"Bakit ngayon ka lang? nakakarami na kami!" Tanong ng friend kong si Alexa pagdating ko sa bar. Umupo ako sa tapat niya. Natakam ako sa vodka na iniinom nila kaya kumuha agad ako ng isang bote at ininom.
"I'm sure nahirapan yan takasan si Papa Dax!" Tumatawang sabi ni Lhea.
"Sabi ko kasi sayo jowain mo na para nauuto mo, hindi ka na sana tumatakas ngayon kasi parati mo na siyang kasama." May panunuksong sabi ni Amie.
"Tama!" Pagsang ayon ni Alexa. Nag apir pa sila ni Amie.
"Alam mo kapag natapos ang school year at hindi mo pa nagiging jowa si Dax, haharutin ko na talaga siya." Malanding sabi ni Lhea. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay dahil sa sinabi niya.
"Anong jowa? Wala naman talaga ako planong jowain siya. He's like my Uncle na. Eeww kaya 'yun." Inirapan ko siya.
"Diba gusto mo sa mature guy. Perfect choice kaya si Dax. Gwapo at hunk, mabait pa." Saad pa ni Lhea na hindi mawala wala ang kilig sa katawan.
"Mabait? Pano naging mabait 'yun? Nakakaasar kamo! Si Red lang ang nag iisa sa puso ko!" Asar kong sabi saka ko tinungga ang alak.
"Alagang alaga ka kaya kay Dax. Ako okay lang sakin magkaroon ng bodyguard na parating nakabuntot basta kagaya ni Dax." Sabi ni Alexa na isa pang hangang hanga kay Dax. Actually lahat silang kaibigan ko ay may paghanga kay Dax. Attractive at charming naman din kasi siya at siguro kung hindi lang ganito ang sitwasyon namin baka nacrushan ko rin siya... Ay no, si Red lang ang nag iisa sa puso ko. Hinding hindi ko maka-crushan ang Dax na 'yun.
"Tingin ko nga daks rin siya eh! Pansin ko kasi parang maumbok yung sa center part niya!" Tumatawang sabi ni Amie.
"Oo nga!" Halos sabay na sabi ni Lhea at Alexa. Naghagikgikan silang tatlo. Ganito parati sila basta si Daxon ang topic ng usapan. Napakaingay sa bar dahil sa bandang tumutugtog pero nangingibabaw ang mga boses at tawanan nila. Bigla ko na naman naalala kung gaano ka-daks si Dax at yung pangyayari sa kwarto. Nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko kaya napainom ako ng alak hanggang sa maubos iyon.
"Mabuti Macy hindi ka nahirapan hanapin itong bar, ako kasi naligaw eh!" Sabi ni Lhea. Nagtawanan naman ang dalawa kong kaibigan. Hindi kasi sa bar na ito ang madalas namin puntahan at first time namin na dito maghang out. Pinag uusapan kasi ito ng mga kaklase namin dahil maganda raw at maraming sikat na personalidad ang nagtutungo dito kaya sinubukan namin.
"Hindi ko dinala ang car ko. Nagtaxi lang ako. Eh mabuti alam naman ng driver kung saan 'to!" Sagot ko.
Naisip kong mabuti rin na ibang bar ang pinuntahan namin. Dahil kung makakatunog si Dax na umalis ako, I'm sure na pupunta siya doon sa bar na madalas namin puntahan at hinding hindi niya maiisip na nandito ako. Feeling ko ngayon lang ako nagkaroon ng peace of mind sa kanya. Usually parati akong nag aalala na baka bigla siyang sumulpot at sirain niya ang kaligayahan ko. Hindi naman niya ako pinagbabawalan pero nakikijoin siya sa amin. Hindi ko nagagawa ang gusto ko dahil nakabantay siya kaya ang ending ay hindi rin ako nag eenjoy. Napakasaya ko ngayon na wala siya. I feel free! I'm sure na maligayang maligaya rin siya ngayon dahil kasama niya ang girlfriend niya. Naalala ko na naman ang nakita ko kanina kaya inalis ko na siya sa isip ko at nag focus na lang sa kasiyahan namin.
"Cheers guys!" Tinaas ko ang bote ng vodka at nakipagtoast sa mga kaibigan ko.
"Cheers!"
Ilang minuto ang lumipas.
Dalawang bote pa lang ang naiinom ko pero umiikot na ang paningin ko. Naunang dumating rito ang mga kaibigan ko kaya marami na sila nainom at may mga tama na.
"Jussswaa!"
Halos mabingi ako sa tili ni Lhea nang makita ang artistang si Juswa. Nasa kalapit lang iyon na table at kahit medyo madilim at LED lights sa bar lang ang nagsisilbing liwanag ay kitang kita namin ang kagwapuhan niyang sa TV ko lang nakikita.
"Teka padaanin mo ko pupuntahan ko si Juswa." Tumayo si Lhea at dahil nakaharang ang upuan ko sa dadaanan niya ay hindi siya makalabas.
"Ano ka ba huwag na nakakahiya nag eenjoy yung tao eh. Marami rin siyang kasama." Sabi ko at mas humarang pa sa kanya. Kilala ko ang kaibigan kong ito lalo kapag lasing siguradong hindi nito titigilan si Juswa sa pangungulit at baka magkalat pa doon.
"Gusto ko magpapicture." Biglang tumayo si Alexa at nagpunta sa table ni Juswa. Nakawala naman si Lhea at sinundan si Alexa. Nag enjoy ang dalawa na magpapicture kay Juswa na parang napipilitan lang ngumiti sa camera.
Napatingin ako kay Amie sa tapat ko na kausap ang boyfriend niya sa cellphone. Kinuha ko naman ang cellphone sa bag ko. Nakita kong may missedcall si Dax. Nalaman kaya niya na umalis ako? Kahit naman malaman niya ay hindi rin niya malalaman kung nasaan ako.
Binalik ko na ang cellphone sa bag at hindi na siya inintindi pa. Past 8 pa lang ng gabi nang tignan ko ang oras. Iniisip ko kung tapos na kaya ang party ni Dad. May mga business partner siyang naroon so for sure magtatagal pa sila at pag uwi nila ni Mom ay matutulog na lang sila dahil sa pagod kaya hindi na nila ako mapapansin pa. Bigla naman ako nakunsensya sa pagiging pasaway kong anak. Kaya naman sila nakaisip na pabantayan ako ng maigi kay Dax dahil sa pagiging ganito ko.
Napatingin ako sa mga kaibigan nang bumalik na sila sa table.
"Grabe ang gwapo!" Kinikilig na sabi ng dalawa pagbalik nila sa upuan. Gwapo naman kasi talaga ang artistang iyon pero hindi naman ako yung tipong mabilis magka crush sa gwapo. Sa katunayan si Red lang ang apple of my eye. Sana nga matuloy yung arrange marriage na pinaplano ng mga magulang namin para sa aming dalawa. Tutol ako sa mga arranged marriage dahil wala naman halong pagmamahal iyon at kasunduan lang pero gustong gusto ko si Red, baka nga love na itong nararamdaman ko sa kanya and that's enough for me to marry him. Hindi ko lang sure kung sasang ayon siya doon. Wala siyang love para sa akin dahil tropa lang kami pero gagawin ko naman ang lahat para magustuhan niya rin ako. Feeling ko dito rin ako makakabawi sa parents ko sa pagiging pasaway ko.
"Let's dance!" Tumayo si Amie at hinila si Alexa.
"Come on girls!" Sambit ni Alexa. Naexcite naman ako kaya hinila ko na rin si Lhea patungo sa dance floor.
Nag enjoy kaming magkakaibigan ng gabing iyon sa sayawan at inuman. Ni hindi ko na namalayan ang oras. Isang oras na pala ang lumipas at pare-pareho na kaming may mga tama ng alak. Ngayon lang ako nalasing ng ganito dahil wala akong bantay na kokontra kapag napaparami na ako ng inom.
"Guys nandito na ang sundo ko. Sumabay na kayo samin pauwi para maihatid namin kayo sa mga bahay niyo." Sabi ni Amie pagdating ng boyfriend niya.
"Basta ako sasabay ha. Hindi na ako makakauwi ng ganito!" Sabi ni Alexa na nakatungo na lang sa table.
"Nasaan si Lhea?" Tanong ko nang mapansing wala siya.
"Nakita kong umakyat sa taas kanina." Sagot ni Amie. Naalala kong umakyat nga pala yun sa itaas, VIP ang nandoon at may mga celebrities. Umakyat si Juswa at ang mga kasama niya kanina at dahil wala na sa katinuan ang babaeng yun ay sumunod siya.
Nagdecide akong puntahan siya sa itaas para yayain ng umuwi. Pakiramdam ko ay umiikot ang mundo ko habang naglalakad ako dahil sa sobrang hilo ko. Humawak ako sa handle ng hagdan pag akyat ko dahil baka gumulong na lang ako pababa. Nakaheels pa naman ako at fitted dress.
"Hi Miss!"
Napatingin ako sa dalawang lalake na nasalubong ko sa hagdan. Pareho silang nakangiti at namumungay ang mga mata habang nakatingin sa akin. Dinedma ko na lang sila at nagpatuloy sa pag akyat. Dahil sa kagandahan ko kaya kanina pa may mga lalakeng nagpapapansin sa akin at kung narito si Dax malamang mapaaway lang 'yun. Mabuti na rin na wala siya.
May mga tables din sa 2nd floor pag akyat ko dun. Parang wala naman pinagkaiba sa ibaba. Natigilan at para akong napako sa kinatatayuan ko ng makita ang celebrity basketball player na si Tobie. Oh my gosh nandito pala siya!
Crush na crush ko siya at dream come true na makita ko siya sa personal. Feeling ko nawala ang kalasingan ko at biglang luminaw ang paningin ko nang makita siya. Gusto ko sanang lumapit para magpapicture kaso busy siya sa mga kausap niya. Maya maya ay bigla siyang tumayo. Nakita ko na lang ang sarili kong nakasunod sa kanya. Saan kaya siya pupunta??
Lumiko siya sa isang hallway. Sumunod ako doon pero bigla siyang nawala sa paningin ko. May mga pinto sa magkabilang side ng hallway. Nang silipin ko sa salamin na part ang isang pinto ay KTV room pala iyon, hindi ko nakita si Tobie sa loob. Eh bakit ba si Tobie ang hinahanap ko, yung kaibigan ko dapat ang hinahanap ko!
Sumilip ako sa isa pang pinto pero wala doon si Lhea. Saan na kaya napunta ang babaeng yun?
"Hi, Miss, pasok ka!" Nakangiting sabi ng lalakeng nasa pinto nang sumilip ako roon.
"Ay no! I'm just looking for my friend pero wala pala siya rito." Sagot ko sa lalake.
"Okay lang dito ka muna!" Hinawakan ako sa braso ng lalake para papasukin sa loob. Nang tignan ko ang loob ay pawang mga lalakeng mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang itsura ang naroon. Mausok doon na hindi ko alam kung dahil ba sa sigarilyo o kung ano man 'yun.
"Hi!" Nakangising bati sa akin ng isa pang lalake. Nakaramdam ako bigla ng takot sa mga itsura ng mga iyon kaya mabilis akong tumalikod na.
Dire-diretso na sana akong aalis pero nahawakan pa rin ako sa braso ng isang lalake. "Wait lang, dito ka muna. Pupunta punta ka rito bigla kang aalis!" Ngumisi siya ng nakakaloko. Naasiwa ako sa pagkakahawak niya sa braso ko kaya malakas kong hinawi ang kamay niya. Mabilis na akong kumilos at naglakad palayo doon. Bigla na naman ako nakaramdam ng hilo habang naglalakad. Mga mukha ng mga lalakeng nakatingin sa akin at nakangisi ang bumabalandra sa paningin ko habang naglalakad ako. Tanging makukulay na LED light lang ang nagpapaliwanag sa paligid kaya parang mas lalo akong nahihilo. Grabe ang kaba ko, kung nandito lang sana si Dax hindi ako matatakot ng ganito, hindi sana ganito ang nangyayari.
♡