DAHIL sa hindi ko na kinaya pang tagalan ang nangyayari at ang nararamdaman ko kaya mabilis na akong kumilos at lumabas sa room ni Daxon. Inayos ko ang sarili ko paglabas ko ng room niya. Pinunasan ko ang butil butil na pawis sa noo ko. Napakalamig naman sa hotel pero grabe ang pawis ko. Pinagpawisan ako at parang init na init sa nasaksihan ko. Inayos ko ang pulang long dress na suot ko at sinuklay ng daliri ko ang mahaba kong buhok. Nagpunta ako rito sa room ni Daxon dahil pinapatawag siya ni Dad pero ito ang nadatnan ko. Nandito kami sa Montevista hotel na pag aari ng family ko dahil birthday ni Dad at nasa function room sa ibaba ang celebration.
Alam kong playboy at fvckboy ang lalakeng iyon kaya parang wala yata sa plano niya ang mag asawa. May mga dini-date siya pero walang seryoso. He is 18 years older than me. 38 na siya and still single.
Naiinis ako sa kanya at parang lumala pa ngayon dahil sa nasaksihan ko.
Pero nag enjoy ka!
Nag enjoy? What the heck! No, no!
Parang gusto kong sampalin ang sarili ko sa naiisip ko. Kung sa mga pórn videos masarap manood ng ganon pero sa personal ay hindi. Nakakakilabot! Hindi ko tuloy alam kung paano ko pa haharapin si Daxon ngayon.
Pinilit kong alisin na si Daxon at ang nasaksihan ko sa isip ko.
Nagdecide akong bumaba na sa function room. Pagpasok ko roon ay agad akong kumuha ng alak sa tray na hawak ng server. Dalawang baso agad ng wine ang kinuha ko. Umupo ako sa upuan na kanina ko pang pwesto bago ako inutusan ni Dad na puntahan si Daxon sa kwarto niya kanina. Feeling ko kumalma ang pakiramdam ko nang maubos ko ang isang baso ng alak hanggang inumin ko rin ang isa pa.
"Hi Macy!"
Muntik akong masamid habang umiinom ng alak nang lumapit sa akin si Redmond na kaibigan ng kakambal kong si Cohen. Business partners ang mga Dad namin kaya nandito rin siya. Umupo siya sa tabi ko kaya agad kong nilapag na sa table ang alak.
Inayos ko ang sarili at nginitian siya. "Red!"
Biglang nawala ang kaninang pagkainis ko nang makita si Red at ang gwapo niyang mukha. Super crush ko kasi siya. Noon pa man gusto ko na siya. Hindi hamak na mas gwapo siya at mas may dating kaysa kay Daxon. Wait, bakit ba sumisingit ang lalakeng 'yun sa isip ko. Feeling ko hindi ako naging komportable sa naisip kong mas gwapo at mas may dating si Red. I feel that there is a part of my mind na against sa naisip ko.
"Wazz up!" Ngumiti siya at nakipag fist bump sa'kin. Ganito talaga siya at nasanay na 'ko, ang tingin niya sa akin ay tropa lang na kagaya ni Cohen. Super crush ko siya kahit noon pa kaso wala naman siyang kainte-interest sa akin. Hindi ko nga alam kung babae ba ang tingin niya sa akin. Maganda naman ako. I'm very attractive pero siya lang yata ang lalakeng hindi attracted sa akin.
"Why are you serious?" Tanong niya sabay kurot sa pisngi ko. Nakatitig kasi ako sa kanya kaya bigla akong napaiwas ng tingin. Ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko. Napakabilis ko talaga magblush kapag pinapansin niya.
"Ha? Ah hindi. Napansin ko lang yang red sa neck mo." Sabi ko na lang na nakatingin sa leeg niyang may pulang marka. Hindi ko naman rin alam kung tama bang pinansin ko pa 'yun. Alam ko naman kung ano 'yun, kiss mark. Hindi ko alam na may girlfriend pala siya. Sino kaya? Si Kylie ba? Si Jen, Roxy?
"Ah eto... Wala yan nakagat lang ng langgam." He laughed. Natawa na lang rin ako at umiwas na sa kanya ng tingin.
"Oh gosh I'm hungry!" Sabi niyang hinihimas ang tyan niya.
"Kumain ka. Nandoon yung buffet!"
Tumingin ako sa buffet na nasa hindi kalayuan. Bigla rin akong nakaramdam ng gutom nang makita ko iyon. "Let's get food!" Pagyaya ko sa kanya sabay tayo. Tumayo rin siya at hinawakan ako sa siko para alalayan ako papunta sa buffet. Matapos namin kumuha ng pagkain ay sabay rin kami bumalik sa table. Papalapit na kami sa table nang mapansin ko doon si Daxon na nakaupo. Naalala ko ang nakita ko kanina. So tapos na sila, ganun kabilis? Where's the girl?
Napansin kong medyo basa ang buhok niya. Mabuti naman naligo siya. Parang hindi ko tuloy siya kayang dikitan o tignan man lang ngayon.
Bigla kong naalala ang bagay na hindi ko dapat makita sa kanya. Mabilis kong pinilig ang ulo ko para alisin rin iyon agad sa isip ko. Hindi dapat ako magpa obvious sa kanya na nakita ko siya kanina.
Umiinom siya ng alak pero 'yung paningin niya ay nakatuon sa akin. Naroon na naman siya sa tingin niyang parang nakakaloko. Hindi lang ito ang unang beses na nakita ko sa kanya ang ganung klase ng tingin na hindi ko naman alam kung para saan. Feeling ko lalamunin niya ako ng buhay sa klase ng tingin niya. Iniwas ko na sa kanya ang paningin ko dahil yung itsura niya kaninang nakita ko siya sa kwarto ang naiisip ko.
Pagdating namin sa table ni Red agad akong kumain. Nasa tapat ko lang si Daxon pero hindi ko na siya tinapunan pa ng tingin.
"Bro, let's eat!" Pagyaya ni Red sa kanya.
"Later!" Malamig niyang tugon. Hindi nakawala sa paningin ko ang tingin niyang matalim kay Red. Wala namang ginagawa sa kanya si Red pero pansin kong malaki ang inis niya dito. Madalas niyang sabihin na mayabang raw umasta si Red kahit na mas malala naman siya. He's a real badass kaya hindi na bago sa akin ang asta niyang parang anumang oras ay gagawa ng gulo. Isa sa nakakainis niyang attitude. Hot tempered siya. Siya yung tipo na ayaw niyang may haharang sa dadaanan niya. Hindi ko alam kung ano ba ang nakikita ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya na kahit saan ko tignan ay hindi ko makita. Aside from his physical looks. Gwapo nga siya pero balasubas naman.
"Yes?" Kunot noo niyang tanong sa akin. Hindi ko namalayan na masama na pala ang titig ko sa kanya at napansin niya iyon. Umiwas na ako ng tingin sa kanya at nagpatuloy sa pagkain.
"Hinahanap ka kasi ni Dad kanina. Bigla kang nawala." Sabi kong hindi tumitingin sa kanya.
"Alam niyang nasa pad ako." His deep husky voice gives me chills. Sa ilang beses ko ng narinig ang boses niya bakit parang biglang may kakaiba ngayon.
Naglandas ang paningin namin at parang hindi ako naging komportable doon kaya mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya.
Sinubo ko na ang huling pagkain sa plato ko saka ko ininom ang wine. Napatingin ako sa kanya habang iniinom ang wine at pansin kong nakatingin pa rin siya sa akin na para bang may kinikilatis siya sa kilos ko. Parang ang weird ng kilos niya. Ano bang problema niya? Hindi kaya nakita niya ako kanina?! pero hindi ko naman siya nakitang nakatingin sa akin. Naalala ko bigla kung gaano ka-daks ang kanya at bigla na lang uminit ang pisngi ko. Bakit ba ako nagba-blush?
"You're blushing, why?"
Yung bigla kong narinig sa kanya ang tanong ko sa isip ko. Tinatanong niya ako kung bakit pero kahit ako ay hindi ko iyon masagot.
Tumayo si Red at bumalik sa buffet.
"Ha, blush? Coz I-I'm with Red!" Sagot ko pag alis ni Red. His jaw clenched. Hindi ko na iyon pinansin pa nang lumapit si Mom at Dad kasama ang parents ni Red. Tumayo ako at nagbigay galang sa kanila.
"Bro, I left the brown envelope in my office at home. Can you get it for me?" Sabi ni Dad nang makita si Daxon.
"Brown envelope?"
"Yeah, may documents sa loob noon. I badly need that now." Dad then looked at me. "Sumama ka na 'nak. Alam mo kung saan 'yun nakalagay. I'm sorry, I just need that now!"
Iyong hindi naman ako makakatanggi kay Dad kaya sumunod ako sa utos niya. Naalala ko rin na kailangan kong tumakas ngayong gabi dahil may hang out kami ng mga kaibigan ko sa bar. Nasa plano kong umalis dito sa hotel dahil sobrang boring na ko, hindi nga lang ako makahanap ng tyempo dahil baka hanapin ako ni Mom o ni Dad. Mamaya sa bahay ay hindi na lang ako sasama pabalik rito kay Daxon at magdadahilan na lang sa kanya na masama ang pakiramdam ko kaya magpapahinga na lang sa bahay. Aalis ako kapag umalis na siya.
Bigla akong naexcite na pumunta na sa bar kaya niyaya ko na si Daxon na umuwi sa bahay.
♡