Chapter 5: The Vampy Make over
MADALAS siyang naghihintay sa labas ng school ko matapos no'n, minsan magugulat na lamang ako na nasa labas na siya o' di kaya naman nasa harap mismo ng pintuan. Kaya madalas ko nang iwanan ang payong ko para magamit niya. Minsan kasi s'yang nainip at lumabas ng bahay upang hanapin ako. Mabuti nga at hindi siya nawala nang tanungin ko kung paano niya ako nahanap. Ang sabi n'ya ay sinundan lang niya ang amoy ko. Kahit daw madumi ang paligid at namumukod tangi ang amoy ng aking dugo. He didn't find it hard to find me. Hindi ko din alam pero parang binabantayan niya ako at wala siyang pakialam kahit pinagtitinginan siya ng mga tao.
Paano kasi, parang wala s'yang ibang damit na maisuot. Kahit si Hera nawi-weirdo-han na sa kaniya. Sinasabi ko na lang na mas bet niyang ilabas ang katawan niya para manatiling 8 ang abs niya. Mabuti naman malakas ang convincing powers ko at na-convince ko nga si Hera.
Dejoke, uto-uto lang 'yang kaibigan ko kaya naniwala siya.
Ngayon, nag-aaral ako dito sa aking kwarto samantala naman si Kwangyeon ay natutulog sa bathtub ko. Tahimik akong nag-aaral nang makita ko ang robe ni Kwangyeon na nakalapag sa kama. Ugali kasi noong matulog sa CR kapag dumadating ang tanghali, naiinitan din kasi siya at mas malamig daw sa banyo kapag tanghali.
'Mahirap na baka madali ako sa yummy sight na makikita ko sa banyo at baka maubos ang dugo sa obaryo ko 'pag nagkataon.'
Tumayo ako at kinuha ang robe niya at saka ko inamoy iyon.
"Ang baho na pala nito," sabi ko sa sarili ko nang maamoy ko ito. Napatakip pa ako ng ilong ko. Sabagay ilang araw na niya 'tong 'di ginagamit at pinapalitan, I mean weeks na pala.
Medyo matagal na si Kwangyeon sa kwarto ko at siyempre mangangamoy na ang damit niya dahil sa lansa ng mga dugo na tumalsik doon. Amoy 100 centuries na nga, eh. Sa bagay 500 years old na siya. Naglalaba kaya siya ng damit sa Joseon 'pag may time siya?
Napagpasiyahan kong kumuha ng lumang damit ni Papa para maipasuot kay Kwangyeon. Ipalalaba ko muna ang damit niya. Ay, mali! Ako na lang ang maglalaba nito. Baka makita ng Nanay ko na m****o ang history ng damit niya.
Kumuha ako ng dalawang gray na T-shirt at tatlong pantaloon. Kumuha din ako ng dalawang itim na polo. Kahit lumang boxers ni Papa na style 19-copong-copong ay kinuha ko na rin. Mababango ang mga damit na iyon dahil nilabhan iyon ni Mama bago mamatay si Papa. Pagkatapos kong kumuha ng damit saka ko naman ito nilapag sa kama ko.
"Kwangyeon may naki—" natigil ako sa pagsasalita nang makita ko siyang parang batang natutulog sa bathtub. "Kwangyeon," tawag ko uli sa pangalan niya.
"Miri."
"Miri? Sino 'yon? Jowa niya o pinagkakautangan niya?" tanong ko sa utak ko. Nakita ko ang pagbalot ng pagkalito sa mukha niya.
"Miri..." muli niyang bulong. 'Hindi ako masama... hindi ako halimaw..." Lumapit ako sa kaniya. "Kwangyeon," tawag ko sa kaniya at tinapik ko siya para magising. Agad naman siyang nagising at bakas sa mukha niya ang pagod.
"Ano'ng nangyari?" tanong niya sa akin.
"Nanaginip ka 'ata nang masama," sagot ko sa kaniya.
Bumuntong-hininga siya at tumingin sa akin.
"Sino si Miri?" tanong ko sa kaniya at nagbago ang tingin niya sa akin na parang iniiwasan niyang madinig ang pangalan na iyon.
"Bakit ka narito sa kwarto ko? Ano'ng kailangan mo?" tanong niya sa akin para iligaw ang atensyon ko. Baka kakilala lang niya 'yon o kaya jowa na naiwan niya sa Joseon.
"Ikinuha kita ng mga damit kasi mabaho na 'yong robe mo," sagot ko sa kaniya at saka ako tumayo para ipakita ang robe niya. "Ginising kita para hubarin mo 'yong pantalon mo at magbihis nitong mga damit na kinuha ko para sa 'yo."
"Ayoko ang mga damit na gamit n'yo dito sa lugar na 'to. Hindi elegante para sa isang hari na katulad ko," sagot niya sa akin.
"Hindi ka hari, fyi. Bampirang assumero ka lang! Saka magaganda kaya 'yong mga damit iyon galing sa Papa ko," sagot ko sa kaniya at hinila ko siya palabas ng kwarto.
"Mabuti wala si Mama, saka kaunting damit lang ang kinuha ko," sabi ko sa kaniya at kinuha ko ang itim na sweatshirt na gawa sa wool na pagmamay-ari noon ni Papa.
"Bagay sa 'yo, oh!" puri ko sa kaniya habang ini-imagine ko ang itsura niya sa damit na 'yon. Sigurado akong maganda tingnan sa kaniya ang damit na 'yon.
"Ayokong isuot iyan," sabi niya sa akin at tinabig niya ang damit na kinuha ko.
"Isuot mo na kasi para di ka nangangamoy," sabi ko sa kaniya. "Bagay pa naman sa 'yo, oh," sabi ko sa kaniya at pinilit kong ipasok sa ulo niya ang shirt. Para naman s'yang batang nagpabihis sa akin. Nakasimangot pa s'ya at tila wala talaga sa kaniyang loo bang ginagawa niya. Ang cute n'ya.
"Isuot mo 'yan, ha? Saka ito," sabi ko sabay angat ng pantalon. "Para gwapo ka lalo," sabi ko ulit sa kaniya pero inirapan lang niya ako.
Aba! Ayaw niya talaga ha?
"Eh, suotin mo na lang kasi! Para 'di ka kahiya-hiya 'pag tumatambay sa labas ng school!" sigaw ko pabalik sa kaniya. "Mas mukha kang elegante 'pag ganito ang suot mo, promise!" dagdag ko pa sa kaniya.
"Ayoko nga!" pagmamatigas niya sa akin.
"Isuot mo nga sabi, eh!" sabi ko at isinubsob ko ang damit sa mukha niya. Pinigilan naman niya iyon at lumaban ako. Naging dahilan iyon para ma-out of balance kami at matumba sa kama.
"Sabi na ngang ayoko, e!" sigaw niya sa akin pero sinusubsob ko pa rin ang mga damit sa kaniya, hanggang sa kinuha niya ang parehas kong kamay at inihiga niya ako sa kama. Nagkatagpo ang mga mata naming dalawa sa pinaka-awkard na paraan at awkward na posisyon.
Napalunok na lang ako nang magtama ang mga tingin namin.
"NAGUGUSTUHAN mo ba ang liwanag ng buwan?" tanong ni Kwangyeon habang nakatingin sila ni Miri sa magandang moonlight. Magkayakap sila sa gitna ng payapang gabi. Nagpapahinga sila matapos ng gabing pinagsaluhan nila.
"Mas maganda pala siyang pagmasdan kapag kasama mo ang taong mahal mo," sagot ni Miri sa kaniya.
"Balak ko nang tumigil sa ginagawa kong pagmanipula sa hari," saad ni Kwangyeon sa babae.
"Ano'ng ibig sabihin mo?" tanong ni Miri sa kaniya.
"Gusto ko na ng panibagong buhay kasama ka. Gusto kong maranasan ang maging tao kahit na isa akong halimaw," sagot ni Kwangyeon rito.
"Hindi ka halimaw, mahal ko." bulong ni Miri sa kaniya. "Isa kang nilalang na marunong magmahal. Mas higit ka pa sa mga tao."
"Sana nga. Sana nga matanggal ng pagmamahal mo ang kaitiman ng kaluluwa na mayroon ako," sagot ni Kwangyeon at hinalikan niya sa ulo ang dalaga. Nang matapos ang gabing iyon ay inihatid na ng bampira ang dalaga sa tahanan nito. Masayang nagpaalam si Miri kay Kwangyeon at tumingin sa malaki nitong tahanan. Bukas pa ang ilaw sa silid ng ama nito. Nawala ang ngiti sa mukha ng dalaga dahil doon. Umalis na si Kwangyeon at nagpatuloy si Miri sa paglalakad.
"Hindi mo naman siguro nakakalimutan ang misyon mo?" tanong ng ama ni Miri.
"Hindi ko nakakalimutan na binenta mo ang kaluluwa ko sa sa isang bampira," sagot ni Miri na may puot sa puso.
Inutusan ng Punong Ministro ang anak nito na akitin ang bampira upang magkaroon ng anak ang dalaga dito. Dahil ang dugo na nanggaling kay Kwangyeon mismo ang maaring makapatay sa binatang bampira.
"Ayusin mo ang pananalita mo!" sigaw ng matanda sa dalaga. Lumapit ang alipin ni Miri at yumuko ito bilang senyales ng paggalang. Inabot nito kay Miri ang bulaklak na galing kay Kwangyeon.
"Itapon mo 'yan," seryosong utos ng dalaga sa kaniyang alipin.
"Tandaan mo, Miri. Kailangang mapasaakin ang trono ng hari. Kailangan ko ang anak ng bantay upang mapatay siya," sagot ng ama ni Miri.
"Wag kang mag-aalala ama, sisiguraduhin kong madadala ko ang anak ng bampira. Maghintay ka lang," sabi ni Miri at pumasok na sa sariling kwarto. Napabuntong-hininga na lang si Miri at lihim na napangiti.
***
Ginny Almazan Point of View
"ANG weird talaga ng boyfriend mo," sabi sa akin ni Hera habang nasa classroom kami.
"Hindi ko nga siya boyfriend," sagot ko naman sa kaniya.
"Anong hindi? Halata nga kayo kaya huwag ka nang tumanggi!" muli niyang asar sa akin.
"Nakikitira nga lang siya sa bahay," sagot ko naman sa kaniya.
"Nakikitira? Jusme, Ginny. 'Di ako maniniwala na nakikitira lang 'yan tapos ganyan kagwapo! 'Wag mo akong niloloko, ha? Don't me, Ginny. Don't me!" saad niya sa akin. "Ilang buwan na kayong momol?!"
"Alam mo 'yang utak at bunganga mo bagay talaga sa isa't - isa e. Parehas mataba. Magkaibigian lang kami."
Inikot ko naman ang mga mata ko. Itong babaeng 'to ang dumi ng utak kapag nagco-conclude, e. Nakakaloka na, ha?
"Anak siya ng kumare ni Mama," dagdag ko muli sa kaniya.
"Sinungaling," sagot niya sa akin at saka niya ako tiningnan. "Nakapag-online ka na ba?" tanong niya sa akin at umiling ako sa kaniya.
"May bagong balita ba? Ang huling news ko lang, eh magde-debut daw ang EXO sa Japan. Alam mo ba mukhang bunot si Suho doon sa teaser photos nila tapos ang hot ni Kai? OMG!" sagot ko naman sa kaniya.
"Gaga, Exo'rdium na ang balita ngayon tapos Love Me Right Japanese version ka pa rin. Nagpakita na daw ng abs si Baekhyun at Chanyeol. Unti-unti nang nagiging porncert ang Exo'rdium!" balita niya sa akin.
"Aba, talaga?! Ay bet ko 'yan! Patingin ng abs ni Baekhyun! OMG! Naghubad din ba si Lay? Eh, si Jongdae? Si Kyungsoo pa. OMG! I need HD pictures." sabi ko sa kaniya at nangisay na ako sa sobrang kilig.
Paano kasi no'ng EXO'luxion, e nag-promise si Baekhyun na ipapakita na niya ang nuttella abs niya.
"Pero hindi 'yon ang balita," sabi niya dahilan para kumalma ako.
"Ha? Eh, ano ang balita? Nabuntis na ni Chanyeol si Baekhyun?" tanong ko sa kaniya. Binatukan naman niya ako.
"May kinalaman sa Midnight Romance, kay Papa Hee Yeol," sabi niya sa akin. Agad naman akong nakinig sa balita na gusto niyang sabihin sa akin.
"Nasa hospital daw si Jonghyun at comatose. Kaya pala natigil ang shooting ng Midnight Romance," sabi niya sa akin habang inaayos niya ang bangs niya.
"Si Jonghyun? Hala, pabebe naman masyado," sagot ko sa kaniya sa pasigaw na boses.
"Bakit naman siya comatose?" tanong ko sa kaniya.
"Nakita 'yong katawan niya sa isang balon. Palutang- lutang ng ilang days pero 'di pa pala deads. Miracle, ano?" sabi niya sa akin. Napatingin ako sa kaniya ng nanlaki ang mga mata ko.
"Ano pa'ng nangyari?" I asked her again.
"Ang sabi, aksidente daw 'yon. Nalaglag daw siya habang nakatingin do'n sa balon. Akala no'ng staff nawawala lang. Tapos after two days, nakita nila siya. Akala nga nila patay na pero laking gulat nila nang may pulso pa at sinugod sa hospital. Kaya canceled ang shooting. Ngayon lang nila nilabas 'yong details para di masyado mag-make ng fuzz," pagkwento niya sa akin.
"Saka napansin mo ba? May pagkakahawig sa boyfriend mo si Jonghyun ng slight?" dagdag pa niya sa akin.
Inikot ko ang mata ko. Kahawig? Heller? Mas gwapo naman si Kwan—este si Jonghyun—doon sa pabebeng vampire na iyon 'no?
"Kung wala kang magandang masabi, shut up ka na lang!" sagot ko sa kaniya. Ngumuso naman siya sa akin kaya binato ko ng libro ang lips niya.
"'Yong boyfriend mo, hindi ba siya adik?" tanong muli ni Hera sa akin. Natawa ako sa kaniya.
"Hindi ko nga siya boyfriend, e!" pagtanggi ko ulit sa kaniya.
Isa pa talagang buyo nito na boyfriend ko si Kwangyeon, e jojowain ko na talaga 'yong bampirang 'yon pero joke lang 'yon. Masaya na ako at may kaibigan akong vampire na gaya niya.
"Hindi naman, kahit lumabas naman siya sa lap—este kahit mukha siyang baliw, eh matino naman siya," sagot ko sa kaniya. "Hera, pwede mo ba akong tulungan?" tanong ko sa kaniya.
"Tulungan sa alin?" she asked me back.
"Tulungan mo naman ako na i-makeover siya. 'Di ba may parlor kayo?" tanong ko sa kaniya.
"Sige, basta ikaw!" sagot niya sa akin tapos ay kinindatan niya ako.
Nang mag-uwian as usual ay nandoon na naman si Kwangyeon pero hindi niya dala ang payong kasi gabi naman na at 'di siya masusunog.
"Girl, ang gwapo niya sa suot niya. In fairness, naisip niyang magpalit ng damit. Bet ko 'yan, ah," sabi ni Hera sa akin. Suot na kasi ni Kwangyeon 'yong mga damit na binigay ko sa kaniya. Kumportable niyang suot iyon habang nakatingin sa akin. Mahina siyang ngumiti at naglakad papunta sa direksyon ko. Hindi ko mapigilan ang mamula dahil sa mga tingin niya sa akin.
'Bakit feeling ko ay ang suwerte ko?'
"Oh, s**t, gerl! Ang sarap ng boypren mo este—ang sarap pala pag may boyfriend na sumusundo sa 'yo," bulong niya sa akin.
"Tumahimik ka nga diyan. Baka marinig ka niyan, nakakahiya," sagot ko sa kaniya.
"Aminin mo na. Ang sarap sa pakiramdam, 'no? " sagot niya sa akin..
Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Nakalapit na si Kwangyeon at marahan na itong ngumiti.
"Anong masarap sa pakiramdam ang pinag-uusapan niyo? Ako ba? Madalas ko kasi naririnig sa mga tao na masarap daw ako. Ano bang ibig sabihin ng masarap ako?" tanong niya muli sa amin.
"Papatayin kita, Hera..." Sabi ko kay Hera at saka ako ngumiti ng pilit. "Umuwi ka na. Kailangan na kita sa bahay," utos niya sa akin. Banas ko pa ang pagkabagot niya sa boses niya.
"Anong uuwi? Hindi tayo uuwi. May gagawin tayo," sagot ko sa kaniya. Kinindatan ko siya.
"Teka lang!" Bulalas ni Hera at umikot siya kay Kwangyeon. "Girl, alam ko na ang bagay na hairstyle sa boyfriend mo!" sigaw ni Hera sa akin.
"Hindi ko nga siya boyfriend!" sigaw ko sa kaniya.
"Ano ba 'yong boyfriend? Bakit lahat ng napapadaan sinasabi at tinatanong kung boyfriend mo ako?" tanong ni Kwangyeon sa akin.
"Wala lang iyo—"
"Ang boyfriend parang ano siya, kasintahan, nobyo, iniibig. 'Di ka ba marunong mag-English o sadyang makaluma kang tao at kailangan i-translate lahat ng terms sa 'yo?" tanong ni Hera sa kaniya.
"Kasintahan ni Ginny? Hindi niya ako kasintahan," sagot ni Kwangyeon sa kaniya.
Hinarap ko si Hera at saka ako bumelat sa kaniya kahit na-hurt ako ng slight nang itinanggi ako ni Kwangyeon.
"Sabi sa 'yo, eh. Hindi ko siya boyfriend!" sabi ko kay Hera.
"Espesyal siya sa akin ngunit hindi ko siya kasintahan," muling tugon ni Kwangyeon. Namula naman ako dahil doon.
"Oh, 'di ba? Wala lang?" sabi ko kay Hera.
"Hindi, eh. May tinatago talaga kayong dalawa, eh. May lihim kayong malupit na dapat kong malaman. Ginny, sabihin mo na lang kasi ang totoo. Baka mamaya magulat na lang ako buntis ka na at ikakasal ka na. Naku! Ga-graduate pa naman tayo," sabi muli ni Hera.
Nagkunot ang noo ni Kwangyeon at tumingin sa akin.
"Huwag mo na lang pansinin 'tong kaibigan ko. Madumi utak nito," sabi ko kay Kwangyeon at hinigit ko ang kamay niya.
" Tara na nga! Magmeme-makeover pa 'yang boyfriend mo," sabi niya sa akin.
"Ano 'yung makeover?" tanong ni Kwangyeon sa akin.
"Hindi pwedeng mahaba 'yang buhok mo. Papagupitan natin para tumino 'yang itsura mo. Tapos, papa-groom 'din kita kahit 'di ka aso," sabi ko sa kaniya. Nagkunot ang noo niya at hinawakan niya ang buhok niya.
"Hindi pwede ang gusto mong mangyari! Ang buhok ko ang nagsisimbulo ng taas ng aking pwesto sa palasyo," pagtanggi niya sa nais kong gawin.
"Walang palasyo dito kaya ako ang masusunod," sagot ko sa kaniya at muli kong hinigit ang kamay niya, para gawin niya ang gusto ko.
Buong oras na naglalakad kami ay para siyang nakikiusap na huwag na lang ituloy. Pero kapag sinisigaw ko na magpapagupit siya sa ayaw at sa gusto niya, nawawala ang pagiging kontrabida at siga at nagiging puppy siya sa harap ko.
"Huwag mo na kasing galawin ang buhok ko. Ginny, maawa ka sa akin. Isa akong hari. 'Di dapat ito nangyayari sa akin. Ako ang tunay na hari! Ako ang tunay na hari!" pagmamakaawa niya sa akin hanggang sa marating namin ang parlor nila Hera.
"Oh! Hera, sino 'tong gwapong kasama mo?" bungad ng Tita ni Hera.
"Ah! Boyfriend po siya ni Ginny. Si Knight ang boyfriend ni Ginny." sagot naman ni Hera.
"Hindi ko nga siya boyfriend, Tita!" sagot ko sa Tita niya at saka ako ngumiti.
"Hindi ko nga siya boyfriend," sagot ko na naman sakaniya.
"Kwangyeon ang pangalan ko at hindi Knight, Ginny. Bakit ibang pangalan ang sinabi mo?" sabi niya sa akin.
"Siyempre, kailangan nating magsinungaling ng kaunti tungkol sa identity mo, no? Gusto mo bang malaman nilang bampira ka na lumabas sa laptop ko?" tanong ko pabalik sa kaniya.
"Hindi naman ako natatakot kung malaman nilang ako si Kwangyeon. Sobrang makapangyarihan ako at pwede ko silang patayin!" sagot niya sa akin. Napa-facepalm na lang ako sa pagkasabi niya sa akin ng dahilan niya. Feeling niya 'ata good idea iyon.
"Ano'ng gusto n'yong gawin sa kaniya?"
"Makeover po sana Tita e. Alam mo para magmukha naman siyang tao," sagot ko kay Tita, tumango-tango naman ito sa akin habang pinagmamasdan si Kwangyeon. Mukhang wala naman ng kailangang ayusin sa kaniya pwera sa isang bagay. Hmm, kailangan nating gupitin ang kaniyang buhok," sagot ni Tita sa akin at saka niya inikutan si Kwangyeon. "Payag ka ba do'n Ginny?" tanong niya sa akin.
"Tita, gawin mo ang best mo, ha? Gawin mo siyang pogi," sabi ko kay Tita at hinila ko si Kwangyeon para paupuin.
"Ayoko Ginny. Ayokong ipagupit ang buhok ko," sabi niya sa akin at muli siyang tumayo.
"Hep!" pagpigil ko sa kaniya.
"Talaga bang ginagawa mo sa akin ito? Isa akong bampira, Ginny!" sigaw niya sa akin.
Napatingin si Hera at ang tita niya sa akin. "Joke lang 'yon. Alam niyo naman 'to mahilig magcosplay. Naka-on character lang siya. Gagayahin niya kasi ang bida sa Black blood brothers." At tumingin muli ako kay Kwangyeon.
"'Pag sinabi kong magpapagupit ka ay iyon ang gagawin mo!" sigaw ko sa kaniya at pinandilatan ko siya ng mata.
"Bakit mo ba akong laging sinisigawan? Bampira ako. Dapat takot ka sa akin. Bakit ka ba ganyan?" mahina niyang tanong sa akin.
"Tita, gupitan mo na nga siya, please," sabi ko sa Tita ni Hera.
"Okay. At ikaw, Knight relax, okay? Mas lalo kang magiging handsome 'pag ginupitan na kita," sabi naman ng Tita ni Hera.
Naupo muna kami ni Hera sa isang parte ng salon at nagbasa ng magazines. Nagsimula naman na si Tita na ayusan ng buhok si Kwangyeon dahil parang marami itong tatanggalin na long hair mula sa kaniya.
Matagal ang inabot nila. Pinagtripan kasi ni Tita na kulayan ng medyo brown ang buhok nito para daw mas pogi siyang tingnan.
"Ako na'ng bahala sa Kwangyeon mo. Free na ang makeover niya. Basta 'pag 'di ka na virgin, i-report mo sa akin," sabi ni Hera sa akin.
"Friend, gusto mong mamatay? May gunting dito baka masaksak kita." Masaya kong tanong sa kaniya.
"Ito naman, friend! Joke lang 'yon pero seryoso 'yong libre. Gusto mo rin ba ng foot spa with massage? Huwag mo lang akong patayin, friend!" pakiusap niya sa akin.
"Good friend, I love you. Salamat, ha? May kiss ka later!" sagot ko kay Hera at saka kami nagbasa ng Sparkling habang naghihintay. 'Yong EXO'Luxion in Manila na article ang binasa namin kahit bitter kami kasi Team Bahay kami no'ng concert nila.
"Girls, tapos na ang makeover ni Knight!" announce ni Tita sa amin.
Nakatalikod si Kwangyeon at dahan-dahan na humarap sa akin.
"Wow," bulong ni Hera nang makita niya ito. Ang seryoso ng mukha ni Kwangyeon na para bang may modelo na nakatayo sa aking harap. 'Di ko mapigilan ang mapanganga sa kakisigan na taglay nito. Hinawakan niya ang batok niya at parang nahihiya na tumingin sa akin.
'Emegheed, Lord. What did I do to receive this oh-so bountiful blessing?'
"He's hot," muling bulong ni Hera sa akin.
"Maayos ba ang itsura ko?" tanong ni Kwangyeon sa akin. Dahan-dahan akong tumango sa kaniya habang nakanganga nang slight.
'Bakit ganito siya? OMG! Kontrabida ba talaga siya? Why does he look like an angel?'
"Oo, mas maganda na ang itsura mo ngayon," sagot ko at saka ako lumapit sa kaniya. Nabigla na lang kami nang may biglaang sumigaw.
"Hoy! Matilda, magbayad ka na ng utang mo," sigaw ng isang lalaki sa pintuan, kasabay no'n ay ang pagkalabog sa pintuan.
"Sino iyon?" tanong ni Kwangyeon at agad niya akong dinala sa likod niya.
Nabigla naman ako sa kinilos niya at bahagyang kinilig.'Protective siya of me. OMG!'
"'Yong mga basagulero," sagot ni Tita sa amin.
"Magtago kayo sa loob, mga bata," sabi ulit ni Tita at tumango naman si Hera.