8. Hangover

1765 Words
NAGISING ako sa amoy ng kung ano na niluluto sa kusina. Nagmulat ako ng mga mata at napapikit muli nang maramdaman na masakit ang mga mata ko. Masakit rin ang ulo ko. Naalala kong hindi ko napigilan ang mapaiyak sa takot kagabi nang ipaalala sa akin ni Dax ang tungkol sa pangyayari noon. Limang taon na ang nakakaraan pero parang sariwa pa sa alaala ko yung mga iyakan at hiyawan ng mga taong kasama ko sa loob ng grocery. Sariwa pa sa isip ko yung duguang katawan ng mga taong harap harapang binaril sa akin. Kinalma ko na ang sarili ko at pinilit na huwag na iyong isipin. Kailangan ko labanan ang nararamdaman ko, sinabi ko na sa sarili ko na sa tuwing maaalala ang pangyayari noon ay pipilitin kong mapaglabanan. Ang kaso hindi ko naman rin nakokontrol ang nararamdaman ko. Natigilan ako sa pag iisip at napatingin sa pinto nang bumungad si Dax. "Good morning! Breakfast is ready. Kumain ka na, may pasok ka pa sa school!" Matamis siyang ngumiti habang nakatayo sa pinto. Hindi lang naman ito ang unang beses na nginitian niya ako ng ganun pero parang may kakaibang dating ngayon. Hindi ko na lang iyon inintindi pa at inisip na lang ang pagpasok ko sa school. Monday ngayong araw. Yung nagwalwal na naman kami ng mga kaibigan ko nang merong pasok kinabukasan kaya siguradong pare-pareho kaming lutang mamaya sa school. "Okay ka na ba?" May pag aalala niyang tanong. Lumapit siya sa akin at tumayo sa gilid ng kama. Napataas ako bigla ng kumot na nakabalot sa akin. "Yah, I'm fine!" Tipid akong ngumiti. Napatingin ako sa tattoo niya sa parteng balikat. Wala siyang suot na pang itaas at tanging trouser lang ang suot. Parati ko naman nakikita ang tattoo niya pero ngayon ko lang natitigan ng malapitan at hindi ko pa rin magets ang design na yun. "Nandyan yung uniform mo. Maligo at magbihis ka na muna kung gusto mo." Sabi niyang nakatingin sa uniform kong nakasabit. Magtatanong sana ako sa kanya kung bakit narito ang uniform ko kaso biglang nagring ang phone niya. Sinagot niya iyon 'tsaka siya lumabas ng kwarto. For sure umuwi siya sa bahay para kunin ang uniform ko. Napatingin ako sa ibabaw ng table dahil naroon rin ang bag na ginagamit ko sa school at mga libro ko. Anong oras kaya siya umuwi sa bahay? Sana ginising na lang niya 'ko para umuwi na lang rin ako. 9:30 nang tignan ko ang oras. 11am ang pasok ko kaya kumilos na ako para maligo at magbihis. Nakita ko ang underwear ko sa ibabaw ng kama, pati iyon ay kumuha rin siya sa bahay, siguro si Manang Cora ang kumuha ng mga 'yun sa closet ko dahil hindi naman yun alam ni Daxon. Naligo ako at sinuot na ang uniform ko. Nakaramdam ako ng gutom matapos kong magbihis at mag ayos kaya lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko si Dax na may kausap sa phone sa sala. Lumapit siya sa akin nang makita ako at inabot sa akin ang phone. "Mommy mo!" Sabi ni Dax pagkaabot sa akin ng phone. Agad ko naman iyon kinuha. "Mom!" "Baby, okay ka lang ba diyan? Kumusta na pakiramdam mo? Sabi mo hindi maganda ang pakiramdam mo pero pumunta ka sa bar kasama ang mga kaibigan mo. Porke hinahayaan ka namin sosobra ka na ha!" Panenermon sa akin ni Mom. Hinahayaan ako ng mga magulang ko na mag enjoy kasama ang mga kaibigan dahil ito rin naman ang advise noon ng doktor na makakabuti sa akin na parati akong masaya at may mga kasama dahil mas mati-trigger ang trauma ko kapag mag isa at nalulungkot ako. Hinahayaan nila ako sa social life ko dahil nandiyan naman si Daxon na magbabantay sa akin. "Sorry po! Hindi na po mauulit Mom... Okay lang po ako rito." Marahan kong sabi. Kasalanan ko naman kasi talaga at mali ako sa ginawa ko kaya hindi na ako nagdahilan pa ng kung ano ano at tatanggapin na lang ang panenermon ni Mom. "Your Dad and I are very disappointed in you. Sobra 'tong ginawa mo sa'min, Macy!" Bigla kong naramdaman yung bigat ng pakiramdam ngayon ng mga magulang ko. Ginagawa at binibigay nila ang lahat sa akin at sa mga kapatid ko pero ako na nag iisang anak nila na babae ang naging pasaway. "Sorry po!" Napatingin ako kay Dax na nakatingin sa akin. Naka loud speaker ang phone kaya naririnig rin niya ang panenermon ni Mom. Kinuha niya sa akin ang phone. "Claire, Macy's fine here! Ako na bahala sa kanya. Ihahatid ko siya sa school after niya kumain." "Okay, thank you Dax ha. Mabuti na lang talaga nandyan ka. Ewan ko na lang kung anong mangyayari sa amin kung wala ka. Thank you so much!" Mom said. "No worries, Claire!" Tumingin sa akin si Dax. Matapos magpaalam ni Mom ay binulsa na niya sa pants niya ang cellphone. "Let's eat na!" Pagyaya niya. Sabay kaming naglakad patungo sa dining table. Nakita ko ang roasted chicken na kanina ko pa naaamoy sa kwarto at bigla akong ginutom. Masarap magluto si Dax kaya lalo akong natakam. Na-feel awkward ako nang hilahin niya ang upuan para paupuin ako roon. Gentleman naman talaga siya pero parang uncomf'table ngayon. Siguro dahil nandito ako sa condo niya at dalawa lang kami. First time ko pang makapunta rito kaya siguro ganito ang pakiramdam ko. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko at bakit parang bigla akong kinilig. "Dax matagal ka na ba rito?" Tanong ko para pakalmahin na ang isip ko. "Ahm 3 years!" Sagot niya. "Ah okay. So marami ka talagang bahay. Kasi halos sa bahay ka na rin namin nakatira eh at minsan nasa hotel ka." "Actually, this is my investment. Pinaparentahan ko, hindi lang ito may iba pa akong condo unit sa ibang developer. 2 weeks ago nung umalis yung nagrent dito kaya available ngayon." Sabi niya habang kumakain kami. "Okay!" Napatingin ako sa kanya nang tumingin siya sa akin at maya maya ay ngumiti. "Why? May nakakatawa ba sa mukha ko?" Kunot noo kong sabi. "I just can't believe you're here!" Nakangiti niyang sabi. May bigla tuloy ako naalala sa kanya na nakita ko kahapon kaya bigla ako nailang sa kanya. Nakita ko na ang lahat sa kanya at ngayon ay kasa-kasama ko siya. "Mabuti hindi ka hinahanap ng girlfriend mo. Diba nasa hotel siya? So iniwan mo siya doon nung pinuntahan mo ko sa bar?" Tanong ko na hindi ko alam kung bakit bigla na lang lumabas sa bibig ko. "Girlfriend? Nasa hotel?" May pagtataka na sabi niya. "Yung girl na kasama mo sa room--" natigilan ako bigla nang masabi 'yun. Napatingin siya bigla sa akin. Hindi ko na lang siya tinignan pa at seryosong kumain habang nakatingin sa plato ko. Napakapasmado ng bibig ko at hindi ko mapigilan "She's not my girlfriend?" Sagot niya. Sheesh hindi girlfriend pero nagbibirahan, ano yun?! Siguro may ganito nga talaga, yung wala namang label pero nagtitikiman. Pero wait na-gets ba niya yung sinabi kong kasama niya sa room. Hindi naman niya alam na naroon ako. Bigla tuloy ako nag overthink. Tinapos ko na agad ang pagkain para makaalis na ako dahil bigla akong nailang na sa kanya. Matapos namin kumain ay nagligpit siya. Naghanda na rin ako para sa pagpasok sa school. Ilang minuto nang umalis na kami. Nakapikit lang ako habang nasa sasakyan kami dahil ramdam ko ang hangover ko. Pinainom ako ni Dax ng gamot kanina para sa sakit ng ulo pero ramdam na ramdam ko pa rin. "Until 5pm ang schedule mo today, right?" Tanong niya. "Yah!" Sagot ko habang nakapikit. Susunduin niya kasi ako mamaya, kung minsan naman hindi na siya umaalis sa school at hinihintay na lang ako. Nagmulat ako ng mata at tumingin sa labas. Malapit na pala kami sa school. Hanggang sa huminto na siya sa harap ng gate. "See you later at 5pm!" Sabi niya paghinto ng kotse. Bumaba siya ng kotse para pagbuksan ako ng pinto pero bumaba na rin ako agad. Nakita ko ang kakambal kong si Cohen sa kabilang kotse na bumaba rin. Pareho kami ng schedule kaya minsan ay nagsasabay kami pumasok kung nasa bahay lang siya. Madalas kasi ay sa hotel siya nag stay. Napangiti ako nang bumaba rin doon sa kotse niya si Red. Kahit papano nagbago ang mood ko na makita siya. "Sis, ang lakas ng tama mo para magwalwal sa birthday ni Dad ha!" Salubong ang kilay na sabi ni Cohen. Kahit mahilig rin magwalwal ang kakambal kong ito basta may family affair kami ay parati siyang present. Importante sa kanya na magkakasama kami kaya expect kong pagagalitan niya ako. "Hi, Macy!" Nakangiting sabi ni Red. Hindi ko na lang inintindi ang sinabi ni Cohen at bumaling na lang ng tingin kay Red. Nginitian ko siya at binati rin. "Hi!" "May lakad ka pala kaya ka nawala kagabi!" Sabi niya paglapit sa akin. "Ha, oo!" Sagot ko. Naalala kong magkasama kami kagabi sa function room ng hotel nang utusan ako ni Dad na sumama kay Dax. Napatingin ako kay Dax na kausap si Cohen pero nasa akin ang paningin. Ang sama ng mukha niya siguro ay dahil nandito si Red na kinaiinisan niya. "Umalis na rin ako nung hindi ka na bumalik. Naboring ako eh!" Bahagya siyang tumawa. "Nag bar kasi kami ng mga kaibigan ko kaya hindi na ako nakabalik. Hinintay mo pala ako!" Sabi kong nagpipigil ng kilig. Hindi ko alam na naghintay pala siya sa akin. Sana pala bumalik na lang ako sa hotel. "Wala lang kasi ako makausap doon. Anyways yung mga parents natin. I heard them talking about our.... Ahm!". Tumigil siya bigla sa pagsasalita. Parang naalangan siya kung sasabihin sa akin. Natunugan ko naman na yung kasal ang tinutukoy niya. Kung narinig niyang pinaguusapan yun ng mga magulang namin ibig sabihin ba ay matutuloy na. Magpapakasal kami ni Red at mapapangasawa ko siya. Bigla akong naexcite doon. "Red!" Sabay kaming napatingin ni Red sa isang babaeng dumating nang tawagin siya. Si Roxy iyon na hindi ko alam kung girlfriend niya ba. Nginitian siya ni Red. Nagpaalam na siya sa akin saka siya sumunod kay Roxy. Sumunod din si Cohen sa kanila. "Tss magpapakasal kami tapos may girlfriend siya?" Mahina kong sabi. Matutupad nga ang pangarap kong mapangasawa siya pero wala naman siyang feelings sa akin. Bigla ko na naman naramdaman ang sakit ng ulo ko dahil sa hangover. "Macy, go to your class now. I'll wait for you here!". Nilingon ko si Dax na nasa likuran ko. "Okay!" Sambit ko at naglakad na papasok sa school. ♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD