11. Guardian

1707 Words
TAPOS na ang practice namin ng cheer dance kaya nagdecide na kaming umuwi na. Tahimik kaming dalawa ni Dax habang nasa kotse. Wala rin ako sa mood na makipagkwentuhan kaya kinuha ko na lang ang cellphone ko at nag-open ng fac ebook, hanggang sa makauwi kami sa bahay. Agad akong bumaba ng kotse pagpark niya sa garahe at mabilis na pumasok sa bahay. Pagpasok ko ay nakita ko si Dad na lumabas sa office room niya. Naalala ko ang ginawa ko kaya naguilty ako na makita siya ngayon. Agad ko siyang niyakap paglapit ko sa kanya. "Dad!" Malambing kong sabi at mahigpit siyang niyakap. Niyakap niya rin ako ng mahigpit. "I love you, Dad! Sorry po!" "It's fine, baby! Kung okay ka then I'm good!" Bulong niya habang nakayakap sa akin. Napakabait ni Dad at parang lahat sa akin ay iniintindi niya lang. Simula nang mangyari ang insidente noon, naging ganito na siya. Alam kong sobra niyang ikinatakot ang nangyari sa akin, he wants me to be okay kaya lahat iniintindi at binibigay niya sa akin. "It won't happen again, Dad, promise!" I looked him in the eyes so he could see the sincerity in what I said, at hindi ko alam kung tama bang sabihin ko 'to. Kapag nad emonyo na naman ng mga kaibigan ko ang utak ko mas lalong madi-disappoint si Dad. "It's okay if you want to have fun with your friends, as long as you're happy and safe at hindi mo napapabayaan ang school mo, that's fine with me." Nakangiti niyang sabi. Natuwa naman ako sa sinabi niya. Alam ko na yung pagkakaroon ko ng PTSD ang dahilan at gusto lang niya na gumaling na talaga ako ng tuluyan kaya ganito siya. "Thank you, Dad. Don't worry lilimitahan ko na po ang paglabas labas ko!" Matamis ko siyang nginitian at niyakap muli. He's the best Dad in the whole world at napakaswerte kong siya ang ama ko. Dinampian niya ako ng halik sa noo saka niyakap ng mahigpit. He kissed me on my forehead at parati naman niya iyon ginagawa. Lambing niya ito sa akin bilang anak niya. Naalala ko nang i-kiss ni Dax ang noo ko at siguro nga ay wala lang rin iyon, baka nga ginawa niya 'yun dahil sa anak rin ang turing niya sa akin. Anak ang turing niya sa akin at hindi ko naman maintindihan kung bakit parang hindi ako komportable sa naisip kong 'yun. "I let you go out with your friends at panatag ang loob ko because you have your Uncle Dax with you kaya huwag mo na sana siyang tatakasan. Yun lang ang ayaw kong gawin mo. Nag alala ako last night dahil hindi mo siya kasama, dahil tinakasan mo siya. Huwag na huwag mo ng gagawin yun, okay! Make sure na parati mo siyang kasama kahit saan ka magpunta!" He said with authority. "Ahm, opo! Dad!" Pagsang-ayon ko sa sinabi niya. Wala naman rin akong choice. At least hindi na sila maghihigpit sa akin, hindi ko na kailangan tumakas pa, ang kapalit nga lang nun ay kabuntot ko si Dax kahit saan man ako magpunta. "Bro, are you leaving?" Napalingon ako sa likod nang kausapin ni Dad si Dax. Nasa malapit lang pala siya at nakaupo sa couch na hawak ang phone niya. "Yeah, later!" Sagot niya habang nakatingin sa phone niya. Nagpaalam na ako kay Dad na pupunta sa kwarto ko kaya umakyat na ako sa taas. Binagsak ko ang katawan ko sa kama pagpasok ko sa kwarto. Doon ako biglang nakaramdam ng pagod. Feeling ko napakaraming nangyari sa akin sa loob lang ng isang araw. I feel exhausted and drained sa lahat ng nangyari at mga palaisipan na pumasok sa utak ko. Tumagilid ako ng higa at niyakap ang isang unan. Bigla kong namiss ang kama ko dahil hindi ako natulog dito kagabi. Magkasama kami ni Dax simula pa kagabi at doon ako natulog sa kwarto niya. Biglang pumasok sa isip ko yung yakap yakap niya ako habang hinahaplos ang buhok ko para aluin sa pag iyak at biglang pakiramdam ko ay parang may humahaplos sa puso ko dahil masarap sa pakiramdam. Although I felt strange, I still couldn't deny the blissful joy I felt in my heart na hindi ko namalayan na napapangiti na pala ako. Wait, ano ba 'tong iniisip ko?! Bakit ba ako nagkakaganito. Kanina pa ko nakakaramdam ng ganito sa school at hindi ko naman maintindihan kung bakit. Hay! kalma, Macy kalma! Bumangon ako at huminga ng malalim. Naisipan kong sayawin yung prinactice namin kanina nang maalog ang sistema pati na rin ang utak ko at mawala na ang naglalaro doon. May ilang minuto akong nagsasayaw nang makarinig ako ng katok sa pinto. Si Manang Cora ang nabungaran ko roon. "Macy, pinapatawag ka na ng Mommy mo, maghahapunan na kayo. May sasabihin rin daw siya sa inyo kaya bumaba ka na." Aniya pagbukas ko ng pinto. "May sasabihin?" Kunot noo kong sabi. "Oo, sige na bumaba ka na!" Umalis na siya pagkasabi niya nun. "Okay po, Manang!" Ano kaya ang sasabihin ni Mom? Baka sermunan na naman ako dahil sa ginawa ko kagabi? Mabilis na akong nagpalit ng damit saka ako lumabas na ng kwarto at nagtungo sa dining room. Pagdating ko doon ay naroon na ang mga magulang ko pati na rin ang mga kapatid kong sina Cohen, Caden at Mavy. Naroon rin si Dax na kausap ni Dad habang kumakain sila. Tumingin siya sa akin at nagtama ang paningin namin. Biglang akong nailang kaya binaling ko na kay Mom ang tingin ko. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya, pati na rin si Dad. Busy sila sa pinag uusapan nila kaya nagpatuloy lang sila. Umupo ako sa tabi ni Mom. Nasa head ng table si Dad at nasa magkabilang side niya si Mom at Dax kaya kaharap ko lang siya. Nakaramdam ako ng gutom nang makita ang mga pagkain kaya agad na akong kumain. "Ahm guys, your Dad and I will go to El Nido next week to personally manage the operation of Montevista hotel branch natin doon. As you all know na malaki ang problema ng hotel natin dun that we need to focus on first. We're going to stay there for 3 months or baka mas tumagal pa depende sa magiging outcome. Luluwas dito sa Manila ang Lola at Lolo niyo para tumingin tingin sa inyo habang wala kami. Malalaki na rin naman kayo kaya alam kong kayang kaya niyo na. We expect you to behave habang wala kami. Everyday rin naman kaming tatawag para i-check kayo." Mom said. "I'm gonna miss you Mom and Dad!" Malungkot na sabi ni Caden. "Me too!" Pagsang ayon ni Mavy. "Don't worry Mom, Dad. Ako na po bahala rito." Sabi ni Cohen na ikinatingin ko sa kanya na nakaupo sa tapat ko. Siya na raw bahala pero alam ko namang mas uunahin pa niya ang walwalan. "I'm going to miss you too, guys!" Garalgal na sabi ni Mom. Alam kong hindi niya gusto na iwan kami pero wala siyang choice kundi gawin yun para sa negosyo namin. First time na aalis silang dalawa ni Dad nang magkasama at mawawala ng matagal. Usually kasi ay si Dad lang. Siguro kailangan din talaga doon si Mom. "Mami-miss kita Mom!" Niyakap ko siya sa tabi ko. "Ikaw din po, Dad!" Sabi kong nakatingin sa kanya. "I'll miss you too. Lahat kayo. Make sure you behave, okay! Your Uncle Dax will also look after you." Dad said. Napatingin naman ako kay Dax na seryosong kumakain. Tumingin siya sa akin kaya agad kong iniwas na ang paningin sa kanya. May kakaiba talaga sa kanya sa pakiramdam ko at hindi ko alam kung maganda bang nakakaramdam ako ng ganito. Hindi kaya dahil sa nakita ko kagabi sa kwarto niya kaya ako nagkakaganito ngayon. Malamang iyon nga ang dahilan. Masilayan ko ba naman ang daks na pinakatatago niya at kahit yata sinong babae ay mawawala sa sarili na makakita ng ganun. Napatingin ako sa kanya na agad ko ring binawi nang makitang nakatingin siya sa akin. Hindi ko na dapat siya pansinin pa. Sinabi ni Dad na babantayan rin ni Dax ang mga kapatid ko kaya mahahati ang atensyon niya sa aming magkakapatid, at dahil doon pwedeng pwede ko siya matakasan. Nangako na ako kanina kay Dad na hindi na yun gagawin but I think I need to, dahil kung hindi ay baka kay Dax naman ako magka trauma. Baka gumaling nga ang PTSD ko pero yung trauma sa nakita ko sa kanya ang maging kapalit kaya ako nagkakaganito. Ilang minuto nang matapos kami kumain at nag alisan na ang mga kapatid ko. Nag uusap pa rin sina Dad at Dax. Kinausap rin ako ni Mom ng about sa school ko at pagkatapos ay nagdecide na akong umalis na sa dining room. Palabas na sana ako ng tawagin ako ni Dad. "Macy, halika rito anak!" Tawag sa akin ni Dad nung paalis na ako. Lumapit naman ako sa kanya. "I don't know kung hanggang kailan kami mawawala ng Mom mo. So habang wala kami, si Dax na muna ang bahala sa'yo. He will be your guardian." "Guardian? Dad ang tanda tanda ko na hindi naman na kailangan 'yun." Agad kong pagtanggi sa sinabi niya. "Macy, iba ka sa mga kapatid mo. Of course titignan niya rin ang mga kapatid mo pero mas focus siya sayo. You promised me na hindi na siya tatakasan at parati siyang kasama. So please don't disappoint me!" Dad almost begged me at parang biglang lumambot naman ang puso ko. Parati kong nadi-disappoint si Dad and now he begged me na sumunod sa kanya at huwag siyang i-disappoint. Isa pa nangako na ako sa kanya kanina lang kaya wala akong choice ngayon kundi sumunod sa kanya. "Okay, Dad!" Mahina kong sabi dahil tumatanggi talaga ang isip ko. Nakita ko ang pagngisi ni Dax nang tumingin ako sa kanya. May kakaiba pa sa tingin niya sa akin na parang may nakakalokong iniisip. Yung ganitong sitwasyon ko na gulong gulo ang isip sa kanya ay baka matuluyan na talaga akong masiraan kung parati ko siyang makakasama, kaya bago pa ako maaning sa kanya kailangan ko na siyang iwasan. Iiwasan ko siya, ang tanging tanong lang ay kung magagawa ko ba? ♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD