7. The Incident

1647 Words
Dax' POV NANGALAY ang braso ko matapos dantayan ni Macy hanggang sa makatulog siya. She had a breakdown when she remembered the incident and I was worried about her condition. Nainis ako sa sarili ko kung bakit ko pa kasi iyon pinaalala sa kanya. Alam ko na nga na ganito siya everytime naaalala niya ang nangyari noon. Gusto ko lang naman rin kasing subukan na sabihin sa kanya na nandoon ako, baka sakaling magbago ang lahat. 5 years ago... Halos paliparin ko ang kotse nang tumawag sa akin si Manang Cora. Nasa grocery siya kasama si Macy nang magkagulo doon dahil sa mga holdaper. Nagkahiwalay raw sila ni Macy nung magkagulo. Nabitawan niya raw ang kamay ni Macy habang papalabas sila. Maraming tao at hindi na niya alam kung nasaan ito. Nakalabas si Manang Cora sa grocery nang hindi kasama si Macy. Yung mga gagung holdaper ginawa ng hostage ang mga taong naiwan sa loob para makatakas sila. Pagdating ko malapit sa grocery store ay naroon na rin sina Max at Claire na galing pa sa office sa hotel. Maraming pulis sa labas. Hysterical na si Claire dahil may mga putok ng baril na naririnig mula sa loob. Tapos yung mga pulis nakatunganga lang sa labas na hindi ko alam kung may ginagawa bang paraan. Baka raw magkagulo lalo kung basta na lang sila papasok sa loob kaya naghihintay pa ng advise ng superior nila sa next step nila. Hindi na rin ako mapakali dahil nandoon si Macy. Gusto kong may gawin ako kaya sinubukan kong umikot sa likod ng grocery store. Kabisado ko na ang lugar na 'yun dahil madalas din ako magpunta roon. May mga pulis rin sa likod na pinapaalis ako nang makita ako pero imbes na sumunod sa kanila ay bigla akong pumasok sa pintuan ng warehouse ng grocery na nakabukas sa likod. Kahit pinagsisigawan at pinagmumura nila ako wala na rin silang nagawa. Kinuha ko sa tagiliran ko yung baril na tinago ko habang naglalakad sa warehouse. May isa pang pinto roon na papasok na sa loob ng grocery. Pagpasok ko roon ay nagtago ako sa likod ng isang shelf nang makita ang mga holdaper sa gawing counter ng grocery. Anim lang sila na pawang mga armado. May mga taong nakahandusay sa sahig na pawang may mga tama ng baril. May mga nakaupo sa sahig, yun yung mga hostage nila. Hinanap ko roon si Macy. Nakahinga ako ng maluwag nang makita siya sa isa sa mga nakaupo. Umiiyak siya dala ng takot. Biglang kumulo ang dugo ko sa galit sa mga kumag na mga holdaper na 'to na hindi maghanapbuhay ng marangal at mas pinili pang maging isang de monyo. Natigilan ako nang makarinig muli ng putok ng baril. Biglang humandusay ang lalakeng nasa tapat ni Macy at bumulagta pa sa harap niya kasama ng ilan pang nakahandusay doon. Malakas na umiyak si Macy, siguradong takot na takot siya. Tinutukan siya sa ulo ng baril ng isang holdaper na hindi ko alam kung tinatakot lang ba siya para tumahimik siya o tutuluyan siya. Nagpanic ako at hindi na nakapag isip ng maayos, iniisip ko na baka tuluyan siya ng taong yun. Nakita ko ang ilang pulis sa likod ko. Marunong din palang kumilos ang mga ito, akala ko tutunganga lang sila sa likod. May ilang pulis na siguro ay sniper na inaasinta ang mga holdaper. Kaya ko rin gawin iyon dahil nag shooting lesson ako pero hindi naman ako professional kaya ayokong subukan. Mabuti sana kung walang ibang mapapahamak. Nakatutok pa rin ang baril kay Macy kaya hindi na ako mapakali na baka bigla na lang kalabitin ng gagung yun ang baril niya. Hanggang sa magpaputok na ang sniper at tinamaan sa ulo ang holdaper na may hawak ng baril na nakatutok kay Macy at bumulagta iyon. Dalawa pang holdaper ang bumulagta sa sahig. Nagkagulo na ang mga natirang holdaper dahil hindi nila alam kung saan nanggagaling ang putok ng baril. Pati ang mga hostages ay nagpanic at nagtakbuhan. Agad akong nagpunta sa kinaroroonan ni Macy pero hawak na siya ng isang holdaper para gawing human shield. Nakita ako ng holdaper at agad akong pinutukan ng baril. Hindi ko agad naiwasan dahil si Macy ang nasa isip ko kaya tinamaan ako sa balikat. Nanuot agad ang sakit sa kalamnan ko. Napakasakit pero wala akong oras para indahin pa yun. Nakapagtago ako sa isang shelf habang si Macy inilalayo ng holdaper hanggang makita ko na lang na bumulagta ang holdaper nang tamaan ng sniper. Agad kong pinuntahan si Macy pero bago ako makalapit sa kanya ay bumagsak na siya sa sahig nang mawalan siya ng malay. Noong magkamalay siya sa ospital ay tulala lang siya. Ilang araw siyang nasa ganung kondisyon dahil sa post traumatic stress disorder. Sumailalim siya sa psychotherapy hanggang sa makarecover siya. Nagdecide kaming huwag ng ipaalala at pag usapan ang tungkol doon para hindi na niya maalala pa. Hindi rin niya alam na nandoon ako para iligtas siya at yung nangyaring pagbaril sa akin dahil baka kung malalaman niya at sa tuwing makikita niya ako ay maalala niya pa ang insidente. Ito ang dahilan kaya mahigpit kami sa kanya. Baka maulit ang insidenteng iyon at mas makasama pa sa kanya. Ayoko na maulit pa 'yun kaya kahit alam kong inis na inis na siya sa akin na parati akong nakabuntot sa kanya ay hinahayaan ko na lang. Mas gugustuhin ko pa iyon kaysa sa mapahamak uli siya. Present time... Bigla akong natawa sa sarili ko. I feel like a jerk na maisip pa na magbabago ang lahat. Hindi pa naman ako ganun kadesperado na magustuhan niya. Macy is special. She's always been special for me. Hindi ko alam kung nagsimula ba iyon noong parati na akong nakasunod sa kanya para bantayan siya after the incident. Parati ko siyang kasama at nasubaybayan ko yung pagbabago niya, mentally, emotionally and physically. Mula sa pagbabago ng pag uugali niya hanggang sa pisikal niyang anyo. Mula sa pagiging malambing niyang bata hanggang sa maging pasaway na siya. I saw her change from being an innocent little girl to a drop dead gorgeous woman. Hindi ko akalain na yung batang nilalaro ko noong paslit pa lang siya ay magiging ganito kaganda. Yes, she's very gorgeous and damn hot kaya para akong nasisiraan ng ulo sa araw araw na nakakasama ko siya. Ultimo ang scent niya ay kakaiba ang dating sa akin. Makapanindig balahibo. Lahat sa akin ay tumitindig kapag nasa malapit lang siya at naaamoy ko siya. She also have a beautiful smile, a dimpled one. Kapag ngumingiti o tumatawa siya parang nayayanig ang pagkatao ko. Hindi ko alam kung nasobrahan na ba ako sa pagiging maloko sa babae dahil pati si Macy ay hindi nakaligtas sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit nagkaroon siya ng malisya sa akin na dapat ay wala dahil anak siya ni Max na pamilya na ang turing sa akin. Siguradong mapapatay ako ng taong 'yun kapag nalaman niyang pinagnanasaan ko ang anak niya. Kahit magulo ang utak ko, alam ko namang iba sa lib og sa ibang babae ang nararamdaman ko kay Macy. She's different from the girls I've been with, hindi siya kagaya ng ibang babae na basta naikama ko na ay ayos na ko dahil pakiramdam ko ay wala na itong katapusan. I've never felt this way before. I've never wanted a woman before as much as I wanted her. But I can't have her because she's Macy. Damn, no! of course I can still have her. Wala namang masama kung nagkakagusto ako sa kanya. Mananagot lang ako kay Max pero matitiis ko naman 'yun, mapa-sa akin lang si Macy. Damn, I'm f ucking crazy now because of her! Tumayo na ako para lumabas na ng kwarto. Itinaas ko muna ang kumot niya ng hanggang leeg niya dahil lumilitaw ang cleavage niya sa paningin ko at parang nadedem onyo na naman ang isip ko. Hinubaran ko siya kanina pero inoff ko ang ilaw. Yeah, really inoff ko ang ilaw dahil siguradong makakagawa ako ng hindi dapat kung makikita ko siyang hubad. Kahit pinagnanasaan ko siya kaya ko pa namang magpigil. Nakakaasar ako sa paningin niya, yun lang ang nararamdaman niya para sa'kin at kung may gagawin ako siguradong sa kulungan ang bagsak ko. Siguradong hindi ako mapapatawad ng tatay niya at baka mapatay pa ako. Pinatay ko ang ilaw para hindi makita ang hubad niyang katawan pero naramdaman naman ng palad ko. Hinuhubaran ko siya at kahit madilim, sino bang lalake ang hindi mababaliw. Tangina hindi ko na nga nakontrol kaya napatakbo na lang ako sa CR para doon na ibuhos ang lahat. Matapos kong ayusin ang kumot ni Macy ay tinitigan ko muna uli ang maamo niyang mukha habang natutulog at hindi ko na naman naiwasan ang mapangiti. Ganito naman ako parati sa tuwing tinititigan siya, pero hindi ko lang iyon pinapahalata sa kanya. Minsan nahuhuli niya akong nakatingin at nakangiti sa kanya pero dahil wala naman siyang pake sa akin ay hindi niya yun iniintindi. Wala siyang kaalam alam sa lahat. Hindi niya alam na nababaliw na ako sa ganda niya, na naiinis ako sa tuwing may lumalapit sa kanyang lalake. Hindi ko tuloy nakokontrol ang pagiging balasubas ko sa mga lalakeng dumidikit sa kanya, na kagaya na lang ng nangyari kanina sa bar. Ang bilis nag init ng ulo ko nang makita ang gagung lalake na yun na nakaakbay sa kanya. Mabuti na lang doon sa bar ko nangyari yun kaya walang pumigil sa akin na saktan ang hayop na yun. Kung pwede ko lang patayin baka ginawa ko pa. 'Yung goal ko noon na pagbabantay kay Macy para masigurong ligtas siya ay nadagdagan ngayon, dahil ngayon binabantayan ko rin siya para masigurong walang ibang lalakeng lalapit at hahawak sa kanya. Wala siya dapat ibang lalake na magustuhan. Walang ibang lalakeng nararapat para sa kanya. Ako lang dapat. Akin lang siya. ♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD