Pilit kong kinalma ang sarili ko hanggang sa makababa ako ng hagdan.
Pagdating ko sa table namin ay wala na roon ang mga kaibigan ko. Mga walanghiyang yun iniwan ako!
Wala rin roon ang bag ko nang hanapin ko. Baka naman nasa CR lang sila? o baka hinanap rin nila ako kaya wala sila dito. Hindi naman kasi sila yung mang iiwan na lang basta.
Nakaramdam ako ng hilo kaya umupo na lang ako. I bowed my head to the table nang makaramdam ako ng antok. May ilang sandali akong nasa ganung pwesto nang bahagya kong maimulat ang mga mata ko nang makarinig ng tinig ng isang lalake.
"Miss mag isa ka lang ba rito?" He asked. Umupo siya sa tabi ko. Pakiramdam ko sa sobrang antok at hilo ko ay hindi ko na magawa pang ibangon ang ulo ko. Naramdaman ko na lang ang kamay niya sa balikat ko.
"Miss, are you okay! Gusto mo ba ng kasama? Pwede kitang samahan rito." Ramdam ko ang kapreskuhan niya sa tinig niya.
Madilim nang tignan ko ang itsura niya. Wala man lang akong maaninag. Yung mga itsura ng mga lalakeng naencounter ko kanina ang bumabalik sa diwa ko kaya bigla ako nakaramdam ng inis na nakahawak siya sa balikat ko. "I'm Henry and you are?"
"Paksh*t ka bitawan mo ko!"
Hindi ko alam kung malakas ko bang nasabi ang salitang 'yun o nasa isip ko lang. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa balikat ko. Spaghetti strap ang dress na suot ko kaya nararamdaman ko sa balat ko ang palad niya at asiwang asiwa ako.
"Ano bah!" Ginalaw ko ang balikat ko para hawiin ang kamay niya pero hindi man lang yun natinag. Feeling ko wala na akong lakas para gumalaw pa. Nasaan na ba kasi si Dax?
Bigla akong nainis na kung kailan kailangan ko siya ay doon naman siya wala. Eh ang ga ga ko rin naman dahil tinakasan ko siya tapos ngayon ay hahanapin ko. Nandito ako sa lugar na hindi niya ako matutunton kaya paano pa siya makakapunta rito. Isa pa kasama niya ang girlfriend niya. Enjoy na enjoy ang lalakeng yun sa mga oras na 'to kaya hinding hindi niya ako maiisip.
Lumipat ang kamay ng lalake sa isa kong balikat kaya nakaakbay na siya sa akin. Naramdaman ko ang pagpisil pisil niya sa balikat ko. "Get your fvcking hand off me!" May diin kong sabi.
Pinilit kong iangat ang ulo ko pero bumagsak lang sa balikat niya.
"Do you want this, baby, huh!" Sambit niya. Yung lalo pang napasama ang sitwasyon ko ngayon. Feeling ko kung magpapatuloy ang ganito ay may kalalagyan talaga ako kaya pinilit kong kumilos para iwasan na siya. Binangon ko ang ulo ko. Hilong hilo ako pero pinilit kong tumayo.
"Hey, gorgeous, where are you going? Just stay here with me!" Hinawakan niya ako sa braso at hinatak paupo muli sa upuan. Madali niya naman yun nagawa. Inakbayan niya ako muli pag upo ko. Natamaan ng ilaw ang mukha niya at ang nakangisi niyang pagmumukha ang bumalandra sa akin.
"or do you want us to go somewhere?" Bulong niya sakin.
Tuluyan na talagang nag init ang ulo ko sa lalakeng ito sa sinabi niya kaya malakas ko siyang tinulak. Malakas na yun para sa akin pero hindi pa rin siya natinag. Feeling ko nanghina na talaga ako kaya naisubsob ko uli ang ulo ko sa table. Everything that's happening now is my fault. Matigas kasi ang ulo mo Macy kaya ka napapahamak.
"Dax!" Mahina kong sabi bago ako napapikit na lang. Ramdam ko kung gaano ko siya kailangan ngayon. Sana nandito na lang siya.
Out of nowhere ay nakarinig ako ng malakas na tunog ng kung ano. Nang imulat ko ang mga mata ko ay bumagsak na lang sa sahig ang lalakeng katabi ko. May lalakeng nasa harapan ko. Kahit madilim at hindi ko naman nakikita ang itsura niya, sa bulto pa lang ng pangangatawan niya ay kilalang kilala ko na.
"Tang*na ka!" Punong puno ng galit ang tinig ni Dax na lumapit sa lalakeng nasa sahig.
"Who the fvck are you?" Tanong ng lalake. Hindi naman iyon pinansin ni Dax. Hinawakan niya ito sa kwelyo at hinatak para maitayo. Muli niya itong sinuntok sa mukha nang maitayo niya kaya muli itong bumagsak sa sahig.
"You motherf*cker how dare you touch her?" Muling sinugod ni Dax ang lalake.
May dalawang bouncer na lumapit pero nagtataka ako na hindi man lang nila inaawat si Dax nang pagsusuntukin ang lalake.
"Dax enough!" Sambit ko pero parang hindi naman niya 'yun narinig. Namumula ang mukha niya sa galit at nag aalala akong baka mapuruhan niya ang lalake "Please stop!"
Tumingin siya sa'kin. Madilim ang mukha niyang nakatingin sa akin. Galit siya, siguro dahil sa nagsinungaling ako sa kanya. Nagdahilan ako sa kanya na may sakit tapos maaabutan niya akong lasing dito sa bar.
"Hey, hey ano yan!" May dalawang lalakeng dumating at itinulak si Dax. Mukhang kakilala at kasama iyon ng lalakeng ginugulpi ni Dax. Humarang ang dalawang bouncer nung parang babanatan ng dalawang lalake si Dax. Kakilala ba ni Dax ang dalawang bouncer na yun at parang pumapabor sa kanya?!
Tumayo ako para patigilin na si Dax pero napaupo uli ako sa upuan. Nakita yun ni Dax kaya agad agad siyang lumapit sa'kin.
"Okay ka lang!" Nag aalala niyang tanong. Medyo kumalma naman ako na kahit papano ay humupa ang galit niya.
"Dax gusto ko na umuwi." Pagyaya ko sa kanya para matapos na.
Inalalayan niya ako tumayo. Humawak siya sa bewang ko para alalayan ako sa paglalakad.
"Hold niyo lang ang gagung yan hindi pa ko tapos diyan!" Sabi ni Dax sa dalawang bouncer.
"Yes boss!" Sagot ng isang bouncer. May lumapit na isang lalake at inabot ang bag ko kay Dax. Bakit nandoon ang bag ko? Akala ko nasa mga kaibigan ko yun. Nasaan na ba sila? Bigla akong naguluhan sa sitwasyon.
Yung magtatanong na sana ako sa kanya pero naunahan niya akong magsalita.
"Where the hell did you go?" Tanong niya habang inaalalayan ako sa paglalakad palabas sa bar. "Yung mga kaibigan mo umuwi na. Umalis ka raw para hanapin ang isa mong kaibigan pero magkakasama na sila. Pinauwi ko na sila dahil anong oras na. Kung saan saan kita hinanap sa loob!"
Hinanap niya ako?? Hinanap ko ang isa kong kaibigan kanina at hinanap rin pala niya ako.
Nagulat ako ng bigla na niya akong buhatin paglabas namin sa bar. Napahawak naman ako sa balikat niya. Hindi lang naman ito ang unang beses na binuhat niya ako pero kakaiba ang pakiramdam ko ngayon. I feel at peace now, I feel safe matapos ng mga nangyari sa akin kanina. Napakagaan ng pakiramdam ko ngayon. Hinahanap hanap ko siya kanina at bigla siyang dumating. He came and I felt safe. Feeling ko tuloy siya ang knight in shining armor ko.
Pagdating namin sa nakapark na kotse niya ay inupo niya ako sa harapan.
"Are you okay?" Tanong niya nang makasakay na siya sa driver's seat. "You said you're sick!" Matalim ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Malamang na magagalit siya dahil nagsinungaling ako at dahil dun kaya muntik na akong mapahamak.
"Kasi... Ano eh!" Yung gusto ko pa ring lumusot pero wala naman ako maidahilang matino. Maling mali naman talaga ang ginawa ko, sa kagustuhan kong makalaya sa kanya ganito tuloy ang nangyari. Bigla na naman tuloy ako nakaramdam ng hilo kaya pinikit ko na lang ang mga mata ko at sinandal ang ulo sa headrest ng kotse.
"Masama naman talaga ang pakiramdam ko!" Sabi ko na lang habang nakapikit. Wala na ako narinig na kahit na ano sa kanya. Narinig ko na lang nang i-start na niya ang kotse at paandarin.
"I don't know what else to do with you, Macy! I almost killéd that bastard! Hinahawakan ka niya, nakaakbay siya sa'yo and you let him do that. What the Fvck!" Narinig ko na sabi niya sabay hampas niya sa manibela. Nagagalit siya dahil nakita niyang hinahawak hawakan ako nung lalake at hindi ko naman yun ginusto, kung magsalita siya ay parang napakalaking kasalanan na ang ginawa ko. Siguradong sesermunan niya lang ako kaya ipinikit ko lang ang mga mata ko at nagpanggap na tulog na. Hanggang sa yung tulog tulugan ko ay nauwi na talaga sa totohanan.
♡