THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
NAGISING si Sungmin na uhaw na uhaw at nagugutom. Kasabay no'n ay ang sakit at init na bumabalot sa kaniyang katawan. Iminulat niya ang mga mata at nakita niya na nasa palasyo siya. Sa paligid nito ay ang bangkay ng Crown Prince na si Dal Sol at ang mga tagasunod nito. Hindi niya maalala kung ano ba ang nangyari, ngunit alam niyang hindi lang 'to basta pagpatay. May isang masamang nilalang ang nasa likod nito.
"Kamahalan..." bulong niya sa patay na katawan ng prinsipe.
"Nagising ka na pala..." nadinig niya ang isang malalim na boses at alam niya kung kanino ito.
Pagmamay-ari ito ni Kwangyeon, ang pinakamasamang bampira na lihim na kumokontrol sa palasyo. At ito ang dahilan kung bakit maraming kababalaghan at kamatayan ang nagaganap sa palasyo.
"Ano'ng ginawa mo sa kanila?!" malakas na sigaw ni Sungmin sa kaniya ngunit tawa lang ang isinagot nito.
"Ang tanong mo dapat ay kung ano'ng nagawa mo sa kanila?" sagot sa kaniya ni Kwangyeon.
Doon lang naalala ni Sungmin ang lahat, ang mga nagawa niya. Hindi ito ang unang beses na nangyari ito, hindi niya nakokontrol ang sarili at ang uhaw na nararamdaman niya. Isa na siyang halimaw at iyon ang nais nitong iparating sa kaniya.
"Nagsisinungaling ka. Hindi ko kayang gawin ito!" sigaw ni Sungmin.
"Ngunit nagawa mo na. Isa ka ng tulad ko, Sungmin. Isa ka na ring bampira at tanging uhaw lamang sa dugo at pagpatay ng mga tao ang bubuhay sa 'yo," sagot sa kaniya ni Kwangyeon.
Sinugod ni Sungmin si Kwangyeon dahil sa galit na nag-alab sa puso niya pero mas malakas ito sa kaniya.
"Mahina ka pa... Bampira ka na ngunit napakahina mo pa rin." natatawang giit ni Kwangyeon sa kaniya. "Ngunit ganyan naman talaga sa simula talagang maghahanap ka ng dugo para lamang mapatid ang uhaw mo.." Saad nito sa pinapapresko at prenteng paraan.
"Napakasama mo!" sigaw ni Sungmin sa kaniya.Ngumisi lamang si Kwangyeon sa kaniya. "Wala akong ginawa kung 'di ang pagbigyan ang kahibangan mo, ang bigyan ka ng illusyon na kakayanin mo akong tapusin. Pero ang bagay na 'to... hindi na ako..." sambit niya rito at saka siya tumingin sa paligid.
"Sino ba talaga sa ating dalawa ang tunay na masama ngayon?" tanong ng bampira.
"Hindi ako naniniwala na ako ang may gawa nito!" sigaw ni Sungmin. Malakas na tawa ang itinugon nito.
"Tanungin mo pa si Ji Eun kung ayaw mong maniwala," sagot ni Kwangyeon sa kaniya at nakita niya ang babaeng mahal niya na takot na takot habang nakatingin sa kaniya. Nakita niya ang takot sa mga mata nito.
"Halimaw kayo! Mga halimaw!" sigaw nito sa kanila, kitang-kita ang panginginig ng dalaga. Doon niya napagtanto na s'ya nga ang may gawa nito. Naging bampira siya at 'di niya nakontrol ang sarili niya. Napatay niya ang lahat ng tao sa palasyo.
"Hindi, hindi totoo 'to!" sigaw ni Sungmin. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala na bampira na siya ngayon.
Hindi si Kwangyeon ang nag-turn sa kaniya kundi isang bampira na kumakalaban kay Kwangyeon at s*******n na pinasa sa kaniya ang misyon na pumatay sa masamang bampira.
"Ji Eun, maniwala ka sa akin pakiusap," giit ni Sungmin pero huli na, ito na ang huling beses na makikita pa niya ang babaeng mahal niya dahil isa na siyang halimaw. Isang bampira... na walang pinagka-iba kay Kwangyeon.
****
Ginny Almazan's Point Of View
"GRABE talaga tong bampirang 'to. Super sama niya! " pagalit na sabi ko 'yan sa TV habang pinapanood ko ang one more time replay of first week ng Midnight Romance sa Channel 15. Grabe talaga ang feels ko kahit paulit-ulit kong panoorin ang drama na ito. Dubbed man o hindi, natutuwa talaga ako. Kung sino man ang nakaisip ng orihinal na bersyon nito bilang isang manhwa ay bilib na ako.
"Ay jjinja! Jugulae, Kwangyeon?! Juggulae ! Ang lakas ng loob ng ganyanin si Hee Yeol oppa ko. Lumayas ka! Gagamitan kita ng magic powers ni D.O. tapos kukuryentehin kita ala Kim Jongdae!" sigaw ko nang maalala kong nag-rarant pala ako. Paano kasi biglang nag-smirk si Kwangyeon sa TV kaya sumigaw ulit ako.
'Akala niya ikinapogi niya iyan? Excuse me, hindi ako naa-attract sa smirk na iyan.'
"Ginny, kanina mo pa pinapanood iyang palabas na 'yan, ha? Bumaba ka muna dito para kumain at maghanda ka na rin. Mali-late ka na sa school," sabi sa akin ni Mama mula sa pintuan. Kahit kailan talaga ay panira si Mama sa panonood ko ng Midnight Romance.
"Mama, saglit lang matatapos na 'tong replay, oh," sabi ko sa kaniya. Binuksan na ni Mama ang pintuan at tumingin sa TV.
"Sabi ko na ba at 'yan na naman ang pinapanood mo," malumanay niyang saad sa akin.
"Bumaba ka na diyan at mali-late ka na," pahabol niya at saka muling isinara ang pintuan. Pumunta naman ako sa kama ko at inilagay ang mga babasahin at notebooks ko sa bag ko.
"Mamayang gabi, panonoorin ko ulit ang Episode 6, 'yong may kissing scene," bulong ko sa sarili ko at saka ako bumaba para kumain at makaalis na para sa aking klase. Mali-late na rin kasi ako, eh. Habang nasa jeep naman ako ay pinapanood ko sa phone ko 'yong karugtong ng pinanood ko kanina. Sobrang sama talaga ng kontrabidang ito. Ang dapat sa kaniya namamatay agad, e.
Kaso lang, kung mamatay siya agad, e wala nang adventure. Kaya sige, keri lang basta masunog sana siya sa ending.
Naging nakakapagod ang araw ko matapos n'on, dagdag pa ang pagkairita ko sa character ni Kwangyeon para akong mapapraning. Nang makauwi ako sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto para manood.
Ganito lang ang buhay ko: aral, kain, nood, spazz, kaunting aral ulit, spazz, nood at saka tulog, tapos samahan mo pa ng pananaginip tungkol sa idol ko na si Jung Hee Yeol at ang favorite boy band ko na EXO. Emegheed! I feel like living in my dreams pero siyempre kailangang balanced ang pag-aaral at panonood ng Korean dramas at pakikinig ng K-pop.
Natutuwa nga si Mama dahil sa wala akong ibang bisyo tulad ng ibang kabataan. Pero naiinis din siya kasi hindi na ako nakakapag-socialize at tinatalo pa ng eyebags ko ang alulod ng bubong namin.
Habang nanonood ako ng drama, ay may bagong eksena ang bumungad sa akin. Si Kwangyeon ay nakatayo sa isang balon.. Teka nga. Wala ito sa mga past episodes, ha?
Panay replay na lang kasi ang pinapanood at halos memorized ko na lahat ng mga eksena dito. Kung meron mang eksena sa balon ay nangyayari lang iyon 'pag may pinapatay siya at doon niya nilalaglag ang katawan ng mga ito pero wala pang eksena na tila ba nagdadasal siya sa isang balon. Ini-scan ko ang part na iyon pero bumabalik lang siya sa eksena kung nasaan si Kwangyeon.
Nakatayo pa rin ito sa balon. "Teka, nagha-hang ba laptop ko?" tanong ko sa sarili ko at sinubukang galawin ang laptop ko. Pinatay ko na rin 'to at tinanggal ang battery pero laking gulat ko nang bukas pa rin ito.
"Jugko jugigo! OMG! What's happening? Byun Baekhyun, stop playing with the lights, ha? Ang creepy na. Emegheed!
Nagsimulang mag-palpitate ang puso ko. Hindi ako makaimik o makagalaw. Minumulto ba ako?
Nakita kong lumiwanag ang laptop ko —'yong liwanag na hindi galing sa screen. Kulay purple pa 'yong liwanag. Napatayo ako mula sa kama at nabalot ng liwanag ang kwarto ko. At nang mawala ang liwanag, isang lalaki na ang nakita kong nakatayo sa harapan ko. Ginalaw niya ang leeg niya at tumunog ito tapos ngumiti siya nang nakakaloko.
Masama din ang tingin niya sa akin. Ipinikit niya saglit ang mata niya na para bang sininghot niya ang hangin. Mukha siyang tumitira ng drugs pero 'di naman siya mukhang d**g addict.
"Hmmm..." mahinang saad niya at muling iminulat niya ang mga mata niya at nakita kong pula na ang mga ito.
"S-sino ka? Who you?" tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot sa akin. Sobrang kaba na ang nararamdaman ko. Tumingin ako sa laptop ko at nakita kong wala na si Kwangyeon sa eksena, tanging ang balon na lamang, napalunok ako at tumingin sa lalaki sa aking harap.
Tila ba siya si Kwangyeon... napailing ako. Ano bang kahibangan itong naiisip ko? Napatingin ako sa kaniya, mula taas hanggang... wait abs...
Ang yummy naman nito, o. Bilangin natin ang nakikita ko. 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7—ay teka lang bakit otso 'to?
Napailing muli ako at tinigil ang pagtitig sa mga bagay na 'di naman dapat parte ng eksenang ito. Nilipat ko muli ang tingin ko sa mukha niya at isang ngiti ang ibinigay niya sa akin. Nakakatakot na ngiti. Hindi ngiting manyak kundi ngiting mamamatay-tao.
Ibinuka niya ang bibig niya at nakita ko ang matalas niyang pangil. Kahawig niya si Kwangyeon kaya itinuro ko siya at saka 'yong laptop ko.
"Hindi totoo ito." Hindi makapaniwala kong saad.
Lumapit siya sa akin at naestatwa na ako. Inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko at mahinang tawa ang nadinig ko. Biglaan akong nanghina at nagdilim na lang bigla ang paningin ko. Naramdaman ko na lang ang mahigpit na hawak sa aking baywang at ang mabangong amoy ng isang yakap sa akin.
Isang panaginip, pakiramdam ko ay masyadong naka 3D at 1080p pa ang panaginip ko kanina. Masyadong sumakit ang aking ulo. "Sa tingin ko dapat tuluyan ka ng magising at huwag ng magpanggap pang tulog. Nasaan ako?" Panaginip... Tama, I'm still dreaming, dapat lang akong magising. Hindi ko naririnig ang boses ni Kwangyeon na nagtatagalog. Dahan- dahan kong minulat ang mata ko at saka binuksan ang lampshade sa kwarto ko at nakita ko 'yong lalaki sa panaginip ko na nakaupo sa may bintana ko at hawak-hawak pa ang notebook ko at ginagawang pamaypay.
"Nanaginip pa ba ako?" tanong ko sa sarili ko at hinawakan ko ang mukha ko.
"Hindi ka nanaginip," sabi niya sa akin at inilapag niya ang notebook ko at saka siya tumayo at saka lumapit sa akin. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Ang bampira sa dramang pinapanood ko, OMG...
"Paano ako napunta dito?" tanong niya sa akin at nakita ko ang pagpula ng kaniyang mga mata. Nanlaki lang ang mga mata ko at napalunok ako. Pakiramdam ko lalabas ang puso ko mula sa aking dibdib. "Panaginip lang 'to. Walang bampirang lumabas galing sa laptop mo. Huwag kang shunga," sabi ko sa sarili ko at pinikit ko ang mata ko pero isang malakas na sigaw ang nadinig ko.
"Tinatanong kita kung paano ako napunta dito kaya sumagot ka sa akin!" sigaw niya sa akin. Napamulat ako ng mata ko at malakas na sumigaw.
"Aahhh!" sigaw ko pero walang boses na lumalabas mula sa akin. Totoo nga, hindi nga panaginip 'to. Nasa harap ko nga si Kwangyeon ngayon.
"Panginoong mahabagin!" dasal ko habang nagtitili ng walang boses. Mas lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang leeg ko nang mahigpit. Papatayin ba niya ako?
"Tinatanong kita kung bakit ako narito sa lugar na ito," tanong niya sa akin habang mahigpit akong sinasakal.
"Sa-sandali," pagpigil ko sa kaniya kahit hirap ako na magsalita.
"Sagutin mo ako!" sigaw niya muli sa akin at saka niya ako binuhat sa leeg. Naramdaman kong umangat ang paa ko sa ere.
"Teka lang—paano kita sasagutin kung sinasakal mo ako? Tanga- tanga neto, 'di kita masasagot kung patay ako. Hangal!" sagot ko sa kaniya. Nawala ang pula ng mata niya at binitawan niya ako. Bumagsak pa ako sa sahig dahil doon.
"Aray! Bakit naman biglaan mo akong binitawan? Pwedeng dahan- dahanin naman ha? Sakit mo sa pwet ha?!" sigaw ko sa kaniya at tiningnan ko siya nang masama dahil doon at saka ako tumayo nang maipon ko na ang lakas ko.
"Ang sabi mo bitawan kita kaya ginawa ko." Inosente nitong sagot sa akin at saka bumuntong hininga.
"Ang lakas ng loob mong sakalin ako, eh ikaw na nga 'tong nanggugulo sa akin!" dagdag ko pa. Napakunot naman ang kaniyang noo.
"Akala mo papatalo ako sa 'yo dahil malakas ka?" sigaw ko sa kaniya habang pinagpapapalo ko siya pero steady lang siya na nakatingin sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. Muntikan pa niyang mabali ito kaya napaiyak ako dahil sa sakit no'n.
"Aray namern, ang bad mo to me. Nakaka-awts ka na, ah. How dare you almost break my beautiful sexy hand!" sabi ko sa kaniya habang umiiyak ako sa harap niya.
Inikot niya ang mga mata niya na tila ba banas na banas siya sa akin.
"Ngayon lang ako nakakita ng babaeng kasing walang modo mo. Sagutin mo ang tanong ko?! Nasaan ako?! Hindi ito Joseon. Ngayon din, bago ko ubusin ang dugo sa'yong katawan.Ibalik mo ako sa Joseon!" sabi niya sa akin. Tiningnan ko lang siya nang masama. Aba ang kapal din ng mukha nito, ha?
"Ay teka wow! Napakademanding mo ha? Una sa lahat 'di ko pa na-a-abosorb na lumabas ka sa laptop ko! Pangalawa, 'di pa ko nasasanay sa pagpapakita mo ng abs at pangatlo, ikaw 'tong pumasok ng walang permiso sa kwarto ko at nanggulo sa akin! At pang-apat 'di ako GPS o location finder! Di din ako airport para ibalik ka sa kung saang lupalop ka ng mundo galing. Gusto mong umuwi? Umuwi ka mag-isa mo!"
"Hindi mo ba iniisip kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng kausap mong bampira at ganyan ka kung magsalita? Pwede kong paslangin lahat ng nasa bahay na ito pati ikaw kung hindi mo gagawin ang gusto ko," sabi niya sa akin. Dinig na dinig ko ang panggigil sa boses niya na parang gusto niya akong patayin.
"Kung kaya mo," sagot ko sa kaniya at saka ako muling
naupo.
"Lapastangan!" sigaw niya pero nagpanggap akong walang naririnig at binalewala ko siya. Bahala siya diyan. Umalis na lang siya kung gusto niya. Siguro ay babalik din 'to sa loob ng laptop ko kapag binalewala ko siya.
'Hindi ko siya papansin, gosh! Stressed na ang bangs kong straight sa abs niya. Ayoko na!'
"Hindi mo ako madadaan sa pagpapanggap mo. Huwag mo na akong hintaying mainis at bumangon ka na diyan. Babangon ka ba o babaliin ko ang leeg mo?" utos at banta niya sa akin.
'Nakakainis talaga siya. Hindi ba pwedeng umalis na lang siya at bumalik sa palasyo niya?'
Bumangon ako at pinaikot ang mga mata ko.
"Ang kulit naman nitong bampira na 'to! Hindi ako tagabalik ng bampira sa lost and found center, ha? Kaya tigilan mo ako."
Napasabunot na lang ako sa ulo ko kasi imbes na umalis siya ay muli lang siyang ngumisi tapos inilabas na naman niya ang pangil niya.
"Sabi nang ibalik mo ako sa Joseon ngayon na!"
"At sino ka naman para ibalik ko?" tanong ko pabalik sa
kaniya.
"Ako si Kwangyeon at wala kang magagawa kundi ang sundin ang gusto ko at ibalik ako sa Joseon!" sigaw niya sa akin.
Nagulat na lang ako nang bigla akong napahiga at nasa ibabaw ko na siya. Nakatingin siya nang diretso sa mga mata ko. Hinawakan niya ang baba ko at inangat ito.
"Eh, sa hindi ko nga alam kung paano ka ibabalik sa Joseon, bakit ba ang kulit mo?" sabi ko sa kaniya habang iniiwasan ang mga titig niya sa akin.
Masyado siyang nakadikit sa akin at amoy na amoy ko ang jasmine scent na sumisingaw sa katawan niya.
'Nakaka-intimidate itong vampire na' to. I swear.'
"Saka pwede bang 'wag kang pumatong sa akin, ang baho mo!" sigaw ko sa kaniya, saka ko siya itinulak sa kama na mukhang 'di niya in-expect dahil sa nalaglag siya roon.
"Teka nga, kanina mo pa ako sinasaktan, ha? Nakakahalata na ako sa 'yo. Lapastangan kang babae ka!" sigaw niya sa akin.
"Ay jusko! Ako pa ang lapastangan ngayon, e ikaw 'tong nang-aakit gamit 'yang abs mong sumisilip mula sa itim mong bathrobe. Ikaw nga tong nag-attempt na mag murder sa akin kanina. 'Wag mo akong ginaganyan! Naku, kung hindi, e malalagot ka sa akin."
"Hindi kita masisisi dahil isa akong magandang bampira," bulong niya sa akin at nagpa-cool siya sa harap ko.
"Bastos ka. Nataguriang galing Joseon !" sagot ko sa kaniya.
"Koreksyon, maginoo at hindi bastos." Giit niya sa akin at saka siya umupo. "Bibigyan kita ng oras para isipin at tanggapin ang kagandahan na aking taglay. Oras para pagnilayan ang mga bagay n gusto mong gawin bago ko kitilin ang buhay mo. Hihintayin kitang makaisip ng paraan para maibalik ako sa Joseon. Ngayon. Na!"
Mukhang wala na akong choice kung hindi ang kupkupin itong bampira na ito dahil mukhang hindi na niya ako lulubayan.
'Oh, my goodness gracious!'
Ano'ng gagawin ko sa kaniya? Isa siyang malaking nakakatakot na temptasyon.
Nadinig ko na humikab siya at saka humiga sa aking kama. "Hoy, ano'ng gagawin mo diyan?" tanong ko sa kaniya.
"Kailangan ko na kasing magpahinga dahil umaga na. Mahirap na kapag nabawasan ang kakisigan ko dahil sa sinag ng araw." Sagot niya sa akin at saka siya ngumisi.
"Huwag kang hihiga sa kama ko! Hindi pwedeng tabi tayo at saka sino'ng nagsabing matutulog ka dito. Hoy, wag kang feeling! Humanap ka ng ibang pepestehin m--" Natigil ako ng pumikit na siya ng tuluyan. Napatingin na lamang ako sa banig sa gilid ng kama ko.
"Maglalatag na lang ako, kukuha na lang muna ako ng bawang."