit sa security features ng mga agencies and of course ng mga private individuals.
"Wow this is amazing, baka pwede na asawahin to ng isa sa amin. Marami pa naman kaming single." Biro ni Dos.
"Ako na ang piliin mo Miss, ibebenta natin ng mahal sa kanila ang mga gawa mo. Tiyak na yayaman tayo." Biro ni Gino.
"Enough guys, di na siya komportable sa mga kalokohan nyo. Anyway Tammy we have to go, we are looking forward to tie up with your team again in a mission. " Sabi ni Ryon.
Nakita naman niya ang kaagad na pag ayos ng mga ito, isang salita lang ng lalaki ay kaya na nitong pasunodin ang lahat. Bilib na bilib talaga siya sa leadership skills ng lalaki, at muli ay naramdaman niya na naman ang titig na iyon. Titig na nakakailang at nakakapagdulot ng kaba sa kanya, alam naman niyang malabong makilala siyA nito. Pero yung kaba niya ay parang nahuli na siya nito.
Hanggang sa makasakay na ang mga ito ng sasakyan ay abot abot parin ang kanyang kaba. Sobrang naapektuhan siya sa presence ng lalaki dahilan para manumbalik sa kanya ang nakaraan. Nkaraan na pilit niyang tinatakasan kahit pa nga alam niyang di na niya matatakasan pa ang nakaraan. Ang nakaraang bumago sa kung sino siya noon, malayong malayo na siya sa mga taong mapanghusga pero ito at tila hinahabol habol siya ng anino ng kanyang nakaraan. Pilit siyang sinusundan sundan kahit sa lugar na akala niyang impossible na nitong matunton ay natunton parin siya.