NILINGON ko si Daxon pagpasok ko ng gate. Nakatayo pa rin siya sa labas at nakamasid sa akin. Ganyan naman siya sa araw-araw na hinahatid ako. Nakamasid lang siya sa akin habang papalayo ako hanggang sa mawala ako sa paningin niya.
Lumiko na ako sa isang building. Naisipan kong silipin pa siya pagliko ko. Nakita ko siyang umalis na sa kinatatayuan niya at pumasok sa kotse. Siguradong maghihintay lang siya roon hanggang sa pag uwi ko. Ganyan naman siya at minsan aalis lang kung meron siyang importanteng aasikasuhin pero kung wala ay standby lang siya sa school hanggang sa pag uwi ko. Malaya rin siyang nakakapasok sa loob ng campus dahil close na niya ang mga guard sa araw araw niyang narito. Wala naman rin ako masabi sa kung paano siya magtrabaho bilang bodyguard ko dahil sobra sobra pa nga na umaabot na sa pagiging OA kung paano niya ako bantayan.
Bigla kong naalala na hinalikan niya ako sa noo nung gabing pinapatahan niya ako sa pag iyak ko. Hindi ko iyon inintindi noon dahil yung takot ang nanaig sa akin. Is it normal for him to do that to me?!
Gentleman siya sa akin pero ngayon lang umabot sa punto na hahalikan niya ako sa noo at hindi ko alam kung may malisya ba o ang utak ko lang ang masyadong malisyosa.
Kinalma ko ang sarili ko at pilit na inalis na ang bagay na 'yun sa isip ko. I have to think na wala lang 'yun. Walang malisya at gusto lang talaga niyang pakalmahin ako nang umatake ang PTSD ko. (Post traumatic stress disorder)
Pilit kong binura na sa utak ko ang isiping iyon. Bigla kong naalala na meron nga pala akong practice mamaya ng cheerleading dance. Cheerleader kasi ako sa university namin at last year nang magsimula akong sumali.
Naisipan kong i-message si Dax na male-late ako ng uwi at tatawagan na lang siya para sunduin ako after ng practice.
Pagsend ko ng message ay napatingin uli ako sa gawi niya.
"Huy Macy, anong sinisilip-silip mo diyan?" Napapitlag ako nang marinig ang tinig ni Lhea na kaibigan ko na nasa likuran ko.
"Ano ka ba nakakagulat ka naman eh!" Asar kong sabi.
"Sino ba kasi sinisilip mo?" Sabi niyang tumingin sa gawing gate.
"Wala, tara na!" Pagyaya ko sa kanya at umalis na sa kinatatayuan ko. Sumunod naman siya sa akin.
"Grabe ang sakit ng ulo ko!" Daing niya habang nakahawak sa ulo niya.
"Uminom ako ng gamot kanina kaya nawala na ang sakit ng ulo ko. Tapos kagabi minasahe pa ni Dax ang ulo ko!" Sabi ko nang maalala 'yun at pilit ko rin namang inalis sa isip ko nang maisip na naman si Dax.
"Ay iba, may bodyguard na may taga masahe pa." Panunukso niya sa akin.
"Hey kagabi saan ka ba nagpunta? Sinundan kita sa 2nd floor wala ka. Alam ko kasi sinundan mo si Juswa dun eh."
"Umakyat nga ako pero bumaba rin ako agad dahil umihi ako sa CR. Pagdating ko sa table natin nandoon na si Dax hinahanap ka tapos pinauwi na niya kami, siya na lang raw maghahanap sayo." Paglalahad niya.
"Ganun ba?" Sambit ko at bigla na namang naalala ang ginawa ni Dax kagabi sa bar.
"What happened ba?" Tanong niya.
"Ayun, may binugbog lang naman siya sa bar!"
"Ha? Binugbog?" Bulalas niya. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari habang naglalakad kami hanggang sa makarating na kami sa classroom.
3rd year college na ako sa kursong B.A Broadcasting. Maging isang TV newscaster, news reporter/writer or researcher ang pangarap ko noon na pipilitin kong abutin ngayon. Nung una ay naalangan ako pati na rin ang magulang ko dahil sa trahedyang nangyari sa akin at sa pagkakaroon ko ng PTSD na baka makaapekto kung broadcast journalism ang pipiliin kong career pero gustong gusto ko talaga ito. Wala akong ibang mapagpipilian dahil sa larangang ito lang ang gusto ko kaya sinunod ko ang kung anong gusto ng puso at isip ko. Tingin ko ay magiging okay lang naman rin ako.
"What? kiniss ka sa noo?" Sabay sabay na sabi ng mga kaibigan ko ng ikwento ko sa kanila ang nangyari sa amin ni Dax kagabi habang nasa klase. Wala pa ang Prof namin kaya yung pangyayari kagabi ang pinag usapan namin.
"Ang kiss sa noo is a sign of respect. This is also a gesture that shows that the man really cares about you. Kapag yung jowa mo madalas kang ikiss sa noo meaning he respects and cares for you a lot." Sabi ni Alexa na katabi ko.
"Eh kaso hindi ko naman jowa si Dax eh!" Agad kong sabi. Yung sinabi ko na kanina na kakalimutan ang tungkol dito pero ginugulo pa rin ang isip ko so I decided to tell my friends about it.
"Huy iba na yan, baka mamaya may gusto na pala siya sayo!" Napaisip naman ako sa sinabi ni Leah.
"May girlfriend siya kaya imposible yun!" Agad kong sabi nang maalala ang babae sa hotel.
"Baka naman wala lang 'yun. Sabi mo pinapatahan ka niya dahil takot na takot ka. Nagworry siya dahil may PTSD ka kaya siguro pinapakalma ka lang talaga kaya tingin ko wala lang yun." Kalmadong sabi ni Alexa at feeling ko naman ay tama siya. Siguro nga wala lang yun. Hindi ko dapat bigyan ng malisya.
"Ms. Ulaga!" Natigilan kaming apat nang tawagin ng Professor naming si Sir Craig si Leah. Sa sobrang busy namin sa pagkukwentuhan ay hindi namin namalayan na dumating na pala at nasa tapat na namin ang gwapong professor na si Sir Craig. Crush na crush naming apat si Sir Craig dahil napakagwapo niya, iyon nga lang ay sobra siyang strict at serious type.
"Si--Sir!" Nabiglang sabi ni Leah. Dahan dahan siyang tumayo.
"Enumerate the different branches of microbiology?" Baritonong sabi ni Sir Craig. Biology ang subject niya. Pare-pareho kaming ayaw ang subject niya dahil nakaka ulaga talaga at dahil lang kay Prof Craig kaya excited pa rin kaming pumasok araw-araw sa klase niya.
Malalim na tinignan sa mga mata ni Sir Craig si Leah kaya naman mas lalo siyang nawala sa focus, siguradong kinikilig siya ngayon at dahil doon ay hindi siya nakasagot. Yumuko naman ako nang bumaling sa akin ng tingin si Sir Craig. Naalala kong napansin ko siya sa hotel kagabi sa birthday ni Dad dahil friends din sila. Hindi ko lang siya nalapitan dahil may mga kausap siya.
Nakahinga ako ng maluwag nang bumalik na sa harapan si Sir Craig at nag start nang mag discuss ng lesson namin.
♡