6. PANAGINIP

1584 Words
Macy, ako lang dapat. Akin ka lang! Nagising ang diwa ko nang parang nakakarinig ako ng boses. Nasa isang kwarto ako nang imulat ko ang mga mata ko pero hindi ko alam kung ano bang kwarto ito. Nasaan ba ako? Naalala ko yung boses na narinig ko na parang boses ni Dax pero wala naman siya sa paligid tsaka bakit naman niya sasabihin sa akin ang salitang iyon. Siguro nga panaginip lang pero nasaan nga ba ako? Napatingin ako sa wall clock. Alas dose pa lang ng hating gabi. Hindi ko na matandaan kung anong oras kami umalis ni Dax kanina sa bar. Bigla akong nagpanic at inisip ang pangyayari. Nawala na ako sa wisyo nang makatulog ako sa kotse kanina. Kasama ko si Dax at naalala ko nang buhatin niya ako pagbaba namin sa kotse. Sumakay kami ng elevator hanggang sa maramdaman ko sa likod ko ang kama. Naalala ko pa nang hinubad niya ang suot kong sandals. Bigla akong napatingin sa sarili kong nababalutan ng kumot. Nashock ako at napabangon nang makitang wala na akong saplot sa katawan. Oh gosh nakahubad ako! Ano nangyari? May ginawa ba sa'kin si Dax? Siya ang kasama ko. Pero hindi... imposibleng may gawin siyang masama sa'kin! Napahawak ako sa ulo ko nang bigla kong maramdaman ang sakit. Napakasakit ng ulo ko pero hindi iyon ang dapat kong indahin kundi ang sitwasyon ko ngayon. Napatingin ako sa pinto ng balcony nang bumukas iyon at bumungad si Dax. Naamoy ko sa kanya ang yosi nang lumapit siya sa akin. Wala siyang suot na pang itaas at tanging trouser lang ang suot niya. "Dax ano 'to? Nasaan tayo? Anong ginawa mo sakin?" Agad kong sabi ng makita siya. Ibinalot ko pa ng hanggang leeg ko ang kumot. "Hey relax wala akong ginawa, nandito tayo sa condo ko. Alam ng Dad mo na nandito ka." Agad niyang sagot at umupo sa gilid ng kama. "Condo mo? Alam ni Dad?" Bulalas ko. "Hindi mo ba naalala na sumuka ka sa kotse ko. Tulog na tulog ka at nagising ka para lang sumuka. Puro suka ang damit mo. Sobrang traffic kanina halos hindi na umuusad mga sasakyan, sinabayan pa ng malakas na ulan. Malapit na tayo dito sa condo, I'm so tired na rin kaya nagdecide akong dito na lang umuwi." Pagdadahilan niya. "Tapos hinubaran mo ko?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Macy, puro suka ang damit mo hanggang sa underwear mo. Mangangati ka lang kung hindi yan huhubarin." Kahit nasa tinig at tingin niya ang pag aalala sa akin, hindi pa rin ako komportableng hinubaran niya ako. Ang mapapangasawa ko lang sana ang gusto kong makakita ng lahat sa akin pero nauna na siya. "Nakita mo ba?" Tanong ko at matalim siyang tinignan. "Inoff ko ang ilaw nung hinubaran kita kaya wala akong nakita, promise!" Sagot niyang nakatitig sa mga mata ko. Mukha naman siyang sincere sa sinabi niya pero hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala. "Tinawagan ko ang Dad mo kaya alam niyang nandito ka. Galit na galit ang parents mo dahil nalaman nilang umalis ka. Sinabi mong may sakit ka pero umalis ka." Panenermon niya sa akin. Bigla naman ako naguilty sa parents ko dahil sa ginawa ko. Hindi na lang ako nagsalita pa dahil wala naman ako matinong masasabi sa kanya. "The bar you went to is mine!" Sabi niya na ikinatingin ko sa kanya. "Ano?" Sambit ko. Malinaw naman sa pandinig ko ang sinabi niya at gusto ko lang na klaruhin niya. "Sa akin ang bar club na yun. I didn't think na doon kayo ng mga kaibigan mo pupunta. Nung bumalik ako sa bahay niyo at nalaman kong wala ka sa room mo, kung saan saan kitang bar na hinanap. Sa bar lang naman kayo madalas nagpupunta ng mga kaibigan mong pasaway din. Wala kayo doon sa bar na madalas niyong puntahan. Kung saan saan ako nagpunta, yun pala doon lang sa pag aari ko. I'm stupid na yun ang huli kong naisip." Sabi niyang panay ang haplos sa batok niya sa inis niya. "Bar mo?" Mahina kong sabi. Naalala kong narinig ko minsan kay Cohen yung about sa bar ni Dax pero dahil wala naman akong pake sa kanya kaya hindi ko yun inintindi. Naalala kong XAD ang name ng bar. So baliktad lang ng pangalan niya. "Babalikan ko sana yung gagung katabi mo kanina kaso bigla raw nawala sabi ng guard. Pasalamat siya nakatakas siya dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko pa sa kanya kung makita ko siya!" Mariin niyang sabi sabay kuyom ng palad niya. Hanggang ngayon galit na galit pa rin siya. Sinabi niya kanina na nakita niyang hinahawak hawakan ako ng lalakeng 'yun at ganito na siya magreact. Siguro talagang hindi niya yun na-take dahil maging ako ay galit na galit sa ginawa ng lalakeng yun at naiinis ako sa sarili kong wala akong nagawa kanina. "Pumapalag naman ako kanina kaso hindi ko na kinaya. Please huwag mo na lang sabihin kina Dad. Ayokong mag isip pa sila." "Tss ako nga yung nag o-overthink eh!" Tinignan niya uli ako ng masama. Hindi mawala wala sa itsura niya ang pagkainis sa akin. "Eh di huwag ka mag isip!" Nainis kong sabi. Kung makareact kasi siya parang kailangan na meron akong gawin para mawala ang galit niya. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ko na naman ang sakit. "Dax gusto ko ng humiga. Masakit ang ulo ko. Gusto kong itulog na uli ito." Sabi ko para iwan na na niya ako sa kwarto. "Do you want some massage?" Tanong niya. Hindi pa ako pumapayag ay lumapit na siya sa akin. Masakit talaga ang ulo ko kaya pumayag na rin ako. May ilang beses na rin niyang nahilot ang ulo ko at narerelax talaga ako. Humiga ako sa kama hanggang umpisahan na niya ang pagmasahe sa ulo ko. Napapikit na lang ako nang marelax sa ginagawa niya. Napakainit ng palad niya na nagpapasarap sa pakiramdam ko. "Dax alam mo hindi mo naman ako kailangang isipin pa. Alam ko stress ka na rin sa akin, sakit lang ako ng ulo mo. Actually, nagtataka ako kung bakit nagsisilbi ka pa sa amin. May sarili ka ring business at marami kang properties na dapat mong asikasuhin. You could have gotten married, but you chose to stay with us!" Sabi ko nang maisip ang bagay na 'yun. Tahimik naman siya at hindi ko alam kung sasagutin niya ang tanong ko. Nakapikit ako kaya hindi ko makita ang reaction niya. "Malaki ang utang na loob ko sa Dad mo na kahit magtrabaho ako as a bodyguard sa'yo o sa family niyo habambuhay baka kulang pa. Isa pa, I don't consider it a job dahil wala naman akong sweldo rito. You guys are also my family, ginagawa ko 'to dahil gusto ko. Nasanay na rin ako dahil kahit noon pa na hindi ka pa pinapanganak bodyguard na ako ng Mom and Dad mo." Yung expect ko ng ganito ang isasagot niya dahil ito talaga siya. Alam ko ng mula pa noon ay kasa-kasama na siya ng parents ko. Kahit nakakainis siya, alam ko naman din talaga na ginagawa niya lang ang trabaho niya, na gaya nga ng sabi niya ay hindi lang trabaho para sa kanya. Ramdam kong totoo sa kanya ang concern niya sa akin. "Kung umaayos ka lang sana e'di hindi ganito kahirap ang trabaho ko." He added. Yung naririnig ko ang sinasabi niya pero ayoko na lang magcomment dahil wala naman ako masasabing matino. Ang gusto ko ay freedom na magawa ang gusto ko pero napakahigpit naman nila sa akin. Tumahimik ako at pumikit lang. "Macy, do you still remember the incident 5 years ago at the grocery store?" He gently asked, nasa tinig niyang parang nag aalangan kung itatanong ba niya iyon. 5 years ago ang sinabi niya. I was only 15 years old then. At the grocery? Ang tinutukoy ba niya ay yung insidente na gustong gusto ko ng kalimutan dahil sa trauma na inabot ko noon. Gusto ng magulang kong kalimutan ko na yun. Actually pinagbabawal nilang pag usapan ang tungkol doon para mawala na sa isip ko. Sumailalim pa ako sa psychotherapy para lang maging okay ako. Sobra ang trauma na dinanas ko dahil sa marahas na pangyayaring iyon at hindi ko naman alam kung bakit pa yun tinatanong sa akin ni Dax. Bakit niya pinapaalala sakin? Napamulat ako ng mga mata at napatingin sa kanya. Bigla kong nakita ang pag aalala sa mga mata niya nang maglandas ang paningin namin. "I'm sorry, I didn't mean to remind you of that. I just... A-ahm never mind. Huwag mo na isipin okay! Just relax!" May pag aalala niyang sabi habang hinahaplos haplos ang buhok ko. Nabasa niya siguro ang takot sa mga mata ko nang maalala yun kaya bigla niyang binawi ang sinabi niya. Kahit binawi niya ay nag stay pa rin sa isip ko ang pangyayari at hindi ko magawang kontrolin. Naging sariwa sa pakiramdam ko yung takot na naramdaman ko noon. Akala ko magiging okay na 'ko pero hanggang ngayon, sa tuwing naaalala ko ay nagkakaganito pa rin ako. "I'm sorry, baby!" Paghingi pa niya ng paumanhin. Nagulat ako nang halikan niya ako sa noo ko habang patuloy na hinahaplos ang buhok ko. Bigla tuloy may nagrehistro na alaala pa sa akin na parang ngayon ko lang naisip. Hindi ko alam kung panaginip ba iyon o totoong nangyari. "Don't be scared, I'm here!" He said softly and I suddenly felt a sense of comfort and relief. ♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD