Chapter 4: Suspicious
"SAAN ka pupunta?" Nakasukbit na sa aking balikat ang bag ko at handa na akong bumaba para pumasok ng maalipungatan si Kwangyeon at saka tumingin sa akin, dahil madalas tulog si Kwangyeon sa umaga, 'di na niya naabutan na pumasok ako sa school, minsan pagdating ko pagising pa lang siya. 6PM ang uwi ko sa bahay at alas- syete naman ng umaga ang pasok ko.
"Papasok na po ako sa school."
"Pupunta ka pa rin doon kahit na 'di ka pa nakakatulog ng maayos?" tanong niya sa akin.
"Sanay ako sa puyatan no? Minsan nga alas-singko na ako ng madaling araw natutulog kapag nanonood ako ng drama. Sige na, mauna na ako." Sambit ko sa kaniya at saka ako ngumiti.
"Sandali lamang!" Giit niya at saka siya nagteleport sa harap ko. "Bakit? May gusto ka ba?" tanong ko sa kaniya.
"Kaya mo ba talagang pumasok?"
"Oo naman, kaya ko! At saka pwede naman akong matulog sa jeep at LRT kaya huwag kang mag-alala sa akin. Kolehiyo na ako kaya 'di din masyado malaking deal kapag nahuli ako sa klase." Napalunok siya sa harap ko.
"Pero... Huw-- Dito ka... Ano..."
"Ano? Diretsahin mo na ako?"
"Pwedeng huwag ka na lang pumasok?" Napangaga ako sa kaniyang tanong sa akin.
"Hindi pwede no? May quiz kami sa Literature ngayon. Ano bang pumasok sa isip mo at ayaw mo akong papasukin ngayong araw?" tanong ko sa kaniya.
"Wala lang... Gusto ko lang na magpahinga ka. Sa kama ka--kasama... sa ta--- basta gusto kong magpahinga ka!" sambit niya sa akin habang namumula ang tainga niya. Napangiti ako at saka hinawakan ang pisngi ko, pakiramdam ko sasabog ako sa pula dahil kinikilig ako.
Gusto ba niya akong makasama?
"Pwede bang sumama ako sa'yo? Sasama ako sa tinatawag mong school?" tanong niya sa akin.
Nanlaki ang aking mata dahil sa kaniyang tanong. "Teka, gusto mong sumama sa aking school?"
"Oo, ihahatid kita. Ano... para habang nasa daan ka maari kang matulog ng walang inaalala."
"Hindi pwede!" Ano na lamang ang iisipin ng mga tao kapag nakita nila na kasama ko siya. I mean wala namang mali sa itsura ni Kwangyeon. Gwapo, medyo long haired, macho, dream guy, antipatiko, masungit, nakakaakit kahit walang ginagawa pero nakasuot siya ng itim na pantalon at bathrobe. At kahit ang weird no'n tingnan e sobrang hot pa rin niyang tingnan.
Paano kung maagaw siya sa akin dahil temptation is everywhere--- that's not the case!
"Sasama ako sa ayaw mo at sa gusto."
"Pero bampira ka, baka masinag at malusaw ka."
"Nakikita ko sa telebisyon na may gamit kayong pananggalang. Gagamitin ko ang ganoon mo para 'di ako masaktan." Sabi niya muli sa akin.
"Kwangyeon!"
"Ayaw mo ba akong sumama sa'yo?" tanong niya sa akin.
"Hindi sa ayaw ko... pero..."
"Sasama ako sayo, Ginny. Sasama ako sa'yo." Sambit niya sa akin at saka niya kinuha ang payong ko na nakapatong sa aking study table. Binuksan niya ang bintana at saka ang payong. "Hihintayin kita sa labas." Giit niya sa akin at saka siya tumalon palabas ng kwarto ko.
Rinig na rinig ko ang pag-inda niya sa sinag sa araw. Nagmadali naman akong bumaba para sundan siya. Hindi na nga nakapag-paalam kay Mama na busy sa paglalaba niya.
"Kwangyeon, sigurado ka bang gusto mo sumama sa akin kahit tiriki ang araw?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at saka niya ako pinayungan rin.
"Isa akong bampira at walang kamatayan. Ang init na 'to ay balewala lamang para sa akin." Giit niya muli. Naglakad kami papunta sa sakayan ng jeep para makababa sa LRT station. Kung nakakamatay lamang ang titig malamang kanina pa dead on the spot si Kwangyeon. Ang weird man ng suot niya, pero ang daming tila ba uhaw na nakatitig sa kaniya.
Si Kwangyeon naman ay nakatitig din sa paligid. Lalo na magjowa na nasa tapat namin. Natutulog ang babae sa balikat ng boyfriend niya. Tumingin sa akin si Kwangyeon at saka hinawakan ang ulo ko na tila ba gusto niya ako isubsob sa balikat niya.
"Ano bang ginagawa mo?! H'wag mo nga akong sungalngalin."
"Pinagpapahinga ka..." Giit niya sa akin.
"Hindi ako inaantok, okay?"
"Pero dapat kang magpahinga. Gayahin mo siya o' nagpapahinga. Higa ka din sa balikat ko." Aya niya sa akin na tila ba napakagandang ideya na papulahin ang pisngi ko.
"Ano ba hindi natin sila pwedeng gayahin!"
"Bakit? Ginagawa nila kanina pa yan kaya gayahin na lang natin. Matulog ka sa aking balikat." At muli niya akong sinungangal sa kaniyang balikat.
"Hindi nga pwede!"
"Miss pagbigyan mo na ang boyfriend mo. Gusto atang maglambing sa'yo." Sambit ng magjowa na kanina pa tinititigan ni Kwangyeon.
"Hindi... haha... Hindi ko siya jowa." Nagpasubsob na lang ako at nahiga sa balikat niya."Kung ano man ang kahulugan ng jowa na 'yan. Isipin mo na lang na ganoon ako para makasandal ka sa akin." Mahina akong napangiti habang maingat niyang hinahawakan ang aking ulo.
Naging maayos ang aming byahe sa jeep at sa LRT. Ilang beses ko kailangan ipaliwanag na pupunta kami sa cosplay convention kaya ang lakas niya magpakita ng katawan sa daan. Nakarating na kami sa school kaya humarap ako sa kaniya.
"Hindi ka na pwedeng pumasok dito sa loob. Bawal ang walang ID." Giit ko sa kaniya at saka ko tinutok ang payong sa kaniya.
"Bakit naman bawal ako pumasok?"
"Hindi ka estudyante dito." sagot ko sa kaniya. Isinama ko siya papunta sa school pero 'di ko naisip na kailangan niyang umuwi. Dadating ang tanghaling tapat at sobrang init no'n. Kailangan niya ng lugar na kasing dilim ng kwarto ko para lang maging kumportable.
"Maghihintay na lamang ako sa labas, Ginny. Hihintayin kita dito hanggang matapos ang school mo." Giit niya sa akin. Napakagat ko ang aking labi. Kahit kasi ang weird ng suot niya at pinagtitinginan kami ng tao, balewala 'yon. It feels like I am drowned with his eyes, with his eagerness to be with me.
Gusto ba talaga niya ako makasama ngayon?
"Ginny! Ginny!" Habang namumublema at kinikilig ako at the same time ay nadinig ko ang boses ng aking kapwa kpop and kdrama fan na si Hera. Bago pa man ako makalingon ay malakas na niya akong nabatukan.
"Aray naman!"
"Oy Gaga, may jowa ka na pala!" bungad niya sa akin. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko siyang nakatitig kay Kwangyeon. Tinitingnan ito up and down, left and right with matching tirik ng mata.
"Paano ka naging jowa ng friend ko? Anong gayuma ang ginawa niya sa'yo?" tanong niya muli kay Kwangyeon.
"Ga- gayuma? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo pero, talaga bang bawal akong makapasok dito? Gusto ko kasing samahan si Ginny ngayong araw dahil kulang ang kaniyang tulog?" inosenteng tanong ni Kwangyeon sa kaniya.
Nanlaki ang mata ni Hera. "Gusto kong humiga siya sa balikat ko habang nandito." Dagdag pa nito muli. Napa-face palm na lamang ako dahil sa pinagsasabi ni kwangyeon. Diyos ko! Dahil 'to sa mga nangyari kagabi.
Dahil ata ito sa pagbuhat niya sa akin. Diyos ko! Nag-aalala na ako sa sarili ko dahil sasabog na ako sa sobrang kilig at saya.
"Ow...Okay.. May entrance sa may pantry. Kung gusto mo talagang well... makasama ang friend ko. Pwedeng doon tayo dumaan, okay?" sagot ni Hera sa kaniya.
'Maraming salamat, Binibini. Dahil diyan, 'di ko sisipsipin ang du--" Tinakpan ko ang bunganga ni Kwangyeon at saka siya hinila sa daanan na sinasabi ni Hera.
WALA akong naging choice kung 'di ang paupuan sa likuran ng classroom si Kwangyeon. Tahimik lang naman siya na nakaupo habang pinagmamasdan ang aking mga kaklase na pinagmamasdan din siya. Hindi ko na rin alam ang isasagot ko kay Hera sa mga tanong niya ukol kay Kwangyeon.
Napabuntong hininga na lamang ako. "Balita ko boyfriend mo daw 'yan?" Napatingin ako sa nagtanong at nakita ko si Terri, ang dati kong kaibigan noong highschool. Our friendship fall out dahil sa katotohanan na naging popular siya sa campus. Being with me is not good for her image ika nga.
Napalunok ako. "Anong pakialam mo?" tanong ko sa kaniya. She smiled at me, "Well, it would be nice if he's not with you. If I were you let him go." Sagot niya sa akin at saka siya tumalikod mula sa akin.
"Talagang bitter 'yang si Terri sa'yo ha? Hindi ba niya matanggap na mas out of this ang kagwapuhan ng jowa mo?" tanong niya muli sa akin.
"Hera, hindi ko siya boyfriend. Ilang beses ko bang sasabihing hindi?!"
"Kailangan niya kasing sumandal sa balikat ko habang nasa school siya!" panggaya niya sa sinabi ni Kwangyeon sa kaniya kanina.
"No, he's not." Saad ko at saka ako tumingin kay Kwangyeon na nakatayo sa tabi ng ka blockmate namin na nagdo-drawing sa gilid. Pinapanood niya ito kaya naman nati-tense yung tao. Imbes na anghel yung dinodrawing e nagiging demonyo.
Natahimik ang lahat ng may pumasok sa aming classroom. It was man, a new face at our block. Tumingin ako sa kaniya at tumingin din siya sa akin. He smiled sweetly at saka lumapit sa upuan sa tabi ko. "Is this seat taken?" tanong niya sa akin.
Umiling ako sa kaniya bilang sagot. "Hindi naman."
"Great. Hi, My name is Luke, I'm a transfer student." Pakilala niya sa kaniyang sarili. "Hi, Ako si Ginny at ito ang kaibigan ko si Hera. Anong course mo?" tanong ko sa kaniya. Hera said a quick hi at saka ito ngumiti kay Luke na transfer student.
He's friendly. Nakakatuwa naman.
"I'm taking up Fine arts. Ikaw?"
"Journalism." Sagot ko naman sa kaniya. "Let's be friends. I hope you can show me around the campus if you have time." He told me at saka niya inilabas ang kaniyang notebook. Sasagot sana ako pero biglang nasa likod ko na si Kwangyeon. Napatingin ako sa kaniya, "Diba sabi ko sa likod ka lang?" tanong ko sa kaniya.
"Ako ang nakaupo sa upuang yan. Umalis ka diyan." Sabi niya kay Luke.
"Doon ka lang sa likod. Hindi ka pwedeng mapansin ng professor namin kita mong naka-costume ka!" singhal ko sa kaniya.
"Pero paano ka sasanda---" Napahilamos na lamang ako. Bakit ba wala siyang topak ngayon? Ngayon ko kailangan ang topak niya. Ngayon!
"''IS he your boyfriend?" napatingin ako sa nagsalita sa aking tabi. Kahapon ay dinala ko si Kwangyeon sa school, na 'di ko naman dapat ginawa pero dahil marupok ako, ginawa ko. He ended up seating at the back and sleeping all day long. Nagising siya pagkatapos ng klase namin. Mabuti 'tong system ng campus e 'di kami ang lilipat ng classroom. Napabuntong hininga na lamang ako. "Ano?" tanong ko muli. It's Luke, pangalawang araw pa lang niya sa school pero pakiramdam ko matagal na kaming magkakilalang dalawa.
"Yung kasama mo kahapon, yung nagko-cosplay. Is he your boyfriend?" tanong niya muli sa akin.
"Hindi... pero sana..." nakangiti kong giit sa kaniya. "Ba't mo natanong?" I asked him again.
"It seems like sobrang close niyo e. What was his name? Hindi mo siya napakilala sa amin kahit buong araw tayo magkasama."
"Ay oo nga friend. Napansin ko yan. Di mo nasabi name niya sa akin. At hindi mo rin nasabi kung bakit ang lutong ng 8 pack abs niya. Nako, dinilaan mo na ba 'yon?" tanong naman ni Hera sa akin.
Hinagis ko sa mukha ang notebook na hawak ko para manahimik siya. "His name is Knight, at 'di ko siya boyfriend. He's a friend." Sambit ko kay Hera.
"Friend daw pero sandal - sandal ng ulo sa balikat. Aysos, sinong binola mo.' Giit niya sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako. Hay, Kwangyeon... Diyos ko, mukhang mas mai-stress ako isipin kung ano kita kesa ang itago ang pagiging bampira mo.