Chapter 3: A Wish come true

2159 Words
Chapter 3: A Wish come true MIRI, may nais sana akong ipagtatapat sa 'yo. Nawa'y pakinggan mo ang sasabihin ko," nahihiyang saad ng binatang si Kwangyeon sa kaniyang bagong kaibigan. Si Miri ang anak ng Punong Ministro sa kaharian ng Joseon. Alay ito ng kaniyang amang hari para sa kaniya, upang maging alipin niya pero 'di niya tinanggap ang alay na 'yon dahil espesyal ang tingin niya rito. Iba ang naging tama niya sa dalaga dahil sa kakaiba ito. Hindi naman ito gano'n kaganda at 'di rin ito elegante. Pero ito na siguro ang pinakapilya sa mga noble blood na babae na puro prim at proper kung kumilos. Pero hindi iyon ang naging dahilan para ma-turn off si Kwangyeon sa babae. Sa halip, naging dahilan lang ito para mas mahulog siya kay Miri. "Ano ba ang gusto mong sabihin?" tanong ni Miri sa kaniya. Naglalaro sila nito sa mga sanga ng matandang puno kung saan madalas nilang panoorin ang buwan tuwing hating gabi. "Tungkol sana sa nararamdaman ng puso ko para sa 'yo," sagot ni Kwangyeon sa dilag. Namumula naman na tumingin si Miri sa kaniya at gano' n din siya. Biglaan siyang nahiya at hindi na niya alam kung paano niya sasabihin ang nararamdaman niya. "Nararamdaman ng puso mo?" tanong nito sa kaniya at tumango naman ang binata. Bilang isang bampira, abnormal ang pagtibok ng puso niya. "May sakit ka ba sa puso, Kwangyeon?" Nanlaki ang mga mata ni Miri. "Bakit mo pa ako sinamahan na maglaro kung gano'ng may sakit ka pala? Dapat ay magpagaling ka muna," tanong ni Miri sa kaniya. "Bampira ako, Miri kaya hindi ako magkakasakit," sagot niya sa dalaga. "Paano ba naman kasi. Ang bungad mo may nararamdaman ka sa puso mo. Akala ko tuloy ay may sakit ka na." Hinawakan ni Kwangyeon ang kaniyang puso. "Hindi sakit... kung 'di ang nararamdaman nito para sa'yo. "Ang nararamdaman nito para sa 'yo," sagot ni Kwangyeon sa dilag. Huminto sila sa gitna ng malakas na sinag ng buwan. Kitang-kita ang pagkinang ng balat ni Kwangyeon na ikinamangha naman ni Miri. Kinuha ng binata ang kamay ng dalaga at itinapat ito sa puso niya. "Ano'ng naririnig mo?" tanong ni Kwangyeon sa dalaga. "Wala namang pulso ang bampira kaya wala akong naririnig," sagot nito sa kaniya. Mahina silang tumawa dahil sa sinabi ni Miri pero agad din namang natigil ito nang magkatinginan sila. "Alam ko, pero kahit walang t***k ang puso ko na dug, dug, dug ay nakakaramdam pa rin ito," sagot ng binata sa babae. Nagsimula nang mamula si Miri at iniwas ang tingin nito sa makisig na si Kwangyeon. "Ano ba'ng ibig sabihin mo?" tanong ni Miri sa kaniya. "Miri-ah, mahal kita," bulong ni Kwangyeon habang kumikinang ang mga mata niya. Tumingin din si Miri sa kaniya,at nakita niya ang tunay na hinaing ng binata—gusto siyang mahalin nito. Sa kaniya na umiikot ang mundo ng isang malakas na bampira. Iminulat nito sa pag-ibig ang pinakamatanda at pinakamalakas na bampira na namuhay pa simula ng panahon ng Silla. **** GINNY ALMAZAN POINT OF VIEW "KWANGYEON, nasaan ka na ba?" Tanong ko sa sarili ko habang nag-aalala ako dahil sa biglaan n'yang paglalayas. 'Nasaan na ba 'yong vampire na iyon?' Baka magahasa 'yon dito sa labas. Naku, kay gandang nilalang gumagala ng dis-oras ng gabi. 'Where na ba you, bebe ko?' "Emegesh, 'wag mong gayahin si Kim Jong In na mahirap makita sa dilim, besh. Lumabas ka na. Kwangyeon naman, e! I'm so tired na. Lumabas ka na diyan! Hala ka! May aswang diy—ay! Aswang ka na pala. Lumabas ka na lang kasi!" Paulit-ulit kong sigaw iyon dito sa labas habang hinahanap si Kwangyeon. 'Ang sakit ng larynx at pharynx ko sa kaniya, in fairness.' Saan ko ba makikita ang bampirang iyon? "Saan ba madalas tumambay si Kwangyeon? Sa balon? Duh, walang deep well dito." tanong ko sa sarili ko habang inaalala ko iyon. Naalala ko na madalas siyang suminghot sa bubong. Baka naman nasa bubong siya ng isa sa mga bahay dito. Tumingala ako at sinimulan kong hanapin si Kwangyeon. "Kwangyeon! Delikado 'pag gabi. Please, umuwi na tayo." "Hala! Sige ka may aso diyan. Hahabulin ka," sigaw kong muli. Pagod na ang beautiful feet ko. Paano naman ba kasi ang nangyari kanina, eh biglaan siyang mag-walk out matapos sirain ang lamesa sa 7-11 at tumakbo ng ala The Flash? Mabuti naniwala sila sa mga palusot ko at bago pa man ako kastiguhin ng manager ng 7/11, e nakatakbo na ako. "Saan na ba 'yong matandang bampirang iyon?" muli kong tanong sa sarili ko. "Nasaan ka na?" Sa totoo niyan nag-aalala na ako sa kaniya. "Kwangyeon," sigaw kong muli habang nakatingin sa mga bubong hanggang sa nakita ko siya sa bubong ng kapitbahay namin. "Hoy! Bumaba ka na diyan sa bubong. Hala! Baka akalain nilang magnanakaw ka!" sigaw ko sa kaniya. Narinig naman niya ako pero tumingin lang siya sa akin at saka tumalon pababa. Pero sa ibang direksyon siya pumunta. "Hoy, Kwangyeon! Bakit ka ba umalis kanina, ha?" paghabol ko sa kaniya pero hindi siya lumingon sa akin. Nakalapit na siya sa akin at naamoy ko ang lansa ng dugo na nainom niya. "Nararamdaman kong takot ka sa akin," sabi niya sa akin. Napalunok ako nang madinig ko ang malalim niyang boses. "Ako? Hindi, ah," sagot ko sa kaniya pero mas uminit ang ulo niya sa akin. "Binibigyan kita ng pagkakataong tumakbo. At kapag hindi ka pa umalis ay papatayin na kita," banta niya sa akin. "Ano ba'ng nangyari sa 'yo kanina at parang tinotopak ka?" tanong ko sa kaniya. Mas inilapit niya ang mukha niya sa akin at tumingin siya direkta sa aking mga mata. "Masama akong bampira at hindi dapat napapalapit ang loob ko sa isang mahina na katulad mo," sagot niya sa akin at mahigpit na hinawakan. Sa sobrang higpit ay naramdaman ko ang pagbaon ng kuko niya sa balikat ko. "Hindi mo pa rin ba ako pinagkatitiwalaan kaya ka nag-e-emote?" tanong ko sa kaniya pero ngumisi lang siya. "Ako ang dapat hindi mo pinagkakatiwalaan. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin." Akmang kakagatin na niya ako kaya pumikit na lang ako dahil baka 'di ko kayanin ang sakit ng kagat niya. Ngunit wala akong naramdaman na kagat. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at nakita ko siyang nakatingin lang sa akin. Hindi niya itinuloy iyon. Tumingin ako sa kaniya at unti -unting bumalik sa dating kulay ang kaniyang mga mata. Napangiti ako dahil doon. "Dapat ay nagsisigaw ka na ngayon, nagmamakaawa, natatakot sa akin at nagagalit," sabi niya sa akin. "Hindi ka naman pangit na halimaw kaya hindi ako magsisigaw dito. Saka bakit naman ako magagalit ako sa 'yo? Wala ka namang ibang ginawa kung hindi ang maglakad suot 'yang black robe mo. Huwag ka ngang over acting?" tanong ko pabalik sa kaniya pero inirapan lang niya ako. "Huwag mo akong iwanan dito!" sigaw ko sa kaniya. Tumakbo ako nang mabilis para mahabol ko siya hanggang sa mahawakan ko ang itim na robe niya. Pero dahil sa bilis ng kilos niya, para akong nahila niya at nasubsob. "Aray!" malakas kong sigaw at nakaramdam ako ng hapdi sa aking tuhod. Tiningnan ko ito at napakalaking sugat ang nakita ko. Dalawang busina ng sasakyan ang narinig kong papalapit sa akin kaya napatingin ako sa harap ko. Nasa gitna pala ako ng kalye ngayon! 'Emegheed! Mukhang mamatay ako dahil sa dramatic na vampire.' Nanlaki ang mga mata ko sa liwanag at agad akong napapikit nang biglaang nakaramdam ako ng hangin na parang bumuhat sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Kwangyeon na mabilis akong inalis sa sitwasyon na kinakalagyan ko. Napakapit ako sa kaniya at nagtago ako sa katawan niya dahil sa sobrang bilis ng kilos niya. 'Yong parang sumakay ako sa sobrang bilis na airplane tapos walang bintana? Damang-dama mo 'yong aptitude sa bilis ng pagkilos niya. Naramdaman ko na lang na nilapag ako sa isang madamong lugar at nakahinga ako nang maluwag dahil doon. At agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Sa susunod na magpapabebe ka, kahuwag mo naman akong iwan sa gitna ng daan na mag-isa at may sugat. Hindi ako mamatay sa kagat mo, e. Mamamatay ako sa sagasa ng dahil sa 'yo!" sigaw ko sa kaniya. Nakatingin lang siya sa tuhod ko. Tiningnan ko ang tuhod ko at naalala kong may sugat pala ako doon. "Ayan may sugat tuloy ako na malaki dahil sa 'yo!" "Ang ingay mo!" sabi niya sa akin at lumebel siya sa akin. "Ano'ng gagawin mo?" tanong ko sa kaniya na may halong kaba. Nakita ko na pinunit niya ang sleeve ng damit niya at pinangtakip niya iyon sa sugat ko. "Hindi na sasakit iyan sapagkat ginamot ko na," sambit niya sa akin at bahagya siyang ngumiti nang marahan. Mas bagay sa kaniya ang ngumingiti nang natural kasi mukha siyang anghel. "Kwangyeon..." "Bakit?" tanong niya pabalik sa akin. "Mas bagay pala sa ìyo ang nakangiti nang ganyan," sabi ko sa kaniya at hinawakan ko ang pisngi niya. "Para kang anghel kapag nakangiti ka," dagdag ko pa sa kaniya. "Hindi mo ako mabobola, Ginny," sagot niya sa akin. "Kwangyeon, hindi kita binobola dahil 'di ko ugaling mambola ng tao. Totoo 'yong sinasabi ko, at saka nga pala, salamat din," dagdag kong sabi sa kaniya. "Salamat para saan?" tanong niya pabalik sa akin. "Salamat at naniniwala sa akin," sabi ko sa kaniya. "Naniniwala sa 'yo? Paano mo naman nasabi iyon?" tanong niya sa akin. "Kasi hindi mo ako nagawang patayin," sabi ko sa kaniya. "Niligtas mo pa ako. Salamat," muli kong saad sa kaniya at inilahad ko ang kamay ko sa kaniya. "Ako nga pala si Ginny. Hindi ko pa pala nasasabi ang pangalan ko sa 'yo," saad ko sa kaniya at saka ako ngumiti. "Oo nga no? Ilang linggo na rin akong nasa tahanan mo pero babae lang ang tinatawag ko sa 'yo," saad niya sa akin. "Ginny... kakaiba," bulong niya sa akin. "Eh?" "Ginny, kakaiba pala ang pangalan mo," sabi niya sa akin. "Ano'ng ibig sabihin no'n?" tanong niya pabalik sa akin. Ngumiti ako at tumingin sa langit na puno ng stars. Naalala ko pa kasi noong ibinigay ni Papa ang pangalan na iyon para sa akin. Silang dalawa ni Mama ang nag-isip n'on. "Sabi kasi ni Mama, ako daw 'yong tumupad sa hiling ni Papa na magkaanak na sila. Kahit kasi ilang taon na silang kasal noon, hindi sila nabibiyayaan ng baby tapos na-diagnose pa ng cancer si Papa. Malapit na siyang mamatay noon at impossible na daw kasi nagdedeteriorate na ang health ni Papa." "Nawalan sila ng pag-asa pero bigla akong dumating sa buhay nila. Kaya Ginny ang ipinangalan niya sa akin. Ginawa lang niyang pambabae kasi si Genie ng Aladdin ay isang lalaki. Para hindi naman daw boyish ang pangalan ko," paliwanag ko sa kaniya. Tumingin ako sa kaniya at nakita ko siyang nakikinig sa kwento ko. "Ginny? Isang hiling. Baka nga," sabi niya sa akin. Tiningnan niya ako sa aking mga mata. "Huh?" "Baka nga ikaw ang hiling na ipinagkaloob sa 'kin ng langit," sabi niya sa akin. Bigla naman akong namula dahil doon. "Parang dream come true ba?" tanong ko sa kaniya. "Dream come true? Ano 'yon?" "Pangarap o hiling na natupad, gano'n ba ako para sa'yo?" tanong ko muli sa kaniya. Mahina siyang napangiti sa akin. "Siguro nga Ginny, ikaw ang aking dream come true..." sagot niya sa akin. Sa kasagsagan ng kilig ko ay bigla niya akong binuhat. Napatili naman ako dahil doon. "Bakit mo ako binubuhat?!" pasigaw kong tanong sa kaniya. "Iuuwi na kita dahil mag-uumaga na, " sabi niya sa akin at tumingin ako sa relos ko. Alas-kwatro na pala ng madaling-araw at malapit nang sumikat ang araw. "Tara na, umuwi na tayo," sabi niya sa akin. "NAGKITA na muli sila... Mukhang sa pagkakataong ito, 'di mo na mapipigilan ang kanilang tadhana. Sinasabi ko sa'yo, mauulit ang nakaraan. Mauulit ito ng mauulit hanggang sa 'di nabibigyan ng pagkakataon ang dalawang pusong itinakda." Sambit ng isang babae sa isang lalaking nakaupo sa kaniyang ka-higanteng couch. Napangisi ito sa kaniya, "Hindi ako papayag na maulit ulit ang nakaraan. Ang kasamaan ni Kwangyeon ang dahilan kung bakit paulit- ulit na nabubuhay si Miri para lamang ibigin siya. Hindi ako papayag na mahulog ang loob nila sa isa't- isa. Hindi sa pagkakataong ito." "It's a time travel heist, darling. Hindi mo alam na mapupunta si Kwangyeon sa mundong to. Hindi mo alam na possibleng maulit ang nakaraan kahit na matagal mo na siyang pinatay. Hindi mo ba naisip na tadhana na ang gumawa ng paraan para lamang magkita sila muli?" tanong muli ng babae sa kaniya. "And I will kill that destiny. Hindi ako papayag na magsama sila ulit. Ibabalik ko si Kwangyeon sa Joseon..." "At si Miri? Anong gagawin mo sa kaniya?" "Dont you dare intervene with them, Breanna." Natawa ang babae dahil sa pagkapikon ng kaniyang kausap. "Her heart will still beat for my lord Kwangyeon." "Makialam man ako o hindi, ang manok ko ang mananalo sa larong inimbento mo." "Shut up, Breanna!" "Darling, you're not a God. You're just a vampire who happened to know some f*****g magic tricks.Hindi mo kayang baguhin ang dikta ng tadhana." "Kwangyeon will not have her. She's mine. She's mine. No matter what era it is, akin siya." Natawa na lamang si Breanna sa sinasabi ng lalaking ito. "Sige lang, sabihin mo lang pinapaniwalaan mo. Ilang beses mo na bang sinubukang paghiwalayin ang dalawang 'yan. Cheol Mae and Miri, ngi minsan hindi ka nga napunta ng endgame. So, I'll just watch as you break your heart all over again."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD