12. LUNAS

1362 Words
"Uncle Dax!" Tawag ko kay Dax paglabas ko ng bahay. Papasok na ako sa school kaya ihahatid na niya ako. Nangunot ang noo niya sa tawag ko sa kanya. Uncle Dax naman kasi talaga ang tawag namin sa kanya noon ni Cohen pero nung mag college kami ay tinuruan niya kami na Dax na lang ang itawag sa kanya. Ayaw daw kasi niyang tinatawag siyang Uncle dahil nagmumukha siyang old at isa pa ay hindi naman daw talaga namin siya Uncle. Hanggang sa nasanay kami ni Cohen na Dax lang ang itawag sa kanya. Pero si Mavy at Caden ay Uncle pa rin ang tawag sa kanya. "Uncle?" Baritono niyang sabi. Hindi ko siya sinagot at diretsong naglakad papunta sa garahe. Sumunod naman siya sa akin. Agad akong pumasok sa kotse pagdating ko sa garahe. "Hey, what's that Uncle for? Sabi ko ayoko ng ganung tawag diba?" May diin niyang sabi pagsakay niya sa driver's seat. "I just decided that from now on Uncle na uli ang itatawag ko sa'yo. Para kasing ang bastos pakinggan na Dax or Daxon lang ang tawag ko sa'yo eh mas matanda ka sa'kin. Tapos kinakapatid ka pa ni Dad. Parang magkapatid na kayo. So, I'll just call you Uncle instead." Pagdadahilan ko sa kanya. Bigla ko na lang iyon naisip dahil yung nararamdaman kong kakaiba sa kanya ay hindi mawala wala. Isang linggo na ang lumipas at kahapon lang nang umalis na si Dad at Mom patungo sa El Nido. Sa mga araw na lumipas ay kakaiba ako dahil kay Daxon at nagsimula iyon nung araw na makita ko siya sa hotel. Kung bakit pa kasi ako nagpunta sa room niya noon. Hindi ko sana nakita ang kalaswaan niya at hindi sana ako nagkakaganito ngayon. Feeling ko malala na ako, ayoko ng ganitong pakiramdam na parating pumapasok sa isip ko ang lalakeng ito kaya bigla kong naisip na tawagin siya uling Uncle na hindi ko naman alam kung anong kinalaman sa nararamdaman ko. Nagbabakasakali lang ako na mawala at bumalik sa dati ang nararamdaman ko na kagaya noong araw na Uncle pa ang tawag ko sa kanya at wala pang malisya ang lahat. Yeah, right may malisya na nga ang lahat dahil sa tuwing nakikita ko si Dax. Mula sa kagwapuhan niya at matipuno niyang pangangatawan ay kakaiba na ang hatid sa akin. Ultimo gumalaw lang ang panga niya pati na ang adams apple niya ay nahihibang na ako. Dati kapag dumadantay ang balat niya sa akin ay wala lang. Pero ngayon ay parang nakakaramdam ako ng libo-libong boltahe ng kuryente at pagkatapos ay mahihibang na naman ako. Ayoko na ng ganito, gusto ko ng bumalik sa dati ang lahat. Feeling ko desperada na ako kaya kung ano ano na lang ang naiisip kong paraan para lang mawala na sa pakiramdam ko ang nararamdaman kong ito. Biglang nilapit ni Dax ang katawan sa akin habang nakaupo kami sa kotse at gaya ng dati feeling ko ay bigla na lang naparalyze ang katawan ko dahil hindi ako makagalaw. Naaamoy ko ang scent niya kaya mas lalong hindi ako makakilos. Nawawala na naman ako sa sarili ko na parati kong nararamdaman. My goodness bakit ba ako nagkakaganito?! "Are you okay?" Malapitan niya akong tinitigan sa mata at feeling ko ay mas lumala ang nararamdaman ko. "Ah--!" Yung gusto kong sabihin na lumayo siya sa akin pero ni hindi ko naman maibuka ang bibig ko. "Ikakabit ko lang itong seatbelt mo!" Casual niyang sabi. Kinuha niya ang dulo ng seatbelt sa tagiliran ko saka niya ikinabit. Umayos na siya sa pagkakaupo matapos niyang ikabit ang seatbelt ko at pinaandar na ang kotse. Parang gusto ko namang sampalin ang sarili ko dahil naisip ko agad na hahalikan o hahalayin niya ako. Hahalayin? What the f uck. Omg malala ka na talaga Macy para isiping hahalayin ka ni Dax. I'm still a virgin and innocent, ni hindi pa nga ako nakakaranas mahalikan pero ang utak ko ngayon ay puro kahalayan na. Kasalanan din kasi ito nung kaibigan kong nagsend ng porn video sa gc namin, dahil doon mas lalo tuloy lumala ang utak ko. Pero may ilang beses na din naman akong nakakapanood ng ganun at ngayon lang ako nagkaganito. "Ayy!" Napatili ako nang biglang pumreno si Dax. Iniharang pa niya ang braso niya sa katawan ko para pigilan ang pagsubsob ko kahit nakaseatbelt naman ako. Ginawa niya iyon to secure me and make me safe. Feeling ko nag init ang pisngi ko. Nagblush na ako sa ginawa niya kahit hindi lang naman ito ang unang beses na ginawa niya iyon. "Put*ng*na talaga eh!" Bumalik sa reyalidad ang utak ko nang magmura si Dax at bumusina ng sunud sunod. May kotse kasi na bigla na lang sumulpot sa unahan namin at huminto doon. Panay ang busina ni Dax dahil hindi kami makausad. Maya maya ay binuksan ng driver sa unahang kotse ang bintana at nilabas ang kamay saka itinaas ang gitna niyang daliri para siguro mang asar pa lalo at naasar naman ng todo si Dax. Napakabilis ng pangyayari dahil nakalabas na siya agad ng kotse at mabilis na tumungo sa kotse na nasa unahan namin. Kilala ko siya at alam kong hindi niya iyon palalampasin. Wala na sana ako pakealam sa kanya pero bigla akong nag alala kaya bumaba rin ako ng kotse at sinundan siya. Nakikipagtalo na siya sa driver sa kabilang kotse pagdating ko. "Dax huwag na!" Hinawakan ko siya sa balikat habang nakayuko siya bintana kausap ang lalake para patigilin na siya kahit alam kong malabo siyang tumigil dahil kapareho niya ng angas ang lalakeng kaaway niya. "T*ng ina ka hindi ka talaga titigil!" Nanggigigil na sabi ng lalakeng kaaway niya. Nagimbal na lang ako nang maglabas ito ng baril at itutok kay Dax. Bigla akong nanginig nang makita iyon dahil yung tagpo sa grocery store ang biglang sumagi sa isip ko. Agad na humarap sa akin si Dax para itakip ang sarili at hindi ko yun makita pero too late na dahil nakita ko na at nanginginig na ang kalamnan ko. Tumingin siya sa mga mata ko. Siguro nakikita niya ang takot sa akin kaya bigla niya akong kinapitan sa bewang para alisin na sa lugar na yun. Ramdam ko ang panghihina ng mga paa ko habang naglalakad pabalik sa kotse at sinasabayan ang lakad niya. Mabilis kaming nakabalik sa kotse. Inupo niya muna ako saka siya lumipat sa driver's seat. "Are you okay? I'm sorry, sorry baby!" Nataranta niyang sabi habang hinahaplos ang buhok ko. Natataranta siya at hindi malaman kung paano ako aaluin. Umiiyak ako at hindi ko yun mapigilan. Ayoko ng nagkakaganito ako pero wala rin akong magawa dahil hindi ko makontrol ang nararamdaman ko sa tuwing naaalala ang nangyari noon. Dax hugged me and rubbed my back. Doon naman ako unti-unting huminahon. Nakahawak ako sa balikat niya at hindi ko napigilang haplos haplusin iyon. I caressed his shoulder and suddenly I felt okay. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang gumaan ang pakiramdam ko. "T*ng ina kumalma ka naman please, nagwawala na ang dragon ko rito!" Daing niya at bigla akong natigilan. Dragon? Ano bang pinagsasabi niya? Napahinto ako ng paghaplos sa balikat niya. Hindi ko namalayan na hanggang batok na pala niya ang hinahaplos ko. I felt better just by caressing him that I didn't realize it. "Dragon?" Sambit ko bago tumingin sa mga mata niya. Tumitig rin siya sa akin. Napangiti siya, siguro ay dahil nabasa niyang okay na ako. "Nasarapan kasi ako!" Nakangisi niyang sabi. "Nasarapan?" Nagtataka ko uling tanong. Napakamot siya sa batok niya. "You touched me kaya nalib ugan ako!" Nanlaki ang mata ko sa diretsa niyang sagot. "Uncle!" Tawag ko sa kanya nang mahimasmasan naman siya at mahiya sa pinagsasabi niya sakin. I saw his jaw clenched na parang nainis yata sa tinawag ko sa kanya. "You know what? Sa ilang taon mong may trauma ngayon ka lang kumalma ng mabilis at ngayon lang rin ako natuwa. I think alam ko na ang lunas mo." He smirked. Napaisip ako bigla sa sinabi niya. Hindi ko alam kung pareho ba kami ng iniisip. "Sana sumpungin ka uli." Sabi niyang may nakakalokong ngiti sa labi. ♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD