3. ANGAS!

2021 Words
SABAY kaming naglakad ni Dax palabas ng function room. Malapit na kami sa pinto nang bumungad doon ang babaeng kasama niya kanina sa room. Ngumiti siya nang makita si Dax. Napatingin naman ako kay Dax na seryoso ang mukha. Ganoon ang itsura niya hanggang sa malampasan namin ang babae at makalabas sa function room. Ano yun dedma lang siya sa girlfriend niya? Yung ganito naman parati ang mukha niya, serious type at parang bihira ko lang siya makitang nakangiti pero bakit kaya hindi man lang niya pinansin ang girlfriend niya. Samantalang kanina sa kwarto enjoy na enjoy siya sa babae. Naalala ko na naman ang itsura nilang dalawa at ang bagay na hindi ko dapat makita sa kanya kaya pilit kong inalis na iyon sa isip ko. Kinikilabutan talaga ako kapag naiisip ko yun. Seriously, I want to get that thing out of my mind, as in now until forever! Gusto ko ng makalimutan 'yun! Pinilit kong alisin na iyon sa diwa ko at inisip na lang ang idadahilan ko mamaya. Wala na akong planong bumalik pa rito sa hotel dahil gusto ko talagang pumunta sa bar kasama ang mga kaibigan ko. I want to unwind and relax tonight. Pagdating namin ni Dax sa parking ay pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. "I'll sit in the back!" Sambit ko at tumungo sa backseat. Ako na ang nagbukas ng pinto. Sinara niya ang pinto pagpasok ko sa loob. Pag upo niya sa driver's seat ay pinaandar niya kaagad ang kotse. Hindi ko mapigilang titigan siya sa rearview mirror habang nagmamaneho siya. Ang seryoso kasi ng mga mata niyang nakatuon sa kalsada. Well, parati naman siyang ganito kaya sanay na rin ako. Makapal ang kilay niya at matangos ang ilong. Napakaperpekto ng pagkakahulma sa mukha niya. He's perfectly handsome. Okay na sana siya kaya lang... "Ay put*ng*na!" Malakas niyang mura. Halos masubsob naman ako sa upuan sa harapan ko nang pumreno siya bigla. Napatingin ako sa harapan na may kotseng nakahinto. Binuksan ni Daxon ang pinto ng kotse at lumabas. Nakita kong kinatok niya ang bintana ng kotse sa unahan. Oh my gosh heto na naman siya! Dadaanin na naman niya sa init ng ulo ang lahat. Yeah! He's perfectly handsome but ruthless. Okay na sana siya kaya lang ang hambog talaga! Alam ko naman ring mali ang driver ng kotseng iyon na nasa unahan dahil nag-over take siya bigla at hindi iyon palalampasin ni Dax. I know him, ganito talaga siya. Basta alam niyang siya ang nasa tama ay ilalaban niya iyon wherever it takes him. Ilang minuto nang bumalik siya sa kotse. Huminga siya ng malalim na parang kinakalma ang sarili. Nakahinga rin ako ng maluwag na hindi na siya nakipag away pa. Kung kanina ay gustong gusto kong titigan ang mukha niya, ngayon naman ay inis na inis ako. Sinandal ko na lang ang ulo ko sa headrest ng upuan at pumikit. Hinilot hilot ko ang sentido ko dahil biglang sumakit ang ulo ko. Simula pa kanina sa hotel ay parang ang dami ng nangyari kaya bumigay na yata ang utak ko. Tama lang na sumama ako sa mga kaibigan ko mamaya sa bar nang marelax ako. "Macy, are you okay? I'm sorry kung bigla akong pumreno. Bigla kasing sumulpot ang gag*ng yun sa unahan. Nasaktan ka ba? Okay ka lang?" Napamulat ako ng mga mata nang marinig ang sinabi niya. Nakatingin siya sa akin at naglandas ang paningin namin nang tignan ko siya. Ibang iba na ang itsura niya ngayon kaysa kaninang galit na galit siya. Nawala bigla ang angas niya at para siyang maamong tupa ngayon na nag aalala kung okay lang ba ako. "Masakit kasi ang ulo ko!" Daing ko. Yung masakit naman talaga ang ulo ko pero dinagdagan ko na rin ng pag akting para may maidahilan ako sa kanya mamaya na hindi na bumalik pa sa hotel. Mas lumamlam naman ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Kahit kasi gaano siya ka-cruel at kaangas ay caring at gentle naman siya sa akin at totoo sa kanya iyon. Kahit noon pa ay ganito na siya sa akin. Alagang alaga niya ako siguro dahil trabaho niya 'yun and more than that malaki ang utang na loob niya kay Dad. "Take medicine pagdating natin sa bahay. Okay!" Mahinahon niyang sabi. Pinaandar na niya ang kotse. Kahit na nakakainis siya ay natuwa naman rin ako na ganito siya. Ilang minuto nang makarating kami sa bahay. Pumunta agad ako sa office room ni Dad at kinuha ang pinapakuha niya. "Ito na yung kailangan ni Dad." Inabot ko kay Dax ang envelope, kinuha niya naman 'yun pero ang paningin niya ay nasa akin. "Okay ka na ba? Masakit pa ba ang ulo mo?" May halong pag aalala pa rin sa tinig niya. Actually, nawala na ang pananakit ng ulo ko pero kailangang meron akong idahilan sa kanya kaya umakting pa rin ako. Humawak ako sa ulo ko at minasa-masahe iyon. "Oo masakit pa rin. Kanina pa 'to sa hotel eh!" Sabi kong hindi tumitingin sa kanya. Bata pa lang ako kasa-kasama ko na siya kaya kilalang kilala na niya ako at siguradong mabubuko niya ko na nagsisinungaling kung hindi ko gagalingan ang akting ko. "Wait, kukuha ako ng gamot!" Sabi niya at tumalikod. Yung sasabihin ko pa lang na mamaya na ako iinom ng gamot pero tumalikod na agad siya at lumabas ng office para kumuha. Lumabas na rin ako ng office ni Dad. Nagpang abot kaming dalawa sa sala. May dala siyang gamot at isang baso ng tubig. "Take this para umokey na ang pakiramdam mo. We have to go back na sa hotel." Inabot niya sa akin ang paracetamol. Napatingin naman ako doon at nag alangan kung kukunin ko. Napapaisip ako kung okay lang ba na uminom ng paracetamol kahit walang nararamdaman? "Eh Dax kasi ano eh, gusto ko na lang magpahinga rito. Tatawagan ko na lang si Dad na hindi na ako babalik. Wala na rin naman akong gagawin doon and besides..!" "Macy, birthday ng Dad mo, mga kapatid mo nandoon tapos ikaw wala. Of course gusto rin ng parents mo na nandoon ka." "That's all about business. I'm sure si Mavy at Caden boring na rin doon kaya ayoko ng bumalik. Ite-text ko na lang si Mom at si Dad. Masama rin talaga ang pakiramdam ko." Sabi ko na minasahe uli ang ulo ko. Yung gusto niya talagang sumama ako sa kanya pabalik sa hotel at tingin ko ay ipipilit niya yun. Napatitig siya sa akin na parang tinatantya ang sinabi ko. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil baka mabasa niya sa mga mata ko na wala akong dinaramdam. "Alright, kung yan ang gusto mo. Matulog ka na kung masama talaga ang pakiramdam mo." "Hey, masama naman talaga ang pakiramdam ko!" Agad kong sabi dahil parang naghihinala siya. Hindi ko napigilan ang inis ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Nandoon si Red, palalampasin ko ba naman yung pagkakataon na makasama ko siya." Yung alam niyang crush ko si Red kaya siya ang naisip kong idahilan. Nakita ko na naman sa itsura niya ang inis niya kay Red. Napahaplos siya sa batok niya na parang nagkokontrol ng emosyon. Huminga siya ng malalim at tumitig sa mga mata ko. Tumitig din ako sa kanya dahil baka makahalata na siya kung patuloy akong iiwas ng tingin. Malalim siyang tumitig sa akin na parang tumatagos sa puso ko. Pansin kong habang tumatagal ay may kakaiba talaga sa kanya. Bigla ko na namang naalala ang pangyayari kanina sa pad niya at ang parte niyang nakita ko kaya bigla na naman akong nagblush. "You're blushing again!" Sabi niya sabay haplos sa pisngi ko. I felt the warmth of his palm when he touched me. I felt uncomf'table kaya bigla akong napaatras para iwasan na siya. Hanggang sa mapatili ako nang ma-out of balance ako sa paghakbang ko patalikod dahil sa suot kong heels. Expect ko nang babagsak ako nang maramdaman ko ang brasong pumulupot sa bewang ko. Napakalapit lang ng mukha ni Daxon sa mukha ko nang tignan ko siya. Yung malapitan kong nakikita ang kagwapuhan niya at hindi ko maipaliwanag kung ano ba itong nararamdaman ko, kung dahil ba sa gwapo niyang mukha o dahil sa ayos naming dalawa na halos nakayakap na siya sa'kin. Napansin ko ang pamumungay ng mga mata niya habang nakatitig sa akin. Yung tingin na nakikita ko lang sa mga lalakeng nagkakagusto sa akin. Wait, so it means may gusto sa akin ang lalakeng ito?? Agad ko ring inalis iyon sa isip ko dahil napaka imposible nun. Napansin kong bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Mababa ang neckline ng dress na suot ko kaya nakalitaw ang cleavage ko at mainit ang titig niya doon. Uncomf'table ang feeling na ganun ang tingin niya sa'kin na parang may malisya, parang may halong pagnanasa. Naalala ko na naman ang nangyari sa hotel at bigla akong na feel awkward sa sitwasyon kaya mabilis akong tumayo. Inayos ko ang sarili ko pagtayo ko. Napabuntong hininga naman siya na parang kinakalma niya ang sarili niya. "Sige na Dax! Pakisabi na lang kay Dad na masama ang pakiramdam ko." Umalis na ako sa harapan niya pagkasabi ko nun at umakyat sa kwarto ko. Bigla kasi akong naasiwa sa kanya. Parang may sasabihin pa siya pero iniwan ko na siya. Pagpasok ko sa kwarto ay doon ako parang nabunutan ng tinik. Humiga ako sa kama at pilit na inalis na si Dax sa isip ko. 7pm na nang tignan ko ang oras. Kinuha ko ang cellphone ko, nabasa ko sa gc namin ng mga kaibigan ko na nasa bar na sila at ako na lang ang hinihintay, so kailangan ko na umalis. Umalis na kaya si Dax? Tumayo ako at sisilip sana sa ibaba kung naroon pa si Dax nang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Dax kaya agad kong binasa. Dax: I'm leaving, go to sleep after taking the medicine, okay!" Natuwa ako nang mabasa ang message niya. Mabuti hindi na siya nagpumilit pang isama ako sa hotel. Siguro excited na rin siyang bumalik doon dahil nandoon yung girl niya. Nainis na naman ako nang maalala ang nakita ko kanina. Inalis ko na siya sa isip ko at inisip na lang ang mga kaibigan kong nagpapakasaya na ngayon. Mabilis akong nag ayos ng sarili, hindi ko na pinalitan ang suot kong red dress at nagretouch na lang. Hinanap ko ang shoulder bag na bitbit ko kanina sa hotel hanggang maalala kong naipatong ko nga pala sa couch sa ibaba kaya agad akong lumabas na ng kwarto matapos ko mag ayos. Habang pababa ng hagdan ay nakita ko si Manang Cora na kasambahay namin. Mabuti na lang umalis din siya agad ng hindi ako nakikita. Baka magsumbong pa siya kay Dax na umalis ako kung makikita niya ko. Kinuha ko ang shoulder bag ko sa couch saka ako mabilis ng umalis. Hindi ko na ginamit ang kotse ko dahil magtataxi na lang ako baka kasi mapansin nina Dad na wala iyon pag uwi nila at malaman nilang umalis ako. Alam pa naman nilang dalawa na matutulog na 'ko dahil masama ang pakiramdam ko. Habang papalapit ako sa gate ay nakatingin sa akin si Kuya Lando na guard namin. Gosh! baka hindi niya ako palabasin ng gate! Baka sinabihan siya ni Dax na huwag akong palalabasin dahil nangyari na ito noong tatakas din sana ako para makipagkita sa mga kaibigan ko. Bukod kasi sa parents ko ay sinusunod rin ni Kuya Lando si Dax. "Ms. Macy, babalik po ba kayo sa hotel?" Tanong niya. "Ha, ah opo!" Sagot ko na lang sa kanya. Mabilis naman niyang binuksan ang gate. So walang binilin si Dax, siguro dahil hindi naman niya maiisip na aalis ako ngayong gabi. Naniwala siya sa akting ko na masama ang pakiramdam ko. Siguradong hindi na rin naman niya ako maiisip pa dahil may girlfriend siyang naghihintay doon sa hotel. Baka hindi rin siya rito uuwi mamaya kaya hindi niya malalaman na umalis ako. Feeling ko ay naisahan ko ang maangas na lalakeng 'yun. Diretso akong lumabas na ng gate nang may ngiti sa labi. ♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD