NAALIMPUNGATAN ako dahil sa may naamoy akong mabango. ko ang mga mata ko at nakita kong nakayakap ako kay Kwangyeon. Sandali akong napatitig sa kaniya na nakapikit din sa tabi ko. nakaharap pa siya sa akin kaya kitang-kita ko ang mukha niya.
Mahigit isang linggo na palang nagtatago 'tong bampira na 'to sa kwarto ko. Hindi ko alam kung gaano ba kakapal ang mukha niya pero talagang 'di siya umaalis.Hindi ko rin naman siya matiis kahit ang kapal ng apog niya magsungit sa akin.
Ang kapal din ng mukha niya sa totoo lang. Utos here and utos there. pinapagod ako ng lolo n'yo sa mga kapricho niya. Kulang na lang pati pagligo niya ipapagawa niya sa akin pero mukhang di naman siya naliligo at saka hindi din naman ako gaano nagrereklamo kasi pinapakitaan niya ako ng abs. Alam mo n'yo 'yung magrereklamo ka na sana pero papakainin ka niya ng pandesal?
Gano'n ang ginagawa niya sa akin. Ako naman dahl sa marupok akong uri nang nilalang ay mapapakain na lang ng pandesal. Minsan natatakot na ako para sa buhay ko, e. Mamaya maialay ko ang dugo ko sa kaniya dahil sa kisig niya. Hay, naku! Jung Hee Yeol, huwag mo akong hayaang magtaksil sa 'yo, bebe ko. Hindi kita ipagpapalit sa vampire na 'to. My
Ghad!
Stress na ako sa abs niya.
Paano ba 'to lalayas sa poder ko? Pagtangkaan ko na kaya siyang patayin? Tanggalan ko kaya ng kurtina ang kwarto ko para walang siyang matulugan 'pag umaga? Mag light kaya ako ng incense na garlic flavor?
Minsan nga naisip kong katayin 'yong manok ng kapitbahay tapos i-blender ko 'yong dugo tapos lagyan ko ng bawang saka ko ipainom sa kaniya. Pero noong pupuntahan ko na 'yong manok ng kapitbahay, e naunahan na niya ako.
Dead on the spot 'na yung manok na 'yon bago ko pa makuha. Tapos pagbalik ko sa kwarto, duguan ang abs este ang pangil niya. Ito lang nag-iisang dinuguan pero sobrang hot pa rin. Minsan nga baka magulat ako na ako na ang duguan e. Kasi I'm young, fresh, and virgin. Naka-akit daw 'yun para sa mga vampires.
"Paano ba kita mababalik sa Joseon, ha? Hindi ko na alam kung paano ka itatago kay mother dear!" bulalas ko sa kaniya. Pero 'di siya nagising. Mas lalo lang siyang humarap sa akin at mas napagmasdan ko ang jawline niya.
'Para siyang drawing na ginawa para sa akin. He's so perfect physically. 'Di nga lang biniyayaan ng GMRC.'Gwapo naman pala siya 'pag tulog. In fairness, may laban 'to. Medyo mas gwapo siya ng slight kay Hee Yeol pero slight lang naman. Nakakalurkey! Pero teka, bakit siya nakaha—teka, nakayakap ako sa kaniya?
'Oh my God! What is happening? OMG!'
"Aaahh!" malakas kong sigaw at naitulak ko siya paalis sa kama kaya nalaglag na naman siya. Lumabas tuloy ang red eyes and fangs niya dahil sa gulat niya pero 'wag kayong mag -worry. Sabay talaga na lumalabas iyon 'pag provoked siya o kaya naman nagulat.
'He's ready for self defense!'
"Bakit mo ba ako tinulak, ha?" naiinis niyang sigaw sa akin. Muntikan pa niya akong hilain para kagatin pero napigilan niya ang sarili niya. Try lang niya ako kagatin, magpapakagat ako. Chour. Pero 'yon subukan lang niya babatuhin ko siya ng bawang akala niya.
"Ikaw ba ang may ganang sumigaw, e ikaw 'tong natulog sa tabi ko nang walang paalam!" sigaw ko sa kaniya.
"Eh, ano ngayon kung natulog ako sa tabi mo?" tanong niya pabalik sa akin. "At saka kagabi ay umuungol ka sa lapag dahil sumasakit ata ang likod mo kaya inilipat kita sa kama."
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang kabuuan niya. Wala siyang suot na pang-itaas at nakabalandra ang kaniyang abs.
'Bakit siya nakahubad sa aking tabi?'
"OMG! Pinagsamantalahan mo ba ang kahinaan ko?" malakas kong tanong sa kaniya. Tiningnan ko ang sarili ko at kinapa-kapa ko ang katawan ko, kasi baka mamaya hindi na ako virgin dahil may ginawa pala siya sa akin habang tulog ako.
'Baka mamaya nag-touch my body na pala siya. OMG!' Bigla siyang nag-poker face at masamang tumingin sa akin. "Wala ka talagang modo! Nasa itsura ko ba ang nanamantala, ha?" sabi niya sa akin at saka niya hinimas ang kaniyang katawan.
"Eh, bakit nga ako nasa tabi mo at bakit ka rin nakahubad at kita ang ganern mo na pak na pak, ha?" tanong ko pabalik sa kaniya.
"Lagi akong walang pang-itaas kahit umaga kaya huwag kang umasta na naghubad ako dahil katabi kita!" muling lumabas ang pulang mata niya, halatang inis na inis na siya sa akin..
"Weh, talaga?" tanong ko sa kaniya.
Muli niyang inikot ang mata niya.
"Hindi naman kita kakainin dahil may kailangan ako sa 'yo kung nakakalimutan mo, binibini?" tanong niya sa akin at saka siya umupo na parang hari sa aking study table.
"Nasira ang masaya kong tulog nang dahil sa'yo, babaeng walang modo! Mas may modo pa ang mga tagapaglaba ng Gyobang kaysa sa 'yo!" sita niya sa akin.
'Aba, ginawa pa akong mukhang labandera.'
"Alam mo ang kahulungan ng Gyobang?"
"Duh, nanonood ako ng Scarlet Heart Goryeo. Malamang alam ko." Sambit ko sa kaniya at saka ko inikot ang mata ko.
"Pero, Kwangyeon hindi mo talaga ako pinagtangkaan?" tanong ko pabalik sa kaniya. Para naman siyang m******s na tumingin sa akin at gamit ang angking bilis niya agad na siyang nasa harapan ko. Nakadagan siya sa akin at 'di ako makagalaw nang maayos dahil do'n.
"Hindi ka gano'n kaganda para matipuhan ko," sagot niya sa akin at saka ko siya itinulak.
"Grabe ka. Parang sinasabi mong pangit ako, ha?" tanong ko pabalik sa kaniya pero tumawa lang siya na parang nagwagi siya sa pang-aasar sa akin.
"Ikaw ang nagsabi niyan. Ang sabi ko lang naman ay hindi ka gano'n kaganda," sagot niya sa akin.
Wala yata siyang ginagawa na nagmukhang pangit siya. Kahit yata umiinom siya ng dugo, e ang gwapo pa rin niya. Pinagpalang lubos kang bampira ka. Literal akong nagugutom kapag nakikita kita kahit naii-stress ako sa 'yo.
"Bababa lang ako para kumain, anong gusto mo?" tanong ko sa kaniya. Naglakad lang siya papunta sa banyo at humiga siya sa bathtub ko.
"Hindi mo maibibigay ang gusto ko," sagot niya sa akin at saka siya ngumisi nang nakakaloko.
"Kompleto kami ng pagkain sa bahay, 'no? Ano ba'ng gusto mong kainin? Sabihin mo at ibibigay ko." mMuli kong tanong sa kaniya.
"Ang dugo mo." sagot niya sa akin at binigyan niya ako ng nakakaakit na tingin. "Kulang pa nga ako sa mga nakain ko kagabi," dagdag pa niya sa akin at dinilaan niya ang labi niya. Napalunok ako dahil do'n at mas napalunok pa ako nang makita ko siyang tumayo sa bathtub.
"Te-teka an—ku...ku..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil doon. Imbes na pagalitan ko siya dahil sa uminom siya ng dugo without my permission, e inaakit na naman niya ako.
'Isa lang akong taong mahina sa ganitong klase ng temptasyon. Oh, my God. Ang pagkabirhen ko ay masusuko nang wala sa oras dahil sa kaniya.'
Ano ba 'tong iniisip ko?
"Gusto mo bang punuin ang uhaw pa na namumutawi sa aking lalamunan?" tanong niya sa akin at inilagay niya ang kamay niya sa balikat ko.
"Total, masyado na akong natatakam sa dugo na meron ka," dagdag pa niya sa akin. Napalunok ako dahil doon. Hinawakan niya ang leeg ko at kinilabutan ako.
"Kapal ng mukha mo! Iaalay ko na lang sa lamok itong dugo ko kaysa sa 'yo," sabi ko sa kaniya at saka ako lumabas ng banyo. Nadinig ko pa ang tawa niya.
****
KINAGABIHAN naman habang nag-aaral ako ay nakita ko siyang nag-aakmang tumalon palabas ng kwarto. Itong lalaking 'to labas ng labas e Diyes oras na nang gabi. Sabagay vampire siya at t'wing gabi lang siya pwedeng lumabas dahil sa kapag maiinit e matutunaw siya. "Saan ka na naman pupunta?" tanong ko sa kaniya.
"Maghahanap ng pagkain. Bakit magpapakagat ka ba sa akin para 'di na ako lumabas?" tanong niya sa akin. Umiling ako sa kaniya bilang sagot.
"Ewww, no! Basta rules are rules. Bawal pumatay. Titikim pero 'di uubusin. Ayokong maging kuta ng serial killer ang kwarto ko." Sambit ko sa kaniya, ngumisi siya sa akin.
"Kung matiis kong 'di ubusin edi gagawin ko. Pero kung ayaw mong makapatay talaga ako... Hayaan mo na lang ako na tikman ka..." Sambit niya at saka dinilaan ang mapula niyang labi.
"Eheh... heee... hindi. Sige na, lumayas ka na. Tandaan ha? Bawal ang m*********r!" Tumango na lamang siya at biglaang tumalon palabas ng kwarto ko.
Magpu-food hunting na naman si Manong 8-Pack abs nang mag-isa, minsan kuntento na siya sa manok at aso, pero kung gutom na gutom siya, minsan nabibiktima niya yung mga lansinggero sa kabilang kanto. Mabuti nga hindi niya inuubos ang mga dugo nito. Kaya ang labas, anemic na ang mga lassingero pag-gising nila. Hindi naman sa wala akong pakialam sa food hunting niya pero masaya ako na wala siyang inuuwing bangkay sa bahay namin. .
Mabuti nga 'di niya kami kinakagat ni Mama, at saka nagpapasalamat talaga ako at 'di siya nahuhuli na nasa kwarto sa t'wing pumapasok ako sa school. Kung 'di, naku, minsan nga kinakabahan pa ako kasi baka madatnan ko nang patay si mother dear with blood drained from her. Pero 'di naman daw niya gagawin 'yon kasi baka hindi ko siya maibalik sa Joseon. Mas natatakot pa ako kung mabuko ni Mama na may lalaking topless ang madalas nakatambay sa kwarto ko. Ang bait mo Papa God sa akin at 'di ako nabubuking. I love You na po.
Agad kong isinuot ang jacket ko at saka ko siya sinundan palabas. Kitams, patalon-talon siya nang mabilis samantalang ako walking bells lang ditey. Nakita ko na huminto siya sa isang babae. Tiningnan niya ito nang seductive at saka kumindat ng hot tapos 'yong gerlash naman ay kinilig sa kaniya, napaikot ng 360 degrees ang eyes ko.
Ang harot naman nito. Makain ka sana ni Kwangyeon. Ano ba 'yan? Kung maka-react ako para akong nagseselos.
"Ano'ng kailangan mo, pogi?' tanong ng babae sa kaniya.
"Ikaw," maharot niyang sagot sa babae. Nakita kong namula ang babae. Nag-lipbite pa ang loko para mas kiligin 'yong babae sa kaniya.
"Ang halimuyak mo ang papatid sa uhaw ko," sabi niya sa babaeng iyon at agad naman itong namula.
Aba, ang loka, ang harot kung kiligin! Sana talaga makagat ka na. Ay, Diyos ko. Nagsisisi ako na sumunod ako sa bampirang ito. Sumakit ang bangs ko. Akala ko naman 'yong tipong manghihila siya ng tao tapos biglang kagat. 'Yong tipong may Rated SPG dahil bayolente? 'Yon pala, e sekswal ang metodolihiya niya, kailangan ng MTRCB dahil masyado nakakaakit, yung tipong gugustuhin mo ring mabiktima n'ya.
Nakakabwisit.
Sa akin lang dapat siya sekswa--- Ay diyos ko! Ano ba 'tong pinagsasabi ko?
"Masyado ka namang makata pero ang ibig sabihin ba no'n ay type mo ako?" sagot ng babae sa kaniya.
Agad naman na ngumiti si Kwangyeon.
"Ang kinis ng leeg mo, binibini. Nakakaakit ito at nakukuha niya talaga ang atensyon ko." saad ni Kwangyeon sa kaniya.
Napahawak ang babae sa kaniyang leeg. "Hindi naman masyadong nakakaakit 'to..." humagikgik pa ito dito.
"Pwes, ako ay naakit dito. Maari ko bang malasap ang masarap mong leeg?" tanong naman ni Kwangyeon sa kaniya.
"Huwag dito. Baka makita tayo ng boyfriend ko. Doon tayo sa madamong parte para masaya," sagot ng babae sa kaniya.
Imbes na maawa ako sa babae na malapit na niyang i-drain, eh parang mas ninais ko na kainin na lang niya ito. Kung kakagatin niya 'tong babae, e 'di ako makikialam. Ipagdadasal ko na lang kaluluwa niya sa simbahan.
Nakakaloka! Hinila siya ng babae sa madamong parte ng playground tapos hinalikan siya ng babae. Agad naman na nagpahalik si Kwangyeon at dumiretso siya sa leeg ng babae. Hokage moves din ito para makakain, e. Sobrang gutom siguro niya kaya pati mascot pinatulan na niya. Nakita kong lumabas ang pangil ni Kwangyeon at kakagatin na niya ang babae.
"Walang hiya kang lalaki ka! 'Di ka lang napaligaya nambabae ka na naman!" sigaw ko kay Kwangyeon, dahilan para mabigla siya sa paglabas ko.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong naman ni Kwangyeon sa akin.
Kinindatan ko siya at saka ako tumingin sa babaeng maharot na iyon."Ikaw, bakit ka nagpapalandi sa boyfriend ko, ha?" tanong ko sa babaeng iyon.
'Magpasalamat ka sa akin at ililigtas kita ngayon.'
"Siya ang lumapit sa akin at nagsabing mahalimuyak ako," sagot naman ng babaeng iyon sa akin.
"Halata nga, e. Humahalimuyak kasi 'yong kalandian mo," sagot ko naman sa kaniya at saka ko siya sinamaan ng tingin. Gulat naman ang reaksyon na bumalot sa mukha niya.
"Hindi ako malandi." Pagtanggi niya sa akin.
"Kung talagang 'di ka malandi, umalis ka na at huwag mong lalandiin ang yummy boyfriend ko!" sigaw ko sa babae. Umalis naman ito nang may halong inis.
"Hindi ka ba marunong mamili ng kakagatin mo? Ang pangit naman ng babaeng 'yon. Mas maganda pa ako sa kaniya, e!" pagalit kong saad sa kaniya pero sinamaan lang niya ako ng tingin.
"Bakit? Totoo namang mas maganda ako sa kaniya, ah. Huwag mong sabihing tinatanggihan mo na mas maganda ako?" tanong ko sa kaniya.
"Wala akong pakialam sa gandang wala ka naman. Pinakialaman mo ang pagkain ko, babae! Napakawalang modo mo talaga! Kung nasa Joseon lang ako ay ipapatay kita sa hari. 'Yong pugot ang ulo!" banta niya sa akin.
"Oo na. Oo na. Nanalo ka na. Palibhasa kasi bloodsucker ka, e," pang-aasar ko sa kaniya.
"Bl-- blood-- ano 'yon?"
Umikot ang mata ko. "Tagasipsip ng dugo. Lamok." Nangangasar kong sagot sa kaniya.
Muli niya akong sinamaan ng tingin tapos inangasan niya ako gamit ang pangil niya. Kaunti na lang ipapabunot ko sa dentist ang pangil nito, e. Tinanggal niya ang paghapit sa kamay ko pero kinuha ko naman ang kamay niya at saka ko siya hinila.
"Alam mo kaya ka tinatawag na evil vampire, e 'pag gutom ka na. Nagki-killing spree ka na. Paano 'yong pamilya ng mga pinatay mo sa Joseon? 'Di mo ba naisip ang kapakanan ng mga 'yon?" tanong ko sa kaniya.
"Mga taksil lang sa Joseon ang pinapatay ko. Mabuti nga hindi ko na sila pinahihirapan pa at hindi naapektuhan ang katayuan nila bilang isang dugong maharlika," pagdadahilan niya sa akin.
"At saka wala pa akong pinapatay dito. Nakikitikim lang ako ng dugo nila."
"Right, tikim. E muntikan mong maubusan ng kalandian este ng dugo yung babae kanina." Sabi ko sa kaniya, nanatili siyang nakatitig sa kaniya. "Bampira ako, wala akong ibang pwedeng kainin kung 'di dugo."
"Kahit na. Magagawan natin ng paraan na hindi na dugo ng tao ang kakainin mo." pagpupumilit ko sa kaniya. Para sa kaniya lang din naman itong sinasabi ko, e. Bigla niya akong sinamaan ng tingin at mukhang magmo-monologue na naman siya tungkol sa kasamaan niya kaya napabuntong-hininga na lang ako.
"Kung gutom ka talaga, bibili tayo ng dugo na pwede mong kainin. Huwag ka nang pumatay, okay?" sabi ko sa kaniya.
"Pero mas masarap ang sariwang dugo. Gusto ko ay 'yong sumisirit pa sa ugat at nararamdaman ko pa ang pagtibok ng puso hanggang..."
"Oo na. Gusto mo na ng gore. Pero pro-life ako kaya 'di ako papayag. Halika ka nga! Kakain na tayo!" aya ko sa kaniya at hinawakan ko ang malamig niyang kamay. Magkawak-kamay kaming naglakad sa kalye. Hindi ko alam pero napangiti ako nang hawakan niya pabalik ang kamay ko. Holding hands ang peg namin. Ganern. At hindi nagtagal ay narating namin ang tindahan ng barbecue.
"Ano'ng ginagawa natin dito?" tanong niya sa akin.
"Kakain ng dugo," sagot ko sa kaniya. Ang naisip ko kasi, baka 'pag pinakain ko siya ng Betamax ay mabawasan ang gutom niya. Total dugo naman iyon ng hayop, 'di ba?
"Kuya pabili ng Betamax, limang piraso," sabi ko sa tindero at isinalang niya ang dugo sa ihawan.
"Papakainin mo ako ng dugo ng baboy?" tanong niya sa akin at tumango ako sa kaniya.
"Dugo pa rin naman to, e. Hindi mo na kailangan pumatay ng tao at nabawasan pa ang kasalanan mo kay Papa God," sagot ko naman sa kaniya at saka ako ngumiti.
"Kuya, padagdag nga ng isaw at saka atay," sabi ko ulit sa tindero at dinagdag naman niya iyon. Nang maluto na ang Betamax ay binigyan ko naman siya at nasarapan siya ng kinainan namin ito. Nagpadagdag pa nga siya ng 10 pang Betamax, e.
Nang ma-plastic na ang ibang order ay muli kaming naglakad-lakad. Pinagtitinginan pa siya ng tao dahil sa suot niyang itim na robe na elegante at pantalon. Mukha naman siyang normal pero kumikinang ang balat niya sa ilalim ng sinag ng buwan. Lumalabas din lalo ang kakisigan niya dahil doon.
"Hindi ka ba natatakot sa akin kahit isa akong bampira?" tanong niya sa akin.
'Bakit naman ako matatakot sa kaniya? Hindi naman niya ako kinakagat. Saka n'ong nag-attempt siya dati hindi naman niya itinuloy at inulit.
"Hindi," sagot ko sa kaniya.
"Bili lang tayo ng inumin. Nauuhaw na ako." sabi ko sa kaniya at pumasok kami sa 7/11 para bumili ng inumin at kumuha ako ng gatas na Polka ang brand at saka ko binayaran sa cashier.
"Mas masarap pa 'to kaysa sa dugo," sabi ko sa kaniya at inabot ko ang bote sa kaniya pero tinanggihan niya iyon.
" Hindi ko nalalasahan ang mga pagkain pwera sa dugo," sabi niya sa akin.
"Sayang naman. Akin na lang, ha?" sabi ko sa kaniya at kinuha ko muli ang inumin.
"Hindi, akin 'to. Binigay mo na, 'di ba?" tanong niya pabalik sa akin at saka niya ininuman ang gatas.
Napangiti ako dahil doon at saka kami umupo sa upuan. Nang tuluyan kaming napaupo ay napatingin ako kay Kwangyeon, nakita kong nakatitig siya sa akin. May kakaibang emosyon ang kaniyang mga mata.
***
HINDI maintindihan ni Kwangyeon ang kaniyang nararamdaman ngayon. Hindi niya alam kung bakit wala man lang bakas ng takot ang babaeng nasa harap niya ngayon. Hindi rin niya alam kung bakit ba hindi niya naatim na gawan ito ng masama. Nasa harap niya ngayon ang isang magandang dilag na inialay para sa kaniya pero 'di niya 'tong magawang saktan.
Sa halip ay dinala niya 'to sa labas upang manood ng buwan kasama siya. Hindi naman nagdalawang-isip ang babaeng 'yon na samahan siya na manood ng magandang tanawin na dala ng liwanag ng buwan.
"Hindi ka ba natatakot sa akin? Isa akong uri ng nilalang na nabubuhay gamit ang dugo ng mga tao. Pumapatay ako at hindi rin ako mabuti," tanong ni Kwangyeon sa dilag na nakatingin sa kaniya.
Walang bahid ng takot sa mga mata nito. Tanging paghanga ang nasa mata ng babaeng iyon. Hindi niya akalain na kaysarap palang titigan ng mga matang walang bahid ng takot.
"Bakit naman ako matatakot sa 'yo kung 'di mo naman ako sinaktan?" sagot ng babae sa kaniya. Namuo ang paghanga sa isip ni Kwangyeon. Sa unang pagkakataon, walang natakot sa kaniya.
"Ako nga pala si Choi Miri, ang anak ni Ministro Choi. Ikaw, ano'ng pangalan mo?" tanong nito sa kaniya. Ang batang bampira ay nakaramdam ng kakaiba. Pumintig ang puso niya para sa dilag.
"Ako si Kwangyeon at isa akong itim na bampira," sagot niya sa dalaga.
Ngumiti si Miri sa kaniya. "Kwangyeon, bago sa aking pandinig ang iyong pangalan. Marahil ay espesyal ka," saad nito sa kaniya.
Si Kwangyeon. Isa siyang mythical creature. Isang uri ng nilalang na nabubuhay lang sa dugo ng isang tao. Isang nilalang na walang kontrol sa sarili at puno ng kasamaan. Magigising na lang siya sa katotohanan na umiibig siya sa isang dilag.
Isang dilag paulit- ulit niyang mamahalin, sa iba't- ibang panahon, iba't- ibang pagkakataon pero iisa lamang ang kakahantungan.
***
"KWANGYEON, bakit ka natulala?" tanong ko sa kaniya. Nakatitig lang kasi siya sa akin. Nagbago ang reaksiyon ng mukha niya saka niya pinalo ang lamesa. Kitang-kita ko ang pagkawarak nito dahil sa lakas ng palo niya.
"Hindi mo na ako maloloko! Hindi na... Hindi na..." malakas niyang sigaw at saka siya mabilis na naglaho. Sa sobrang bilis nito ay para siyang hangin na dumaan lang.
The Flash 2.0
"Kwangyeon!" sigaw ko at saka ako nagmadaling lumabas. Hindi ko na pinansin ang commotion na nilikha na ginawa ni Kwangyeon at hinanap ko siya. Pero hindi ko siya nakita sa labas ng gabing iyon. 'Ay, bakit naging moody bigla si Kuya?' tanong ko sa sarili ko.