Chapter 6: f*******n Kiss
"GINNY, dito tayo magtago sa loob, bilis! Dapat 'di nila tayo makita para safe tayo," kinakabahang saad ni Hera sa amin at inaya niya kami sa stockroom.
"Bakit may mga tao sa labas?" tanong ni Knight kay Hera nang marating na namin ang stock room.
"Pinagkakautangan ni Tita ang mga 'yon. Nakabayad na siya sa kanila pero pinipilit nilang singilin 'yong interes at laging nanggugulo dito. Gusto 'ata nila, e buwanang magbayad ng malaking interest sa utang si Tita kahit bayad naman na 'yon," sagot naman ni Hera sa akin.
"'Wag naman po kayong manira ng gamit dito! Ano po ba'ng kailangan n'yo?" nadinig namin na sigaw ng Tita ni Hera sa mga taong 'yon.
"Kukunin namin lahat ng pwede naming mabenta dito!" sigaw ng isang boses lalaki tapos biglaang may gamit na nabasag.
"Dahan-dahan naman sa mga gamit ko! Kunin n'yo na lang ang kailangan n'yo!" nadinig namin na sigaw ni Tita.
"Ang ingay!" Mahinang bulong ni Kwangyeon at inikot niya ang leeg niya, dahilan para tumunog ito.
"Hindi tama 'to. Masisira ang parlor ng Tita mo," sagot ko naman sa kaibigan ko.
"Ang parlor, pwedeng bilhan ng bagong gamit. Eh, 'yong buhay ng Tita ko, hindi naman iyon maibabalik kung gumanti ng personalan ang mga iyan. Si Tita na lang ang mayro'n ako," sabi naman ni Hera sa akin.
Kilala na nalubog sa utang ang Tita ni Hera, pero mabait naman ito at unti -unti nang bumabangon. At ang parlor ang naging simula nila. Pero mukhang hinahabol ng nakaraan ang Tita ni Hera kaya mahihirapan sila. Nabigla na lang kami nang lumabas si Kwangyeon sa kwarto.
Hinila ko ang kamay n'ya upang pigilan siya. "Dito ka lang, Kwangyeon at huwag kang aalis," saad ko sa kaniya.
"Ang ayoko sa lahat may maingay. Papatahimikin ko lang sila. Huwag kang matakot sa kanila," sagot niya sa akin.
"Kwangyeon, baka masaktan ka 'pag nakialam ka pa," pagpapaaalala ko sa kaniya pero nag-smirk lang siya sa akin at saka pinatunog ulit ang leeg niya.
"Kayo ang magtago dahil baka kayo ang masaktan," sabi niya sa akin.Nagkatinginan kami ni Hera at sinundan namin si Kwangyeon. Nakita ko siyang nakatayo na sa harap ng isang lalaki habang nakangiti nang nakakaloko.
"Sino ka at bakit ang siga mo dito sa amin, ha?" sigang tanong ng lalaking 'yon kay Kwangyeon.
"Umalis na lang kayo kung gusto niyong mamuhay nang mapayapa," sagot ni Kwangyeon dito.
"Bakit mo kami pinapaalis, ha? Sino ka ba?!" tanong naman n'ong kalbong may katawan na parang pang bouncer. Tiningnan lang ito ni Kwangyeon at saka ngumiti dito.
"Maingay kayo masyado. Kung may kailangan kayo, kunin n'yo na at huwag kayong manira," sagot ni Kwangyeon, kitang kita na sinusubukan niyang kumalma pero naglalabasan na ang ugat niya sa leeg.
'Trying hard to be calm na lang siya, sana hindi nila makita na vampire siya.'
"Hijo, pumasok ka na lang sa loob. Hayaan mo na lang sila," sabi ng Tita ni Hera pero ngumiti lang si Knight.
"Mukhang matapang ka, ah. Gusto mo bang mabugbog ngayon, huh?" tanong ng lalaking iyon sa kaniya.
"Ako ba talaga ang tinatanong mo niyan?" tanong niya pabalik sa lalaki at saka siya muling tumawa. Bakit ba niya dinadaan sa tawa ang sitwasyon na ito? Hindi nakakatawa ang nangyayari ngayon.
"Matapang ka pala!" sigaw ng lalaki at babalyahan sana ng suntok si Kwangyeon pero nasalag niya ito nang walang kahirap-kahirap. Pirme lang siyang nakatayo habang pinipigilan ang kamay ng lalaki.
"Kunin mo na lang ang gusto mo at payapang umalis dito. Kung ayaw mong baliin ko 'yang kamay mo at mabaliktad ang sitwasyon ngayon," pilyong tugon niya sa lalaking iyon. Nagawa pa ni Kwangyeon na ngumisi kaya napikon 'yong mga lalaking iyon.
"Ang ayoko sa lahat, 'yong di sinusunod ang gusto ko. 'Pag sinabi kong tahimik lang, dapat tumatahimik kayo," sabi ni Kwangyeon rito.
"Masyado kang matapang, bata. Babarilin kita!" sigaw nito kay Kwangyeon at nanginginig na ang kamay nito.
Pero si Kwangyeon ay chill lang na tila ba walang nangyayari. Pangiti-ngiti lang siya. Hinawakan ni Kwangyeon ang b***l nang mahigpit.
"Paano ba ako mapapatay nito?" tanong ni Kwangyeon dito at kinuha niya ang b***l. Kitang-kita ko na binaliko niya ang nguso ng b***l nang walang kahirap-hirap!
"Ang lakas niya, Ginny!" bulalas ni Hera sa akin.
Maging ang Tita ni Hera ay napanganga. Ibinagsak ni Kwangyeon ang b***l sa lapag at saka bumalik sa tabi namin ni Hera na parang walang nangyari.
Tahimik naman na tumayo at nagtatakbo paalis ang mga lalaking iyon. Takot na takot sila at nagsisigawan pa, na tila ba nakakita sila ng isang halimaw. Sabagay, 'di naman kasi tao si Kwangyeon pero ang pogi kaya n'ya para katakutan.
"Hindi ka ba nasaktan?" tanong ko sa kaniya at tumingin lang siya sa akin.
"Marami silang sinira na gamit kaya dapat ay ayusin n'yo na 'to. Ang g**o na rin dito, napakadumi na. Umaalingasaw ang mga gamot." sabi ni Kwangyeon sa akin at naupo siya sa upuan sa may gilid.
"Tita, ayusin na daw natin 'to," sabi ni Hera sa Tita niya.
"Totoo ba ang nakita ko? Binaliko lang niya ang b***l ng gan'on kadali?" tanong ng Tita ni Hera sa kaniya at tumango siya.
"Para siyang si superman tapos ang galing pa niyang makipaglaban," sabi naman ni Hera na manghang-mangha sa ginawa ni Kwangyeon. Lumapit ako sa kaniya at tinabihan.
"Sa susunod 'wag kang lalapit nang gano'n dahil mapanganib. Alam mo bang nag-alala ako sa'yo? Paano kung pinutok niya 'yong b***l at nasaktan ka?" tanong ko kay Kwangyeon.
"Hindi naman ako masasaktan. Kung magamit niya 'yon sa akin ay gagaling agad aking sugat na matatamo. 'Di ba alam mong bampira ako? Bakit ka ba nag-alala sa isang tulad ko?" tanong niya sa akin.
"Siyempre mag-aalala ako sa'yo! Kahit na alam kong 'di ka masasaktan, mag-aalala pa rin ako," sabi ko sa kaniya at bahagyang humina ang boses ko.
"Bakit naman?" tanong niya muli sa akin.
Dahil mahalaga ka sa akin. I was quiet for a while, namuka ako. The fact that the main reason why I would stop is because his important to me is making me uncomfortable.
Nakakahiya.
"Hindi ko din alam pero ayoko lang na masaktan 'yong isang taong naniniwala sa akin, at ikaw iyon," sabi ko sa kaniya. "Kaya sa susunod, please naman, 'wag kang susugod nang gan'on," sabi ko sa kaniya. "'Pag sinabi kong stay, dapat stay ka lang!" sigaw ko sa kaniya.
"Nagmumukha akong aso 'pag kasama kita," sabi niya sa akin at bahagya siyang ngumiti sa akin. "Pwede bang pengeng help? Mahirap maglinis dito. Pwede mamaya na landian? Mga one hour from now na lang, ah?" sabat ni Hera sa aming dalawa, kaya 'ayun tumayo na ako para tumulong sa paglilinis at si Knight este si Kwangyeon, 'ayun nakaupo lang sa gilid na parang hari at nagtuturo kung saang parte ang mga dapat pang malinisan.
UMUWI na kami ni Kwangyeon matapos noon. Masyado akong napagod sa aming ginawang pagliligpit matapos ang makeover niya. Tinanggal ko ang salamin kong suot at tumingin ako sa kaniya."'Wag ka ngang magpanggap na pagod. Wala ka namang ginawa kanina. Nakaupo ka lang doon tapos turo ka nang turo," sabi ko sa kaniya pero nanatili lang siya na nakatingin sa akin.
"Bakit?" tanong ko sa kaniya.
"Miri," tawag niya sa akin at nakita ko ang pagbabago ng expression ng mukha niya. Napalitan ito ng lungkot.
"Hindi ako si Miri, Kwangyeon. Ako si Ginny," sabi ko sa kaniya pero 'yong lungkot at pangungulila na nasa mukha niya ay napalitan iyon ng galit. Oo, tama iyong nakikita kong expression niya.
"Miri, bakit mo 'yon ginawa sa akin?" tanong niya sa akin sa seryosong boses. Ngumiti siya nang masama sa akin at hinawakan niya ang mukha ko. "Lahat ginawa ko para sa 'yo. Pero ano'ng ginawa mo sa akin?" tanong niya sa akin at agad niya akong sinakal.
"Lahat ginawa ko para sayo, pero anong ginawa mo sa akin?" tanong niya sa akin at ibinaba niya ang kamay niya sa leeg ko at agad niya akong sinakal.
"K-Kwangyeon, h-hindi na ako ma–makahinga," sabi ko sa kaniya habang nakapatong siya sa akin at sinasakal ako. Nanlaki ang mga mata ni Kwangyeon at puno ito ng galit.
"Kwangyeon, patawarin mo ako, mahal ko." sabi ko sa kaniya. Laking pagtataka ko naman kung bakit iyon ang aking sinabi,at kusang lumabas sa aking labi ang mga salitang 'yon. At mas humigpit pa ang pagkakasakal niya sa akin. Tumingin ako sa ibaba at nakita kong nag-iba ang damit ko. Para akong nasa Joseon Dynasty tapos naging isang kweba ang lugar. May mga tao sa likod na sumisigaw at nakatingin sa amin.
"Kwangyeon!" sigaw ko nang bumangon ako sa kama.
" Bakit, may nangyayari ba sa 'yo? " tanong niya sa akin at agad niya akong nilapitan. Umiyak naman ako agad dahil sa takot ko sa panaginip ko na iyon. Dahil sa nararamdaman kong sakit, I was sorry. I really don't want to hurt him pero ginawa. That dream feels so real. Mabuti nilapitan niya ako agad para matigil ang pag-iyak ko.
'Ang bango niya talaga. nakakawala pala ng takot ang scent niya.'
"Masamang panaginip lang 'yon, Ginny," aniya.
"Sobrang galit ka daw, tapos gusto mo na akong patayin," muli kong saad sa kaniya. "'Yong sa panaginip ko kasi, ramdam ko 'yong galit mo lalo na no'ng tinawag mo akong Miri," pagkwento ko sa kaniya. Nakita kong nagbago ang expression ng kaniyang mukha.
"Bakit mo naman mapapaganipan ang isang tao na 'di naman konektado sa'yo."
"Sino ba si Miri at gano'n na lang ang galit mo sa kaniya? Bakit galit na galit ka sa kaniya sa aking panaginip?" tanong ko sa kaniya.
"Isa siyang nakaraaan na dapat nang burahin," sagot niya sa akin pero kitang- kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. "Pero kung dapat na siyang burahin bakit ka lumungkot?" tanong ko sa kaniya pero 'di niya ako sinagot.
Alam kong special sa kaniya ang Miri na 'yon. "Hindi totoo ang panaginip mong iyon. Huwag mo na lang 'yon alalahanin, Ginny. Magpahinga ka na ulit," sabi niya sa akin at muli niya akong pinahiga.
"Magpahinga ka na lang ulit," aniya at tumingin siya sa mga mata ko.
"Paano ako magpapahinga kung ganito ang nararamdaman ko?" tanong ko sa kaniya.
"Nararamdaman ko kasi na kailangan mo ako," sagot ko sa kaniya sa 'di ko malamang dahilan kung bakit. Pakiramdam ko kasi basta gano'n na lang. Gusto ko nasa tabi ko lang si Kwangyeon na para bang ayoko siyang pakawalan. May hinahanap ako sa kaniya na parang gusto kong ibalik. Kaya kahit gusto kong matakot sa kaniya ay hindi ko magawa. Kasi hindi takot ang nararamdaman ko sa kaniya. Tumulo ang luha sa mata ni Kwangyeon. Umiiyak ba sa harap ko ang pinakamasamang bampira ng Joseon Dynasty?
Pero bakit siya umiiyak?
"Bakit ka—" natigil ako nang halikan niya akong bigla. Natulala ako at 'di ko na alam ang susunod na gagawin ko. Gumagalaw parehas ang aming mga labi. Saglit siyang tumigil at tumingin sa mga mata ko. Pero imbes na magpaawat ako ay hinalikan ko pa siya nang mas madiin.
SOBRANG tanghali na nang magising ako. Agad kong tiningnan ang relos ko at nakita kong super late na ako para sa school. Dahil sa sakit ng ulo ko at katamaran ko ay napagdesisyonan ko na lang na hindi ako papasok ngayon. Habang nakahiga ako at iniinda ang sakit ng ulo ko, nakita kong lumabas si Kwangyeon mula sa banyo. Bagong ligo pa lang siya at kitang-kita ko ang pagtulo ng tubig sa abs niya.
'Eng sherep. Nawawala agad headache ko.'
Kumuha siya ng damit at isinuot niya ang polo niya nang mapansin niya akong nakatingin sa kaniya. Agad niya akong ningitian.
"Gising ka na pala," sabi niya sa malalim niyang boses.
'Bakit mo kailangan magdamit agad? Nag-eenjoy pa ako, o.'
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin at nagkunot ang noo ko.
Pakiramdam ko?
"Nilagnat ka kagabi matapos natin—" Natigil siya sa sinasabi niya at saka napangiti ulit.
"Nilagnat ako? Bakit hindi ko 'ata naramdaman?" tanong ko pabalik sa kaniya at kinuha ko ang salamin ko para isuot ito. Saka ako tumayo para tumingin sa salamin at nakita kong sobrang haggard nga ng mukha ko at nakita kong namamaga ang labi ko na para bang pinanggigilan ito at may maliit din ito na sugat.
"Hindi mo ba naalala na nagkasakit ka?" tanong niya sa akin at tumango ako sa kaniya.
"Hindi, eh. Akala ko nga mabigat lang ang tulog ko. Para nga akong nanaginip e." sagot ko sa kaniya. I saw him gulp when he heard what I said. Na tila ba may nangyari na gusto n'yang isumbat sa akin ngunit nahihiya siya. Laging prangka si Kwangyeon pero ngayon tila ba natahimik siya.
"May ginawa ba akong kakaiba kagabi?" tanong ko sa kaniya. Paano kasi, ang way ng tingin niya sa akin ngayon, eh 'di ko maintindihan.
"Mabuti naman at wala kang naalala," mahina niyang bulong sa akin.
"Ano?" tanong kong muli sa kaniya.
"Wala lang. Natutulog ka lang tapos nilalamig ka," pag-ulit niya sa akin.
Napakibit-balikat naman ako dahil doon. "Okay. Akala ko may weird akong ginawa," sagot ko sa kaniya.
Hanggang sa may naalala ako. Nanaginip ako na sinasaktan daw ako ni Kwangyeon tapos nagising ako tapos 'andoon daw si Kwangyeon. Nag-usap daw kami, tapos hinalikan niya ako. Nahawakan ko ang labi ko at tumingin ako sa kaniya na pinapatuyo ang buhok niya sa electric fan.
"Ano ba'ng klaseng panaginip iyon?" sabi ko sa sarili ko. Iniisip ko pa rin iyon hanggang sa bumaba ako para kumain ng almusal. Tinulungan ko rin si Mama na mag-impake ng gamit niya dahil aalis din siya ngayong araw para umuwi sa aking Lola sa Nueva Ecija.
KINABUKASAN pumasok ako para sa klase namin dahil may exam kami sa isang major subject. Pinilit ni Kwangyeon na sumama sa akin, kasi para daw mas lumala ang sakit ko dahil sa pagpupuyat na ginawa ko kanina para sa pag-re-review.
Maya-maya pa ay namimikit na ang mga mata ko hanggang sa muntikan akong matumba. Mabuti na lang nasalo ako ni Kwangyeon. Ang gusto kasi niya kanina ay aalalayan daw niya ako dahil sa may sakit ako. Pero tumanggi na ako dahil baka sumabog ang ilong ko sa kilig.
"Okay lang ako. Mainit lang ang weather kaya naduling ako," sabi ko sa kaniya.
"Ganon ba karami 'yong dugo na nakuha ko sa kaniya at nahihilo na siya agad? Maliit lang naman 'yon dahil aksidente kong napanggigilan ang labi niya," nadinig kong tanong niya. Lumingon ako sa kaniya.
"Ano'ng binubulong-bulong mo diyan?" muli kong tanong sa kaniya. Kung tama ang pagkakarinig ko ay pinanggigilan ang labi ang phrase na nadinig ko.
"Wala, huwag mo akong pansinin," pagtanggi niya at nagpatuloy kami sa paglalakad nang mahawakan ko ang labi ko. May maliit na sugat ang labi ko. OMG! Bakit may naalala ako?
'Totoo bang naghalikan kami kagabi?'
Oo, tama ganoon nga ang nangyari sa 'ming dalawa.
"Oh my God," bulong ko sa sarili ko at saka ko binilisan ang aking lakad hanggang sa makapasok ako sa campus. Para akong pagpapawisan sa mga na-realize ko.
Nang dumating ako sa classroom, busy silang lahat na nag-re-review doon kaya naman sumali na ako para hindi ko na rin maalala 'yong naalala ko.
'Nakakahiya kaya, grabe pala 'yong kiss namin kagabi. Feeling ko lafang kung lafang ang naganap. Jusko ang innocent image ko, yuyurakan ng isang bampira.' Tumingin ako sa labas at nandoon si Kwangyeon na nakatayo sa may pintuan.
"Hihintayin ko hanggang matapos 'yang exam mo," sabi niya sa akin. Nabigla naman ang lahat at napalingon sa malalim niyang boses.
Hinalikan niya ako kagabi kasi para akong shunga na nag-iiyak dahil sa natatakot ako na saktan niya ako. Bakit naman ako matatakot na saktan ni Kwangyeon?
"Ano'ng mayroon sa lips mo?" tanong ni Hera sa akin at turo-turo pa ang labi ko.
"Ano pa ba, e 'di nag-kiss sila ni mysterious boyfriend," sagot naman ng isa naming kaklase na sinasabi pa na kakaiba daw ang kagat sa labi ko. Sinabi ko kasing gawa iyon ng ipis pero hindi sila naniwala.
"Gawa ng ipis pero buong labi 'yong namamaga," sabi naman ni Hera. "E, 'di wow!" sunod niyang expression sa akin.
"Grabe na pala ang mga ipis ngayon buong labi na ang nilalafang," sabi naman ng isa naming kaklase at nagtawanan pa sila.
"Manahimik nga kayo ng dalawa! Baka marinig kayo ni Knight," saway ko sa kanila at saka ko itinago ang pamumula ng mukha ko.
'Hindi niya ako hinalikan. Kinagat lang niya ang lips ko. Pero joke lang, nag-kiss talaga kami kagabi.'
Hindi nagtagal dumating na ang professor namin at pinamigay na niya ang exam. Medyo masakit ang ulo ko pero tiniis ko ito sa kalagitnaan ng exam. Lumapit ang professor ko sa akin.
"Ms. Almazan, are you okay?" tanong niya sa akin at tumingin ako sa kaniya.
"Yes, Sir," mahina kong sagot sa kaniya at tinuloy ko ang pag-e-exam. Isa ako sa pinakahuli dahil sa sobrang sakit ng ulo ko at hindi ako makapagsulat nang maayos dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
Ngayon lang ako nakaramdam nang ganito kabigat, at sobrang sakit ng ulo ko. Tumayo na ako para ibigay ang papel sa professor ko nang maramdaman ko na parang pinipiga ang ulo ko. Dumaing ako sa sakit na naging dahilan para makuha ang atensyon ng buong klase.
"Ginny, are you okay?' nadinig ko na tanong ni Luke na agad lumapit sa akin. "I'm going to carry you, okay?" He told me, tumango na lamang ako sa kaniya pero kasabay no'n ay ang pagpintig ng aking ulo.
"Masakit yung ulo ko!" daing ko sa kaniya habang hinahawakan ko ang ulo ko. Bubuhatin sana ako ni Luke.
"Ako na ang bubuhat sa kaniya," nadinig ko ang boses ni Kwangyeon at bago pa man makasagot si Luke ay kinuha na niya ako at agad na binuhat.
"Anong nararamdaman mo?" tanong niya sa akin, "Ang sakit Kwangyeon... sobrang sakit ng ulo ko!" sigaw ko sa kaniya bago ako tuluyang mawalan ng malay.
NADINIG ko ang boses ni Mama at ang kaniyang pagtangis. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Mama na umiiyak habang kausap ang doctor. "Mama," tawag ko sa kaniya. Medyo natagalan siya bago lumingon sa akin. "Ano'ng ginagawa ko dito Mama?" tanong ko sa kaniya.
"Tumawag ang school mo kasi sobrang sakit daw ng ulo mo," sagot niya sa akin.
"Opo, masakit pa rin po hanggang ngayon," sabi ko sa kaniya. Nakita kong tumulo ang luha ng Mama ko.
"Anak, sorry ha? Mukhang napapabayaan na kita. 'Yong tatay mo naman kasi sa dami-dami ng ipapamana ito ba naman ang pinili," sabi niya sa akin. Tumingin ako sa gilid at nakita ko si Kwangyeon na seryosong nakatingin sa amin ni Mama.
"Kwangyeon," tawag ko sa kaniya at tinuon niya ang atensyon niya sa akin.
"Siya ang kasama na nagdala sa 'yo. Ayaw ka niyang iwanan. Sinasabihan ko na nga na umuwi siya para makapagbihis pero dito lang daw siya. Hindi daw siya aalis hanggang 'di ka pa gising," sabi ni Mama sa akin.
'Paano ba yan uuwi, eh sa bahay natin nakatira 'yan, Mama? Minsan katabi ko, minsan nasa banyo. Madalas nakahubad.
"Mama, umuwi na tayo. Manonood pa ako ng Oh My Ghostess!" aya ko kay Mama pero tinawanan lang niya ako.
"Gaga ka talagang bata ka. Kaya ka nagkakasakit dahil diyan sa kalokohan mo," nag-aalang saway niya sa akin.
"Wala akong sakit, Mama. Masakit lang ang ulo ko," sagot ko sa kaniya.
"'Di ba, dok? Wala akong sakit?" tanong ko sa doktor na nakatingin sa akin ngayon na may nakakaawang mukha. Nararamdaman kong may hindi siyang magandang balita.
"Hija, alam kong mabibigla ka pero lumabas sa test mo na may cancer ka at Stage 3 na ito," sabi niya sa akin.
"Ako?" tanong ko sa kaniya at napabangon ako. "Cancer? Impossible naman po 'yon," sabi ko sa doktor at tumingin ako sa Mama ko.
"Hindi totoo 'yong sinasabi niya, Mama, 'di ba? Wala akong cancer!" sabi ko sa mama ko habang umiiyak nang malakas. Walang nagawa ang aking Mama kung hindi ang yakapin ako nang mahigpit at sabihin na magiging okay ang lahat. Pero alam ko hindi na.
'Mamatay na ako at wala ng pag-asa pa.'