Chapter 7: Full Moon

3082 Words
Chapter 7: Full Moon NAGISING ako dahil sa sinag ng araw sa kwarto ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Mama na binubuksan ang bintana. "Good morning," sabi ko sa kaniya at lumingon siya sa akin. "Good morning din, anak," sagot naman niya sa akin. Inikot ko ang paningin ko para hanapin si Kwangyeon. Kagabi kasi kasama ko siya at nakatulog ako habang nakasandal sa kaniya. "Hinahanap mo ba 'yong kaibigan mo?" tanong ni Mama sa akin at tumango ako sa kaniya. "Ang sabi niya sa akin kanina ay magpapahinga daw muna siya. Pero huwag kang mag -alala dahil babalik naman daw siya mamayang hapon," sagot naman ni Mama sa akin. "Alam mo ba na buong gabi siyang hindi natulog para lang bantayan ka. Ayaw niyang ilihis ang paningin niya sa 'yo. Talaga bang kaibigan mo lang siya?" tanong ni Mama sa akin muli. "Opo, kaibigan ko lang siya," sagot ko kay Mama at saka ako muling tumingin sa labas. "At saka gising talaga 'yon sa gabi. Sa umaga natutulog 'yon." "So, abnormal siya kagaya mo?" tanong ni Mama sa akin. Tumango na lamang ako sa bilang sagot. Saan kaya siya nagtatago ngayon? Maliwanag pa naman at ang taas nang araw. Sana ay umuwi muna siya sa bahay at kumain ng Betamax. Baka mamaya malusaw na lang siya nang biglaan o kaya maging abo. "Iba kasi siya kung tumingin sa 'yo habang binabantayan ka niya. Habang natutulog ka kagabi, nagising ako ng alas-kwatro kaya naabutan ko pa siya na nakatingin lang sa 'yo at nakahawak sa 'yong kamay," pagkwento niya sa akin. "Naalala ko tuloy ang Papa mo kapag inaalagaan niya ako no'ng nasa tummy pa kita. Kahit may sakit siya no'n, e gumigising talaga siya ng madaling-araw para lang tingnan ang kalagayan ko. Sayang nga lang at bumalik ang kaniyang sakit kaya 'di ka na niya nasubaybayan na lumaki," dagdag pa ni Mama. Nabakas ko ang pagguhit ng kalungkutan sa kaniyang mukha. Sa ganitong sakit din namatay ang Papa ko kaya siguro sobrang lungkot niya. Alam kong nasasaktan si Mama dahil sa mamatay din ako sa parehas na paraan. Hindi na ako 'yong wish come true niya. Dahil iiwan ko rin siya katulad ni Papa. Pero susubukan kong lumaban. Gusto ko kahit may sakit ako mapasaya ko pa rin si Mama at saka si Kwangyeon. "Ma, I'm sorry kasi nagkasakit ako," muli kong sabi sa kaniya. Umupo si Mama sa tabi ko at saka marahang ngumiti. "Hindi mo ginusto ang magkasakit anak." Sagot niya sa akin at niyakap niya ako. "Ang dapat mong gawin ay magpagaling. Lumaban ka para kay Mama. Para makasama pa kita nang matagal," sabi niya sa akin at mas humigpit ang yakap niya sa akin. Buong araw wala akong ginawa kung 'di ang matulog kung dadalawin ako ng antok. Ang gusto ko kasi gising ako mamayang gabi pagbalik ni Kwangyeon. Iminulat ko ang mga mata ko nang makarinig ako ng katok sa bintana ko. Tumingin ako sa bintana at nakita ko si Kwangyeon na nakatayo doon at naghihintay sa akin. "Ano'ng ginagawa mo diyan?" tanong ko sa kaniya at natawa ako. Dali-dali akong tumayo kahit nanghihina para ipagbukas siya ng bintana. "Bakit dito ka dumaan? May pintuan naman sa baba," sabi ko sa kaniya. "Kasi may ipapakita ako sa 'yo," sabi niya sa akin at pumasok siya sa loob ng kwarto. "Ipapakita?" tanong ko pabalik sa kaniya. "Ano naman? Gabi na kaya wala na tayong makikita ngayon," sagot ko naman sa kaniya pero mahigpit lang niyang hinawakan ang kamay ko. "Tuwing gabi lumalabas ang pinakamagandang bagay, Ginny," saad niya sa akin. "Ito na lang ang pwede kong magawa para mapangiti ka," sabi niya sa akin at binuhat niya ako. "Anong ginagawa mo?!" sigaw ko sa kaniya. Naglakad siya papunta sa bintana at tumalon siya mula doon habang buhat-buhat ako. Halos atakehin naman ako sa puso. "Grabe ka, Kwangyeon! 'Pag ako namatay dahil sa ginagawa mo, mumultuhin kita!" sigaw ko sa kaniya. "Manahimik ka na lang. Papasalamatan mo ako 'pag makikita mo 'to," sagot naman niya sa akin. "Heh! 'Pag ako talaga namatay, isusunod kita!" sigaw ko muli sa kaniya. "May sakit ka ba talaga o ano? Ikaw na 'ata ang nag-iisang may sakit na kilala ko tapos ang laki-laki pa rin ng bunganga. Kagatin kita diyan, eh," sabi niya sa akin. "Manahimik ka tapos bitawan mo na ako!" sigaw ko sa kaniya. Laking gulat ko nang binitawan nga niya ako pero sinalo rin niya ako agad. "Kwangyeon talaga bang papaagahin mo ang kamatayan ko?" tanong no muli sa kaniya. He chuckled at me,"Hindi ako tanga para bitawan ka at hindi ako papayag na mamatay ka." Sagot niya sa akin habang nakatingin ng nakakamatay sa aking beautiful and twinkling eyes na para bang may iba siyang gustong sabihin sa akin. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko maintindihan dahil para kasing hindi na si Kwangyeon ang kasama ko ngayon. 'Di ba kasi sa istorya ng Midnight Romance ay masama siyang tao? Nagsimula ang story na masama siya at natapos din 'yon na masama siya. Kahit kailan wala siyang ipinakitang kabutihan, puro kasakiman. Pero bakit sa harap ko ngayon nakikita ko ang kabutihan niya na para bang sa paningin ko sobrang perpekto niya? Niligtas na niya ako ng ilang beses, pinaramdam na importante ako. Hinalikan na rin niya ako at pakiramdam ko sobrang espesyal ng halik na iyon para sa aming dalawa. "Pero talaga bang aalis tayo? Kwangyeon, baka naman mag-aalala si Mama niyan. Umalis lang 'yon para kumuha ng damit sa bahay, e," sabi ko sa kaniya. "Ako'ng bahala. Ibabalik din kita agad. Hindi naman kita kakainin kaya walang dapat ipag-alala ang Mama mo," sagot niya sa akin. "Tara na!" sabi niya sa akin. Aangal sana ako pero tinuloy lang niya ang pagtalon-talon niya. Nakapikit ako habang mahigpit na nakahawak sa balikat niya hanggang sa tumigil na siya. "May magandang lugar sa Joseon na lagi kong pinupuntahan pero 'di naman kita madala doon para gumaan ang loob mo. Kaya dito na lang kita dadalhin," sabi niya sa akin. Tumingin ako sa tinitingnan niya at nakita ko ang sobrang gandang moonlight na nag-re-reflect sa napakagandang view ng city, kaso lang 'di pa kita ang buong buwan. "Ang ganda," sabi ko sa kaniya. Gusto ko sanang bumaba pero nasa itaas pala kaming dalawa ng puno kaya buhat-buhat na lang niya ako. "Mas maganda pa iyan kung lalabas na ang buwan," sabi niya sa akin at inayos niya ang pagkakabuhat sa akin. Tumingin ako sa mga mata niya at nakakita ako ng pag-asa doon. "Alam mo ba? Minsan tinatanong ko sa sarili ko, masama ka nga ba talaga?" tanong ko sa kaniya. " Oo. Sobrang sama ko. Iyon ang alam ko sa haba ng panahon na nabubuhay. Wala akong ibang naalala kundi ang pagiging masama, pagiging makasarili at gahaman, sa kapangyarihan man o sa dugo. Pumapatay ako kahit na anong pagmamakaawa man ang gawin nila. Kahit ginagawa ko matamnan lang ang uhaw na nararamdaman ko," sabi niya sa akin at mas humigpit ang hawak niya sa akin na naging dahilan iyon para mayakap ko siya. "Pero hindi mo ba ginustong maging mabuti?" tanong ko sa kaniya. "Dati noong bata pa ako at baguhan pa lang. Oo, ginusto ko. Umibig ako sa isang tao at ginusto kong magbago dahil sa kaniya. Pero hindi siya naniniwala na kaya kong gawin iyon para sa kaniya. Iniwan niya ako dahil isa akong halimaw. Isa akong masamang nilalang. Kaya hindi na rin ako nagpursige pa," sabi niya sa akin. Tiningnan ko ang sinag ng buwan mula sa mga mata niya. "Ako, naniniwala ako na kaya mong maging mabuti," sabi ko sa kaniya pero tumawa lang siya sa akin. "Naniwala din ako na kaya kong gawin iyan dati pero hindi iyon natupad," sabi niya sa akin. "Kaya mo iyon. Ang gusto ko bago ako mamatay, babalik ka sa Joseon bilang isang mabuting bampira," sabi ko sa kaniya at napatingin siya sa akin. "Hindi ka mamamatay Ginny," sabi niya sa akin. "Saan din ba mapupunta 'to?" tanong ko sa kaniya. "Namatay si Papa kahit ginawa namin ang lahat mapagamot lang siya. Hindi na ako umaasa na gumaling pa, Kwangyeon." Sandali siyang natahimik. Tumingin ako sa kaniya at nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. "Ibaba mo muna ako. Gagawa tayo ng isang promise," sabi ko sa kaniya. "Promise?" tanong niya pabalik sa akin at ibinaba niya ako. Tumango ako sa kaniya. "Iangat mo ang daliri mo nang ganito," sabi ko sa kaniya at pinakita ko ang ginawa ko sa pinky ko tapos ginawa naman niya 'yon. "Tapos pagdikitin natin ang fingers natin," sabi ko sa kaniya at pinag-intertwine ko ang fingers namin. "Ano ba'ng ginagawa mo?" tanong niya sa akin. "Pinky Promise. Ang ibig sabihin nito mangangako tayo sa isa't isa." "Anong klaseng pangako?" "Na kaya mong magbago, Kwangyeon... Naniniwala akong kaya mong magbago." saad ko sa kaniya pero tumawa lang siya na parang nagbibiro ako. "Walang naniniwala sa akin kahit na isa," sagot niya sa akin. "Ako, naniniwala ako na magagawa mo ang pangako mo. Malay mo. Mabago ang ending ng story mo. Hindi matatapos ang story mo na masama ka. Matatapos iyon na kuntento ka sa buhay mo. Matatapos iyon na masaya ka," sabi ko sa kaniya at saka ko siya niyakap nang mahigpit. "Ipangako mo 'yan, ha?" "Maraming salamat sa paniniwala sa akin," aniya. Nabigla na lang ako nang ilapat niya ang kaniyang labi sa aking ulo. Sobrang sarap sa pakiramdam no'n. His lips felt cold but it gave me the warmth that I need. Nagsimulang mag-palpitate ang puso ko nang dahil sa halik na 'yon. A kiss under the moonlight. A special kiss, pakiramdam ko sobrang special ko ngayong kasama ko si Kwangyeon. Parang tumigil ang oras nang mga sandaling 'yon para sa amin ni Kwangyeon. I'm dying but... I never felt this happy in my life, parang pinagbibigyan ako nang diyos na maging masaya kahit malapit na akong mamatay nang dahil sa sakit ko. God gave me Kwangyeon to be happy. He might not be perfect because he was an evil vampire but he had the kindest heart. At masaya ako na nakilala ko siya sa tala nang buhay ko. Tahimik akong inuwi ni Kwangyeon sa hospital ng gabing iyon. Pinatulog din niya ako at umarte siya na parang walang nangyari kaya pagkagising ko parang walang nangyaring takasan at normal lang ang lahat. Pero nang magising 'din ako ay nakita ko si Terri sa aking kwarto. Bored na bored siya habang hinihintay akong magising. "Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya nang makita ko siya sa kwarto. Iritable ding nakatingin si Kwangyeon sa kaniya. "I suddenly felt the urge to visit you. Bigla akong naawa sa'yo kasi mamatay ka na ata." Sagot niya sa akin at mahina siyang tumawa. "'Wag kang magsalita nang ganyan kay Ginny," saad ni Kwangyeon pero muli ay tumawa lang si Terri. "Oh, I'm sorry. Am I insensitive or am I too honest?" Nakangiti n'yang giit sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at pinilit na ngumiti. Tama naman s'ya, I'll die soon. This weakness is slowly eating me alive. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. "By the way, since I am here for the benefit of the doubt. Gusto kong ibigay 'to sa'yo. Hera told us that you love the drama based on this book." sabi niya sa akin. May inabot siyang libro at ang title nito ay Midnight Romance. Ito 'yong libro kung saan galing si Kwangyeon, ang manhwa kung saan base ang dramang Midnight Romance. Napangiti ako ng makita ko ito. "Iyan ang regalo ko sa'yo bago ka mamatay. By the way, sa tingin mo kailan ka mamatay?" tanong ni Terri sa akin. Hindi ako nakasagot kay Terri, sa halip hinayaan ko na lang siya. Isang malaking bagay na rin na nandito siya upang dumalaw sa akin. Malay mo magbabago na siya. Malay mo baka maging kaibigan ko siya. "Ayusin mo ang pananalita mo," sabat ni Kwangyeon. "Nagsasabi lang ako ng totoo. Mamamatay din naman siya soon," sabi niya at tumingin siya sa akin. 'Isang bagay na dapat kong tanggapin. Mamamatay din ako pagdating ng panahon.' "Come on, sanay na si Ginny sa pananalita ko. Gano'n kasi ako 'pag concerned ako sa ibang tao." Sagot nito kay Kwangyeon at ngumiti ito. "Ayus- ayusin mo ang pananalita mo, mortal!" banta ni Kwangyeon. Ngumiti si Terri sa kaniya, isang sweet na ngiti. "Sorry kung iba ang tabas ng dila ko. Pero believe it or not, nag-alala ako kay Ginny kaya h'wag kang masyadong protective sa kaniya. Mas lalo siyang madaling mamatay niyan e." Giit ni Terri sa kaniya at saka ito kumindat. "Sige na Ginny, mauuna na ako umalis. Dadalawin na lang ulit kita." Giit niya sa akin at saka siya nagpaalam. Muli siyang tumingin kay Kwangyeon at saka ngumiti rito. *** THIRD PERSON'S POV LIHIM na napangiti si Terri pag-alis nito ng kwarto. Binagalan niya ang paglalakad dahil alam niya'ng may tatawag sa kaniya. "Sandali lang!" Napahinto siya at lumingon sa taong 'yon. Si Kwangyeon. "Terri, ang pangalan mo diba?" tanong nito sa kaniya. She smiled again, "Oo, bakit?" "Maari bang h'wag mong kausapin si Ginny sa ganoong paraan? Alam kong nag-aalala ka rin sa kaniya. Kaya sana maging sensitibo ka ukol sa kaniya." Giit ng binata sa kaniya. Sumeryoso ang mukha ni Terri at saka nagluha ang mga mata nito. "Nagsisisi ako sa mga ginawa kong pambubully sa kaniya. Pero 'di ko alam kung paano ko 'yon ipapakita. Gusto kong maging kaibigan si Ginny." Sambit nito sa kaniya. "Naiintindihan ko na maganda ang intensyon mo, at alam kong masaya si Ginny na dumalaw ka. Pero sana mas maging mabuti ka pa sa kaniya. Ayokong mawalan siya ng pag-asang mabuhay ng dahil sa mga taong nakapalibot sa kaniya." Giit ni Kwangyeon rito. Napangiti si Terri at saglit na napatingin sa isang blangkong espasyo. Doon ay may inismiran siyang isang binata na nakatitig sa kanila. Kinuha niya ang kamay ni Kwangyeon at saka ito hinawakan, "Pwede mo ba akong tulungan na maging mabuting kaibigan ni Ginny?" tanong ni Terri sa kaniya. "Hindi ko alam kung paano ka tutulungan sa ganyang bagay." sagot naman ni Kwangyeon sa kaniya. "Please... I really want to be Ginny's friend! Please help me!" Terri exclaimed at saka niyakap ng mahigpit si Kwangyeon. "Terri..." napalingon si Terri sa taong tumawag sa kaniya. Isang binata, ngumiti ito sa kaniya at saka lumapit. "What do you need?" tanong niya sa binatang 'yon. The young man smiled at him, biglang naging pula ang mga mata nito. Nagulat si Terri pero tila ba may hipnotismo na nagsabi sa kaniyang tumitig lang sa mga matang ito. "Gusto kong kunin mo si Kwangyeon kay Ginny." "Sino 'yon?" Wala sa sariling tanong ni Terri. "Yung lalaking madalas niyang kasama. Gusto kong agawin mo siya kay Ginny. Gusto kong saktan mo si Ginny, gusto kong makumbinsi mo si Kwangyeon na iwanan siya, Magagawa mo ba 'yon para sa akin, Terri?" Mahinang ngumiti si Terri. "Sure, 'yon lang pala e!" "Great! I will count on you Terri!" "Sige tutulungan na kita. Huwag mo na akong yakapin." Pilit na pinahiwalay ni Kwangyeon si Terri sa kaniya. "Thank you talaga! Don't worry ililibre kita para makabawi sa'yo!" Terri exclaimed. Sa isang tabi naman ay may isang tao na nakangiti at nakatitig kay Kwangyeon at Terri. "Ipagpatawad mo pero hindi ito ang mundo mo. At kahit na kailan hindi papayag ang tadhana na magtagpo muli ang mga landas ninyo ni Miri." *** "KWANGYEON, umalis na tayo dito. Nakikiusap ako." pagmamakaawa ni Miri sa binatang si Kwangyeon. "Nalaman na niya na buntis ako. Kwangyeon, ilalayo niya ang bata sa ating dalawa," saad nito habang umiiyak sa bisig ni Kwangyeon. "Hindi ako papayag na ilayo niya ang magiging anak natin," saad ni Kwangyeon at niyakap ang babaeng mahal niya. "Tumakas na tayo, Kwangyeon, pakiusap," pag-ulit muli ni Miri at hinila siya nito para umalis na sa palasyo ng itim ng bampira. Pero natigil sila nang may sumigaw na kawal. "Miri, ipinag-uutos ng ama mo na lumabas ka na diyan," sigaw ng isang bantay mula sa labas at sunod nito ay pumasok ang mahigit sa tatlumpung kawal. "Hindi ako sasama sa inyo!" pagtanggi ni Miri sa mga ito. Handa nitong ipaglaban si Kwangyeon. Ngayon lang ito susuway sa ama dahil hindi na nito kaya ang mga binabalak nito. "Kwangyeon, huwag kang pumayag na masaktan nila ang anak natin," pakiusap nito sa kaniya. "Hindi niyo makukuha ang mag-ina ko kaya lubayan n'yo na lang kami kung ayaw niyong mamatay!" singhal ni Kwangyeon sa mga ito. Pinipigilan niya ang paglabas ng vampire skills niya. Ayaw niyang makakita si Miri ng dahas dahil sa nagbubuntis ito. "Sumunod ka na lang, binibini kung ayaw mong mapahamak," sagot ng isang kawal. "Hindi ako papayag na saktan n'yo si Miri at ang magiging anak namin!" sigaw ni Kwangyeon. Sobrang lakas ng sigaw niya at dumagundong ito sa loob ng kuweba. Kaya sumugod na ang mga kawal upang lumaban kaso lang hindi nagtagumpay ang mga ito. At sa isang iglap, napatay ang lahat ng mga ito ni Kwangyeon. Ang ilan pa dito ay kinagat niya sa leeg. Tumingin si Kwangyeon kay Miri. "Maari na tayong umalis, mahal ko!" sabi ni Kwangyeon sa babae pero hindi sumagot si Miri. Nanginginig lang itong tumingin kay Kwangyeon. "Nagmahal ako ng isang halimaw," Sa isang iglap lang ay ayaw na nitong tumakas. Kahit na alam nitong bampira si Kwangyeon at napamahal na ito sa kaniya. Ngunit mas malakas pa rin ang takot na nararamdaman nito dahil sa mga nasaksihan. "Tayo na, aking mahal. Tumakas na tayo at lumayo dito," saad ni Kwangyeon sa babae. Lumapit siya kay Miri pero umatras ang dalaga. "Hindi!" sigaw nito nang may buong takot. Muling lumapit si Kwangyeon sa kaniya upang mapakalma ito ngunit takot lang ang pumalibot kay Miri. Walang makita si Kwangyeon sa mga mata nito kung 'di ang takot. "Huwag kang lalapit sa akin," babala nito sa kaniya. "Miri, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" nagtatakang tanong ni Kwangyeon. Pero wala siyang natanggap na matinong sagot galing sa minamahal. "Hindi na ako sasama sa 'yo! Mas mapapahamak kami ng anak ko kapag ginawa ko iyon," sigaw muli ni Miri. Tumingin ito sa paligid at nakita nito ang maraming bangkay ng mga kawal na namatay. Mas lalong tumindi ang kagustuhan nitong tumakas. Mas tumindi ang panandaliang muhi na nararamdaman nito. "Mali na minahal kita. Sana pinilit ko na lang ang sarili ko na hindi mahulog sa 'yo!" sigaw ni Miri na labis na kinagulat ni Kwangyeon. Parang wala sa sarili si Miri. "Mali na inibig kita," muling bulong nito. "Mali na inisip ko na may hinaharap ako kasama ka," sigaw muli ni Miri. "Mabuti naman at napagtanto mo na ang lahat, mahal kong anak." Napalingon si Kwangyeon at dumating ang Punong Ministro kasama ang mga magagaling na kawal. May dala silang mga b***l galing sa kanlurang bansa na mayroong pilak bilang bala. Ito ang tanging bagay na makakasakit sa isang bampira. Kahit 'di nito kayang patayin ang isang Kwangyeon, kaya naman siyang pahinain nito. "Miri, ano ba'ng sinasabi mo? 'Di ba nais mo akong makasama kasama ang anak natin? Tayo na. Tatakas na tayo." saad ni Kwangyeon at inilahad niya ang kamay niya pero tinanggihan ito ni Miri. "Hindi ako sasama sa isang tulad mo na halimaw!" sigaw nito sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD