Chapter 8: My Hot Vampire Boyfriend
BIGLA na lang ako nang marinig ko ang bintana na bumukas at pumasok si Kwangyeon mula doon. "Ay, Diyos ko! Lagi ka na lang bang dadaan sa bintana, ha?! Papatayin mo naman ako nang maaga sa gulat, e!" sigaw ko sa kaniya at tuluyan na siyang nakapasok. Nakita ko na may ilang paso siya sa kamay niya uli.
"Tapos, 'di mo pa dinala 'yong payong mo. Napaso ka tuloy. Masakit ba 'yan, ha?" alalang tanong ko sa kaniya at saka ako tumayo sa aking kama. Lalapitan ko sana siya para makita ang sugat niya. Dapat masigurado ko na maayos lang si Kwangyeon. At dapat makita niya na kaya ko pa rin siyang alagaan kahit may sakit ako.
"Huwag ka nang tumayo, mahiga ka na lang ulit doon." Sabi niya sa akin at mabilis siyang kumilos para pigilan ako na makalapit sa kaniya. Napahiga niya muli ako sa kama kaya naman para akong na-awkard nang slight. Aangal pa sana ako pero nakita kong gumaling na 'yong paso niya kaya hindi na ako nag-react pa.
"Nagugutom ka ba?" tanong niya sa akin. Umiling ako sa kaniya bilang sagot.
"Kanina medyo gutom ako pero dumating ka na parang nawala 'yong gutom ko." Sabi ko sa kaniya. Bahagya akong kinilig sa sagot ko sa kaniya.
'Ano ba? Dying na ako so dapat medyo humarot na ako para mamatay akong inspired.'
"Para kang isang gisaeng kung magsalita," sagot niya sa akin.
"Grabe ka naman. Humarot lang gisaeng na agad? Pero pangarap ko 'yon. Sa pakakanood ko ng Korean drama parang ang elegante ng mga gisaeng tapos ang gaganda pa. Pero grabe 'yong mga past nila 'no? 'Yong iba sa kanila anak ng prime minister o kaya hari na napatalsik o nabitay, tapos forever na 'yong angkan nila na magiging gisaeng."
"Kailangan magbayad ng angkan nila sa pagtatraydor sa bansa kaya sila ginagawang alipin o kaya isang gisaeng. Marami akong nakilalang prinsesa na naging gisaeng at hindi na nagkaroon pa ng karapatan sa bansa," tugon niya sa akin.
Ang talino pa niya kung magsalita. Nakaka-in love siya kung tutuusin.OMG. Marahan siyang ngumiti sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko nang sinabi niya iyon. Paano kasi ngiting-ngiti siya na tila ba nakikita niya ako bilang isang gisaeng.
'OMG. Bakit ba ako kinikilig nang ganito kabongga sa kaniya? 'Yong heart ko nagpa-flutter masyado.'
"Ginny, may nararamdaman ka bang masama?" tanong niya sa akin dahil mukha akong shocked. Nag-alala siya agad sa akin.
'How sweet!'
"Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko," sagot ko sa kaniya at inilagay ko ang kamay niya sa dibdib ko.
"Bakit mo pinapahawak sa akin ang dibdib mo? Nawalan ka na ba ng moral?!" malakas niyang sigaw kasabay ng pamumula niya.
"Hindi naman dede ipapahawak ko sa 'yo. Kung maka-moral ka diyan, e parang inalay ko dede ko sa 'yo!" sigaw ko sa kaniya.
"Eh, ano'ng gagawin mo, e halata namang dibdib ang ipapahawak mo sa akin?" tanong niya sa akin.
"Hindi kasi dibdib ko. Ito 'yong puso ko," sabi ko sa kaniya at inilagay ko ang kamay niya sa dibdib ko para maramdaman niya ang pag-padam-padam ng puso ko.
"Naririnig mo, sobrang bilis, oh. Kumakalma lang 'yan 'pag hinahalikan mo ako," sabi ko sa kaniya. Hindi ko na maintindihan ang kinikilos ko sa harap niya ngayon. "Gusto mo ba ako, Ginny?" tanong niya sa akin dahilan para mapalunok ako.
"Kung gusto kita, okay lang ba sa 'yo?" tanong ko pabalik sa kaniya at umiwas ako sa mga tingin niya sa akin.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Gusto mo ba ako?" muli niyang tanong sa akin.
Dahan-dahan akong tumango sa kaniya. "Gusto kita," sagot ko sa kaniya.
"Kahit na masama ako?" tanong niya sa akin.
Muli akong tumango sa kaniya. "Gusto," muli kong sagot sa kaniya.
"Kahit marami na akong napatay?" "Gusto..."
"Kahit marami akong mga babaeng nahalikan na kinagat?"
"Gusto pa rin kita..."
" Kahit na lihim kong kinokontrol ang Joseon at maging mga bata ay pinapatay ko?"
"Nakakainis ka naman, eh! Aminin mo na lang na gusto mo rin ako para magka-love life at ma-devirginized lang naman ako bago madedo. Gusto ko ding mabutas!" sigaw ko sa kaniya at saka ako humingal.
Jusko parang lalagnatin ako sa mga sinabi ko sa kaniya.
"Ginny, ang huling babaeng minahal ko, muntikan ko siyang mapatay. Hiniling ko na mamatay siya, at halos patayin ko sila ng anak namin. Ginny, halimaw ako at iyon ang tingin ng lahat sa akin," seryoso niyang pagpapaliwanag sa akin.
"Hindi naman halimaw ang vampire, ah."
"Ginny, isa akong halimaw!"pilit niya sa akin pero umling ako sa kaniya.
"Ikaw lang 'ata ang nag -iisang vampire na niligtas ako, tinatawag akong espesyal, hindi loser ang tingin sa akin, laging nandiyan 'pag kailangan kita. Hindi mo rin ako iniiwan, nakikisakay sa mood swings ko kahit na tinatapakan na noon ang image mo as the evil vampire, mabait ka, tapos ang sweet mo pa. Tingnan mo, tulad ngayon kahit tirik ang araw pumunta ka pa rin para sa akin. Kahit nasunog na naman 'yang kamay mo kakasangga sa araw. Ikaw 'yong ilang beses na akong binantaan na sasaktan ako pero 'di naman ginawa. Talo mo pa 'yong isang taong nagsabing 'di ako sasaktan pero binasag pa rin 'yong puso ko, e. Kung tutuusin, mas tao ka pa nga kung mag-care sa akin. Sa totoo niyan, para sa akin, hindi ka halimaw. Para sa akin, ikaw 'yong pangalawang lalaking nagustuhan ko at gusto kong ikaw na rin ang maging huli."
Inilagay ko ang kamay ko sa batok ko bilang senyales ng pagkahiya. Humingal 'din muna ako dahil sobrang dami ng aking sinabi sa kaniya. Nakakapagod pala 'yong mga sinabi ko. Masyadong ma-effort.
"Pero kung ayaw mo talaga sa pag-amin ko, naiintindihan naman kita. May trust issues ka tap—" Natigil ako ng pinagtagpo niya ang mga labi namin. Namula ako at gano'n rin siya. Sobrang nag-palpitate ang puso ko dahil sa halik niya na sobrang nakakakilig.
"Tinatanggap ko ang pag-amin mo, Ginny," sabi niya sa akin at bago ulit ako makasagot ay hinalikan niya muli ako. At naging masaya ang mga sumunod na araw na kasama ko si Kwangyeon. Sana hindi na magbago ang lahat. Sana makasama ko siya hanggang sa huling araw ng buhay ko.