Chapter 9: Hopes

2591 Words
Chapter 9: Hopes NAGPAHID ako ng lip gloss at saka gumawa ng poutie face. Ipinakita ko naman iyon kay Kwangyeon para maakit siya sa lips kong sobrang seductive kapag naka-pout."Boyfie," maharot kong tawag kay Kwangyeon habang nasa kwarto kami. Itinimpla niya kasi ako ng kape para 'di daw makatulog habang nagdi-date kami. Ang sweet ng boyfriend kong vampire. "Ginny, tigilan mo ako sa boses na iyan. Hindi ako naakit." Sabi niya sa akin at padabog na binagsak ang mug sa harap ko. "Grabe ka naman, boyfie. Kinikilig ako sa pagiging harsh mo!" sabi ko sa kaniya at nagpa-beautiful eyes ako sa harap niya. "Anak, natutulog na ako. Pakiusap naman baka pwedeng gawing tahimik ang paglandi sa gilid?" sabi naman ni Mama sa akin. "Sorry, Mama. Kasi 'yong boyfriend ko ang hot kaya! Hindi ako matahimik," sagot ko sa kaniya. Tumingin si Mama sa akin. "Ewan ko ba sa inyong dalawa, napaka-nocturnal n'yo. 'Pag bukas pagkagising ko malalaman kong may apo ako, kakalbuhin ko kayong dalawa," sabi muli ni Mama at saka siya tumalikod para matulog. Mahina naman akong tumawa at saka sumagot sa kaniya. "Don't worry, Mama. Baka bago ako madedo may apo ka na," sabi ko sa kaniya at tumingin ako kay Kwangyeon at saka nag-beautiful eyes sa kaniya. "'Wag kang mag–alala, Ginny. Hindi ka magkakaroon ng pag-asa na makatalik ako. Hindi kita gustong makasama sa kama," sagot niya sa akin at sinimangutan ko siya. "Pero siyempre hindi ako nagbibiro," sabi niya sa akin. "Kwangyeon!" Kumindat siya sa akin. "Wala kang ibang magagawa kung 'di ang pagnasahan lamang ang katawan ko sapagkat, hinding- hindi mo ito matitikman." Nakak-akit n'yang giit sa akin. Napasimangot naman ako at saka na-disappoint. Gusto ko rin namang ma-devirginize bago mamatay. "Grabe ka talaga, boyfie. Ang harsh mo sa akin. Pero kahit na gano'n, I heart you, boyfie! Mwah," sagot ko sa kaniya at saka ako nag-iwan ng espasyo sa kama ko para maupuan niya. "Matulog na nga kayong mga bata kayo!" sita muli ni Mama at bumalik na sa paghihilik niya. "Bakit, hindi ba ako mukhang nakakaakit? Hindi naman gano'n ka-disappointing ang katawan ko, ha?" Sinilip ko ang dibdib ko sa loob ng damit ko. Malaki naman dibdib ko, maliit naman ang baywang ko, sexy nga raw ako kahit matakaw ako, e. Tapos flexible pa ako. Mahirap ba akong i-kiss dahil sa braces ko? Baka naman para kay Kwangyeon hindi attractive ang may metal sa ngipin? "Ginny, tigilan mo na 'yang nasa isip mo. Binibiro lang kita," sabi niya sa akin at nagtataka naman akong napatingin sa kaniya. Hindi ba siya naakit sa akin? Mag-iisang buwan na kaming mag-jowa at naglalandian pero parang hindi pa siya naakit sa akin. Matagal-tagal na rin pala mula nang dumating si Kwangyeon dito. Siguro pinadala siya ni Papa God para sa akin. Sana hindi pa siya ibalik sa Midnight Romance. Sana dito na lang siya lagi sa tabi ko. "Gusto mo na naman 'andiyan ako sa tabi mo?" tanong niya sa akin nang matuon ang tingin niya sa espasyo na nilaan ko. Tumango ako bilang sagot sa kaniya. "Oo, dito ka lang." sabi ko sa kaniya. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Ang bango-bango talaga ni Kwangyeon. "Boyfie.,alam mo ba na sobrang bango mo? Pakiramdam ko gumagaling ako sa sakit ko kapag inaamoy -amoy kita. Paamoy nga!" sabi ko sa kaniya. Kulang na lang ay sampalin niya ako sa diri dahil sa mga naririnig niya sa akin. "Ginny, tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng salitang iyan. Hindi maganda sa pandinig saka mabango talaga ako. Natural na sa mga bampira ang may ganitong amoy," sabi naman niya sa akin.  Tumawa ako pero bigla akong lumungkot. Naalala ko kasing bilang na ang mga oras ko sa Earth. Gusto ko pa siyang makasama, e. Baka ilang buwan mula ngayon madedo na ako at ayoko pang mangyari iyon. "Bakit ka biglang lumungkot, mahal ko?" tanong niya sa akin. "Kasi naalala ko na mamamatay na ako," sagot ko sa kaniya at tumulo ang luha ko. Ayoko pang mamatay pero parang isang iglap ay kinukuha na ako ng mundo dahil sa sakit ko. Gusto ko pang makasama si Kwangyeon nang matagal na panahon. Immortal ang boyfriend ko samantalang ako ito malapit nang mamatay. "Hindi ka mamamatay," sagot niya sa akin at inayos niya ang buhok ko. "Alam mo, paasa ka. Tingnan mo nga 'itsura ko ngayon," sabi ko sa kaniya. "Ano'ng mayroon sa 'itsura mo?" tanong niya sa akin. "Halatang may sakit ako. Tingnan mo, dry 'yong lips ko tapos ang pale na ng mukha ko. Hindi na nga ako maganda, mas pumangit pa ako. Hindi na siguro ako magiging attractive sa paningin mo dahil sa sakit ko," sabi ko sa kaniya tapos tinuro ko ang lips ko sa kaniya. Agad naman niyang hinalikan iyon na ikinagulat ko. "Wala namang problema sa labi mo. Malambot pa rin naman kapag hinalikan ko. Masarap pa rin," sabi niya sa akin kaya naman napangiti ako sa kaniya. "Hanubah? Weg keng genyen. Mapapa-aga ang death ko," sabi ko sa kaniya at pabiro ko siyang hinampas. Agad namang pumula ang mata niya dahil sa gulat. "Joke lang, ano ba? Naglalambing lang ako, e. Hindi 'to makuha sa friendly hampas," sabi ko sa kaniya at muli akong kumapit sa kaniya. "'Wag kang magbiro nang ganyan. Baka makagat kita," banta niya sa akin. "Sige lang. Kagatin mo lang. Feel free to do it," sabi ko sa kaniya at pinakita ko sa kaniya ang leeg ko. "Masyado kang pang-asar, pilya at sutil," sagot niya sa akin at ginulo niya ang buhok ko. "Ano ba? Nalalagas na nga ang buhok ko tapos ginugulo mo pa," reklamo ko sa kaniya pero tumawa lang siya nang mahina. "Maganda ka pa rin kahit malagas nang tuluyan ang buhok mo," sagot niya sa akin. "Ano ako? Siopao at binobola mo lang?" tanong ko sa kaniya at sandali akong natahimik. "Salamat, ha?" sabi ko sa kaniya. "Para saan?" tanong niya pabalik sa akin. "Sa mga ginagawa mo para sa akin,." At mas pinisil niya ang kamay ko. "Gagawa ako ng paraan, Ginny. Lahat hahamakin ko gumaling ka lang." Sabi niya sa akin at hinalikan niya akong muli. Mahina akong ngumiti dahil sa sinabi niya sa akin. "Natatakot ka bang mawala ako?" tanong ko sa kaniya. "Kahit naman na siguro sino matatakot na mawala ang isang taong nagpapahalaga sa kanila, 'di ba?" "Salamat," sagot ko sa kaniya at saka niya ako pinahiga para maging kumportable na. "Magpahinga ka na, ha?" sabi niya sa akin. "Huh, aalis ka ba?" tanong ko sa kaniya. "Oo, maglakad-lakad lang ako saglit," sabi niya sa akin. "Magpahinga ka na. Dapat sa 'yo kumpleto ang tulog sa gabi at gising sa umaga para gumaling ka. Huwag mong ipahamak ang kalusugan mo dahil sa akin. Ayokong nahihirapan ka," bulong niya sa akin at hinalikan niya ako sa ulo ko. Ipinikit ko na ang mga mata ko. "Kwangyeon, sa susunod, tabihan mo ako matulog, ha? Kasi malamig 'yong katawan mo, eh. Masarap sa pakiramdam," bilin ko sa kaniya at agad akong nakatulog. *** LUMABAS ako galing sa bintana nang masigurado kong tulog na si Ginny. Gusto kong maglakad-lakad saglit upang makapag-isip-isip tungkol sa kaniya. Kasi sa totoo niyan, hindi ko na alam kung paano pa siya mapapasaya. Pakiramdam ko para akong isa bata na kaunti na lang ay magmamakaawa na sa Bathala upang pagalingin si Ginny. Tinamaan na ba talaga ako sa babaeng iyon at masyado na akong nadadala sa relasyon namin? Sa bagay, nakakatuwa siya kung sakaling normal lang ako na tao at siya ang magiging katuwang ko sa buhay. Baka wala na akong hihilingin pa kundi pangpasak na lang sa malaki niyang bunganga. Masyadong masakit ang tainga ko kapag kasama ko siya. Sigaw nang sigaw lagi. Buong araw pa naman akong tawaging boyfie at sundan kahit saan ako magpunta sa loob ng kwarto niya at kumapit na parang linta sa akin. Pero inaamin ko nakakagaan ng loob na makita iyon. Kaso naman nag-aalala ako baka kasi mamaya ay bigla siyang atakehin at magkasakit nang mas malubha. Sa buong panahon na nasa Joseon ako, hindi pa ako nakakita ng isang taong nagkasakit ng cancer. "Hindi naman siguro ako mamamatay kung bibigyan ko siya ng dugo ko kahit isang beses lang?" tanong ko sa sarili ko. Gusto kong gumaling si Ginny. Kahit na ano ay gagawin ko gumaling lamang siya. Mahigpit na bilin ng bantay dati na ikakamatay ko ang pagtulong sa buhay ng isang tao dahil ang kasamaan ang bumubuhay sa akin. "Knight?" Napalingon ako ng may tumawag akin. Nakita ko si Terri, nakangiti siya at may sukbit pang bag sa balikat niya. "Anong ginagawa mo dito? Gabing gabi na ah." "Uhm, dadalawin ko sana si Ginny. Sabi kasi ng Mom niya tuwing gabi siya gising so... I thought it would be nice." sambit niya sa akin. "Nagpapahinga siya ngayon. Napagod siya makipag kwentuhan buong araw kaya hinayaan ko muna siyang matulog." Sambit ko sa kaniya, muli siya ngumiti siya sa akin. Mamamatay ba ako agad kung papagalingin ko si Ginny? Habang naglalakad ako sa gitna ng dilim ay may mabilis na dumaan sa likod ko. Naamoy ko agad ito. "Bampira!" sabi ko sa sarili ko at hindi muna ako lumingon. Pinagpatuloy ko ang paglalakad nang may dumaan muli. At sa oras na ito, nasugatan na niya ako sa pisngi. Hindi ko siya naramdaman, "Masyado ka nang mahina, Kwangyeon," saad ng isang boses. Tumingin ako sa paligid pero wala ito. "Handa ka na ba talagang magbago, Kwangyeon?" "Sino ka?!" malakas kong tanong sa kaniya. "Hindi dito ang mundo mo," sabi muli nito sa akin. "Isa ka lang ilusyon sa mundong ito. Mawawala ka rin," dagdag pa niya. "Sino ka?!" tanong ko sa kaniya. "Hindi mo na ba ako naalala?" balik-tanong niya sa akin. "Sa bagay, kinalimutan mo na ang lahat ng tungkol kay Miri," saad niya sa akin at tumawa siya. "At kinakalungkot kong ibalita sa 'yo na mawawala rin si Ginny sa 'yo. Ikaw ang dahilan kung bakit nauubos ang oras niya. At sa oras na mawala na siya, maiiwan ka na naman na mag-isa." "Sino ka at magkapakita ka!" sigaw ko sa kaniya at inilabas ko ang pangil ko. "Kwangyeon, nakakatuwa kang tingnan. Natatakot ka na ba sa mga maaring mangyari ngayon?" tanong niya sa akin. "Alam mong wala akong kinakatakutan!" sigaw ko pabalik sa kaniya. "Ay, oo nga pala. Hindi ka natakot na mawala si Miri sa 'yo pero mag-iiba ang lahat ngayon, Kwangyeon dahil sa oras na 'to gagawin mo ang lahat. Kahit buhay mo man ang maging kapalit, manatili lang siya sa mundong ito," sabi niya sa akin at bigla na lang naglaho ang amoy niya. "Bumalik ka dito! Ano'ng ibig sabihin mo?!" sigaw ko at saka ako tumalon. Sinubukan kong sundan ang amoy niya pero wala na siya. Tuluyan na siyang naglaho. Nagpatalon-talon at takbo ako upang hanapin ang bampira na iyon pero wala na talaga siya. ***** "ANO ba'ng sinasabi mo?" tanong ni Kwangyeon kay Miri pero itinulak lang siya palayo nito. "Layuan mo ako!" sigaw ni Miri sa kaniya. "Hindi ako papayag na lumaki ang anak ko na may amang halimaw!" sigaw muli nito sa kaniya. Kahit halos madapa-dapa si Miri ay tumakbo ito palapit sa ama nito. Hindi alam ni Miri na isang malaking pagkakamali ang ginagawa nito. Nagpdala ito takot at sinira nito ang natitirang pag-asa sa puso ni Kwangyeon. "Halimaw siya. Kung sana ay naniwala ka sa akin at dinala mo ang konsentrasyon mo sa misyon mo, e 'di sana hindi ka nasasaktan nang ganito." Dinig ni Kwangyeon na sabi ng Punong Ministro. Nagkuyom ang kaniyang mga palad dahil sa gusto niyang baliin ang leeg ng Punong Ministro. "Ano'ng misyon ang sinasabi niyo?" tanong ni Kwangyeon. "Ang paghahanap ng magiging katapusan mo, Kwangyeon. Kapag lumaki ang anak n' yo ni Miri,.ito ang magiging dahilan ng kamatayan mo! Mawawala ka na sa Joseon at ako ang magiging hari! Titingalain ako ng mga mamayan, dahil iniligtas ko ang buhay nila laban sa katulad mong halimaw," sagot sa kaniya nito. Tumawa nang malakas ang Punong Ministro. Akala niya mission accomplished na siya at siya na ang magiging hari. Parang gumuho ang mundo niya sa mga narinig at nakita niya. Ang babaeng akala niyang babago ng buhay niya ay iba pala ang gagawin. Babaguhin na nito nang tuluyan ang pananaw ni Kwangyeon. "Nagsisinungaling kayo," saad ni Kwangyeon. Ayaw pa rin niyang maniwala sa mga nadidinig niya. "Ilabas niyo na ako dito, ama," sabi ni Miri na para bang nagmamakaawa. "Hindi!" sigaw ni Kwangyeon, lumabas ang pulang mata nito at ang kaniyang mga pangil, gayon din ang matalas niyang kuko at agad naman siyang sinugod ng mga kawal ng Punong Ministro. Naging m****o ang labanan sa pagitan ng mga ito habang ang dalawang kawal na nagtatago sa gilid ay nagsisimula nang ayusin ang b***l na may silver bullets. Naniniwala ang mga itong mapapahina niyon si Kwangyeon. "Itakas mo na si Lady Miri, Donggun." "Akala ko ba ako ang papatay sa bampira? Bakit biglang pagtakas na lang kay Lady Miri ang magiging misyon ko?" tanong ng kawal. "Dala ni Miri ang magiging anak ni Kwangyeon. Ang dugo ng batang iyan ang papatay sa kaniya!" sagot ng Punong Ministro kay Donggun. "Umalis na kayo habang maaga pa," dagdag pa ng punong ministro. "Masusunod po, Punong Ministro," sagot ni Donggun sa kaniya at ngumisi ito. Sumigaw nang malakas si Kwangyeon at sinugod siya ng limang kawal na agad naman niyang nilabanan. Nang mapatay na niya ang mga ito ay tumingin siya kay Miri. "Miri, balewala na lang ba sa 'yo ang mga pinangarap natin, ha?" tanong ni Kwangyeon sa babae. Natigil si Miri sa paglalakad at nilingon siya nito. "Ano ba'ng pumasok sa isip ko?" mahinang tanong ni Miri sa isip nito at binalikan ng tingin ang lalaking mahal. "Kwangyeon," bulong nito sa pangalan niya. "Sa bilang na ibibigay ko, barilin ang bampira!" sigaw ng Punong Ministro. "Ama, huwag!" saad ni Miri pero hindi nagpapigil ang ama nito at pinaputok ang b***l. Tumama ang bala sa likod ng bampira. "Kwangyeon!" sigaw ni Miri at nag-iiyak ito. Natumba na lang si Kwangyeon dahil sa panghihina niya. Nakatingin siya sa mukha ng babaeng mahal niya na puno ng puot at galit. "Binibining Miri, nakahanda na ang bangka papunta sa Jeju," saad ni Donggun, isang bampira na naghahangad na mapatay si Kwangyeon. "Hindi!" sigaw ni Miri pero huli na ito. Tuluyan nang napuno ng puot ang puso ni Kwangyeon at ang tama na dulot ng silver bullet na b***l sa kaniya ay mananatili habang-buhay sa kaniyang likod, pilat na dulot ng pagmamahal niya kay Miri. Dinala ni Donggun si Miri sa isang ligtas na lugar, at doon napuno ng pagsisisi at pighati ang dalaga."Balikan natin si Kwangyeon. Nagkamali ako sa mga nasabi ko. Nagkamali ako dahil nagpadala ako sa takot!" iyak na sabi ni Miri. "LADY Miri, ang bampira na si Kwangyeon ay kumilos na upang patayin ang mga nag -traydor sa kaniya at isa doon ay ang inyong ama. 'Kinakalungkot ko pong sabihin na patay na ang Punong Ministro," saad ng binata sa kaniya. Umiyak na lamang si Miri dala ng lungkot na kaniyang nararamdaman. "Mahigpit na bilin ng ministro na palakihin ang batang ito nang mabuti. Para sa oras na dumating ang panahon na kailanganin siya ay madaling mapapatay ang bampira," saad muli ni Donggun pero nanatili lang ang pagtangis ni Miri. Simula ng araw na iyon, sa kaniyang diary ay sinusulat niya lahat ng pagsisisi niya tungkol kay Kwangyeon. Sinusulat niya kung gaano no'ng mga oras na iyon, ang mukha ng binatang minahal niya ay napuno ng puot at galit. Hindi nagtagal ay nagsilang ng malusog na lalaking sanggol si Miri. Pero dahil sa isang babaeng sanggol ang kailangan nila upang mapasakatuparan ang misyon, pinalaki nila nang maayos ang sanggol hanggang sa nagkaroon na rin ito ng sarili nitong buhay. Bago bawian ng buhay si Miri sa sakit na tuberculosis, ipinangako niyang babalik siya para mahalin muli si Kwangyeon. At 'pag nangyari iyon, hindi na siya matatakot pa, hindi na siya magiging duwag pa. Dahil lahat ay gagawin niya bumalik lang sa dati ang lalaking pinakamamahal niya. At habang tumatagal ang panahon, mas nagiging masama si Kwangyeon at dumating na ang bampirang papatay sa kaniya. Ang nag-iisang makakayang pantayan ang lakas niya na si Sungmin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD